CHAPTER 40
Chapter 40
"Astrielle, ang gwapo ko!"
Parang tangang hiyaw ni Caspien nang matapos siyang maligo. He's now wearing his camouflage uniform while brushing his hair using his finger in front of the whole body mirror.
"Illuminati ka talaga," I tsked him.
Sobrang aga niya akong sinundo sa unit ko at dinala dito sa unit niya para daw ako ang maghintay sa kanya at hindi siya. Ang gentleman diba?
Naupo ako sa dulo ng kama niya habang inaayos ang combat boots ko. Nakasuot rin ako ng uniform namin na camouflage uniform, hindi nalalayo sa suot ni Captain. Naupo rin siya sa tabi ko at isinuot rin ang sa kanya.
"Nasa baba na sina Zeph at Cimme, sa kanila na tayo sasabay."
Napalingon ako sa kanya. "Akala ko ba ikaw ang magda-drive?"
He smirked like he's thinking of something silly. "Gusto mo bang masolo kita? Naku Astrielle, lumalabas na ang galawan mo ha," iiling-iling siyang ngumisi at dahil sa inis ay ginulo ko ulit ang buhok niyang kaaayos lang.
It's spent an hour before we stop teasing each other. Pagkababa namin ay nakangising aso na sumalubong sa amin ang dalawa. Hindi ko na pinansin ang pag-uusap nila at nauna ng pumasok sa loob ng kotse. Ilang minuto lang ay pumasok na rin sila. Si Zephyr ang nagdrive, sa harap din naupo si Cimmerian, at kaming dalawa ni Captain ang nasa likod.
"Hi babe," lingon ni Zephyr sakin bago pinaandar ang makina ng kotse.
"Hoy! Mendoza! Manahimik ka!" sabat ng nasa tabi ko.
Hindi sila tumigil sa pag-aasaran kaya natahimik nalang ako sa gilid habang iniisip kung paano ko haharapin ang tunay kong ina, na ngayon ay nasa sarili na niyang kabaong. I don't know, I felt guilty since that day I do nothing to save her.
Nang makarating kami sa headquarters ng LTFA ay nagpaalam kaagad siyang may aasikasuhan lang. Hinayaan ko lang siya at lumapit kina Zin. May mga pasa parin ang mukha nito at may band aid pa sa may noo. Ethan's hugging her from back, while others are teasing them.
"Respeto kay Nurse Shaira," nanunudyong sabi ni Doc. Gazco.
"Uhuh? Hindi talaga kayo updated sa buhay ko," she pouted. Nagtungo siya sa tabi ko at tumingin sakin.
"Okay kana?" naalala ko ang kalagayan niya kahapon.
"Oo, Nurse Elle. Atapang atao ako eh,"
Pinagmasdan ko lang kung paano sila maglokohan. Parang kahapon lang ay nababasa ng luha ang mukha ng isa't isa. I'm so thankful na walang nawala sa amin, lalo na itong mga ito na ngayon ay malapit na sa akin. Napatingin ako kay Zin nang maalala ang sinabi nito sa akin.
"Ano ba talagang nangyari? Bakit nagkahiwa-hiwalay kayo?" I asked out of confusion.
They sighed in chorus. Unti-unting bumalik ang seryoso nilang mukha.
Ikinwento nila ang pangyayaring pagsabog at pakikipagpalitan ng putok laban kay Senator Cruz at sa mga miyembro ng Apoy na bato. Nagkahiwa-hiwalay sila dahil sa pagsabog na iyon at inakala talaga nilang pinatay ni Senator ang lahat ng kasama nila. I can feel my blood running through my veins as I remembered how that fucking senator treated Zindaya. Panay ang pigil ni Ethan habang ikinukwento ni Zin ang bawat detalye kung ano ang nangyari sa kanya.
"Patawad sa diyos, pero tuwang tuwa ako nang makita ang walang buhay na katawan ng senator na iyon." saad ni Zin. "Asintado yung tumapos sa kanya, direkta sa ulo binaril. Kung sino man sa mga sundalo ang gumawa 'non, saludong saludo ako sa katapangan niya."
My heart pinched with sudden thought. He really did that. My Captain did that.
Gusto ko mang sabihin 'yon sa kanila ay pinanatili ko nalang tikom ang bibig ko. Palihim nalang akong napangiti. Hindi ko na itinanong sa kanya ang bawat detalye kung paano niya ginawa 'yon kay senator, pero hangang-hanga ako sa katapangan niya. He really deserve a salute, all of our soldiers deserve a salute after that bloody war.
Ngayon ang araw kung kailan muling itataas ang watawat na sumisimbolo ng kalayaan. Matikas na nakatayo ang lahat ng sundalo sa harap ng flag pole kung saan may dalawang binatilyong boys scout na nakaassign sa pagtataas ng watawat, habang ang isang girl scout naman ay nasa gitna at nakahanda na sa pagkumpas.
Bilang miyembro ng LTFA na nakasama sa laban ay matikas rin kaming pumwesto sa tabi ng mga sundalo at nasakto pang nasa tabi ko si Captain. I saw how his smile showed up on his lips. Napangiti rin ako.
Sinimulan ng isang mang-aawit ang pagkanta ng pambansang awitin kasabay ng unti-unting pag-angat ng watawat at pagkumpas ng mga kamay ng nasa harap.
Tinapat namin ang aming mga kanang kamay sa aming dibdib habang dinadama ang awitin at pinagmamasdan ang watawat na ngayon ay nakataas na at banayad na sinasalipad ng hangin.
Nagtagumpay tayo, we did it, my mom.
Nang matapos ang awitin ay nagbigay ng talumpati si General, nagsimula sa seryosong salita at nagtapos sa madamdaming salita. My tears welled in my eyes as he mentioned his sister, my mother. Mabuti nalang at nakaupo na kami ngayon sa monoblock chair kaya hindi ko mararamdaman ang pangangatal ng mga tuhod ko.
"Maraming nabawas sa ating kasamahan, mga sundalong handang isugal ang sariling buhay para sa kaayusan. We don't fight because we hate who's in front of us, but because we love who's behind us. Let's salute ourselves for doing great job, for our courage to fight for freedom. Isang malaking karangalan ang makuha natin ang kapayapaan at kaayusan para sa ating bansa. And for our fallen soldiers, we can't thank you enough for sacrificing your life, it means a lot for our country, for our people, everyone is proud for all of you. Rest in peace to all the fallen soldiers, you will never be forgotten."
Tinapos ng talumpati niya ang seremonya. Ang ibang sundalo ay nagkaroon ng hiyawan habang hawak ang maliliit na flag. At nakita kong kumuha rin noon si Captain na ngayon ay naglalakad na palapit sa akin.
"I remembered what you've said, we will raise the flag of freedom together." nakangiting wika niya. He grabbed my waist closer to him. Hinawakan niya ang isa kong kamay at pareho naming hinawakan ang maliit na watawat. "I love you, my lofreho."
Kasabay ng pag-angat ng kamay namin para itaas ang watawat ay ang paglapat ng labi niya sa akin. I can't help but to close my eyes and feel his kisses.
Namayani ang kasiyahan na muling sumibol sa puso ko. Sa bawat pagpatak ng oras ay para ulit akong nabubuhay. Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon, makakaramdam pa ako ng saya. All my life I suffered from pain, I felt alone, I felt unloved, all the people arounds have hate on me, because I am just a mistake to live happily in this hypocrite reality.
But now everything turns on color. The rainbow showed up on my full of darkness sky. Nagawa kong ngumiti, tumawa, at magmahal. Sa isang giyera ko naramdaman ang lahat.
With this man, I felt the unknown feeling. Parang twing makikita ko ang presensya niya ay gumagaan ang pakiramdam ko. He took my words away, he capture my feelings, he stole my heart. How can I survive without him? Siya ang dahilan ng muli kong pagngiti, everything is aligned on him. Even the rest of my life, I aligned it on him.
"Caspien..." I uttered his name when he kissed my forehead. "Do you believe that love conquers all?"
Nanatiling magkalapit ang mukha namin. "Before? Nope. Not until I got you. You are the one who made me realize that love can conquer all." he kissed the tip of my nose. "I'm so lucky to have a very very beautiful woman like you. I miss you so much baby, you can't ignore me anymore." he smirked.
Inilayo ko na ang mukha niya at inirapan siya. "You sure?" tumalikod ako sa kanya at humarap sa ibang sundalo na nagkakasayahan. My eyes spotted Shekinah and Lukariah, teasing each other. Halata ang pagkapikon sa mukha ng babae, habang nakangisi naman ang lalaki.
My mind brought into senses when he locked me using his arms, he rested his chin on my shoulder. "More than sure, baby." kita ko sa peripheral vision ko na tumingin rin siya sa tinitingnan ko. I heard him sighed. "Tara na," bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap at pumunta sa harap ko.
"May pupuntahan pa tayo. Saan ba?"
"Sa....mundo ko," he smirked again. Mahina kong sinapak ang braso niya na lalong nakapagpangising aso sa kanya.
"That place sounds creepy,"
"Mas creepy parin ako sa kama," lumayo siya ng kunti dahil basa na niya ang galaw ko. Nanlisik ang mata ko sa kanya. "Time will come, you will witness how creepy I am with your own eyes, in our own bed." he used his enchanting voice.
My eyes blinked with sudden thought. "Yuck!" he really did changed the atmosphere. Kanina lang ay pareho kaming seryoso pero dahil sa kalandian niya ay nagawa niyang isingit ang ganitong usapan.
"Oh, my baby knew what I am talking about." he grinned. Muli siyang lumapit sakin at bumulong sa tenga ko. "You're too sadistic to me baby, but I am more sadistic...in the name of bed, amen."
"The fuck?!" my face heated.
Itutulak ko na sana siya, but I got freezed. I can feel the heat all over my body as I feel his lips kissing my jaw. Nagtindigan ang mga balahibo ko. Damn this soldier!
Muli niyang inangat ang mukha niya sakin at pinagpantay ang mga mata namin.
"Look, halik palang nangingilabot kana. What more if..." he lick his lower lips while deeply staring at me. I gulped. "I take you to a night adventure, you and I on the same bed...doing something, you know."
He winked on me. My mouth parted with disbelieve.
"S-Seriously?" hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
Instead of answering me, he take his back on me with his fucking annoying face. Paulit-ulit akong napamura sa isip nang humakbang na ito palayo.
"Caspien?! Captain! Cap!"
Hindi man lang ito lumingon at inangat lang ang kamay para kumaway. Fuck off that freaking manyak!
___________________
________
✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro