One
“Perhaps this website, Lovely Lonely Hearts will help to ease your heartache. What exactly are you waiting for? Sign up right now!”
Matagal nang nakatanga si Lorraine sa desktop computer at hinihintay na lamang niya ang verification ng account niya sa isang matchmaking o dating site na ‘Lovely Lonely Hearts.’ It’s been five years since his late fiance passed away and that’s the main reason why she’s in deep sorrow. Matagumpay ang career niya bilang isang fashion designer na nagmamay-ari ng L. Raine Fashion na isa sa mga umuusbong na fashion brand.
“Ayun, verified na!” Sa kabilang banda, parang nakaramdam siya ng excitement sa ginawa niyang account. Marami mang nagpaparamdam sa kanya, hindi pa rin siya makahanap ng matitipuhan niya na katulad ng namayapa niyang nobyo na si Drew Santillan. At isa pa, nag-sign up lang din siya sa Lovely Lonely Hearts nang walang pagbabaka-sakali na magkakaroon siya ng seryosong relasyon. Maybe it’s just all for fun dahil malungkot siya.
“21, 23, 19, 24,” banggit niya sa edad ng mga natipuhan niya sa site pero sa kabila ng maganda nilang profile at good looks, alangan naman ang mga edad nila para kay Lorraine.
“Bakit ang babata ng mga nasa site na ‘to? 30 na ako. Wala bang five years younger man lang?” reklamo niya at mas hinabaan pa ang pasensya sa paghahanap ng ka-match. Hangga’t sa napadpad na nga siya sa profile ng isang lalaking nagngangalang Grant Elizalde. Maybe it was love at first sight because she was stuck in his profile. Napanganga rin siya sa pictures nitong naka-post.
“Totoo ka ba? Hindi ka ba poser?” hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Kaya naman minadali niya na contact-in ang number ng lalaking ito.
“Hey, nakita ko ang profile mo sa Lovely lonely Hearts, pwede bang makipag-meet up kung totoo ka talaga?” sabi niya sa text.
“G. Gusto mo video call?” basa niya sa reply ng binata.
Tumingin muna sa paligid si Lorraine para masigurong nakauwi na ang lahat ng staff niya sa office. At nang makumpirma niyang siya na lang ang natitira, mabilis siyang nag-reply kay Grant.
“Sige.”
Mabilis na tumawag sa kanya ang lalaking ito at tila dumagundong nga ang puso ni lorraine nang makita niya ang itsura ni Grant.
“See? Hindi ako poser,” nakangiting bungad ni Grant.
“Magkita tayo asap,” biglang sagot naman ni Lorraine, keeping a straight face.
“Parang nakakatakot ka. Hindi ka ngumingiti,” alanganing komento ni Grant.
“Pasensiya na. I was a bit nervous. Okay? Magkita tayo.” Biglang ibinaba ni lorraine ang phone at napahawak sa kanyang dibdib.
“Siya na nga. Gosh, ang attractive niya…”
***
"She still can't let go of her dead fiance because she is haunted by guilt, not because she still loves him."
Sawang-sawa na si Lorraine sa mga paratang ng supposed to be in-laws niya. Kahit nasa public event sila, hindi pa rin siya tinatantanan ng mga ito ng pasaring, lalo na ang ina ng dati niyang nobyo na si Mrs. Loida. No choice naman siya kundi ang um-attend sa isang fashion event dahil sa propesyon niya bilang fashion designer at may-ari naman ng isang luxury fashion brand company ang magulang ng namayapa niyang nobyo. Napakaliit ng mundo para sa kanila at kahit na iniiwasan niya na makasalamuha ang mga ito, hindi niya pa rin matagumpayan.
“Hey, are you blind? Why can't you greet me? I'm the organizer of this event, I'm the mother of your fiance,” untag ni Mrs. Loida na halatang uhaw na uhaw sa pagkilala ni Lorraine sa mga sandaling iyon.
“Anong gusto n'yo, tita? Lumuhod pa ako sa inyo at halikan ang mga paa ninyo? Ayoko lang talaga ng gulo kaya hindi ako nakikipagtalo sa inyo at isa pa, very inappropriate ang lugar na ito sa isang petty catfight. Kaya kung mamarapatin ninyo, sa labas na lang tayo ng venue magpasaringan,” lakas-loob na tugon naman ni Lorraine.
“Napakabastos mo. Buti na lang hindi kita naging daughter-in-law, walang-wala ka sa kalingkingan ni Rachel,” inis na tugon naman ni Mrs. Loida na tinutukoy ang asawa ng isa pa niyang anak na lalaki.
“Kung hindi lang namatay si Drew, matutuloy pa rin ang kasal namin. At pwede po ba, itigil n'yo na ang paninisi sa'kin tungkol sa pagkamatay niya dahil aksidente lang naman iyon,” paglilinaw pa ni Lorraine.
“Kesehodang aksidente o hindi, nagulo pa rin ang buhay ng anak ko dahil sa'yo! Isa kang useless woman with an empty brain!” akusa naman ni Mrs. Loida at halos nagpigil lang ng sarili si Lorraine upang huwag masampal ang matanda sa kanyang harapan.
Napakuyom na lang ang mga palad ni Lorraine at siya na lang ang umalis sa harap ng ginang. Kung hindi lang nakasalalay ang career niya sa fashion event na ito, malamang ay hindi na niya ito dinaluhan pa. Matapos ang fashion show ng kanyang mga design, nauna na rin siyang umuwi at hindi na tinapos pa ang bidding. For sure, wala namang bibili ng mga disenyo niya dahil gagawin naman ni Mrs. Loida ang lahat para lang maging kulelat siya sa gabing ito.
“Aimee pakisabihan na lang ang organizer na uuwi na ako. Masama talaga ang pakiramdam ko kanina pa,” bulong ni Lorraine sa kanyang assistant na si Aimee.
“Okay, madam. Mag-iingat ka sa pagda-drive. Okay?” paalala naman ni Aimee.
“By the way, iko-consider ko na lang ang sinabi mo. I think, kailangan ko nang maghanap ng makaka-date sa isang matchmaking site na sinabi mo. May nakita na akong profile na nagustuhan ko. Gwapo siya, model material din. Kung magma-match kami, pwede ko naman siyang kuning model,” saad naman ni Lorraine. Bigla na lang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang maalala niya ang itsura ng lalaking tinutukoy niya na natipuhan niya kaagad.
“Pero madam, to see is to believe. Kaya sana makipagkita ka agad sa kanya,” payo naman ni Aimee.
“Of course, iyon ang gagawin ko pagkatapos nito,” pakli ni lorraine, hindi na niya intensyon na ipaalam kay Aimee na nakausap na niya si Grant via videocall. Kilala naman niya ang assistant bilang taklesa.
“OMG, hindi nga, madam? Sa wakas madidiligan ka na! Kailangan mo ‘yan kahit single ka!” patiling bulalas naman ni Aimee sa kanyang boss.
“Pwede ba, huwag kang maingay baka may mga taga-media na makarinig sa'yo. I have to go, kapag hinanap ako ng organizer, pakisabi na lang na masama ang pakiramdam ko. Okay?” Bahagyang nakurot ni Lorraine sa braso si Aimee at pinandilatan pa niya ito ng mga mata nang talikuran niya ito.
His name is Grant Elizalde. Nakapagtapos ito ng kursong Bachelor Of Communication Arts, 25 years old, at kasalukuyang nagtatrabaho bilang part time mechanic at bartender sa Makati. Curious siya sa career ng binatang iyon dahil napakalayo naman kasi ng trabahong pinasok nito at sa kursong natapos nito.
“He should have been working in a television network right now. But I know, everything has a reason. Kaya gusto ko na talaga siyang kilalanin.” Umabot hanggang tainga ang ngiti ni Lorraine habang nagmamaneho ng kanyang high end na sasakyan. Ang talagang rason kung bakit gusto niyang may makilala ay nagsasawa na siya sa kanyang pag-iisa. She felt bored and she's really curious about the feeling of being touched and loved by someone. O baka dahil hindi pa niya naranasang makipag-sex. She felt the need for it. At sa tingin niya, kayang ibigay iyon ng lalaking si Grant.
“Kung sakaling magkita man kami, ayoko nung maraming paliguy-ligoy. Gusto kong mag-check in na kami agad sa hotel. ‘Yon ay kung afford niya.” Hindi maalis ang ngiti niya sa mga sandaling iyon. Habang nakatigil ang kanyang sasakyan dahil sa stoplight, kinuha niya ang pagkakataon na makapag-spray ng pabango at makapag-retouch kahit kaunti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro