CHAPTER 38
Chapter 38
Muli akong napaluhod nang makarating sa harap niya. I cried even harder.
"I-I'm an army nurse. Y-Your daughter is a nurse, I will save you please, keep breathing please.." kahit panay ang pangangatal ng kamay ko ay pinilit kong patigilin ang dugong lumalabas sa kanya. I applied pressure on it but the bleeding won't stop. Halos bumaha na ang dugo niya dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan niya.
She opened her eyes even she's already choking. "A-Anak..."
Narinig ko ang paulit-ulit na mura ni General at Sergeant Santos. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa pisngi niya. She want to say something. I know. Pilit parin niyang inimumulat ang mga mata kahit halos mapugot na ang hininga niya.
"Babawi ka pa sakin diba? Papayag na ako. Do whatever you want. Kahit ayain mo ako sa ibang bansa, sasama na ako. Just don't fucking leave again! Pagod na pagod na akong maiwan! Palagi nalang akong naiiwan! Ito ba?!Ito ba ang paraan mo ng pagbawi sakin? Ang iwan ulit akong unti-unting nadudurog?"
"Baby stop," naramdaman ko ang paghawak ni Captain sa balikat ko pero hindi ko siya pinansin.
Yumuko ako para halikan ang palad niya. "Papatawarin na kita, just don't leave like this. Mom, please nagmamakaawa ako. Buong buhay ko, palagi nalang akong nakakaramdam ng sakit, kahit sa pagkakataong ito man lang oh...'wag mo na ulit iparamdam sakin ang sakit, parang awa mo na.." I can feel my heart slowly tearing apart.
Sa patuloy na pagmamakaawa ko sa kanya, ang tanging ginawa niya ay ang pagngiti. Patuloy ako sa pag-iyak nang biglang may bumulusok na dugo sa bibig niya.
"Mahal kita-" but before she could even finish her sentence, she stop from breathing. Everything went on silent. Parang tumigil ang mundo.
I'm an army nurse, but I do nothing to save my own mother.
Halos puno na rin ng dugo ang mga kamay ko dahil sa paghawak sa mukha niya. My heart tearing apart. Bakit sa huling pagkakataon ko pa napagtanto na kailangan ko siya? Kailangang kailangan ko siya ngayon bilang ina. Bakit ngayon ko lang siya tinanggap kung kailan huli na?
In the end, I regret the chances I didn't take.
My eyes watered in an instant. Naramdaman ko ang pamilyar na pakiramdam ng may humawak sa kamay ko.
"Baby, we will fight. Muling itataas at iwawagayway ang watawat ng kalayaan. Lalaban tayo, babawi tayo. Ipapanalo natin ang laban na ito, mahal ko."
Unti-unti kong iniangat ang mukha ko hanggang tumama ang paningin ko sa mga mata niya. Nakaluhod siya sa harap ko para magpantay ang aming paningin. I couldn't help but to let myself sobbed on his shoulder.
"Why do this world needs to be this h-hypocrite?!"
Why?
No matter how many times I asked the world why, I couldn't find the answer. Ganoon na bang kataas ang kinaluluklukan ng kasiyahan para maging ganito kahirap itong abutin? Kasiyahan, pagmamahal. Anong ginawa ko para paulit-ulit na pagkaitan ng dalawang salita na 'yan?
Nakarinig kami ng malakas na pagsabog sa di kalayuan at kasunod noon ay ang sigaw ni General.
"Let's MOVE!" nang iangat kong muli ang aking mukha ay nagtama ang aming paningin. He look away. "Canto, take care of her b-body." his voice broke.
"Sir yes Sir!"
My tears can't stop from falling. Muling hinawakan ni Captain ang kamay ko.
"You are the dauntless bravery woman, baby. Now stand up, haharapin natin ito ng buong puso. Astrielle kasama mo ako. Sabay nating haharapin lahat ng ito, don't give them the satisfaction that they want. Tayo na baby, hindi pa tapos ang laban."
Sa sobrang bigat ng sakit na nararamdaman ko ay pilit ko paring tumayo. He wiped my tears away using his thumb. May ibinigay siya sa aking baril bago hinawakan ang kamay ko.
Sunod-sunod na putukan ang narinig sa di kalayuan at mayamaya lang ay nagkaroon ulit ng palitan ng putok sa gawi namin.
We nodded each other and make our own movement. Sumandal ako sa isang kahoy at gamit ang kanang kamay ay nagawa kong paputukan ang isang terorista sa mismong dibdib nito.
With all the pain and grief that I have, I held my gun tightly and as my eyes turns on fire, I raised my gun and shoot those damn terrorist one by one.
Mabilis akong gumawi sa pwesto ni Captain na patuloy na nakikipagpalitan ng putok sa mga terorista. Nang humarap siya sa akin ay sabay kaming napaupo pasandal sa puno habang parehong habol ang hininga.
"Everything is fine?" he asked. Hindi na ako sumagot kaya napabuntong hininga siya. "Astrielle, matatapos din ang gulong ito-"
"Mallari, speaking. Over." "We're on the middle of a damn fight with senator and his members. Over." "We need back-up! Over."
Nagkatinginan kami at sabay na tumayo. He grabbed my arms and pulled me closer to him. Nasa akin ang paningin niya nang hugutin niya ang radio sa belt at nagsalita.
"Sarmiento, speaking. Over." "Nasa'n kayo?" mabilis namang sumagot si Lukariah at sinabing iilan lamang ang sundalong natira sa kanila dahil sa malakas na pwersa ng Apoy na bato. Ibinaba na ni Captain ang radio at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Elle,"
"Cap, they need you. Go on," sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko.
His eyes was full of hesitant. "Astrielle, hindi kita iiwan-"
"Isama mo ako, diba sabay nating haharapin 'to? 'Yun ang sabi mo diba?" parang may bumabara sa lalamunan ko. Panay ang pisil ko sa kamay niya.
"No! I can take my life at risk but I can't take yours. Astrielle, I promise to your mother that I will be with you no matter what happen,"
"But not at this situation, Caspien your resposibilities need you. Sige na...the time is running, Cap."
Lumingon siya sa gawi kung saan mayroong malalakas na pagsabog at putukan ng baril. He looked back at me with his eyes that crashing my spirit.
I painfully smiled. I hold his hand tightly and place it where my heart located.
"We will raise the flag of freedom together, because you are my lofreho, I believe that you can make this through. Pagkatapos nito, handa akong maging karangalan mo. P-Pangako," unti-unti kong ibinaba ang kamay niya na muling bumuhay ng takot sa pagkatao ko. "Paniniwalaan na kita sa pagkakataong ito....naniniwala ako sayo. K-Kailangan ka nila.." I slowly let go of his hand as my heart falling apart.
Unti-unti siyang tumalikod at isang hakbang palang ang nagagawa ay muli niyang hinila ang braso ko. He pulled my waist closer to him and tilted his head to press a soft and full of emotions kissed on my lips.
I just felt my tears slowly gushing down on my cheeks. And with too much pain and emotions, I answered his kisses as deeper as tightly.
Unti-unti na niyang inilayo ang labi sa akin at pinagpatong ang aming noo. My tears didn't stop from falling.
"Astrielle, you are the best weapon I'm having right now. Gusto kong hawakan ka ng mahigpit sa lahat ng oras. Mahal kita, Elle. Mahal na mahal kita at handa akong gawin ang lahat para lang sayo." he cupped my face and directly look into my eyes. "Baby, no matter what happen..."
"Babalik ka naman diba? You will be back for me,"
He didn't answer me. Muling bumilis ang agos ng mga luha ko. "Sayo nakasalalay ang paghinga ko. Babawi tayo baby, sa pagsikat ng araw, hawak na natin ang kalayaan." niyakap niya ako ng mahigpit bago unti-unting inilayo ang katawan sa akin. "I love you, my lofreho."
Inayos niya ang baril bago tuluyang tumalikod sa akin. Gusto ko siyang pigilan, gusto kong dito lang siya sa tabi ko. But I am powerless to control a brave man like him. Hindi ako pwedeng maging makasarili, kailangan siya ng mas nakararami.
Pinalis ko ang mga luha sa aking mata at lumabas sa kinatataguan kong puno. Sa bawat mamataan ko na terorista ay mabilis ko ang mga itong pinapuputukan. May nagpaulan ng bala sa gawi ko kaya muli akong napagulong at padapa na nagpaputok sa kanila.
Bumalik sa alaala ko si Zin kaya mabilis akong nagtungo kung saan ko siya iniwan kanina. She's unconsious. Dahil malapit naman kami sa tent na tinutuluyan namin ay nagbakasakali akong may mga gamit pang hindi nadamay sa pagsabog. And thanks that I got one. Nakita ko ang isang medical kita nakakalat lang sa labas ng nasunog na tent.
I applied a pressure to stop her bleeding. Nilagyan ko na rin ng bandage ang sugat niya sa ulo. Nabuhayan ako ng pag-asa nang ipihit niya ang ulo niya at unti-unting ibinukas ang mga mata.
"Zin,"
"Elle, k-kaya ko na...lalaban na ako,"
Tinulungan ko siyang makatayo. Nanghihina parin ang katawan niya pero nakaya niya paring tumayo sa sariling paa. Umagaw siya ng baril sa isang walang buhay na terorista at kumapit sa braso ko para mabalanse ang katawan.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko ng isuko ang katawan ko, but I can't. Kailangan kong lumaban para sa kanya. Hindi ko alam kung anong ginawa ng sitwasyon na ito para maramdaman ko ito sa lalaking iyon. I love him more than before, I love him even more.
Parang naglaho ang sakit na naramdaman ko dahil sa kanya. Gusto kong hawakan ang kamay niya sa lahat ng oras.
Nakipagpalitan ulit kami ng putok ng baril nang may mamataan kaming terorista. Sa kabila ng malalakas na putukan ay rinig ko ang pagmura ng nasa tabi ko kasabay ng tumutulong luha sa mga mata niya.
Inalalayan ko si Zin dahil bumigay na ang mga tuhod nito. Emotion is the best weapon to get someone down. Kahit gaano ka pa maging kalakas, pag emosyon mo ang nanguna sayo, hindi maiiwasan ang panghihina.
Nagkatinginan kaming dalawa nang unti-unting humupa ang putukan. Nakarating kami sa lawad na parte ng kagubatan at biglang nabuhay ang pag-asa ko. Dahil sa pagtingala ko, ay aking nasaksihan ang unti-unting pagsikat ng araw.
At sa muling pagkakataon, sumilay ang ngiti sa aking labi habang may luha sa mga mata.
"Babawi tayo baby, sa pagsikat ng araw, hawak na natin ang kalayaan."
Dahil sa lalaking mahal ko, ngumiti ulit ako ng totoo.
I wiped my tears away. May naririnig pang ilang putukan pero hindi na kagaya kanina. Ito na siguro ang senyales na malapit na, malapit ng matapos ang kaguluhang ito.
Natanaw ko ang kinaroroonan ng ibang sundalo. Kaya nagtungo kami ni Zin palapit sa kanila.
"E-Elle....t-totoo ba ang nakikita ko?"
Napatigil kami nang magsalita siya. Tumingin ako sa tinitingnan niya at napaawang ang labi nang makita ang iba naming kasamahan. Si Shaira na nakasakay na sa stretcher habang may suot na oxygen mask, ang iba na nag-aassist sa mga sundalo, at si Ethan na tulala sa kawalan.
"Z-Zin, they survive. Totoo ang nakikita natin," I saw how her tears streamed down on her cheeks. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila, kung bakit sila nagkahiwa-hiwalay, but still I'm thankful that they are all here, alive.
"Astrielle, Zindaya.." napamaang ang kasamahan namin nang tawagin kami ni Doc. Gazco.
Nagkatinginan kami ni Zin. She smiled at me. "Thank you for saving me, dauntless bravery woman." inalis na niya ang kapit niya sa braso ko at muling tumingin sa kasamahan namin.
Tumama ang paningin ko kay Ethan. He's now slowly walking towards us. Nang nakalapit siya ay lumuhod ito sa harap ni Zin at napahagulgol.
"A-Akala ko iniwan mo na ako, k-kahit kailan talaga siraulo ka, Z-Zindaya.."
She bended her knees down on him. "H-Hindi lang ikaw...Natakot ako, Ethan. N-Natakot akong mawala ka s-sakin...Ang tanga mo, Ethan. Ang tanga tanga mo para maramdaman ko sayo 'to!" they hugged each other.
"Isang mura mo pa sakin, akin kana."
"Tangina mo!" nagulat rin ang babae dahil sa nasabi niya.
Napasinghap ang mga kasamahan namin habang ako ay napailing nalang. He chuckled. "I love you, babe."
Tumalikod na ako sa gawi nila. Tumingala muli ako sa langit at nasilayan ang araw na malaya ng nagbibigay liwanag.
Lumingon ako sa mga sundalo at nangunot ang noo ko nang makita doon si Lukariah. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. I don't know why my heart beeped very loudly.
Andito na ang mga tropa niya, paanong nangyari na siya ay wala? I gasp some air while my eyes wanting to see him. Lumapit ako kay Lukariah na kaagad namang humarap sa akin.
"Where's Captain?"
"Astrielle,"
"Kayo ang magkasama diba?"
Hindi siya sumagot at namalayan ko nalang ang mga braso niyang nakapulupot sakin. "Astrielle, I think h-he's.."
Pinilit kong kumawala sa yakap niya pero mas lalo niya iyong hinigpitan. "T-Tell me where he is! Mallari bitawan mo 'ko!" gumagaralgal ang boses ko. Hindi ko alam, para akong nanghihina sa maaring idugtong niya sa sinasabi niya.
"Astrielle, listen to me.." bumigat ang bawat hinga ko nang tingnan niya ako ng direkta sa mga mata. "Nagkahiwa-hiwalay kami, may nangyaring pagsabog at maaring..."
"Stop this, hindi, mali ang nasa-isip ko diba? Hindi! H-Hindi.."
"Astrielle malaki ang posibilidad na nasawi-"
Tinakpan ko ang tenga ko kasabay ng pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Lumayo ako sa kanya pero pilit niya akong hinahawakan.
"Stop this! Stop! A-Ayoko hindi 'yan totoo! M-Mali ang iniisip mo, Mallari. Hindi ako iiwan ni Caspien....Ayoko!"
He successfully locked me again using his arms. I cried even harder. Nangangatal na ang buong katawan ko.
Baby, how can you do this to me...
Sumuko na ang katawan ko. I can't endure this pain anymore. Napahagulgol na ako sa balikat ni Lukariah. Ayokong maniwala pero bakit nasasaktan ako?
Hindi ko kaya, Caspien. Bakit wala ka dito? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit sinasaktan mo na naman ako? Baby, hindi ko na kaya.
Suko na ako. Pagod na ang katawan ko, pagod na ang mga mata ko, pagod na ang isip ko, pagod na ang puso ko, pagod na ang buong ako. Hindi na ako makakabangon pa.
"Astrielle,"
"C-Caspien.." mabilis akong lumingon sa pag-aakalang siya iyon pero muli na naman akong nabigo. Lumamlam ang mga mata ko nang si Cimmerian ang nakita. He tapped my shoulder before walking away.
I look around, I wanted so bad to see him. My knees give up. Napahagulgol ako habang inaalala siya. Hindi ko talaga kaya. Durog na durog na ako.
Naramdaman ko ang pagtabi at paghagpos ni Lukariah sa balikat ko pero hindi ko na pinansin. I drowned in pain, hindi ko na alam kung paano aahon.
Caspien, baby I'm waiting. Please, natapos na ang giyera oh, pwede mo na akong makuha bilang karangalan mo.
"H-Hindi ako iiwan.." nagsisikip ang dibdib ko. I don't know what do. "Lukariah, p-pagod na 'ko....I-I'm tired of being left alone,"
"Astrielle, hindi pa dito natatapos ang lahat. Ang buhay ay paglaban. Bawat minuto, bawat oras, bawat araw, palagi tayong may laban na kailangang harapin. Life has a lot of barriers that we need to conquer. Nabuhay tayo para lumaban, hindi para sumuko."
Hinawakan niya ang kamay ko. Napatungo ako doon, hindi ko maramdaman sa kanya ang pakiramdam ko kapag hawak ay ang kamay ni Caspien. Siya lang ang makapagpaparamdam sa akin ng tunay na kalayaan.
"Aalalayan kitang tumayo, Astrielle. Tingnan mo ang paligid oh, nagtagumpay na tayo. Ito na ang kalayaan,"
"Siya ang kalayaan ko.." my tears is so unstoppable. Nanlalabo man ang mata ay muli kong inikot ang tingin sa paligid. Ang ilang sundalo at medical team ay nasa akin ang tingin. "P-Paano kong masasabing tagumpay ang laban na ito...k-kung wala dito ang lalaking mahal ko? B-Bakit ganun, Lukariah? Why do life is so unfair?"
I heard him sighed. "Life is fair. May iba't iba lang na paraan ang tadhana para iparamdam satin at ipadanas satin ang pagsubok sa buhay. We all think that life is unfair because as we see, 'yung iba parang ang ayos ng buhay, kung titingnan walang pinagdaraanan. But Astrielle, we have different obstacles in life that we need to conquer. Life is fair because we all experience the struggles of life, hindi lang ikaw, lahat tayo nasasaktan, lahat ng tao Astrielle."
Hinawakan niya ang parehong siko ko at inalalayan akong tumayo. Pinalis ko ang luha ko at lumayo ng kunti sa kanya.
"Mauna na kayo sa Manila, kasama mo ang mga medical team members mo. Susunod din kami." he said in his melancholic voice.
"H-Hindi ako aalis dito, maghihintay ako sa kanya."
"Astrielle...listen to me," he tried reaching my hands but I shove him away.
"Ano pa bang pakikinggan ko?! Na sabihin mong patay si Caspien?! Tangina naman eh! H-Hindi nga sabi totoo 'yan! Stop that freaking thoughts, babalik siya! H-Hindi niya ako iiwan...H-Hindi ko na kaya na pati siya ay iwan ako...Ayoko na,"
Wala na siyang nagawa dahil sa panay na tulak ko sa kanya. Lumapit sa akin sina Zin at Ethan pero wala rin silang magawa. Hindi ko na sila pinansin. Hinayaan ko munang malunod ang sarili ko sa pag-iyak.
I cried even harder as I saw the lifeless body of my mother pass through in front of me. My breathe become heavy.
"Elle, tara na. We need to go back to Manila. Kailangan pa nating asikasuhan ang ibang sundalo oh." rinig kong sambit ni Zin sa may likuran ko. Ayokong tumingin sa kahit na sino. "Elle, keep the fire in your heart burning strong and do not ever let your flame fade away. Every obstacles has a reason. We will overcome everything that comes our way, because....You know who we are?"
I gulped the lump in my throat. I looked up on the sky with my eyes that full of sadness, madness, and darkness. I closed my eyes and imagine how beautiful his smile is, how passionate his kisses is, and how warmth his touch is.
I took a deep breathe before answering her.
"We are the Lofreho warriors."
________________
______
✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro