CHAPTER 34
Chapter 34
Sinamahan ako ni Lukariah sa likod ng kampo. Magdidilim na rin ang kalangitan kaya unti-unti ng lumalabas ang mga butuin pati ang buwan.
Tumalikod ako sa kanya at nakapikit na tumingala. Ramdam ko ang pagsisikip ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng pagsugal sa ganito.
Bakit pa 'ko sumugal?
"Kung alam ko lang na mangyayari 'to...Sana hindi ko nalang hinayaan na makuha ka niya." I heard Lukariah said. Nanatili akong nakatalikod sa kanya at nakapikit.
"Astrielle," napabukas ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses. "Elle, let me explain baby, please.."
"Explain to your ass! Gago!" sigaw ni Lukariah. Humarap na ako at nakitang nag-aambaan na sila ng suntok.
"Wag kang makialam ditong gago ka!" napansin niyang nakaharap na ako kaya lang siya lumayo kay Lukariah.
"Leave us here, Mallari.." walang emosyong sambit ko.
"What? No."
"Please," matalim siyang tumitig kay Captain bago naglakad palayo.
Muling nagtama ang paningin naming dalawa. Seeing his eyes makes my heart stabbing in pain.
"Baby..."
"Ano nga ulit sabi mo? 'Nong isang araw lang. Na ano? Na hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira ng tiwala ko sayo?" my breathe becoming in a gasp.
"I'm sorry..." he tried to hold my hands but didn't let him.
"You know how I hate cheaters," unti-unti na akong nahihirapan sa pagsasalita.
"Hindi kita niloloko," He's still trying to reach my hands but I shove him away.
"Potangina naman Cap! Kitang kita ko na, magbubulag-bulagan pa ba ako?" ramdam ko na ang likidong unti-unting sumasakop sa mga mata ko.
Napailing-iling siya. "Hindi... please believe on me baby, aksidente lang 'yon-"
"To cheat is a choice, it's not an accident." napatungo ako ng maramdaman ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. "N-Normal parin bang trato 'yon sa kanya? Ang makipaghalikan?...Nakuha mo na ba ang gusto mong makuha sakin? Masaya ka na bang makitang hulog na hulog na ako sayo kaya ginagago mo na 'ko?"
Nagawa niya ng hawakan ang nangangatal kong mga kamay. "Please, stop your tears. Baby, please maniwala ka sakin,"
"Ano pang paniniwalaan ko? Your action already prove it than your words." parang tinutusok ang puso ko. "Nakapikit ka pa. N-Ninanamnam mo pa ang labi niyang nakalapat sayo! Masarap ba Cap? Is she a good kisser than me?" patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
Panay ang tulak ko sa kanya nang sinusubukan niya akong yakapin. "Baby please stop..." he softly said.
"Sayo lang ako nagtiwala, ikaw ang inaasahan kong makakapagpakalma sakin, i-ikaw lang ang meron ako ngayon Cap. Pero bakit kailangan mong gawin sakin 'to? Mahal na kita eh, bakit ngayon pa?....Caspien b-bakit?"
My heart slowly tearing apart. I stared on him while my tears streaming down on my face.
"Let's stop this shits, C-Caspien.."
Mabilis niyang iniling ang ulo niya. "No, no hindi ako papayag. Walang mawawala. Akin ka parin." hinalikan niya ang mga kamay ko kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. "Baby naman...'wag namang ganito, para mo na rin akong pinatay kung iiwan mo 'ko.." hinawakan niya ang pisngi ko para iayos ang tingin ko sa kanya.
"Sana inisip mo 'yan bago ka nagpadarang sa halik niya." we stared at each others while our tears slowly gushing down our face. "Gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin Cap, wala na akong pakialam. Kung gusto mo siyang balikan, wala akong pakialam. Hayaan mo nalang din akong ibalik ang dating ako. 'Yung dating ako na walang ikaw. Wala na....w-wala na.."
He shooked his head. "Elle, please don't go away from me. Hindi ko kaya Elle....Fuck, I'm sorry...sorry." pilit kong inilayo ang sarili ko pero nagawa niya parin akong ikulong sa mga bisig niya. Isinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko at ramdam ko ang luha niyang pumapatak doon.
Nakakatawang isipin na siya ang taong naging dahilan ng muli kong pagngiti makalipas ng maraming taon na nababad ang pagkatao ko sa sakit. Hindi ko inaasahan na siya rin ang magiging dahilan ng muli kong pagkawasak.
"I'm looking for you, Captain. You know why?" ramdam kong mas humigpit ang yakap niya. "Because you are the only one who can make me calm. Mas higit ka sa kahit na anong panturok na pampakalma dahil ikaw, paghawak palang ng kamay mo sakin, yakap mo palang, everything went on peace." mas lalong nadudurog ang puso ko.
"Hindi ko na pagsisisihan na makita 'yon, dahil tangina! Produkto na nga ako ng panloloko, naging biktima parin ako ng panloloko!" unti-unti kong inalis ang braso niyang nakayakap sakin. "Tapusin na natin 'to.."
Kita ang sakit na dumaan sa mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Mas lalong gumuguhit ang sakit sa puso ko habang nakikita ang mga mata. I shove my hands away everytime he tried reaching it.
"Let's talk about this, baby. I don't want to stop this, I don't want to let you go, I don't want to stop everything between us. Astrielle...baby, you're still mine, kahit magalit ka sakin, akin ka parin." patuloy siya sa pagmamakaawa. "Elle..."
"Pagod na ako, Caspien. I'm tired. I'm drained. I'm breaking down. T-Tama na 'to, Cap. Tama na." humakbang na ako patalikod habang siya ay pilit paring hinuhuli ang kamay ko.
Tumalikod na ako sa kanya at humakbang papalayo. I wipe my tears away as I take my steps away from him. And I can feel my heart shattered as I heard his voice again.
"I-I love you...my l-lofreho.." he said on his melancholic voice.
My knees trembling in pain. I want to give up but I continued walking away.
Gusto ko siyang sampalin, suntukin. Gusto ko siyang saktan. Kaso potangina, tinatalo ng sakit na nararamdaman ko ang katawan ko. It feels like I lost everything.
The saddest thing is, the time when I needed him, the time when I wanted to see him so bad, is the time I realize that needing someone is not good at all. Oo, kailangan ko siya. At ang sakit na kung kailan kailangang kailangan ko siya ay saka niya ako sinaktan ng ganito.
Its hard to endure this pain. My heart shattered.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa may malalagong damuhan. Lumingon ako sa likuran ko at nakitang ilang metro na ang layo ko sa kampo.
Naupo ako sa damuhan, yakap ang tuhod na nangangatal. I let myself cried even harder. Sa tagal kong pinigilan ang sarili kong umiyak, ito ako ngayon, lumuluha dahil sa taong hindi ko inaasahan na magagawa sakin 'to.
It's okay to stay here than letting them see me crying.
Crying isn't a sign of weakness. It's a sign of having tried too hard to be strong for too long. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan ko palaging masaktan.
Iba't ibang uri na ng sakit ang napagdaanan ko, pero isa ito sa sakit na dumudurog sa pagkatao ko.
I sobbed in pain. My mind keep on flashing back every moment that we had together, his words and promises that just explode like a bomb.
I took a deep breathe and wiped my tears away.
I now having no one but myself. It's a damn shits for letting myself on needing someone in life. Kinaya ko ng mabuhay mag-isa, but still I let someone to enter my inner peace. So here I am again, slowly breaking into pieces.
No one stay permanently, so we should learn how to survive alone.
Tumayo na ako at pinakalma ang sarili. I go back on the camp with my coldest looks.
Lahat ng itinatanong sakin nina Zin ay seryoso ko lang sinasagot, kahit si Ethan ay natahimik nang mapansin ang paraan ko ng pakikitungo sa kanila.
Kinaumagahan ay nag-assist ulit ako ng scheduled operation namin ni Doc. Gazco. Naging successful naman ang mga operasyon ngayon. Meron na ring nag-ayos para sa katawan ng mga sundalong binawian ng buhay kahapon.
I still felt guilty for that.
Habang nagche-check kami ng mga pasyente ay naramdaman kong pumasok ang ibang sundalo para kamustahin ang lagay ng kasamahan nila. They are talking about their co-soldiers who pass away and about terrorist.
Napatingin na ako sa gawi nila at hindi inaasahang kay Captain tatama ang paningin ko. His damn staring at me, nakatayo lang siya sa may pintuan ng tent malapit sa ibang sundalo.
I remain my cold expression and look on different direction. Parang tinutusok ang puso ko na nagpapabigat sa paghinga ko.
"Nurse Zin, we have a scheduled operation for Trinidad," sabi ni Ethan sa nasa tabi kong si Zin.
"Yes, Doc." tumingin ito sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin.
"Dalhin ko lang 'to sa tent," sabi ni Shaira, tinutukoy ay ang hawak niyang medical kit.
"Ako na," kinuha ko na sa kanya ang hawak niya. Aangal pa sana siya pero walang imik akong dumeritso palabas.
I can feel that he's still staring at me. Hindi ko na pinansin at bumalik na sa tent namin para ibalik ang medical kit.
Hindi ko na pinahalatang nagulat ako nang marinig ang boses niya.
"Astrielle.." he called me in a terrified manner.
Walang reaksyon akong humarap sa kanya. "You need something, Captain Sarmiento?" malamig, walang karea-reaksyon na tanong ko.
His eyes was swollen. Kita ang sakit na dumaan doon. "I-I need you...all I need is you.." humakbang siya palapit sa akin pero hindi na ako gumalaw. Wala na akong pakialam sa mga sinasabi niya. "Baby....I-I...Damn! Hindi ko kaya...'wag ka namang ganyan sa akin oh, ang hirap. Ang sakit." his voice cracked.
"I can't give you what you need. Ask one of our nurses, baka maintindihan nila ang kailangan mo." I seriously said. Lumamlam ang mga mata niyang nakatitig sa akin, natigilan siya. Umiwas na ako ng tingin at humakbang palabas. Hinawi ko na ang kurtinang nakaharang sa tent at walang lingon-lingon na nagsalita bago tuluyang lumabas.
"Utang na loob, Captain. 'Wag mo na akong kausapin tungkol sa nangyari. I'm giving myself a hard time just to fucking scratch everything. I know our paths will still cross while we're still here, we can't do nothing about it. Pero awa na, iiwas mo na ang sarili mo sakin, dahil 'yon na ang ginagawa ko ngayon. Let's just pretend that there's nothing happens between us....Let's just be a professional as a part of Lofreho task force, you're a soldier, I'm an army nurse, we're nothing more than that."
________________
_____
✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro