Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

"Our flag does not fly because the wind moves it, it flies with the last breathe of each soldier who died protecting it." -Unknown.

Epilogue


"Nak, sigurado kana ba dito?" my mom asked.

Ipinatong ko ang aking kamay sa kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. "Yes, Ma." ngumiti ako.

I've never been this sure.

Maraming takot pumasok sa larangan ng pagiging isang militar. But that fear can't stop me, I won't take that as barriers to my dream, to become a soldier.

Hindi naging hadlang para sakin ang lahat ng taon ng paghihirap ko bago nakamit iyon. I also got promoted at the army, as a Captain. It's more than I expect. Hindi ko akalain na talagang aayon ang tadhana sa pangarap ko.

At mukhang nasobrahan yata ang biyaya sa akin.

Habang matikas kaming nakatindig sa gilid kung saan may nagaganap na oath taking ang mga baguhang army nurses ay may isang babae na nakaagaw ng atensyon ko.

Her eyes was darker than the night sky. Walang emosyon na mababasa doon. Parang napakalaki ng problema niya sa mundo.

"Captain Sarmiento, you're spacing out!" hearing General's voice bring back my senses.

"I'm sorry, General." matikas ulit kaming tumindig habang nakikinig sa sinasabi niya.

But my eyes is a damn pest! Muling bumalik ang tingin ko sa kanya. I don't know why, but she has something. Parang may kakaiba akong nararamdaman habang nakatitig sa kanya.

Nang mapasulyap siya sa gawi ko ay hindi ko napigilang mapakagat sa ibabang labi. Nakailang sulyap din siya sa akin kaya nakita ko ang kabuuan ng mukha niya.

She looks like an angel, an angel under black magic. Her aura makes her fierce.

Tingin palang, panakot na.

Nang matapos ang oath taking ay nawala na siya sa paningin ko. I don't know what happened to me but I shamelessly asked other nurses about her, pero hindi nila maintindihan kung sino ang tinutukoy ko.

"Captain Sarmiento, meet our new army nurses."

Napaawang ang gilid ng labi ko nang makita kung sino ang katabi ni Sgt. Santos. It's her! Napakabait talaga sa akin ng tadhana.

I introduce myself and offered my hand on her. I don't know why I feel nervous when she didn't take my hand. Parang hinahambogan pa ako kaya nginisian ko siya at tinitigan eye to eye, tingnan lang natin kung kaya nitong balewalain ang isang hanep sa gwapong nilalang sa mundo.

And damn. She gave in!

"I'm Nurse Astrielle Joy Ocampo," then she take my hand.

Parang yelong nagsasalita ang nasa harap ko. She's colder than ice, but her presence burning. Nakakaaliw tumitig sa mukha niya. Halatang naiirita siya kaya mas lalo akong tumitig sa kanya.

Everyone is busy with their things, I saw her walking around our headquarter so I followed her.

Hindi ko alam kung bakit natutuwa akong makita ang asar niyang mukha. She's emotionless, but her eyes showing her expressions.

Simula noon ay hindi mawala sa isip ko ang mukha niya, t'wing maririnig ko sa aking isipan ang boses niya ay hindi ko mapigilang mapangiti.

I damn crazy over her. Yeah, that fast.

Ipinatawag kami ni General para sa pagpaplano patungong Myanmar kung saan may nangyayaring kaguluhan.

"The war in Myanmar is getting worse, they need our help." isa-isa kaming tinitigan ni General. "We'll going there, they also needs doctor and nurses for wounded civilians and soldiers."

Bigla akong nabuhayan nang marinig iyon. She will be here!

But having this thought that she will be one of going to be deployed in Myanmar making me unconformable to General. It's damn dangerous.

Walang imik nalang akong nakinig sa sinasabi ni General Ramos. He explained everything. Hindi lingid sa kaalaman namin kung gaano kalakas ang pwersa ng mga terorista sa bansang iyon. They are using high quality weapons.

Lumabas saglit si General at nang bumalik siya. Damn. Kasama niya ang babaeng hinihintay ko.

"Kailangan mong malaman ang mga dapat mong malaman before we departed to Myanmar. And Captain Sarmiento will explain everything that you need to know."

Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. Pansin kong sumulyap sakin si General pero parang magnet ang presensya niya na hinihigop ang mga mata ko para mapatingin sa kanya.

Damn it! Her mouth parted. Mas lalo akong ginaganahang mapatitig sa kanya t'wing makikita kong naiirita siya.

"I can construct her, General. Bakit hindi nalang ako?" Mallari said.

Right after Shekinah, he wants to compete with me again, but with this girl? He must be kidding.

It's been a years simula 'nong magkaroon kami ng relasyon ni Shekinah. I found out that he likes her too, we've been fighting for her till he's the one who gave up. Naging kami ni Shekinah, but for some reason we broke up. Maayos kaming nagtapos, kaya hindi ko alam kung bakit parang gustong bumawi nitong si Mallari.

"Come here woman,"

She stand beside me. Tumitig siya sa map na nasa table na parang inuusisa iyon.

"Yes you know right, Elle." she said out of the blue.

I smirked but she did not see it. Sinimulan ko na ang page-explain ng mga kailangan niyang malaman.

I moved my body closer to her and I can see through my peripheral vision that she's staring at me. Pinanatili kong kalmado ang mukha ko habang patuloy na nagsasalita kahit parang gusto ko ng tumawa ng malakas dahil parang mabilis siyang bibigay sakin.

Well. Who wouldn't fall for my trap?

"Naiintindihan mo ba, woman?" I asked.

"Ofcourse, you explained it well. And by the way, you can call me Nurse Elle, so please stop calling me woman."

Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. She look pissed but the heck that her cold voice remain. But don't worry, time will come, I will crushed that ice.

Sa Myanmar mas yumabong ang nararamdaman kong paghanga sa kanya. One thing I noticed on her, she's so attentive on her responsibilities. Parang nanaisin kong masugatan para lang magamot niya.

Matapos sumabak sa giyera ay nagkaroon ng panandaliang pahinga ang lahat. I saw her outside our barracks and with all the guts that I have, I sat beside her.

I chuckled when I saw my favorite expression of her. "Have you eaten your dinner?"

At gaya ng inaasahan ay nagpakahambog na naman siya sakin. Wala pa kaming kain ng mga oras na iyon kaya hindi na ako nagulat na sumama nga siya sa akin.

"Ang tahimik mo yata," I tried making some talks. Napansin ko rin ang tipid niyang pagsasalita kahit ang kausap ay mga kaibigan niya.

"Don't talked to me," ayan na naman siya.

Her personality makes me fall in love with her. Masyado siyang mailap, mahirap kausapin, palaging iwas. Kahit nasa gitna ako ng pakikipagsagupaan sa mga terorista ay hindi ko hinayaang mawala siya sa paningin ko.

I never hide my feelings for her, sa paraang pang-aasar sa kanya, doon ko naipapakita na gusto ko talaga siya.

"Let's start the war, Captain."

An amusing smile showed up on her face. My heart pound hard inside my chest because of it. "My pleasure, Miss Army nurse,"

Kung ganitong kaganda ang kalaban, hindi na ako makakaramdam ng pagod. Ngayon ko lang masasabi na mahal ko ang kalaban ko. Damn, I'm being this clingy again.

Nang makabalik kami sa pilipinas ay sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko pakakawalan ang babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit ganitong kabilis niya nakuha ang puso ko. She's cold for a hot soldier like me, pero aminado akong bagay kami.

I only have one ex-girlfriend, and that's Shekinah. Hindi ko sinubukang pumasok sa isang relasyon noong college days dahil para sa akin ay magiging abala lang iyon sa pag-aaral. But as I entered this field, I met her till I fell in love with her.

Matagal na 'yon, pero dahil dito sa babaeng ito ay parang nararamdaman ko ulit ang pag-ibig na iyon. I damn in love with this girl, with her actions, with her principles, her standard that I need to achieve. Kahit gaano pa kataas ang standard niya ay handa akong abutin iyon, makuha lang siya.

I got her phone number by the help of Zephyr. Nauto niya si Nurse Shaira na ibigay dito ang number ni Astrielle.

Hindi ko na rin sinabi sa kanya kung paano ko nakuha ang number niya. I don't know why I love teasing her, just like the way I love her.

"Sino 'yon?" My jaw clenched while remembering that girl who make an argument with Astrielle in front of my face.

"Gia Ramirez. My half sister friend."

"Bakit ganun magsalita?"

Umiwas siya ng tingin. Alam kong isa sa sumisira sa pagkatao ng isang tao ay ang mga masasakit na salitang natatanggap. For the first time I saw her soft side, alam kong nasaktan siya sa sinabi ng babaeng iyon kahit hindi niya aminin.

I don't hit girls, pero kung kagaya ng babaeng iyon ang makakaharap ko, baka makalimutan ko ang salitang babae. Ayoko sa lahat ay ang mga taong puro dakdak without knowing their words. At mas lalong hindi ko gustong makarinig ng mga masasakit na salita na patama sa mga taong malalapit sa akin.

"C-Captain.." she stuttered.

"Hmm?" I looked on her. I can feel my heart beating too fast while seeing her face.

"Don't mind her," iyong salita niyang iyon ang nakapagpalambot sa akin.

I used my charm to make her forget that moment. Mas gusto kong makita na naaasar siya kesa nasasaktan.

I want to comfort her. Gusto ko siyang mapatawa, mapangiti, mapasaya, ng hindi siya pinipilit na gawin iyon. Napapansin kong pilit palagi ang ngiting iginagawad niya sa mga taong nakakaharap. I want to see her genuine smile.

Hindi na lingid sa kaalaman ko na nagpaparamdam si Mallari sa kanya. Sa paraan ng pagtitig nito simula pa nang nasa myanmar kami ay nahahalata ko na. Its really suck that for the second time, pareho na naman kami ng babaeng nagustuhan.

But I can feel that he's not serious about it. May balak ba siyang paglaruan si Astrielle? Or maybe he's just using her to move on.

Alam kong nananatiling si Shekinah ang gusto niya, at hindi ko alam kung bakit hindi niya ipaglaban ngayong malaya na ang babae.

"Cap, tara na 'don. May check-up." aya sa akin ni Cimmerian. Sabay na kaming lumapit sa mga nurses na nagchecheck sa mga sundalo.

Itinanong ko pa kay Doc. Gazco kung sino ang may hawak ng medical record ko, and I was surprised that it was her.

Nakangisi at dahan-dahan akong lumapit sa likuran niya.

"Next...Captain-"

Nakangiti akong sumalampak sa upuan sa tabi niya. She look serious while her eyes was on my record. Panay pa ang asar ko sa kanya. I love hearing her sighed. Parang dahil doon ay masasabi kong mission accomplished ako sa pang-aasar.

General invited us for dinner. Bumalik na ng bansa ang nakababata niyang kapatid na magiging isa na rin sa LTFA.

I sat beside Astrielle. Halos humaba ang usapan habang kumakain kami nang dumating si Ramos.

They are having a conversation about Alayana Ramos life. Nangunot ang noo ko dahil sa mga sagot niya sa mga itinatanong sa kanya. Panay ang sulyap ko sa nasa tabi ko nang mapansin ang kakaibang ekspresyon nito.

"W-Where is your daughter now?" Nurse Zin asked.

"Infront of me,"

Ipinatong ko ang aking kamay sa kamay niyang nasa ilalim ng lamesa. Hinayaan ko siyang pisilin iyon. Hindi ko masasabi ang nararamdaman niya ngayong nasa harap niya ang tunay niyang ina.

"I'm going. T-Thanks for dinner General."

"Astrielle.."

Hindi ko na naisip ang kawalang respeto na pagtalikod ko 'nong oras na iyon. Sinundan ko ang paglabas niya pero mabilis ring sumunod sina Alyana at General.

Nanatili akong tahimik sa pwesto ko habang ang mga mata ay nasa kanya. Parang tinutusok ang puso ko habang naririnig ang gumagaralgal niyang boses at mga sumbat sa kanyang ina.

It's hard for her to digest everything. Wala akong alam tungkol sa pamilya nila pero ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya.

That night I forced her to stay with me for the meantime. I don't want her to be alone and to own her thoughts, handa akong makinig sa kahit na anong sasabihin niya, handa akong samahan siya sa panahon na kailangan niya ng masasandalan.

As I saw her tears slowly streaming down on her face, I just felt my heart slowly tearing apart. Konektado na talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

Simula nang gabing iyon, mas naging malapit ako sa kanya. I don't want Astrielle to hurt her feelings using the thoughts on her mind again. Kaya panay lang ang pangungulit ko sa kanya para ako ang isipin niya at hindi iyong mga bagay na makakasakit sa kanya.

"Baby, you looked pale." my baby is blushing. But I just chuckled on my mind dahil napakasadistang babae nito. Baka masapak pa ang kagwapuhan ko.

"Stop calling me that way, Captain."

"I can't stop it,"

Kasalukuyan kaming sumasabak sa giyera sa mindanao, panibagong giyera kung saan mas lalong lumala ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Ano Cap, kras mo?" nanunudyong tanong ni Zephyr. Umakbay pa sakin ang dalawa habang naglalakad kami pabalik sa kampo.

"Hindi na uso ang crush sa edad natin, mahal agad." I chuckled.

"Parang Baka si Astrielle, masyadong mailap, nanunuwag." napatawa nalang ako sa sinabi ni Cimmerian. Maamo na ang baka ko ngayon.

"Ewan ko sa babaeng 'yon, kakaibang bala ang ginamit panama sakin. Dahil sa halip na mamatay ako, lalo akong ginanahan mabuhay."

Pare-pareho kaming napangisi. Being clingy is not my thing, sa kanya lang talaga ako naging ganito.

Nang maabutan namin si Astrielle sa labas ay para na naman akong lumulutang sa hangin. Damn her wonderful face! Umiwas ako ng tingin.

Hindi ko alam kung ako lang ang ganito o pati siya. Parang may sayang umusbong sa puso ko nang mapansin na nagkakaroon na ako ng epekto sa kanya.

She ignored me when I noticed that she saw me with Shekinah. Sa simpleng bagay na iyon, simula noong araw na maging malapit kami sa isa't isa, alam kong hindi nalang pagkairita ang nararamdaman niya. Sabi nga, the more you hate, the more you love.

Napangisi ako sa sariling naisip.

"I love you, Astrielle."

I don't know where I get the guts to say that directly on her. Namula ang matambok at mapula niyang mga pisngi. Her natural rosy pink lips, its damn attractive. Nakita ko rin ang paglunok niya kaya lalo akong napangisi.

"May Shekinah kana. At ayaw kong maging dahilan ng kahit na anong gulo na may kinalaman sa hanep na pag-ibig na 'yan. I hate the word cheat, ayoko ng may niloloko at hindi ko gusto na ginagamit ako para manloko. Ayos na  ba?"

That's it. Ayos na ayos, baby. Mas pinatunayan mo na may effect nga ako sayo.

I damn crazy with this girl. She's now showing her emotions with me. Hindi na kagaya nang una ko siyang nakita. Kahit ano ay wala akong mabasa sa mga mata niya, but look how everything's changed. Kahit ang tibok ng puso niya ay parang nababasa ko na rin.

Damn. Her heart beating my name!

"What's on your hand, Astrielle?" tanong ni Cimmerian matapos naming maabutan si Astrielle at Doc. Gazco na bitag ng terorista.

"Anesthesia.."

We can't help but to laughed. She sounds and look cute. Kahit kailan talaga ay may pagkaloko din ang babaeng ito.

"Bakit hindi mo ininject sa gago?"

She looked at me with her not so innocent face. "Pwede pa ba?" damn. I really love the way she annoyed the terrorist infront of us.

She's burning. She didn't let her flame to fade away. Wala siyang takot na humarap sa kahit na ano, para siyang nagliliyab na apoy sa bawat oras na nakikita ko kung paano niya ginagampanan ang tungkulin niya.

I spent my vacant time with her. Gustong gusto ko palaging nasisilayan ang mukha niya. I went on the Lofreho medical team tent, kung saan siya naroon.

Halata ang pagkainis niya dahil sa parinig ng mga kaibigan niya, habang ako ay nakamasid lang sa mukha niya. I can feel my heart throbbing so hard for her.

Higit na saya ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. I always noticed her staring at my eyes. Lalong nagwawala ang puso ko dahil doon.

"I-I killed two.."

Parang gusto kong sisihin ang sarili ko na hinayaan ko siyang humawak ng baril. I felt guilty for letting her pulling the trigger of a gun to the terrorist.

I bitterly smiled. Muli kong nakita ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya nang banggitin niya ang ama niya, the former General who killed by terrorist. Kaya mabilis ko ulit na binura kung anong nasa isip niya.

Ayokong nag-iisip siya ng mga bagay na nagbibigay sakit sa kanya. I tried everything to make her smile, and yes, I successfully did it.

Nakita ko siyang ngumiti, tumawa, habang ako ang kasama.

"I love you, Captain."

I know that it's just a lie but damn, I can't bring my heartbeat down to a bearable pace. I almost got pissed off but hearing her laughing, nahawa ako.

Wala na akong mahihiling pang iba. Ang mayakap siya, makasama, at makitang nakangiti, kontento na 'ko.

I gave her a command, sabihin niya lang ang pangalan ko, sa kanya ko isasalalay ang lahat, she will be mine. I don't want to forced, I can wait till she's ready for it. Dahil gaya nga ng sabi ko, kontento na ako sa kung ano kami.

"Caspien.."

My heart screamed very loudly with happiness. I bit my lower lips to suprise a smile.

"I'm falling.." she said that with her low but sweet and soft voice.

"That's not a lie?" hawak ko ang mga pisngi niya para direkta siyang titigan sa mga mata.

"We're not playing kiddie games, Captain."

Para kong nasalo ang lahat ng kasiyahan nang mga oras na iyon. Hindi ko na naisip na nasa giyera kami. When my lips touch her, I felt at peace. Puro saya ang namayani.

Sumabak kami sa giyera laban sa mga teroristang mas lumalakas ang pwersa. Everything went worse everytime goes by.

Napahiwalay si Shekinah sa mga kasamahan kaya mabilis namin itong hinanap ni Mallari. Nalaman naming minanmanan niya ang kuta ng mga terorista kaya nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan namin ni Mallari. There's nothing wrong about what she did.

"Hindi ako gumagawa ng hakbang na basta-basta. Dahil hindi lang kaligtasan ko ang inaalala ko, kundi ang kaligtasan ng mga mahal ko. Alam mo kung anong pinupunto ko, Sarmiento. Alam mo 'yon!"

Yes I know. It's about the past again that he can't burried.

"Hayaan muna, mainit lang ulo 'non." Shekinah said.

Tumango nalang ako bago naunang tumalikod sa kanya at pumunta sa mga tropa ko. We have some talks about the terrorist and their leader Senator Cruz.

Nawala sa isip kong puntahan si Astrielle kaya nagmamadali akong pumunta sa tent nila. Seeing her face makes me feel at peace. Parang hindi pa tapos ang giyera, ang payapa na ng paligid kapag nandyan siya.

Hindi ko maiwasang humanga sa abilidad niya sa paghawak ng baril. Siguro dahil nasa dugo na rin niya ang lahing matapang dahil parehong sundalo ang magulang niya. But damn, she's more than excellent. Kahanga-hangang nagawa-gawa niyang patamaan ang kalaban sa isang beses na pagpapaputok niya.

I was really amazed.

Lalo na nang dahil sa instinct niya, nalaman namin ang tungkol kay Gomez.

Gusto kong ipagsigawan sa mga kasamahan ko na girlfriend ko 'yan, pero halata namang alam na nila kaya 'wag nalang.

She's being sweet in the past days, ang dating mailap, kusa ng lumalapit sakin. Damn, ngayon lang ako nakaramdam ng kilig na hanggang buto.

Kahit dumadampi ang balat ni Shekinah sakin, kahit malapit parin siya sa akin ay wala na akong maramdamang kakaiba. Nag-uusap kami, ngumingiti sa isa't isa but I feel nothing. Si Astrielle parin ang tumatakbo sa isip ko kahit sino pang mapuntang babae sa harap ko, siya lang talaga ang hindi ko pagsasawaan na pagmasdan.

"May ginagawa ako Cap, hindi mo ba nakikita?"

May naramdaman akong lungkot dahil sa pag-iwas niya sakin nang mga oras na iyon. Hindi ko alam kung ano o bakit bigla siyang bumalik sa pagiging walang pakiramdam niya ng mga oras na iyon.

Wala siyang sinagot sa mga tanong ko.

"What are we, Cap?"

I felt bad for her question. "What's the problem, Elle?"

"Ano sa tingin mo?"

Nakaramdam ako ng inis-'Chill, mahal mo 'yan..

Gusto kong magalit sa sarili ko. Bakit hindi ko alam kung anong problema? Bakit hindi ko alam kung bakit ganun ang trato niya sakin? Hindi ko alam kung anong nagawa ko, pero alam kong may nagawa ako kaya siya nagkakaganun.

I pretend that I already scratch that thoughts but its still running in my mind.

Matapos naming sumabak sa giyera ay bumalik kami sa kampo na halos mga sugatan dahil sa nangyaring pagsabog.

Natatawang lumapit sakin si Shekinah habang may dalang medical kit.

"Nabangasan ang gwapo mong mukha, Cap."

"Atleast, gwapo parin." we chuckled.

"Let me clean up your wounds ha, madami ring inaasikaso ang mga medical team." she smiled. Hinayaan ko nalang na siya ang gumamot sa sugat ko sa mukha.

I smiled at her but my smile slowly faded when I saw Astrielle, staring at me. Her eyes was darkened. Pilit kong ibinalik ang ngiti ko sa kanya.

"May sugat din ako na kailangan mong gamutin, baby." thanks god that I did not stuttered.

"May nag-assist na sayo, Captain Sarmiento. I need to give others attention and care. And I think, she already gave you that."

Her words stabbing me. Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot nang makitang kay Lukariah siya lumapit para gamutin ang sugat nito. I don't want to see them, but I can't. Hindi ko kayang alisin ang titig ko sa kanya kahit unti-unting kumikirot ang puso ko.

Ako dapat 'yon eh..

Pero wala akong magagawa. Its her responsibility, at isa pa hinayaan ko rin namang gawin ng iba ang dapat na siya ang gagawa. Ang tanga ko.

I explained it to her without her, asking for it. Gusto ko lang malaman niya dahil baka iba ang isipin niya sa amin ni Shekinah. We're just friends, and I don't want Astrielle to get jealous with that.

"But one thing for sure, Cap. Pagtiwala ko ang nawala, mahirap ng ibalik. Gawin mo ang lahat ng gusto mo pero 'wag naman 'yung alam mong makakasira ng tiwala ko sayo."

Kumirot ang puso ko dahil sa mga salita niya. I want to fucking punch my own face for letting her feel like this. Hindi ko kayang saktan siya. I love her more than everything, hindi ko hahayaan na masira ang tiwala niya sa akin.

Days had past. The war is getting worse and worse. Malakas ang pwersa ng Apoy na bato dahil sa kapit ng mga ito sa mga nakakataas na tao na tumutulong sa kanila.

Nakipagsagupaan kami sa terorista at hindi namin inasahang babalik kami sa kampo na bawas ang miyembro. I felt bad for that.

"Nabawasan na tayo ng kasamahan, akala ko pa naman babalik tayo sa Manila na kompleto ang tropa." Zephyr  let out a deep sighed.

"Hindi na rin maiiwasan sa loob ng isang giyera," Cimmerian said.

We're on our tent having some talk about what happened an hour ago. Nang lumabas ang dalawa ay tahimik lang kami ni Shekinah. Nakaupo siya sa isang gilid pero hindi ko siya kinakausap. Yes, I ignored her kahit hindi naman ito ang gusto ni Astrielle. Gusto kong umiwas dahil ayokong maulit iyong nangyari.

I love Astrielle damn much, at hindi ko kakayanin na maging ako pa ang dahilan para muli siyang masaktan.

"Captain Sarmiento.." she called me in her low voice. "Can we talk?"

"Lieutenant Velasco, nag-iisip pa ako ng plano-"

"About us,"

I was stunned.

Lumapit siya sakin at tumayo sa harap ko. "Bumalik kana sakin,"

Umangat ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya. "S-Shekinah, napag-usapan na natin 'yan. I have a girlfriend now, mahal ko si Astrielle-" she cut me off.

"Seriously Caspien? Ano bang meron ang babaeng 'yon at nagustuhan mo? Bakit ako isinuko mo para lang magampanan mo ng maayos ang ranggo mo? Ano 'yon? Ako sagabal pero siya hindi?" I was shocked for her suddenly burst out.

"Hindi ganun, Shekinah. Hindi ka sagabal, hindi ko ginawa 'yon para sakin. Kundi para sayo rin. Look at you now, mas tumaas ang ranggo mo,"

"D-Do I look happy for this? Ilang taon akong nagpanggap na ayos lang kahit hindi. Hindi ko tanggap na bitawan ka, dahil mahal kita...hanggang ngayon."

I gulped the lump in my throat. "Magpahinga ka muna...p-pagod ka-"

"Oo, Caspien. Pagod na pagod na akong magpanggap. I-I want you to comeback, tayo nalang ulit..." she's begging.

"I don't want to hurt you but, my heart is already owned by Astrielle. Wala ng puwang sa puso ko para magmahal pa ng iba. I'm sorry for what I've done before, pero Shekinah hindi na natin maibabalik ang dati."

Her breathe become heavy. "W-Wala na ba talaga?" I nodded, she sighed. "Pwede ba akong humiling?...j-just one kiss, gusto kong malaman kung wala na talaga.."

"I have a girlfriend--" natigil ako sa sasabihin nang mabilis niyang hinawakan ang batok ko at siniil ng halik ang aking labi.

She moves her lips on a harsh way. Alam ko sa sarili kong wala na talaga. My heart is already occupied for someone I really love.

Aksidenteng napatingin ako sa pintuan ng tent at bigla akong nabalot ng kaba at takot nang mamataan ang malamlam na mga mata ni Astrielle na nakatitig sa akin.

Mabilis kong naitulak si Shekinah palayo sakin pero tangina! Huli na. I already hurt her. Damn it!

"Astrielle, you....y-you're looking for me...baby?" I stuttered.

Nasaktan ako sa paraan ng pagtitig niya sakin. Lalo na nang mas pinili niyang sumama kay Lukariah.

Damn! I hurt her!

I almost taking my steps to follow her but Zeph and Cimme stopped me.

"Cap, give her time.." tinapik ni Zephyr ang balikat ko.

Napalingon ako kay Shekinah na ngayon ay nakatungo sa sariling mga paa. I sighed.

"Susundan ko,"

"Hayaan mo muna, Cap."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Cimme at mabilis ng tinahak ang daan patungo sa kanya. Pinuntahan ko siya sa tent niya pero wala siya 'don. Nasa likod siya.

Nabalot ako ng kaba, lungkot, at takot nang magtama ang paningin namin.

"You know how I hate cheaters,"

Her words breaking me. Hindi ko siya kayang lokohin, hindi ko magagawa 'yon sa babaeng pinakamamahal ko.

Gusto kong hawakan ang kamay niya pero panay ang iwas niya. Unti-unti na akong nadudurog dahil sa mga salita niya.

"N-Normal parin bang trato 'yon sa kanya? Ang makipaghalikan?...Nakuha mo na ba ang gusto mong makuha sakin? Masaya ka na bang makitang hulog na hulog na ako sayo kaya ginagago mo na 'ko?"

Nang makita ko ang luhang umaagos mula sa mga mata niya ay parang malulusaw na rin ang buong pagkatao ko. Tangina, ako ang dahilan ng mga luhang iyon. How could I do this on her?

Bakit kailangang mangyari 'to?

"Sayo lang ako nagtiwala, ikaw ang inaasahan kong makakapagpakalma sakin, i-ikaw lang ang meron ako ngayon Cap. Pero bakit kailangan mong gawin sakin 'to? Mahal na kita eh, bakit ngayon pa?....Caspien b-bakit?"

Damn, I'm sorry baby. I'm sorry.

"Let's stop this shits, Captain."

Tuluyan ng umagos ang mabibigat na luha ko. Hindi ko na kayang mawala siya. Damn, I love her more than my life. Sa kanya nakasalalay ang paghinga ko. How can I live if she's going to leave me? How can I even stand? Hindi ko kaya.

That night is my biggest nightmare. Nawala ang babaeng mahal ko. Astrielle broke up with me.

For the first time I cried for a girl. For the first time, naramdaman ko kung gaano kasakit ang maiwan ng taong minamahal.

Sobrang bigat na makita ang mga hakbang niya papalayo sa akin. Gusto ko man siyang sundan ay kusa akong pinigilan ng mga paa ko.

Buong gabing okupado ang isip ko sa kanya. Halos umaga na nang bumalik ako sa kampo kaya halata ang pagtataka sa mga mukha nila. Kinausap ako ni General about sa terorista kaya nagbigay ako sa kanya ng impormasyon na nalalaman ko.

Binisita rin namin ang lagay ng ibang sundalo and I was stunned when I saw her. She coldly looked on my way but immediately look away when her eyes went on me. Sinubukan ko paring kausapin siya 'non para magpaliwanag pero wala. Mas lalo lang akong nasaktan dahil sa sinabi niya.

"Let's just pretend that there's nothing happens between us....Let's just be a professional as a part of Lofreho task force, you're a soldier, I'm an army nurse, we're nothing more than that."

My heart tearing apart. Parang napako nalang ako sa kinatatayuan dahil sa mga salita niya. Ang hirap para sakin na makita siyang lumalayo.

Ang hirap para sakin na makitang unti-unti siyang bumabalik sa dating siya. The cold emotionless woman is back, ako ang nakapagpabago sa kanya pero ako rin ang naging dahilan ng pagbalik ng nagye-yelo niyang pagkatao.

She ignored me. Ilang beses kong gustong subukan na lumapit, but I don't have the guts anymore. I just watch her from a far.

I miss teasing her, hugging her, being with her. I miss my baby so much.

Habang nakasandal sa puno at nakatingin sa kawalan ay nakita kong palapit sakin si Shekinah. She went infront of me, I just seriously looked at her back.

"I'm sorry.." she said in a terrified manner.

I bitterly chuckled. "You know what, Lieutenant. I'm very disappointed with you...b-bakit mo nagawa 'yon? Nag-usap na tayo diba? Maayos ang lahat, pero anong nangyari?" my breathe becoming hard. Deretso akong tumitig sa mga mata niya. "She broke up with me. Nakikita mo ba? Iniiwasan ako. Alam mo ba kung gaano ko kahirap makuha ang loob 'non? Alam mo ba kung gaano ko siya kamahal?"

I stared on her face. Mabigat ang bawat paghinga niya, pero mas mabigat ang lungkot na nararamdaman ko.

"Mas mahal ko siya, higit sa pagmamahal ko sayo noon."

Tears gushed down on her cheeks. I don't want to hurt her, but that's the truth. Ngayon ko lang din nakitang lumuha ang mga mata ng isang matapang na babaeng ito. Kahit noong naghiwalay kami ay hindi ko siya nakitang umiyak. It's suck, hindi ko gustong makasakit pero tangina! I need to clear everything on her.

"A-Alam ko...'wag mo ng ipamukha. Dahil Caspien, kahit gaano pa ako maging katapang, nasasaktan rin ako. Yes, you love her...more than you love me before. S-Siya handa mong ipaglaban...a-ako hindi," she's crying, breaking down because of me.

"S-Shekinah--"

"Don't worry, Captain. I will ignore her, hindi ko na siya gagalawin. H-Hindi na ako manggugulo. I'm sorry for disappointing you, pinagsisisihan ko...pinagsisisihan ko rin na m-minahal ng sobra, k-kahit sobra ang pagmamahal ko sayo, kulang parin pala..I'm sorry,"

Pinalis niya ang luha sa pisngi bago humakbang palayo. Nakita ko si Lukariah na sinundan ang babae kaya tumalikod nalang ako sa gawi nila.

Dalawang babae ang nasaktan ko. Damn it! Hindi ganito ang gusto kong mangyari, pero dahil sa katangahan ko ay nagulo ang lahat.

Hinayaan ko muna si Astrielle na iwasan ako, gustong gusto ko siyang lapitan pero pinigilan ko na muna ang sarili ko. She need time, I do what she wanted, I ignored her like how she ignored me even its hurt.

Sa malayo ko nalang natititigan ang mukha niya. Parang gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa pagtibag sa yelong pagkatao niya, kung hindi ko siguro ginawa 'yon, hindi siya nasasaktan ngayon.

Nang makita kong magkausap ang mag-ina sa may truck ay pinagmasdan ko lang sila mula sa dilim. At nang makita kong lumayo na si Alyana Ramos ay sinundan ko ito.

"Captain Sarmiento, anong ginawa mo sa anak ko?" she asked that in her cold tone of voice. Walang pinagkaiba kay Astrielle.

I shooked my head. She's very observant. Hindi ko alam na napansin niya pa iyon.

"I'm not against to the both of you. Kakausapin kita bilang ina niya, Sarmiento. 'Wag mo ng saktan ang anak ko, she already suffered in pain dahil sa klase ng buhay na ibinigay namin sa kanya. Ayokong masaktan pa siya ng higit 'don." hindi na ako makatingin ng direkta sa mga mata niya. "Ayusin mo 'yan, Sarmiento."

My mouth parted while my forehead increase on her. "M-My will...tita,"

She surprise a smile before she patted me on my shoulder. "Unang tingin ko palang sa anak ko, kilalang kilala ko na agad siya. She has a cold personality, but she's a soft-hearted person. I'm not forcing you to voice out what happened, pero ayusin mo 'yan."

"I will do my best, tita." kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa kanya.

"Fight for your Lofreho, no matter what happen."

I smiled and keep her words on my mind.

Terrorist already know our location. Nagkaroon ng malalang kaguluhan sa pagitan ng Apoy na bato at naming mga sundalo.

Kahit gaanong kagulo ay hindi ko hinayaang mawala sa aking paningin si Astrielle. I know and I believe on her skills on using weapons, pero hindi ko parin siya kayang hayaan.

I forced her to leave that dangerous area but she's too tough. Nagpumilit parin siyang manatili kahit delikado na.

"You're still mad?" I asked in a melancholic way.

"Yes," that simple answer broke me. Durog na durog na ako sa bawat malamig na salita niya sa akin.

Katabi ko siya, nahahawakan ang kamay, pero unti-unti paring bumibigat ang nararamdaman ko sa kaalamang galit parin siya sakin.

I don't know what to do when saw her whole body shaking after witnessing how her mother got shot infront of her eyes. Para akong papanawan ng hininga nang makita ang mabilis na pag-agos ng mga luha niya. It's damn hurting me too.

Hinayaan kong pisilin niya ang kamay ko dahil sa ganoong paraan ko siya napapakalma.

"Why do this world needs to be this h-hypocrite?"

Don't worry baby, handa akong kitilin ang buhay ng taong 'yon. Para sayo, para sa bansang ito.

Lahat ng emosyon ay naramdaman ko nang yakapin niya ako. I miss her so much, I want to take her out of this hell. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag may mangyaring masama sa kanya sa loob ng giyera na ito.

Ayaw kong mawala siya sa tabi ko, ayaw kong mahiwalay siya sakin. Pero nakamapaglaro ng tadhana. I'm in a fucking between my responsibilities and my love. I chose her, but she pushed me away.

Nakikita ko rin sa mga mata niya ang pag-aalinlangan pero..

"Paniniwalaan na kita sa pagkakataong ito....naniniwala ako sayo. K-Kailangan ka nila,"

I can feel my heart beating so hard.

"Babalik ka naman diba? You will be back for me,"

"I love you, my lofreho."

I can't assure it on her. Bilang sundalo ay hindi namin masasabi kung makakabalik kaming humihinga o babalik kaming bangkay nalang. I devoted my life for this country, but because of Astrielle...lalaban ako. Kailangan kong manatiling malakas, babalikan ko pa siya.

"Captain, what's your plan?" tanong ni Zephyr habang nakadapa ang aming katawan sa lupa at nakamasid sa galaw ni Senator Cruz.

"Let's trap him,"

"How?"

"Kunin niyo ang atensyon ng miyembrong kasama niya, ako na ang bahala sa senator."

Biglang nagpaputok ang isang miyembro nila sa gawi nina Comia at Mallari at nasundan iyon ng malakas na pagpapasabog.

"Zeph, you remember what I've said?"

He nod. "Copy,"

Sabay kaming nagpaulan ng putok sa mga terorista. Nakuha nila ang atensyon ng mga miyembro ng Apoy na bato kaya kinuha ko ang tyempo para makuha ang atensyon ni senator.

My blood running up through my veins. Nang makita niya ako ay mabilis siyang nagtago sa kagubatan. He's now alone, madali na ito para sakin.

"Senator Cruz!"

We both fired each other site. Nang matamaan ko siya sa paa ay napasigaw ito sa sakit. Bago pa man siya makarecover ay mabilis akong lumapit sa kanya, at paglapit ko palang ay ang nag-iinit na kamao ko na ang sumalubong sa pagmumukha niya.

"I will put my bullet to your brainless head!" I shouted. Nagpagulong-gulong ang katawan namin nang agawin niya ang aking baril.

"Maling tao ang kinalaban mo!"

"Demonyo! Hindi tao!"

Nang mabitawan niya ang baril ay mabilis kong pinatama ang kamao ko sa panga niya. I make him knocked down, so I can have my gun freely.

Gumalaw ang ulo niya kaya mabilis kong ikinasa ang baril ko at sinakyan ang katawan niya.

Bigla siyang tumawa na parang nasisiraan na ng ulo.

"You! You really love having an honor! Sige! Subukan mong kalabanin ako-"

I didn't let him finish his sentence, itinutok ko ang nakakasa kong baril sa noo niya na nagbigay gulat sa kanya.

"I don't need honor, I want justice." mas idiniin ko sa noo niya ang nguso ng baril na hawak ko.

"N-No!" he look scared to death. Pero bigla na naman siyang tumawa ng malakas. He's already insane.

"We live by chance, we love by choice, we kill by profession" before he could say anything, I pulled the trigger of my gun directly to his head.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa katawan niya. Tahimik na ang paligid, tumingala ako sa kalangitan ay nakita ang pagsilay ng araw.

"Babalik ka naman diba? You will be back for me,"

I smiled. I always ending up smiling even how worse happened an hour ago.

"Yes, baby. I will be back for you,"

Mabilis kong hinanap ang kinaroroonan nila. My friends patted me on my shoulder as they saw me. Nakita ko pa kung paano lumuha si Cimmerian.

"Pinaiyak mo na naman si Astrielle! Gago ka, kapitan." he said.

"She look miserable," seryosong sambit naman ni Zephyr.

"Lapitan mo na, paki-rate nalang kung gaano kalakas ang sapak na sasalubong sayo." hindi ko inaasahang saad ni Lukariah. Natawa naman ang dalawa.

"Where is she?"

Umalis sa harap ko sina Cimme at Zeph. And there, I saw my lofreho. My one and only lofreho.

Nanatili siyang nakatalikod sakin. I take my way to her.

"B-Baby, I'm here."

Humarap na siya sakin. Her eyes was swollen. Everything went stopped. Namalayan ko nalang ang kamao niyang buong lakas niyang itinama sa panga ko.

Rinig ko ang pagtawa ng mga nasa likuran ko pero hindi ko na pinansin. Kahit ang malakas na sapak niya sa akin ay hindi ko na rin pinansin. Siya lang ang gusto kong tuunan ng pansin sa oras na ito.

"E-Elle, I'm sorry...I'm sorry,"

Nang makita ko ang nangangatal niyang kamay at ang luhang umaagos mula sa mga mata niya ay mabilis ko siyang niyakap.

The war is gone. I'm now having the most beautiful honor that no one can have.

She's still love me! She love me!

Para akong tanga nang makabalik kami sa Manila dahil bumalik na ulit ang dati kong sigla. Mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal niya sakin. Damn it!

Parang nakalimutan ko na agad ang madugong digmaan na nangyari. It feels like, everything really happens for a reason. Mas lalo kaming pinatatag ng mga masasakit na nangyari.

I stayed at her unit. Nagulat rin ako nang pinayagan niya ako.

I love her, more than anything. Sa kanya nakasalalay ang paghinga ko. I know its too fast but, yeah, I planned a proposal for her. I went on our headquarters para makahingi ng tulong sa kanila.

"Bumili kana ng singsing?" Zeph asked using his teasing voice.

"Ofcourse, hindi ko naman kailangang maging kuripot para sa baby ko." I winked on him.

"Patingin,"

"No way,"

Napansin kong tahimik lang sa isang tabi si Shekinah. I don't know, but I feel guilty for hurting her. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Coffee?" alok ko sa kanya ng hawak kong kape.

"No, thanks." hindi siya nag-abalang tumingin sa akin.

"I'm sorry for what I've said before, It was never my intention to hurt you." hindi parin siya tumingin ng direkta sa mga mata ko. "Shekinah?"

"I-I understand, there's no other option but to understand you. Masaya na akong masaya ka," she smiled without looking at me.

"Velasco, ang folder na ipinahahanap ko?"

"Nasa office ni General, Commander." lumapit siya kay Lukariah na titig na titig dito.

"Very good, puppy."

That girl deserves someone, but not me. Masaya na rin akong makitang muling nagpupursige si Lukariah sa kanya.

I asked Astrielle if she's sure of me, ayokong mabigla siya sa gagawin ko. I imagine everything that will going to happen. I and her, having our own family.

Damn it! Masasabihan na naman akong illuminati ng babaeng 'yan.

Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang alaala naming dalawa. Sa bawat lyriko ng kanta habang ang mga mata ko ay nakatitig sa paglakad niya patungo sa altar, palapit sa akin, ay parang naglaho ang mga nasa palagid, it's just I and her with god on the silent place.

My heart pound so hard in happiness, tears already welled in my eyes with too much emotions.

Inabot sakin ni General ang kamay ng babaeng pinakamamahal ko. I saw my mom, cheerfully smiling at me. I take her hands, in a lovingly way.

"Usapang pamilya 'to, Sarmiento. Take care of her, love her, protect her at all cost, 'yon lang ang mahihiling ko sayo." General patted me on my shoulder.

"Pangako, tito and tita." mahinang natawa ang asawa ni General dahil sa pagkindat ko.

Ceremony went on, we stared at each other while I'm holding her hands. She's damn beautiful with her wedding gown. She's the most beautiful bride I've ever seen in my dearest life.

"And with the presence of god. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

I carefully, lovingly lift her veil. Tears streaming down on her cheeks. I chuckled, trying to tease her but my tears also gushed down on my face. We smiled at each other.

I caressed her face, the most wonderful face. As I heard the mellow version of our wedding song, my lips landed on her.

It was a soft, gentle, passionately kiss but full of love.

I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before...
Something's telling me
It might be you
Yeah, it's telling me
It might be you..
And I'm feeling
It'll just be you
All of my life

Nanatiling magkadikit ang noo namin habang nakangiting pinakikinggan ang sigawan ng mga taong naging saksi sa pagmamahalan namin.

"I love you, baby. You're mine. Damn officially mine."

Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko. She sweetly smiled at me.

"Mahal kita,"

We let our lips touch each other again.

It's you
Baby, It's you
I've been waiting for
All of my life...

Hindi nawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Damn, she's mine! Mine completely!

Mahigpit ko siyang niyakap at isiniksik ang mukha sa leeg niya.

"I love your scents, baby. It makes me want to take you on bed."

"Ngayon na?"

"Mamaya," we both chuckled.

I love the way she's burning. I fell inlove with her courage, dignity, principles, and the way she caressed her problems. She's the toughest and strong woman that everyone should admire. She's everything for me. More than everything.

It's not about the place where you met each other, it's about your eternity feelings to each other.

Captain Caspien Sarmiento, reporting on duty. I got her, my own Lofreho, my one and only lofreho. Mission accomplished.

✰ Love. Freedom. Hope✰
_The End_

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro