Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 3

Kinabukasan naman, tulala si Lorraine sa buong maghapon at hindi makapag-focus sa kanyang portfolio.

"If we're not really meant for each other, sana naghiwalay na lang kami at sana hindi na lang siya namatay." Unti-unting pumatak ang mga luha niya at bumagsak iyon sa sketchpad na ginagamit niya para gumuhit ng designs. Mabilis namang pinunasan ni Lorraine ang kanyang luha. For her, walang puwang ang pagiging malungkot. She has to be independent and strong at all times. Kailangan pa niyang talunin ang bruhang si Loida na walang ibang gawin kundi siraan siya sa harap ng ibang tao. Naiinis siya na bigla pa niyang naalala ang yumaong boyfriend.

Buong tapang siyang tumayo at ipinusod ang buhok. Pagkatapos ay pinuntahan na niya ang talyer ni Grant. Kumpara kagabi, mas nabawasan ang excitement niya na makita ito. Ngunit bigla ring nanumbalik ang excitement nang makita niyang abala pa rin si Grant sa pag-aayos ng kanyang sasakyan. Hindi na nga nito namalayan ang kanyang pagdating.

"Kumusta? Maayos na ba ang kotse ko?"

Pansamantalang natigil si Grant sa pagkukumpuni at hinarap si Lorraine kahit puro grasa ang suot niyang damit.

"Oo patapos na. Sinabi ko naman na magte-text na lang ako kapag okay na eh. Hindi bagay sa'yo ang lugar na 'to. Madumihan ka pa," pakli naman ni Grant na medyo napapangiwi kapag pinagmamasdan ang suot ni Lorraine. Naka-high heels kasi ito at all white na blazer at slacks. Talagang hindi angkop ang porma nito sa kanyang talyer.

"Pantrabaho ko ang suot ko," she clarified.

"Alam ko. Nandito ka lang din naman, i-discuss na natin ang payment. Four thousand, lahat-lahat na 'yon kasama ang pyesa ng makina," sagot pa ni Grant.

"Ang mahal naman," angal ni Lorraine na napakunot din ang noo.

"Pero okay. I-send mo nga ang bank account mo para i-deposit ko na ang pera."

Matapos ang pagbabayad, nagpasya na rin si Lorraine na umuwi. Bigla siyang nakaramdam ng hiya habang sinusulyapan sa backseat si Grant. Siguro, iniisip nito na masyado siyang desperada siyang makipaglandian kahit walang label. At alam niyang nakakahiya ang bagay na 'yon.

"Matagal ka na bang single?" biglang tanong ni Lorraine.

"Oo, three years na rin," pakli ni Grant.

"Bakit kayo naghiwalay?"

"Magkaiba kami ng plano sa buhay. Breadwinner ako ng pamilya at struggling student noong naging kami. Pero siya, marriage na agad ang nasa isip. Palibhasa, medyo marangya ang buhay niya kumpara sa akin."

"Pwede mo naman siyang pakasalan. Assurance lang siguro ang hinihingi niya. Mahal mo naman siya 'di ba? Kung mahal mo, madali lang na pakasalan siya," opinyon naman ni Lorraine na kahit alam niyang offensive, pinili pa rin niyang sabihin.

"Saan naman ako kukuha ng funds pampakasal? Eh hirap pa nga akong makatulong sa pamilya habang nag-aaral eh. Siguro nasasabi mo 'yan dahil frustrated ka sa naging takbo ng past relationship mo," komento naman ni Grant at pinahalata niya ang bahagyang inis sa kanyang boses.

"Excuse mo lang ang financial aspect. Pero ayaw mo lang sigurong maging committed. Syempre, kung kasal ka na, hindi ka na makakapambabae," walang pakundangang sabi ni Lorraine.

"Hindi ako gaya ng ex mo," aburidong sambit naman ni Grant.

"Excuse me, do you know him para pagsabihan siya nang ganyan?" Napapreno tuloy nang 'di oras si Lorraine.

"Do you know me either?"

"Okay. Okay. I'm sorry. Hindi ko napreno ang bibig ko," paumanhin ni Lorraine.

"Ayos lang, basta naipreno mo ang sasakyan," tugon naman ni Grant.

"Ang bait naman pala niyang lalaki. At dahil dyan, plus points ka sa'kin. Rare na lang ang tulad mo na hindi nagti-take advantage ng ka-date." Hindi naman isinatinig ni Lorraine ang bagay na 'yon.

Within an hour, nakarating naman nang safe sina Lorraine at Grant. Niyaya niyang maghapunan sa unit niya ang binata dahil alam niyang hindi pa ito nagdi-dinner.

"Sorry sa mga nasabi ko, Grant. Hindi na mauulit," biglang dispensa ni Lorraine. Hindi niya kayang iwaksi ang tingin kay Grant hangga't sa napansin na nga siya nito. That situation seems awkward.

"Kung makatingin ka naman, parang kakainin mo ako nang buhay. Mag-dinner ka na lang din kaya dahil tapos na ako at pwede na akong umuwi," mungkahi ni Grant saka napalunok. Admit it or not, he felt the sudden thrill whenever he noticed Lorraine's gazes towards him.

"May sauce ka sa labi. Ito, oh." Kusang lumapit si Lorraine nang maigi ngunit para siyang na-hipnotize sa sunod na nangyari. Tila may bahagi ng kanyang sarili na nag-utos na lang sa kanya upang halikan ang binata kahit walang consent nito. Walang nagawa ang lalaking ito kundi ang tumugon sa galaw ng kanyang bibig.

"Pasensiya ka na. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Bigla kasing nagkaroon ng tanong sa isip ko kung anong feeling na may kahalikan pero hindi ko boyfriend? At sobrang attractive mo lang talaga sa paningin ko. Pasensiya na." Pinamulahan ng pisngi si Lorraine at umiwas ng tingin. Parang gusto na niyang magpalamon nang buhay sa lupa para hindi na siya makita ni Grant.

"Malungkot ka kaya mo 'to ginagawa, tama ba?" biglang tanong ni Grant. He had some short relationships with other women before and he just pleased them because they were all lonely and longing for affection.

Marahang pagtango lang ang nakuha niyang sagot kay Lorraine. Unti-unti niyang hinawakan ang mga kamay nito at lumipat sila sa silid at kalauna'y may namagitan na nga sa kanila at tila nakararing na sila sa alapaap.

Kinaumagahan ay biglang naalala ni Lorraine ang mahalagang gabi na namagitan sa kanila, eksaktong pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Ipinaramdam ng binatang ito sa kanya na nasa cloud 9 siya kagabi. She never knew that he could satisfy her just like that at hinding-hindi iyon mabubura sa kanyang isip at puso. Tila nakaukit ito sa kanyang kaluluwa. Sinulyapan din niya si Grant habang natutulog pa ito. Para pala itong anghel.

"Kailangan ko pa palang pumunta sa office," malungkot na sambit niya at nagbihis na rin ng damit. She took a shower for a while, habang natutulog pa rin si Grant sa malambot na kama.

"Muntik na siyang magulat nang magpakita si Grant pagkalabas niya sa shower room.

"Good morning Ms. Lorraine," matamis nitong pagbati.

"May pupuntahan ka ba ngayong araw? O may shift ka sa bar? Ihatid mo naman ako sa office," maawtoridad na sabi ni Lorraine at minabuting pag-igihan ang pagbalot sa sarili sa suot niyang bathrobe. Hindi na siya nakaramdam ng pagkailang kay Grant. Pakiwari niya, malaya siyang i-express ang kanyang sarili dahil hindi siya nito huhusgahan. For her, that kind of feeling was magical. Pangatlong araw palang mula nang magkita sila at kampante na siya rito.

"Utos ba 'yan?" diretsahang tanong ni Grant.

Mabilis na tumango si Lorraine. "Yup. Gusto kitang maging personal driver, maging bodyguard."

"Bakit naman?"

"Wala lang, I assume that you can be an all rounder. Pwede mo akong pakasalan or pwede rin na kahit ganito na lang, hindi committed pero pwedeng maglampungan," prangkang sagot ni Lorraine.

"Impulsive ka lang, miss. Nadadala ka lang ng kalungkutan pero sana, after last night, nabawasan ko kahit papaano," sabi naman ni Grant.

"Medyo malungkot pa rin ako, ewan ko ba. Siguro nagugutom ako, marunong ka bang magluto?" pakli ni Lorraine.

"Now, gusto mong ipagluto naman kita. Ang dami mong demands, hindi ko kakayaning makasama ka sa isang bubong," pag-amin ni Grant sabay iling.

"Fine. Maging magkaibigan na lang tayo. Okay?" Inilahad ni Lorraine ang palad niya para makipagkamay sa binata.

"Okay, friends na tayo. Pero syempre kapag magkaibigan, dapat open na sa isa't isa, right?" ani Grant.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro