Seven
Pagkabukas ni Grant sa cellphone ay tadtad ng mensahe galing kay Lorraine ang natanggap niya. Simula ngayon, pumayag siyang maging utusan nito para naman daw makabawi siya.
"Grant, may leak ang gripo. Paano ba ito? Sasabihin ko ba sa admin ng unit ko? O baka naman kaya mo na itong ayusin."
"Grant, makikisuyo sana ako na bumili ka ng toiletries ko. Bili ka na rin ng makakain. Okay?"
"Grant..."
Isa pang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Grant bago i-dial ang numero ni Lorraine.
"Grant, sa wakas tumawag ka na. Nabasa mo ang texts ko?" bungad ni Lorraine sa kanya.
"Oo, bukas ng umaga susubukan kong puntahan ka. Matulog ka na. Naipamili ko na rin ang kailangan mo bago ko pa nabasa ang messages mo," malamig na tugon ni Grant.
"Salamat talaga sa tulong mo. Ay, bakit pala ako magpapasalamat? Ikaw nga pala ang bumabawi sa'kin," natatawang pakli naman ni Lorraine.
"Sige na, matutulog na ako."
Naunahan pa niyang magbaba ng phone si Lorraine. He lean himself on his bed. Malapit nang maghatinggabi. Nang igawi niya ang tingin sa nakasiwang na bintana, nakita niya ang maliwanag na buwan. That moonlight view occupies a large place in his heart. It reminds him of something special—his dreams, success and failures in life.
“Sana hindi na lang ako naging mapanlamang sa kapwa, hindi sana nangyari ang bagay na ‘yon kay Lorraine. Kasalanan ko ito, at kailangan kong bumawi sa kanya. Kung tutuusin, maaring isa ako sa mga dahilan kung bakit namatay ang nobyo niya, kung bakit siya malungkot ngayon at kung bakit siya tinatapunan ng paninirang-puri ng mga magulang ng nobyo niya,” hinaing pa ni Grant at hindi na nga niya napigilan ang pagluha habang nakatingala sa ulap.
Sa isang iglap, biglang nag-flashback sa kanya ang pangyayari, 5 years ago…
"Ayoko na pong sumama sa inyo Sir, hayaan n'yo na po kaming magbagong-buhay." Humahagulgol ang binatilyong si Grant at nakaluhod sa harap ni Mr. Rome, ang kanyang boss na lider ng isang notorious na scamming group sa bansa.
"Hinding-hindi ka makakaalis Grant nang walang ganti. Matapos nating magawa ang misyon saka ka aayaw?" pasinghal na tanong sa kanya ni Mr. Rome bago siya undayan ng malalakas na suntok at sipa na nagpatinag sa kanyang pagkakaluhod.
"Hindi ko na po kaya Sir, magsisilbi na lang po ako sa ibang paraan pero hindi sa ganito. Hindi na po ako pinatutulog ng konsensiya ko," pagmamakaawa ni Grant.
"Gano'n ba? Paano kita mapagkakatiwalaan? Eh may nalalaman ka na sa transaksyon ko sa negosyo? Kailangan mong sumama sa gagawing operasyon ng grupo mamayang gabi. Kailangang ma-kidnap ang anak ni Madam Loida at mahuthutan natin siya ng pera." Nagpakawala ng malademonyong tawa si Mr. Rome kay Grant at pinakaladkad na nga ang binata sa mga tauhan nito.
"Pakiusap..."
Wala siyang narinig na tugon mula sa nanggagalaiting amo. Sa halip ay muli siya nitong inundahan ng suntok at tadyak at nakitulong na rin sa pagbugbog sa kanya ang mga tauhan na tila natutuwang manakit ng kapwa. Hangga't sa nanlabo ang kanyang paningin at namanhid ang buo niyang katawan dahil sa sakit.
Walang nagawa si Grant kundi sumama sa planong pag-kidnap sa mayamang anak ng isang Fashion designer na si Drew Santillan. Nagsilbi siyang lookout nang mga sandaling iyon ngunit hindi rin kinaya ng konsensiya ni Grant ang posibleng maganap kaya tumawag siya ng mga pulis nang palihim. Pinaalam niya sa mga ito na sinabotahe ang kotse ni Drew para maantala ang byahe nito at magtagumpay ang grupo na kinabibilangan niya sa pag-kidnap sa lalaking ito.
Saktong palabas na si Drew sa office ng kompanya. Huminto siya saglit at may tinawagan sa phone nito.
“Sweety, sige papunta na ako sa date natin,” dinig ni Grant na sinabi iyon ni Drew. Siguro, girlfriend nito ang kausap nito sa mga sandaling iyon. Pagkaalis nga ni Drew,
Pinasundan ni Grant si Drew sa mga pulis para mapigilan ang pagkidnap dito. Naging matagumpay naman ang pagpigil sa plano ng grupo ngunit dahil na rin sa pakikipaghabulan ng mga balak kumidnap kay Drew at sa pagsabotahe sa kotse nito, naganap pa rin ang nakatakdang maganap. Naaksidente nga ito at dead on arrival na sa ospital.
(End of flashback)
Ang bagay na inalala lang ni Grant ay napanaginipan na rin niya. Pinagpapawisan siya ng malamig kapag napapanaginipan ang pagkamatay ni Drew. Napabalikwas tuloy siya sa kama bumangon na lang kahit alas sais pa lamang ng umaga. Sandali niyang tiningnan ang phone niya para ma-check kung nag-text na sa kanya si Lorraine. Hindi nga siya nagkamali ng akala, may iilang messages na pala ito sa kanya.
“Anong oras ka pupunta?” tanong ni Lorraine sa text.
Kaagad naman siyang nag-reply sa message.
"Hindi ka man lang ba babati ng good morning? Medyo na-badtrip kasi ako nang mabasa ko ang message mo. Demanding ka pa rin."
"Pasensiya na. Hindi na mauulit, good morning." May kasama pang emoji na blushing smiley face at puso ang text ni Lorraine.
Napaangat naman ang kilay ni Grant reply ni Lorraine. Aminin man o hindi, kahit papaano'y natutuwa siya kung paano nag-aadjust sa pag-uugali niya ang dalaga. Na marunong na itong magpakumbaba, hindi gaya noon. Imbis na reply-an pa, dumiretso kaagad siya sa kusina at naghagilap sa ref ng mga pwedeng lutuin para ihatid kay Lorraine.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro