Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Six

“Anak, kumusta ang bakasyon?”

Sinalubong ng yakap si Grant ng kanyang inang si Aling Merly.

Alanganin siyang ngumiti. "Okay naman Ma. Naidaos naman nang maayos ang reunion ng mga dati kong kababata. Nakapamasyal din," pagsisinungaling niya. Sa loob ng isang buwang bakasyon noong nakaraang buwan, parang wala naman siyang masyadong ginawa maliban sa pagsa-sideline bilang mekaniko. Before, he also had to do a very confidential job na hindi pwedeng malaman ng kanyang nanay at ng nakababatang kapatid. Mabuti na lang at natakasan na niya ang bagay na ‘yon.

"Hindi mo nakita ang mga kaibigan mo na lagi mong nakaka-bonding noon? Lalo na ‘yong mga bad influence? Sana, hindi," malumanay na saad ni Aling Merly. Inaasahan na ni Grant ang sunod-sunod na tanong ng ina patungkol sa taong iyon kaya nakahanda na rin siya sa isasagot.

"Hindi ko sila nakita. Siya nga po pala, nag-extra extra din ako para magkapera habang nagbabakasyon. Maibabangon na natin ang talyer na pamana ni Tatay since nabuksan ko na ulit last month."

Lumapad nang husto ang ngiti ni Aling Merly. "Anak naman, hindi mo na dapat pinagod ang sarili mo. Di ba nga nagpunta ka sa probinsya para magbakasyon? Masyado kang mapagbigay sa amin. Sana iniisip mo rin ang paghahanap ng mapapangasawa."

"Nay, hindi nga ako mag-aasawa. Gusto ko lang na pagsilbihan kayo," tugon naman ni Grant at muling niyakap ang ina.

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagsalo-salo sila sa simpleng hapunan kasama ang nakababatang kapatid ni Grant na si Aya.

"Kuya, balak ko talagang mag-fashion designer. Payag ka na ba na kumuha ako ng course na 'yon?" tanong ni Aya sa kanyang kuya na seryoso sa pagkain. Napatango na lang si Grant, na-realize din niya na wala naman siyang karapatan na kontrahin ang kanyang kapatid kahit noo'y hindi siya payag dahil mahal ang pag-enroll sa napili nitong kurso.

"Tumango ka, ibig sabihin payag ka na?" patiling tanong ni Aya.

"Dapat kang tumulong sa pagbayad ng tuition. Mag-part time job ka," suhestyon naman ni Grant.

"Oo naman kuya! Natanggap na nga ako sa convenience store na malapit sa kabilang kanto eh," pagmamalaki ni Aya. Kung alam lang sana ng kuya niya na sobra siyang nagagalak dahil sa wakas, hindi na nito ipipilit ang ibang kurso para sa kanya.

"I guess, nakatulong na magpabago ng puso ni Kuya simula nang magbakasyon siya. Kailangan lang pala talaga niya ng bakasyon para hindi na siya magsungit," pambubuska ng kapatid.

Tipid lang na ngiti ang sagot ni Grant. Pansin ng nanay at kapatid niya ang pagbabago ng kanyang mood. Bigla niya ring naalala si Lorraine na isang buwan din niyang hindi nakausap. Something that reminds him about Lorraine is the course she took that his sister has mentioned. Kahit papaano, may bahagi pa rin ng kanyang damdamin na naka-miss sa dalaga kahit alam niyang dapat niya itong hindi na kausapin pa.

"Bakit kuya Grant? Hindi ba masarap ang luto ko?" untag ni Aya nang mapansin ang di mawaring dahilan ng pagtahimik ni Grant. Nakakapanibago lang dahil madaldal naman ang kuya niya at laging may pasalubong na kwento kapag umuuwi.

"Akala ko ba okay na sa'yo yung course ko?"

Marahang binitiwan ni Grant ang hawak niyang kutsara. "Medyo sumama lang ang pakiramdam ko Aya, walang kinalaman ang kurso mo."

“Mabuti pa't magpahinga ka na lang muna. Okay? Bukas ka na bumalik sa bahay na tinutuluyan mo,” suhestyon ni Aling Mercy sa kanyang panganay na anak.

“Opo.”

Matapos ang dinner, nakapagpahinga rin si Grant. Naisip na naman niya si Lorraine ngunit nahihiya naman siyang makipag-usap muli dahil parang gh-in-ost niya ito nang bigla siyang magpunta sa probinsya para asikasuhin ang mahalagang bagay na makakapaglinis ng kanyang pangalan. Ginawa rin niya ang pansamantalang paglayo para makapag-isip kung itutuloy pa rin ba niya ang pakikipag-communicate kay Lorraine. Dati kasing may kinasangkutang krimen si Grant dahil na rin sa dati niyang mga kabarkada. Iwinaksi niya ang pag-alala sa bagay na may kinalaman sa past niya at minabuti na lang na mag-text kay Lorraine. Hindi niya kayang dayain ang sarili na hinahanap-hanap niya rin ang dalaga.

“Hi. I'm sorry for not being able to communicate. Maraming nangyari. Sana hindi ka na malungkot at nasa mabuti kang kalagayan,” sabi pa niya sa text message na binasa niya muna nang paulit-ulit bago i-send. Ngunit sa kabilang banda, naisip niya na naman na hindi niya pwedeng maging nobya si Lorraine. Bukod sa magkaiba nilang katayuan sa buhay, may mas malalim pa na dahilan kung bakit ayaw na sana niyang ma-involve sa dalaga. But honestly, hindi na rin niya kayang pigilan ang nararamdaman niya para rito. Sa una'y humanga lang naman siya sa katangian at ganda ni Lorraine, pero napagtanto niya na hinahanap-hanap na rin pala niya ito at gusto na ring masilayan.

“Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na ‘yon,” malungkot na bulong niya sa kanyang sarili.

***

Samantala…

Napabalikwas naman si Lorraine nang tumunog ang kanyang cellphone. It's been a month since hindi na nagparamdam si Grant sa kanya. Minumura na nga niya ito sa kanyang isipan dahil feeling niya, naging unfair ang binata sa kanya. Akala pa man din niya, si Grant ang tipo ng lalaki na madaling makipag-fling sa mga babae. But he proved her wrong when he ghosted her. Sa katunayan, umaasa pa rin siya at talagang na-miss nga niya ito. Sa loob ng isang buwan na hindi na sila magkausap, lalo niyang napatunayan na it's more than lust. She's willing to be committed to him, kahit pa humantong sila sa pagpakasal, ayos lang sa kanya. Gano'n na pala katindi ang pagka-miss niya kay Grant.

“Himala. Nabuhay ka,” reply niya sa text message.

“Pasensiya na. Inayos ko lang ang buhay ko. Sorry nawala ako. Pero panatag na ako ngayong nag-reply ka na. Goodnight,” reply naman ni Grant.

Napangiti na nga lang si Lorraine at nag-isip pa ng magandang reply. Ngunit biglang naging malikot ang utak niya sa mga sandaling iyon.

“Kailangan mong bumawi sa'kin.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro