Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eleven

“Sorry, hindi kita na-text. Nandito kasi sila mama. Bigla silang pumunta para maghapunan na raw sila, kasama ako.” Iyon ang nabasang text ni Lorraine galing kay Grant. Alas onse na rin ng gabi sa mga sandaling iyon. Mabuti na lang at nag-text na sa kanya ang binata para naman hindi na siya mag-alala.

“Pwede ba akong tumawag?” reply ni Lorraine.

“G.”

Dali-dali niyang tinawagan si Grant dahil sa reply nito.

“Hello? Kumusta? Nandyan ba natulog ang nanay at kapatid mo?” bungad ni Lorraine.

“Hindi. Umuwi na rin sila. Nakabalik na ako sa bahay ko, pero dumaan ako sa talyer kanina kasama ng isang mekaniko na pinagkakatiwalaan ko.”

“Hindi ka rin ba makatulog?” Lorraine sounded like she's flirting with him. Napaka-sweet pakinggan ng kanyang pagtatanong.

“Matutulog na. Nag-inuman kami kanina ng kaibigan ko, eh. Pero ilang bote lang naman. Pampatulog,” pag-amin naman ni Grant.

“May natira pa ba? Baka pwedeng ako na lang ang umubos. Pwede ba kitang puntahan?” tanong naman ni Lorraine.

“No. Sa sunod na araw na lang, gabi na rin. Saka maraming loko-loko rito sa'min.”

“Talaga ba? Within ten minutes, nandyan na ako.” Humagikhik si Lorraine.

“Wait. Saglit lang give me time lang huh. Magliligpit lang ako. Bye.”

Nagmadaling kumilos si Grant para iligpit ang makalat na mesa at itinago niyang maigi ang ilang mga kalat doon. Pinagbuksan naman niya ng pinto si Lorraine nang marinig niya ang pagkatok nito.

“Good evening, Grant.”

Napakunot ang noo ni Grant nang maamoy ang alak sa hininga ni Lorraine. Nakumpirma niyang nakainom din pala ito nang mas nalapitan niya ito nang maigi.

“Nakainom ka rin. But why? May problema ka ba?”

Tumango si Lorraine. “Nagpunta kanina ang nanay ni Drew. Sinabi niya na tatanggalin na raw niya ang designs ko sa fashion week. Kinagagalit niya pala na nakita niyang magkasama tayo. Honestly, siya naman itong may gusto na makitang may kasama akong bagong lalaki para hindi na isipin ng media na hindi pa rin ako nakaka-move on kay Drew. At medyo matagal na pala niya akong pinapasundan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Grant. Lagi na lang niya akong ginugulo. Lagi na lang niya akong hinahanapan ng butas.”

Nagsimulang humikbi si Lorraine. Dahil sa sobrang pagkahabag, ginawaran na lang siya ni Grant ng mahigpit na yakap.

“Ang sama naman ng ugali niya. Natitiyak kong hindi mo naman ginusto na mangyari ‘yon kay Drew. Bakit ikaw pa rin ang sinisisi niya?”

Huminga nang malalim si Lorraine bago magsalita. “Kasi kung hindi raw ako nag-demand ng date kay Drew, malamang hindi siya naaksidente noong gabing nangyari ang trahedya sa kanya.”

Parang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ni Grant. Lalong humigpit ang pagyakap niya kay Lorraine.

“I'm sorry,” mahinang sambit niya.

“Bakit ka nagso-sorry?” Iniangat ni Lorraine ang kanyang mukha para tingnan nang buong pagtataka si Grant. Pag-iling lang ang nakuha niyang sagot.

“Alam ko na, siguro ganito ka lang kung magpakita ng empathy sa kapwa. Hindi ba? Salamat dahil napagaan mo ang loob ko. Dahil dyan, bakit hindi na lang kaya tayo uminom?” Pinasigla ni Lorraine ang kanyang tinig saka napadako sa makalat na mesa ng bahay ni Grant. Napansin pa nga niya na may isang bucket pa ng yelo na natitira. Sumang-ayon na lang si Grant sa gustong mangyari ni Lorraine. Halos lahat na yata ng hinanakit nila sa mundo ay napag-usapan nila habang nag-iinuman hangga’t sa tuluyan na nga silang nahilo sa mga sandaling iyon.

“Hindi ko na kaya Ms. Lorraine, sumusuko na ako,” humahagikhik na sabi pa ni Grant at hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang mukha na kaaya-ayang pagmasdan para kay Lorraine.

“So, gano’n na lang? Mahina ka pala eh,” pang-aasar naman ni Lorraine. Aksidenteng natabig niya ang bucket na may nalulusaw na yelo at napatingin siya sa bagay na ‘yon. Naging mapaglaro ang kanyang isip sa kabila ng kalasingan. She grabbed a piece of ice and put it in her mouth.

“Alam mo naman kung anong dapat gawin kapag malungkot ako, hindi ba?” pahiwatig niya sa binata. Tumango lamang ito bago siya sunggaban ng halik.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro