Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 13 - Finale

"Ayan na pala si Ma'am Lorraine!" Unang napansin ni Aya ang paparating na dalagang minamahal ng kuya niya ngayon.

"Hi po, fan po ako ng L.Raine Fashion," masiglang bungad ni Aya kay Lorraine.

Nilakihan naman ni Lorraine ang pagkakangiti sa dalagita. "Salamat. Hindi ko akalain na may fan pala ako. At kapatid pa mismo ng boyfriend ko."

"Boyfriend?" Umarko ang kilay ni Grant dahil sa sinabi ni Lorraine. Napansin niyang maaliwalas na ang mukha nito at parang nagkaayos na yata sila ni Mrs. Loida.

"OMG? Ibig sabihin, pabebe lang pala itong kuya ko, ayaw pa niyang aminin na girlfriend ka niya. Pwede na po ba kitang tawaging ate kung gano'n?" excited na tanong ni Aya.

"Oo naman. Dahil magpakasal din naman kami ni Grant. Salamat sa support mo, huh. Makakaasa ka na gagabayan kita sa course na kinuha mo," Lorraine assured.

"Thank you—ate!" Napatili si Aya at niyakap si Lorraine. Habang si Grant, nahihiwagaan pa rin sa nangyayari.

Matapos ang event, nagpaalam na si Grant sa kanyang kapatid at pinauwi muna ito sa pamamagitan ng pag-book niya ng grab car. At ngayon, kasalukuyang hinatid niya muna si Lorraine pabalik sa office ng boutique nito. Mahalagang mas magkalinawan sila ni Grant. She guessed that this place is the best venue to fix things with him lalo na't may asikasuhin pa siya bago umuwi sa kanyang unit.

"Pakiulit nga 'yong sinabi mo, na boyfriend mo ako? Tama ba?" Si Grant na ang bumasag sa katahimikan nilang dalawa. Maingat na ibinaba niya muna ang mga mannequin at ibang kagamitan na dala ni Lorraine sa venue ng event kanina.

"Oo. Sinabi mo rin naman na girlfriend mo ako, in front of Mrs. Loida, hindi ba?" Naglaro ang nakakalokong ngiti sa labi ni Lorraine at unti-unting pinulupot niya ang mga braso sa leeg ng lalaking tinatangi niya ngayon.

"Alam ko na kilala mo ang mga lokong 'yon. Pero naiinis lang ako dahil wala ako sa court noong nag-testify ka sa kaso. Wala akong gana na humarap sa tao noong mga sandaling iyon. Kung alam ko lang sana noong una pa na kilala mo sila, 'di sana kita pinili sa Lovely Lovely Hearts."

"Pero, paano mo nalaman?"

"Nakita ko ang picture mo na kasama mo sila. Naiintindihan ko kung bakit itinago mo sa'kin ang bagay na 'yon. Pero hindi na ako galit. Dahil nanggaling na mismo kay Mrs. Loida na napatawad ka niya at hindi ka niya sinisisi. Humingi na rin siya ng tawad sa'kin pero hindi ko muna ikukwento ang lahat. Mas gusto kong magkaayos muna tayo."

"Does it mean, na hindi ka galit sa'kin? Na may label na tayo?" He was hoping for a favorable answer.

"Oo naman. Hindi mo alam kung gaano ako nahirapang tiisin ka. I guess, tadhana na ang gumawa ng paraan para sa'ting dalawa, Grant. Or maybe it's because of love at first sight. Noong makita kita sa LLH site, na-attract agad ako sa'yo. Ngayon, ayoko nang maraming kwento pa." Lorraine sounded like she's teasing him. Alam niyang hindi siya tatanggihan ng binata. Hinagkan nga siya nito nang marahan.

Lorraine simply closed her eyes and became more and more ecstatic as their kisses became deeper and more passionate.

"I love you," sabay nilang sambit sa isa't isa habang kinakapos ng hininga matapos ang pinagsaluhan nilang halik.



Wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro