CHAPTER 37
Chapter 37
War means fighting, and once you're in a battlefield, fighting means killing.
Isa sa responsibilidad na pinasok ko ay ang pagliligtas ng buhay. But I am now damn shits killing lives!
Panay ang pagpapaputok namin sa teroristang kalaban namin habang ang isa naming kamay ay nanatiling magkahawak. Gusto ko mang bawiin ay hindi ko na nagawa.
Sabay na tumilapon ang katawan namin sa lupa dahil malakas na pagpapasabog ng mga terorista. I rolled my body and hid on the tree as I fired their site.
"Elle!" naramdaman ko nalang ang mga bisig niya na nakayakap sakin nang muli na namang magpaulan ng bala ang mga terorista sa gawi namin. "Everything is fine?"
Mabilis kong inalis ang mga braso niya sa akin at seryosong sumagot. "Yes,"
Talagang ito pang sitwasyon na ito ang naging dahilan ng muli naming pag-uusap. Ilang linggo rin na hindi namin pinansin ang isa't isa. But now we're together fighting for freedom. Pero wala ng malisya ang lahat ng ito hindi kagaya noon na sabay kaming sumasabak sa mga terorista, at ang itinuturong na sandata ay ang bawat isa.
Paano ko pa siyang ituturing na sandata? Yes he's my protection, yet the man who gives me the pain that kills me.
I raised my guns and fired around. Ramdam ko ang pagtulo ng mga pawis sa aking mukha ngunit hindi na ako nag-abala na pahirin dahil patuloy ako sa pagpapaputok sa bawat paligid na madadaanan namin.
We're now coming near the danger zone. Alam kong mapapagalitan ako ni General oras na makita niya akong sumasabak rin sa giyera. I want to fight with them. Kung ipatatalsik nila ako sa propesyon ko dahil sa paglabag sa ilang batas ay hindi na ako papalag. Handa akong talikuran ang kahit na ano, kung ang kapalit naman ay kapayapaan na maraming makikinabang.
"Astrielle," natagpuan na kami ni Alyana Ramos na hingal na hingal din. "Delikado na dito, bakit nandito ka pa? Captain Sarmiento?!" her jaw clenched.
"I'm sorry," hindi ko alam kung para saan ang sorry niya.
I don't know why I feel something bad is gonna happen on her. Kasabay ng habol kong hininga ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Sergeant Santos, speaking. Over." "Hawak ni Cruz si Nurse Zin! Over."
Napaawang ang labi ko sa narinig sa radio ni Alyana. Magkakatabi kaming tatlo na nakadapa sa tagong parte.
"Where's the others? Nasa'n kayo? Over." pagsasalita ni Alyana sa radio.
"Seventy yards away from the camp. Over."
"Copy that," isasakbit na sana ulit niya sa belt ang radio nang may magsalita ulit.
"Ramos,"
"Speaking. Yes?"
"Take care. Keep safe."
Tuluyan na niyang isinakbit ang radio sa belt niya at lumingon sa amin.
"Paanong nangyari na hawak nila si Nurse Zin? Nasa'n ang iba?" sa pagkakatanda ko ay kasama niya sina Ethan at ang iba pa kanina. How could this happen?
"Hindi ko alam," tumingin siya sa nasa tabi ko. "Captain Sarmiento, keep an eye for my daughter please."
"My will,"
Mabilis na kumalabog ang puso ko nang mabilis siyang umalis. Naupo ako sa damuhan patago parin nang maramdaman ang pangangatal ng kamay ko.
I don't know what's the meaning of this.
Nang maupo rin si Captain sa tabi ko ay panandalian akong kumalma.
"Hahanapin ko si Zin," tatayo na sana ako nang hawakan niya ang braso ko at hilahin pabalik sa pagkakaupo.
"Baby, can you please took yourself out of danger?"
I'm damn pissed off. Hinawi ko ang braso niyang nakahawak sa akin at nagngingit ang mga ngipin na tumitig sa kanya.
"Can you please stop. calling. me. that. way?!" may diin na pagkakasabi ko. "Hindi ko pinasok ang propesyon na ito para lang maging duwag!" tumayo na ulit ako. "Susundan ko siya," naglakad na ako palayo at nanatiling alerto sa paligid.
"Ba-'E-Elle, wait!" habol niya pa.
Nakabalik kami sa kampo at nakita ang walang buhay na katawan ng terorista at ang iba pa ay sundalo. Nagsisikip ang dibdib ko sa bawat katawan ng sundalo na nakikita ko.
I heard a number of footstep coming near. Naramdaman ko nalang ang paghila ni Captain sa braso ko patago sa isang puno.
"Cap-" hindi ko na natapos ang sasabihin nang tuluyan niyang takpan ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay.
"Shhh" bulong nito. "Marami sila. Hahanap tayo ng tyempo."
Papalapit ng papalapit ang mga yabag nila. Nanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig ko habang para kaming istatwa na hindi gumagalaw.
Narinig ko ang isang pamilyar na boses kaya dahan-dahan kong ipinihit ang ulo ko para tumingin kay Cap. He's also looking at me. Mas humigpit pa ang hapit niya sa akin papalapit sa kanya.
"Tumahimik kang babae ka! Baka gusto mong pugutan kita ng ulo dito palang?" tinig iyon ng isang lalaki. Nasa likod na namin sila.
"It's an honor to be killed by the best actor of the year, Senator." I got goosebump while hearing that voice. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Manahimik ka!"
Nang makalampas ang mga ito ay hindi nga ako nagkamali. Ang babaeng hawak nila. Si Zin!
Hawak siya ng ilang terorista habang nasa una nila si Senator Cruz. Hindi nila kami napansin. Kitang kita ko ang marahas nilang paghila sa kanya at ang panay na tadyak sa tiyan nito t'wing sasagot ito sa kanila.
I can feel my blood running up through my veins. Gustong-gusto ko ng pasabugin ang bungo ng senador na 'yon pero hindi ako makagalaw dahil sa nasa tabi ko.
"Cap, it's Zin! Are we going to hide all of time?" pabulong na sabi ko.
Hindi niya pa ako nasasagot nang sunod-sunod na putukan ang naganap sa kinaroroonan namin. I raised my gun as I showed up and fire them. Hindi ko agad napansin na mayroon pa sa kaliwang bahagi kaya muntik na ako nitong matamaan, mabuti nalang at mabilis akong nakailag at napayuko.
I pulled the trigger of my gun to the terrorist I spotted on my left side. Nakailang ulit ko itong pinaputukan pero mahusay siya sa pag-ilag. Pinaulanan niya ng bala ang gawi ko kaya iginulong ko ang katawan ko papunta sa damuhan. Patuloy parin siya sa pagpapaputok sa kaninong pwesto ko. He didn't notice that I already on his left side. Napangisi ako at itinututok ang hawak na baril sa kaliwa niyang paa at pinaputukan iyon. He lost his balance so he can't even hold his guns to fire me. He screamed in pain.
Gumapang ako papalapit sa isang puno at sumandal doon. Agad akong natalima nang may mapansin.
Wait! Am I looking for him?
Oh, goddamn fuck. Of course! Sino pa bang kasama ko bukod sa kanya?
Inilinga ko sa paligid ang mga mata ko pero di ko siya makita. I'm almost a meter away from our position a while ago. Wala siya doon.
"Cap," mahina kong naisambit ang pangalan niya.
"I'm here,"
Napaawang ang labi ko nang marinig ang boses niya sa likuran ko. Unti-unti kong ipinihit ang sarili ko palapit sa kanya.
"You got shot?" tumama ang mga mata ko sa braso niya na dumudugo.
"Daplis lang,"
Lumapit ako sa walang buhay na katawan ng terorista sa harap namin at kinuha ang scarf nito. Itinupi ko iyon hanggang maging makapal bago lumapit kay Captain at itinali iyon sa parte ng braso niyang nadaplisan para mapigil ang pagdurugo.
"Thank you," he sofly said. Nailang ako sa titig niya kaya minabuti kong maupo at sumandal nalang ulit sa puno katabi niya. "Mapapatawad mo pa ba ako?"
Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko na siya sinagot. Perhaps, I don't know the answer. Not at this situation, Cap.
"Let's move,"
Sabay naming ipinagpatuloy ang pakikipag-palitan ng putok sa mga terorista.
Ilang buhay na ang natapos dahil sa labanan na ito. At ang mga sundalong natapos ang buhay dahil sa paglaban, hindi dapat masayang ang pagsasakripisyo nila ng buhay nila. Dapat ipagpatuloy ang laban na nasimulan nila.
"Captain, can you give me a command to make that fucking Senator skull explode?" madiin kong hawak ang baril ko habang nakatago sa matataas na damo at nakamasid sa gawi nina Senator at ibang kasama niyang terorista.
"No, I'll promise I will do that for you."
"For our country," pagtatama ko.
Gusto ko mang kalabitin na ang baril na hawak ko ay hindi ko magawa. Hawak nila si Zindaya at kung biglaan nalang kaming magpapaputok ay malalagay siya sa alanganin.
Gusto kong sumabog sa galit habang nakikita ang kalagayan niya. Her face soaked with her own blood. Nakaluhod ito at nasa harap niya si Senator Cruz na panay ang tadyak sa kanya t'wing magsasalita ito. Parang wala lang sa kanila kung babae pa ito.
Damn pester!
"Ramos, speaking. Over." "I spotted Senator Cruz, I'm on their left side. Over." napatingin ako kay Captain nang may magsalita sa radio niya. "Sergeant Santos, speaking. Over." "I have this news regarding to Senator Francis Cruz, siya ang pumatay sa dating General. Over."
Nagkatinginan kami ni Captain dahil sa narinig. Mas lalong kumulo ang dugo ko. I heard a cuss from the radio. It's Alyana.
"We need to move! Nangangati na ang kamay ko na mapatay ang hayop na 'yan!" "Sergeant Santos, let's end this war. Over." "Captain Sarmiento, I know you can hear me. No matter what happen, take care of my daughter please. Over."
"Copy,"
Parang biglang tinambol ang dibdib ko. "A-Ano bang-" hindi ko na natapos ang sasabihin mo nang bigla kaming nakarinig ng putok.
"Let's move!" kasabay ng sigaw na iyon ni Sergeant Santos ay ang paglabas niya mula sa likurang bahagi nina senator at sunod-sunod na pagpapaputok.
Nawala ang atensyon ng mga ito kay Zin kaya nagawa nitong gumapang para makalayo. Sobrang gulo na at nawala sa mata ko si Senator Cruz. I want to skin him alive!
"Fuck!" narinig ko ang sunod-sunod na mura ni Captain nang lumayo ako sa kanya at mas lumapit sa kaguluhan. I damn need to help Zin! Hindi na ito makatayo dahil sa ginawa sa kanya ng mga pota. "Elle! Comeback here!" hindi ko na siya pinansin.
Namataan na ako ni Zin kaya pinilit nitong bilisan ang paggapang. Naubos ang bala ko at swerte na may walang buhay na katawan ng terorista malapit sakin kaya inagaw ko ang baril na hawak pa rin nito. I fired them as I stepping forward to get Zin.
"Elle, dalhin mo lang ako sa tagong lugar. Tapos iwan muna ako." iyon kaagad ang sinabi niya nang alalayan ko siya patayo.
"Bakit ba nawala sina Ethan?!"
"Wag mong itanong sakin Elle, natatakot ako!" nangangatal ang boses na sambit niya.
Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa medyo tago ng lugar at isinandal sa puno. Lumuhod ako sa harap niya at tumitig sa kanya. Even her face was soaked with her own blood, I can see her tears streaming down on her face.
Hindi ito ang Zindaya na kilala ko. Hindi siya marunong matakot sa ganitong uri ng sitwasyon. Pero anong sinasabi niya ngayon na natatakot siya?
"Zindaya, anong nangyari? Sabihin mo sakin. Nasaan sina Ethan?" I keep my voice calm.
"They fucking killed them!" ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.
My jaw clenched. "Ayos lang ba na maiwan kita dito? Babalikan kita."
"Kahit 'wag mo na 'kong balikan,"
"Zin! Babalik ako!" umiiyak siyang umiwas ng tingin.
Pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Palala ng palala ang lahat. Paano nangyari na ang kapwa mo, kapwa mo pilipino ang nagpapatayan.
Hindi na mabilang ang buhay na nawala dahil sa taliwas na paniniwala, pagiging makasarili, at pagiging hangal sa sariling kapwa. World that full of cruelty with a highest numbers of human being that full of stupidity. Ang daming pwedeng mawala sa mundo, bakit hindi nalang ang katangahan ang mauna? Sa halip na mabawasan ay patuloy na nadadagdagan ang mga ganitong kaso. It's sucks that we need to slay lives in the matter of alleviating it.
Muli akong sumandal sa puno habang hawak sa kaliwang kamay ang baril. May nagpaulan ng bala sa gawi ko kaya muli ulit akong lumipat ng pwesto habang panay rin ang pagpapaputok sa kanila.
Hinihingal akong napasandal sa kakahuyan. Napatingala ako sa kalangitan at nakitang magliliwanag na. I closed my eyes as I feel my tears slowly gushing down on my cheeks.
"Astrielle,"
Bago ko pa man maimulat ang mga mata ko ay naramdaman ko na ang malamig niyang kamay na sapo ang pisngi ko.
"Are you hurt? Baby, answer me, natamaan ka ba? May nasakit ba sayo?" he scan my whole body before he looked back directly on my eyes. Pinalis ko ang natitirang luha sa pisngi ko at marahang umiling.
"Kaya ba nating tapusin ang laban na ito?" I asked while looking on him.
"Yes, because we fight and we have the will to win it." he smiled. Namalayan ko nalang ang kamay ko na nakahawak sa kamay niyang nasa pisngi ko at pinipisil iyon. "Let's move, baby."
Hawak na niya ulit ang isa kong kamay at binitawan lang nang muli na namang nagpaulan ng putok sa amin ang kalaban. Nawala si Senator Cruz sa paningin ko na mas lalong nagpapainit ng dugo ko. He can't go out of this war breathing. Hindi sapat ang isang bala para patigilin ang paghinga niya. He deserve to die in a violent way for everything that he did.
Nasa gitna kami ng kakahuyan ngayon. Pareho naming sinilip ang gawi ng terorista at napaawang ang labi ko nang makita si Alyana Ramos na dahan-dahan na lumalapit sa gawi ng mga ito. Nakita ko rin sina General at Sergeant Santos kasama ang ibang sundalo na nakapaligid.
Nagkarinig kami ng putukan sa di kalayuan kaya natalima ang mga terorista. Doon nakakuha ng tyempo ang ibang sundalo para paulanan ng bala ang ilang myembro na kasama niya. Lumabas na rin kami ni Captain mula sa pagtatago at pinaulanan rin ng bala ang mga terorista na unti-unti ng lumalayo habang pinoprotektahan ang pinuno nila.
"Ikaw ang kumitil sa buhay niya! Ako ang kikitil sa buhay mong gago ka!"
Napalingon ako kay Alyana Ramos nang sumigaw ito kasunod ng pagpapaputok niya sa gawi ng senador. At napamura nalang ako nang hilahin ni Senator Cruz ang isa niyang miyembro at ginawa itong human shield hanggang matamaan ng bala.
"Dahil isa siyang pesteng palaging hadlang! At isusunod na kita!" sigaw ng senador at nanlaki ang mga mata ko nang paulanan nito ng putok si Alyana gamit ang dalawang baril.
"Stop! Stop this! Stop!" halos mapugot ang hininga ko nang makita may tama na sa tagiliran si Alyana pero patuloy parin nitong pinapuputukan ang senador na unti-unti ng lumalayo.
At parang bigla akong nabingi nang makitang natamaan ulit ito sa dibdib dahilan kaya napaluhod ito pero patuloy parin sa pagpapaputok. At parang tumigil ang lahat nang bumagsak ang katawan nito.
"Potangina mong hayop ka! Papatayin kita!" I shouted while firing that fucking senator site. I screamed as I saw how fast he dissapeared. Bigla nalang siyang nakalayo dahil sa proteksyon ng miyembro niya. Sinundan naman sila ng ilang sundalo.
My knees give up. Pansin ko ang paglapit sa kanya ng ibang sundalo pero hindi ko magawa. I can't even stand with my own feet. My tears slowly streaming down on my face. Nagsisikip ang dibdib ko.
"Baby, shhh he will pay for it. I'll promise, ako ang tatapos sa kanya para sayo." unti-unti akong inalalayan ni Captain patayo palapit sa kanya.
This time I feel so damn weak. Nangangatal ang buong katawan ko, nahihirapan akong huminga, ubos na ubos na ako.
I can't endure the pain that war gave to me. Sobrang sakit na.
Those goddamn terrorist. That fucking senator. He killed my father! He shot my mother in front of my eyes!
__________________
______
✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro