Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Five

At pagkatapos ay biglang naalala ni Lorraine ang mahalagang gabi na namagitan sa kanila, eksaktong pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Nagsasabi lang siya ng totoo. Si Grant ang unang lalaking naka-sex niya. At kahit ilang beses niyang itanggi, hinding-hindi niya kayang lokohin ang sarili niya. Ipinaramdam ng binatang ito sa kanya na nasa cloud 9 siya kagabi. She never knew that he could satisfy her just like that at hinding-hindi iyon mabubura sa kanyang isip at puso. Tila nakaukit ito sa kanyang kaluluwa.

Umupo siya saglit at pinagmasdan ang sikat ng araw. She tried to forget about their intimate moment but his kiss and touch still lingers on her body. Still, she can imagine every detail on how he took her without hesitation. Sinulyapan din niya si Grant habang natutulog pa ito. Para pala itong anghel. 

“Kailangan ko pa palang pumunta sa office,” malungkot na sambit niya at nagbihis na rin ng damit. She took a shower for a while, habang natutulog pa rin si Grant sa malambot na kama. 

“Muntik na siyang magulat nang magpakita si Grant pagkalabas niya sa shower, half naked pa ito  at ngumisi pa sa kanya.

"Good morning Ms. Lorraine," matamis nitong pagbati.

“May pupuntahan ka ba ngayong araw? O may shift ka sa bar? Ihatid mo naman ako sa office,” maawtoridad na sabi ni Lorraine at minabuting pag-igihan ang pagbalot sa sarili sa suot niyang bathrobe. Hindi na siya nakaramdam ng pagkailang kay Grant. Pakiwari niya, malaya siyang i-express ang kanyang sarili dahil hindi siya nito huhusgahan. For her, that kind of feeling was magical. Pangatlong araw palang mula nang magkita sila at kampante na siya rito.

“Utos ba ‘yan?” diretsahang tanong ni Grant.

Mabilis na tumango si Lorraine. “Yup. Gusto kitang maging personal driver, maging bodyguard.”

“Bakit naman?”

“Dahil magaling ka kagabi. I bet you can be an all rounder. Pwede mo akong pakasalan or pwede rin na kahit ganito na lang, hindi committed pero pwedeng maglampungan,” prangkang sagot ni Lorraine.

“Impulsive ka lang, miss. Nadadala ka lang ng kalungkutan pero sana, after last night, nabawasan ko kahit papaano,” sabi naman ni Grant.

“Medyo malungkot pa rin ako, ewan ko ba. Siguro nagugutom ako, marunong ka bang magluto?” pakli ni Lorraine.

“Now, gusto mong ipagluto naman kita. Ang dami mong demands, hindi ko kakayaning makasama ka sa isang bubong,” pag-amin ni Grant sabay iling.

“Fine. Maging magkaibigan na lang tayo. Okay?” Inilahad ni Lorraine ang palad niya para makipagkamay sa binata.

“Lorraine Valdez, 30, fashion designer, single, insured, may sapat na ipon. Virgin—kagabi.”

Natatawang inabot ni Grant ang kamay ng dalaga. “Nabasa ko na ang tungkol sa’yo sa Lovely Lonely Hearts Site, pero hindi lang nakalagay do’n na virgin ka. But I think you’re not lying. Hindi naman mahalaga ang bagay na ‘yon para sa’kin.”

“Okay, friends na tayo. Pero syempre kapag magkaibigan, dapat open na sa isa’t isa, right? Mamaya punta ka sa bahay ko malapit sa talyer,” ani Grant.

“Malawak ba do’n? Mas komportable bang makipag-sex doon?” tahasang tanong ni lorraine, while keeping a straight face.

“Hindi ko alam. Wala pa akong dinadalang babae sa bahay ko. Ikaw pa lang—na kaibigan ko,” sagot naman ni Grant. Nagsasabi lang siya ng totoo.


***


Excited si Lorraine na magpunta sa bahay ni Grant. Kanina lang, talagang na-miss niya ito kahit magkasama naman sila kanina. She might end up lonely if she won’t see him tonight. Hindi niya alam kung dala lang ba ng bugso ng damdamin ang lahat. Ngunit alam niya sa kanyang sarili na worth it si Grant, regardless of his social status.

Pinagbuksan naman agad siya ng binata ng pinto matapos niyang katukin iyon.

“Seryoso ka talaga? Gusto mong makita ang bahay ko? Sige na nga, tuloy ka,” nahihiyang bungad ni Grant. Hindi naman niya nabakas sa mukha ni Lorraine ang pagkaasiwa nang makapasok na sa bahay.

“Mag-isa lang ako kaya ayos na sa’kin ang ganitong bahay na hindi kalakihan,” pakli ni Grant habang hinahayaan si Lorraine na inspeksyunin ang bawat sulok ng bahay niya. Napigilan niya ang dalaga sa pagpasok sa silid nang harangin niya ang dinaraanan nito.

“Bakit mo naman ako hinarangan? May bagay ba dyan na ayaw mong makita ko?” mausisang tanong ni Lorraine.

"Dito ka muna. Kailangan pang linisin ang kwarto ko," striktong pahayag ni Grant kay Lorraine. 

“Saka ka na maglinis. Hindi naman ako maarte, okay lang sa’kin kahit messy pa," alanganing sagot ni Lorraine. Nang iangat niya ang tingin sa bawat kisame ay puro sapot pa ng gagamba. Bukod pa doon, madaling manuot sa ilong nila ang mga alikabok.

“It seems like hindi ka naglalagi sa bahay mo,” puna niya.

“Oo, madalas kasi na sa talyer na ako natutulog kapag may schedule ako sa bar,” sagot naman ni Grant.

“By the way, nagugutom na ako. Order muna ako ng makakain,” pakli naman ni Lorraine saka binuksan ang app ng isang food delivery. 

“Oorder ako ng para sa'tin,” dugtong pa niya.

“Busog na ako. Kakatapos ko lang kumain,” sabi naman ni Grant. 

“Kainin mo na lang kapag gutom ka na.”

“Napakagalante mo. Hayaan mo, ako naman ang manlilibre next time,” nahihiyang sagot ni Grant.

“Aasahan ko ‘yan.” Mabilis na sinulyapan ni Lorraine si Grant at saka ibinalik ang tingin sa kanyang cellphone. 

Napakunot-noo agad si Grant nang marinig ang patak ng ulan sa labas. Agad naman niyang isinara ang pinto.

“Hindi ka kaya ma-hassle kapag maulan kang magda-drive?”

“Hindi naman siguro. Pero pwede namang matulog dito, hindi ba? Walang malisya,” straightforward na tanong pa ni Lorraine kasabay ng nakakalokong ngiti.

“Para-paraan mo rin ano, para makaisa ka na naman. Pero sa totoo lang, parang masayang gawin ‘yon kapag maulan,” pabirong tugon naman ni Grant. Pinamulahan din siya ng pisngi sa sandaling iyon.

“Biro lang,” aniya.

“Hindi ka ba sanay na babae ang naghahabol? Na-intimidate ka ba sa approach ko?” biglang naitanong ni Lorraine.

Mabilis na tumango si Grant. “Nakaka-intimidate talaga ‘yong babaeng mapera, straightforward at financially independent.”

“Kung gano'n, pwede na tayong magsama,” hirit pa ni Lorraine.

“Ano bang sinasabi mo?”

“Nevermind. Uuwi na lang ako. Salamat sa time, Grant.” Tumayo si Lorraine sa kinauupuan. She felt that she had talked a lot. Masyado nang nakakahiya at abala ang ginagawa niya.

“Mag-iingat ka,” nakangiting bilin pa ni Grant. 

***

“Sino ka ba talaga?” Nakangiti pa rin si Grant habang sinusulyapan si lorraine hangga’t sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Dala na rin ng curiosity, naisipan niyang i-google ang profile nito. Natuwa naman siya dahil sa success na na-achieve nito bilang isang fashion designer. Naalala niya sa katauhan ng dalaga ang nakababata niyang kapatid na gusto rin na maging fashion designer. Bukod sa profile ni Lorraine, na-curious na rin siya tungkol sa nobyo nito na mukhang minamahal pa rin nito magpahanggang ngayon.

“Lorraine Valdez boyfriend,” ang nai-type niya sa search bar ng google. 

Ikinawindang niya ang nakitang resulta at halos pagpawisan siya nang malamig sa kanyang nabasa. 

“Drew Santillan, the only son of fashion mogul Loida Santillan, passes away due to a car accident.”

“Drew Santillan? Girlfriend niya si Ms. Lorraine?” Kusang nanginig ang buo niyang katawan. 

Matapos malaman ang bagay na ‘yon, napagpasyahan niyang magbakasyon muna sa probinsya at hindi na rin siya nagparamdam kay Lorraine. It would be a shame to face her again, dahil isa siya sa maaaring ituring na dahilan ng pagkamatay ni Drew.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro