Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35


Chapter 35


Weeks had past since I ignored him. Ibinalik ko ang sarili ko sa dating ako. But I can't deny that the pain was still here, ang hirap burahin.

Patuloy na lumala ang giyera sa pagitan ng mga terorista at mga sundalo. Maaring hindi lang dito sa lungsod na ito nagkakagulo kundi pati sa labas. Nalaman na ng presidente ang totoong pagkatao ni Senator Cruz, hindi sa LTFA nagmula ang impormasyong nakuha niya dahil wala pa sa plano ni General na ipagbigay alam sa presidente ang bagay na ito para hindi masira ang plano.

So here it comes, lalong pinalawak ni Senator Cruz ang gulo. Naging mas madugo ang digmaan sa pagitan ng mga sundalo at terorista.

Nakasalubong ko sa daraanan si Alyana Ramos at lalampasan ko na sana siya nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Are you alright?" tanong niya. I intently look on her. Wala akong naging sagot dahilan kaya mas pinili niyang tumalikod para ituloy ang paglalakad. Nakakadalawang hakbang palang siya nang magsalita ako.

"Can we talk,"

She's stuck on her position. Sa pagharap niya ay labis na gulat at kasiyahan ang dumaan sa mga mata niya. She slightly nodded on me.

We both sat on the truck while staring at the night sky. Ilang minuto na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin at binasag iyon ng tanong niya.

"May gusto kang malaman?" she asked but I didn't bothered to look on her.

"Explain...from the very beggining."

May tanong sa sarili ko na gusto kong malaman ang sagot. At alam kong maari niyang masagot iyon.

"I met your dad, 'nong araw na sumabak kami sa giyera, dito rin sa Mindanao. Pareho kaming sundalo kaya pareho kaming magkasamang sumasabak sa giyera. Till we got attracted to each other.." nang mapatingin ako sa kanya ay nasilayan ko ang ngiti sa kanyang labi habang nasa kalangitan ang tingin. "Naging magkasintahan kami, pero kami lang ang nakakaalam. Tumagal 'yon hanggang matapos ang giyera. Hindi niya ako iniwan 'nong mga dumaang linggo matapos 'non. We stayed at his condo for almost one month, hanggang dumating ang araw, nalaman kong buntis ako...sayo," she stared on me. "Pero kasabay ng balitang iyon ay ang isang malaking katotohanan na nalaman ko. Your dad has his own family. Sa totoo lang ay wala akong alam tungkol sa kanya bukod sa pagiging General niya, wala rin siyang sinabi sakin..."

Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko. Napabuntong hininga siya bago nagpatuloy.

"Nalaman na din ng asawa niya ang lahat. Kaya ayon, nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan namin pero hindi namin hinayaang malaman pa ng iba. I left him, but he beg for me to stay. I ignored him, hindi ko siya kinakausap pero hindi parin siya umalis sa tabi ko. Inalagaan niya ako habang ipinag-bubuntis kita. He told me that he really loves me, we truly love each other but we're on a wrong time. Maling tao, maling panahon. Sinabi rin niyang handa niya akong ipaglaban, tayo. But I didn't let him. Mali e, gustuhin ko man pero mali." mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya.

"Hanggang sa ipanganak kita, nasa tabi ko parin siya. Dalawang buwan...dalawang buwan ka lang na nasa piling ko. Ipinaubaya na kita sa kanya. Hindi siya sang-ayon sa akin, but still I leave the both of you, I chose the painful but right decision. Sobrang laking eskandalo ang nagawa ko. Sumira ako ng pamilya...pati buhay mo sinira ko." her voice was full of regret.

She loves him, my Dad's love her. Pinili niyang itama ang mali, kahit sa masakit na paraan pa. Hindi ko na tinanong sa kanya ang pagkamatay ng ama ko. Too obvious na nasaktan rin siya doon.

Kahit papano ay may nasagot na katanungan sa isip ko. Hindi niya man nasagot ang tanong na gusto kong marinig ang sagot ay ayos lang, mukhang magkaiba ang sitwasyon na pinagdaanan namin.

"May gusto kang itanong?" she asked.

I shooked my head. "Wala," tumingin nalang ako sa kalangitan. But the truth is, I want to ask her a lot of question. Pero hindi ako handang makipag-usap sa kanya. I just want her to explain, to make everything clear.

She slightly smiled before she get down on truck. Lumapit siya sa akin, and I don't know why my heart throbbed violently when she tapped my hands.

"Maaayos din 'yan. Naniniwala ako sayo, anak." she then smiled before walking away.

Chineck ulit namin ang mga pasyente na karamihan ay umaayos na ang lagay. Hindi pa ulit kami nakakasama sa danger zone simula noong huling pagsugod.

Abala sa pag-aayos ng mga bagong dating na armas ang mga sundalo. Habang ang iba ay nakapalibot lang sa kampo.

"Zeph, bigatin 'to." rinig kong sabi ni Cimmerian, tinutukoy ay ang baril na hawak.

"Kailangan na nating ihanda ang mga ito, ano mang oras ay maari na namang sumugod ang mga terorista." sagot ni Zeph.

Deretso na sana ako sa paglalakad papunta sa tent nang makita ko si Cap na nakaupo sa duyan habang inaayos ang hawak na mahabang baril. Aksidenteng napaangat siya ng tingin kaya nagkasalubong ang mga tingin namin. Halos sabay rin kaming nag-iwas ng tingin.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Wala na siyang naging imik sakin simula noong huling kinausap niya ako. Ito naman ang gusto ko diba? 'Yung iwasan niya ako.

Pero meron sa sarili kong parang hindi sumasang-ayon sa iginagalaw ko.

Kinabukasan ay nagkaroon na naman ng pagpaplano ang mga sundalo habang kami ay abala rin sa pag-aasikaso ng mga pasyente.

"Lilinisan ko ang sugat mo, papalitan ko na rin ng benda." sabi ko sa isang sundalo at kumuha ng panlinis bago naupo sa tabi niya.

Paupo siyang nahiga sa kama at tinaas ang kalahati ng tshirt na suot niya. Nagkaroon siya ng tama sa tagiliran niya na kailangan ng palitan ng benda.

"Hindi ba bumubuka ang tahi, Nurse Astrielle?" tanong niya. Kahapon lang siya inoperahan kaya halos sariwa parin ang sugat niya, pati tahi ay delikado parin.

"Hindi. Just be careful with your moves, bawasan mo muna ang paggalaw habang nakahiga ka pa dito."

"Nakakabagot maging pasyente," napabuntong hininga na sabi niya. Abala ako sa ginagawa nang may marinig sa likuran.

"Reyes, kasama mo ba si Ermita kahapon?"

That voice was familiar!

Nang mapansin ni Reyes na natigilan ako sa ginagawa ay napabuntong hininga nalang ako. I remain my blank expression as I saw his presence beside me.

"Yes, Captain. Bakit?" saad ni Reyes.

"Nothing. Nagmamanman sila ngayon sa galaw ni Senator Cruz. Siya na mismo ang kasamang gumagalaw ng mga terorista ngayon."

Kita ko sa sulok ng aking mga mata ang pagsulyap niya sa akin pero kaagad ring nag-iiwas ng tingin. It's obvious that he's ignoring me the way I ignored him.

Hindi ko alam kung ano ang totoo sa nangyaring iyon. The only thing I knew is he cheated on me. Siguro nga ay naging biktima lang ako ng kalandian niya.

I want to scratch everything. But here I am again, keep flashing everything. Paano ko makakalimutan kung paulit-ulit kong aalalahanin?

I let everything go, I let him go, but I keep on asking why. Ang daming tanong sa isipan ko na siya lang ang makakasagot. But I don't want to ask him, ayokong makausap siya.

Tumigil sa pag-uusap ang dalawa. Dahan-dahan kong pinalitan ang gasa niya at inayos ang higa niya.

"Lessen your moves, mga ilang araw pa bago mo pwedeng ipaggagalaw ang katawan mo."

"Thanks, Nurse," he smiled.

Tumango nalang ako. Inilagay ko na sa metal tray ang mga ginamit kong panlinis sa sugat niya at tumayo.

Walang imik akong lumayo sa kanila at inilapag ang gamit sa isang table. Nilampasan ko si Shekinah na palapit sa pasyenteng pinaggalingan ko.

"Reyes, kahapon.." may pinag-usapan din sila. Hindi nga ako nagkamali na doon ang punta niya. I didn't bothered to look back on them.

Naglakad na akong palabas at hindi pa man tuluyang nakakalabas ay naunahan niya na ako. Bumagal ang lakad ko dahil sa mabilis niyang pag-alis. Para siyang hangin na dumaan sa tabihan ko. Hindi niya gusto ang presensya ng babae, sa tingin ko.

My heart beat faster. Napailing-iling nalang ako.

Ano pa bang sakit ang pwedeng ibigay ng giyera? My naked eyes already witness a lot of freaking suck things happened in this battlefield. Dito palagi nangyayari ang mga sanhi ng pagkadurog ko.

As I love him, I already do loving his guns. It protect me in the way that he can make me feel at peace. But he's now killing me.

Mapait akong napangiti nang mapatapat ako sa duyan kung saan palagi kaming magkatabing nauupo.

This war really meant something for us, dito nabuo ang lahat, dito rin nawasak.


________________
______

✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro