Fourteen
“Chest: 35.”
“Waist: 29.”
“Hip:37.”
Nawala ang hindi maipaliwanag na tensyon nang matapos na si Lorraine na sukatan si Grant. Pansamantala siyang dumistansya sa binata para isulat ang measurements niya.
“Sandali lang, huh. Hindi pa tapos ang pagsusukat ko sa’yo,” pakli niya nang hindi tumitingin kay Grant. Huminga muna siya nang malalim bago niya haraping muli si Grant. She made eye contact with him for five seconds. Pagkatapos ay pinulupot niya sa leeg ng binata ang hawak niyang tape measure. At that moment, Grant knew that there was something wrong with Lorraine. Ramdam na ramdam niya ang panlalamig nito kahit nagsasalubong lang ang kanilang tingin.
“Neck: 15,” pakli ni Lorraine. Bahagya naman niyang iniangat ang braso ni Grant para sa arm hole depth measurement.
“Arm hole depth: eight and a half.”
Pagkatapos ay umikot na si Lorraine at iniayos ang postura ng binata. Itinapat niya naman sa balikat ang tape measure. “Shoulder, five and one fourth.”
“Across back: 17”
“Okay na.” Pineke ni Lorraine ang ngiti nang iangat ang tingin kay Grant.
“Salamat nga pala sa dinner, pero mamaya ko na lang kakainin. Medyo marami pa kasi akong gagawin,” pagpapatuloy niya na lubos namang ipinagtaka ni Grant.
“Bakit naman mamaya pa? 6 pm na,” nagtatakang sambit naman ni Grant. “Ngayon ka na mag-dinner, hindi ako uuwi hangga’t hindi ka pa kumakain.”
“Pwede ba? Hindi naman kita boyfriend, ‘wag kang demanding,” saway pa ni Lorraine at nag-poker face pa.
“Pero kaibigan mo naman ako, ‘di ba? Ganito ang concerned na kaibigan, Ms. Lorraine
“Walang kaibigan na nagtatago ng sikreto,” sagot naman ni Lorraine. Napamaang lang si Grant. He quickly had a suspicion na alam na ni Lorraine ang involvement niya sa mga kaibigan niya na naging dahilan ng aksidente ni Drew. Napaatras na lang siya.
“Okay. Sige, uuwi na ako. Pupunta na lang ako nang maaga bukas sa venue. Bye,” malungkot na paalam ni Grant. At wala siyang kamalay-malay na pag-alis niya sa office, sinundan pala siya ni Lorraine hangga’t sa makalabas na siya at pumara ng jeep. Kusang tumulo ang luha sa mga mata niya nang tuluyang mawala na ang binata sa kanyang paningin.
“Diyos ko, mahal ko na yata talaga siya…”
***
Naging matagumpay naman ang event na dinaluhan ni Lorraine. Maganda rin ang kinalabasan ng pagmomodelo ni Grant at napahanga na naman siya ng binata dahil kinaya nitong rumampa nang maayos at humarap sa maraming tao. Nakita rin niya kung gaano ka-proud ang nakababata nitong kapatid na si Aya.
“Madam, siya ba ‘yong nahanap mo sa Lovely Lonely Hearts website?” maintrigang tanong naman ni Aimee habang nanonood pa rin sa ibang modelo na rumarampa pa sa stage.
“Oo. Saglit lang din siyang tinuruan kung paano maglakad. In fairness, nakaya naman niya. Hindi ko akalaing mas charming pa pala siya,” sagot naman ni Lorraine na naghuhumiyaw na sa saya ang puso niya sa mga sandaling iyon. Gusto nga niyang ipagsigawan kung gaano siya ka-proud sa lalaking hindi naman niya matuturing na boyfriend kahit pa ilang beses na rin nilang ginagawa ang mga bagay na tanging magkasintahan lang ang gumagawa. She just kept her straight face while talking to her assistant.
Nasira nga lang ang mood niya nang makita na nasa event din pala si Mrs. Loida. Talagang lumapit pa ito sa kanyang pwesto.
“Hindi ako makapaniwalang pati ang puchu-puchung event na tulad nito ay pinatulan mo pa.” Pagak na natawa si Mrs. Loida at pinakatitigan niya si Lorraine, mula ulo hanggang paa. “Pero gusto kitang kausapin muna, hija.”
Napilitan tuloy na tumayo si Lorraine sa kinauupuan para labanan ang ginang na walang pakundangan sa pagpapasaring nito.
“Hey, madam. Nandito ako para sa trabaho. Hindi ako naghahanap ng gulo pero heto kayo, lumalapit kayo sa'kin para insultuhin ako. Gusto n'yo bang i-crucify na lang ako o kaya nama'y ipakulam para matahimik na kayo? Palibhasa, hinahayaan ko lang kayo na insultuhin ako dahil malaki ang respeto ko sa inyo. Pero this time, hindi ko na kaya. Wala na akong pakialam kung mapahiya pa ako. Pero gusto ko lang sabihin na hindi ko kasalanan kung bakit namatay si Drew!”
Mabuti na lang at medyo malakas ang background music ng event kaya hindi sila masyadong nakaagaw ng pansin. Samantala, napansin ni Grant na kinokompronta ni Mrs. Loida si Lorraine at mukhang may girian na nga ang dalawa. Kahit alam niyang wala siyang karapatan na panghimasukan ang personal na buhay ni Lorraine, hindi naman niya kakayanin na maliitin ito at bastusin. At this moment that he's slowly approaching them, his feelings for Lorraine were more than lust. Right now, he's determined to protect her at all cost, even if he has nothing.
“Excuse me, kung may problema kayo sa girlfriend ko, pwede po bang huwag n'yong dalhin sa ganitong event?” Magalang at kalmado pa rin si Grant nang mamagitan siya kina Mrs. Loida at Lorraine.
Napamaang naman ang ginang matapos na salubungin ang tingin ni Grant. Pagkatapos ay kusa na lamang na nangilid ang mga luha sa mata niya.
“You? I was looking for you. Ikaw nga,” nahihikbing bulalas ng ginang.
Sandaling napaatras naman si Grant saka umiwas ng tingin. Maski si Lorraine ay labis na ring nagtaka dahil mukhang kilala ni Mrs. Loida si Grant.
“Ikaw ang dahilan kung bakit natigil ang attempted kidnapping sa anak ko. Hindi ba? You tried to save him, isinumbong mo ang plano ng gang para kay Drew. But still, hindi pa rin nakaligtas si Drew sa aksidente. You know that I'm not blaming you for his death. Dahil sa ginawa mo, nalaman namin na may nagtatangka talaga sa buhay ng pamilya namin. Grant Elizalde, I know how good you are.”
Lalong lumakas ang paghagulhol ni Mrs. Loida at napayakap kay Grant. “Pinahanap kita dahil gusto kitang pasalamatan.”
Lorraine was also in tears upon seeing them. Bakit si Grant, napatawad ng ginang? Samantalang siya na girlfriend lang at walang kinalaman sa mga kaibigan ni Grant na nagpahamak kay Drew ay halos isumpa na siya hanggang kamatayan?
Hindi na niyakap ni Grant pabalik ang ginang. He wasn't sure if she's sincere o nagpapakitang-tao lamang. Huminga siya nang malalim at dumistansya kay Mrs. Loida.
“Bakit napatawad n'yo ako, samantalang si Lorraine, hindi? Bakit sa kanya n'yo isinisisi ang lahat?” pagkwestyon ni Grant.
“Will you just give me time to talk to her?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro