Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Two

Pagdating sa bar na kanilang meet up place, hinanap kaagad ni Lorraine ang estrangherong katatagpuin. Natagpuan naman niya agad ito na kasalukuyang nagse-serve ng drinks ng mga customer. When she already saw him, pakiwari niya ay nasa ibang dimensyon kaagad siya. Parang tumigil ang oras. Parang na-magic siya all of a sudden.

"How could this guy be so effortlessly attractive? Itim na vest at puting polo shirt lang ang suot niya pero sapat na 'to para agawin ang pansin ko nang gano'n lang. Bakit kinakabahan ako ngayong gabi? Ngayon lang ako naging ganito ka-excited. Ngayon, tila nahipo ang puso ko na matagal nang nahihimbing simula nang pagpanaw ni Drew. Parang nag-iinit bigla ang katawan ko," sa isip-isip ni Lorraine at humingi na rin siya ng isang malamig na tubig sa waiter bago pa niya marating ang counter kung saan nakapwesto si Grant.

"Hi," tipid na bati niya sa binata.

"Ms. Lorraine?"

Tumalon sa tuwa ang puso niya nang mamukhaan siya ni Grant. "Pasensiya na, duty ko kasi kaya hindi ako naka-reply. Actually, hindi ko na inaasahan na pupuntahan mo ako dahil may event ka na pinuntahan."

"You don't have to apologize though, okay lang. Mag-o-order na lang ako ng maiinom habang naghihintay sa'yo. Okay?" nakangiting sagot naman ni Lorraine. Hinayaan siya ng binata sa gusto niyang mangyari at pinagsawa naman niya ang sarili sa pag-inom ng ladies drink na hindi naman masyadong nakakalasing.

Apologetic na pinuntahan siya ni Grant sa table matapos ang shift nito sa trabaho.

"Ms. Lorraine, gabi na rin ngayon. Sa tingin ko wala na tayong mapapasyalan. Ihahatid na lang kita sa bahay mo. I'm sorry if our first date would turn out like this. Hindi rin ako nakapaghanda. Besides, hindi na enjoyable na mamasyal ng 11pm," mapagpaumanhing saad naman ni Grant.

"Masyado kang pa-good boy. Didn't I tell you na hindi ko gustong mamasyal? Afford mo ba ang motel?" tahasang tanong ni Lorraine. Ngayong tumataas ang tension niya tuwing nakikita si Grant, mas lalo ring lumalala ang kuryosidad niya sa binatang ito.

"Sorry, but I'm not in the mood for some action. Hindi naman natin basta-bastang gagawin 'yon dahil kakakita pa lang natin," prangkang tugon naman ni Grant.

"Just say na hindi mo afford. Kaysa naman ang dami mo pang sinasabi," aburidong sagot naman ni Lorraine.

"Hindi ko pa afford. Hindi pa ako sumusweldo," sagot lamang ni Grant.

"Okay. It's nice meeting you," sambit naman ni Lorraine. Gusto niyang magpakipot sa binata ngunit mukhang wala naman itong planong habulin siya or mag-initiate ng way para masolo nila ang isa't isa. At iyon ang matinding dahilan ng kanyang pagkayamot.

"Kaya mo pa bang mag-drive?"

Halos tumalon ang puso niya dahil nasa likod pala niya si Grant. Akala pa man din niya, hindi na ito susunod.

"Oo naman. Hindi nakakalasing ang ininom ko," paglilinaw naman ni Lorraine. Pasakay na sana siya sa sasakyan sa mga sandaling iyon.

"Pwede bang makisabay sa'yo? Kahit ibaba mo lang ako dyan sa bandang terminal ng bus," walang kahihiyang tanong ni Grant.

"I thought you were perfect. Ang impressive pa naman ng profile mo pero wala kang kotse," medyo nayayamot na pakli ni Lorraine at hindi na sinalubong pa ang tingin ni Grant. Dahil kung sakaling magtagpo ang kanilang paningin, baka ora mismo, maging sunud-sunuran na siya rito.

"Well, may kotse ako noon pero kinailangan kong ibenta para sa pag-aaral ng kapatid ko," pag-amin ni Grant. "Wala kang mapapala sa'kin, wala rin akong mapapala sa'yo. So it's still nice seeing you. Mag-iingat ka na lang sa pag-uwi."

Hinayaan niyang talikuran siya ni Grant. Ngunit bigla niyang naisip na kung ngayon pa lang ay aayawan na niya ito dahil lang sa wala itong kotse, hindi niya malalaman kung anong pakiramdam na makaulayaw ito sa kama. Dahil hindi naman niya maitatanggi na sa simula pa lang nang makita niya ang profile nito, na-imagine na niyang may mamamagitan na agad sa kanila. Sa kabilang banda, parang naisip niya na may something sa binatang ito para i-keep.

"Well, ang gusto kong mangyari, dumaan ka muna sa place ko tapos dapat may mangyari," atat na sambit pa ni Lorraine.

"Masyado ka namang mabilis. Akala ko naghahanap ka ng seryosong relasyon sa matchmaking site na 'yon," may panghihinayang na komento ni Grant.

"Naghahanap ka rin ba ng seryosong relasyon? Really? Doon ka naghahanap? Kaya nga ako napadpad doon ay dahil lang bored ako. At natitiyak ko naman na halos lahat ng nag-sign up sa site na 'yon, panandaliang pleasure lang ang hanap."

"Well, to be honest, kaya lang naman ako nag-sign up eh dahil sa pagbabakasakaling makahanap ng matinong trabaho eh. Makikipag-date ako para magkaroon ng koneksyon. Kung papayag ka naman, pwede kitang i-date tapos bigyan mo ako ng trabaho," diretsong tugon ni Grant.

"Okay, gagawin kitang model ko. Fashion designer nga pala ako, Lorraine Valdez ang pangalan ko. I don't know if I'm familiar to you, pero medyo matunog na rin ang pangalan ko," pagpapakilala naman ni Lorraine sa kanyang sarili.

"Well, hindi kita kilala," pakli naman ni Grant.

"Hindi mo naman pala ako kilala, mas mabuting maghiwalay na tayo ng landas," kunwari'y napipikong sambit ni Lorraine.

"Hep hep! Dahil lang doon? Akala ko pa naman, gusto mong may mangyari sa'tin," habol naman ni Grant.

Bigla namang may sumilay na mapaglarong ngiti sa mga labi ni Lorraine. "Wow, hinahabol mo ako. Does it mean na game ka for a one night stand?"

"Oo naman."

Ngunit hindi pa man din sila nakararating sa patutunguhan, biglang napahinto sa pagmamaneho si Lorraine.

"Nasiraan yata ako." Napabuga siya ng hangin at sumulyap kay Grant.

"Mekaniko ka naman, 'di ba?"

Mabilis na tumango si Grant. "Pero may tools ka naman ba? Hindi ko dala ang sa'kin eh."

"Unfortunately, wala. At hindi rin ako marunong mag-troubleshoot. I just got my license last year," pag-amin ni Lorraine.

"Dalhin natin sa talyer ko. That's the best thing na pwedeng gawin," suhestyon ni Grant.

"Wala na bang ibang pwedeng gawin? Talyer agad?"

"Wala nga akong gamit, 'di ba?"

"Fine." Nagpatianod na lang si Lorraine. Napurnada pa ang pinakahihintay niyang mangyari dahil sa pagkasira ng kanyang kotse. But at least, may rason pa rin siya para makitang muli si Grant. Sa kabilang banda, nahihiwagaan siya sa pagiging mailap ng binatang ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro