Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 32


Chapter 32


Pareho kaming nanatiling walang imik sa isa't isa ng kalahating oras. Lumamlam lalo ang mga mata niyang nakatitig sakin.

"Okay," pagbasag niya sa katahimikan. "Let's scratch this." he smiled. "I love you, my lofreho." napaatras pa ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin na ikinatawa niya. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa bewang ko habang ang isang kamay niya ay humahaplos sa panga ko.

I gulped as he tilted his head and his lips landed on mine. Napapikit nalang ako nang unti-unti niyang igalaw ang labi niya sa akin. Napaurong na ako hanggang napakapit na ako sa dulo ng lamesa dahil sa pagdiin ng hawak niya sa panga ko at mas lalong pag-angkin sa labi ko.

"Caspien.." pagsambit ko sa pangalan niya nang maramdaman ang paglakad ng halik niya sa panga ko papunta sa leeg.

"You sounds sweet while saying my name, baby." sinabi niya iyon na nakalapat parin ang labi sa leeg ko. I almost hit his goddamn face as I feel him biting my neck.

"Fuck you Captain!" mabilis ko siyang itinulak. Napatalikod ako sa kanya at napahawak sa leeg na kinagat niya. I can touch his kiss mark. "Fuckshit!" mabilis ang pagkabog ng dibdib ko.

Narinig ko ang pagtawa niya at nang yakapin niya 'kong patalikod ay pabulong nalang akong napamura. Pilit niyang inalis ang kamay kong nakatakip sa leeg ko, at hinuli ang pareho kong kamay para hindi makagalaw.

"Hickeys looks good on you, baby." dinampian niya pa ng halik at tinawanan ang reaksyon ko.

"Lumayo ka nga! Masasapak na talaga kita!"

Pinaharap niya 'ko sa kanya. He kissed my hands in front of my eyes. "I'm sorry sa sinabi ko kanina. I didn't mean it. I'm sorry." paulit-ulit niyang dinampian ng halik ang kamay ko.

Hindi na ako nagsalita at tipid lang na ngumiti sa kanya.

May kausap siya sa radio niya at nagmamadaling umalis. Bago ako lumabas ay tiningnan ko muna sa salamin ang leeg ko.

"Ang tanga mo talaga, Elle." may ipinahid akong cream at inayos ang collar ng uniform ko para hindi mahalata bago ako lumabas.

We do some check for our patients. Nang matapos kami ay lumabas na ako at nakita si Shekinah. She's smiling at me, and I know that's for irritating me. Lumapit siya sakin na magkakrus ang mga braso.

"Sumugal ka parin kay Captain. Hindi mo ba napapansin ang trato namin sa isa't isa?" tanong niya pa na kala mo ay magiging interesado ako sa mga sasabihin niya. "Walang iba sa trato niya sayo. We have a mutual feelings before, at mahirap burahin iyon. Hindi ko sinasabi 'to para sirain kayo, pero parang gano'n na nga. Pampalipas oras ka lang niya."

"Ten billion dollars. Iharap mo sakin ang pake ko."

Ngumisi siya kaya ngumisi rin ako ng nakakaloko. Paano ko bang irerespeto ang sundalong kagaya nito? Ano bang ginawa ni Captain dito at akala mo ay makikipag-agawan ako. Seriously? At this time of war, she's confronting me for a man?

Parehong seryoso ang mukha naming dalawa nang lumapit si Lukariah.

"Velasco, pinapatawag ka ni Sergeant Santos."

"Bakit daw?" tanong niya sa lalaki.

"Ipapatawag ka pa ba niya kung sinabi na niya sa akin?" may pagka-sarkastiko na sagot niya.

She rolled her eyes on him before she walked away. Naiwan kaming dalawa. Aalis na sana ako nang harangan niya ang daraanan ko.

"Did she say something?" he asked.

"Yeah," walang ganang sagot ko. He didn't approach me since the day he asked me if I like Captain, ngayon lang ulit.

"What is it?"

I raised my left brows on him. "Nakikichismis ka ba?" Napaawang ang gilid ng labi niya at marahang iniling ang ulo. "Excuse, Mallari."

Naglakad na 'kong palayo. Nakita ko ang seryosong pag-uusap nina Doc. Gazco at Doc. Ethan kaya lumapit ako sa kanila.

"What's happening here?" pareho silang bumaling ng tingin sa akin.

"Nothing...just man conversation." sagot ni Doc. Gazco. "Anyway, Nurse Astrielle, we have a scheduled operation. You are going to assist me."

"What kind of operation? Kanino?" napansin kong nakatingin si Ethan sa leeg ko at napangisi pa ito nang itaas ko ang kuwelyo ko. Sinamaan ko siya ng tingin para hindi na siya magsalita.

"Operation in the heart for Tj Mendez. It will take a lot of time kaya kung maari ay maghanda kana, I will call you later."

"Yes, Doc." tumango ako sa kanya. Lumabas na siya ng tent kaya naiwan kami sa loob ni Ethan.

Halatang nagpipigil siya ng tawa dahil sa nakakalokong tingin niya. How I hate when someone's making fun of me.

Humila ako ng upuan malapit sa kanya at naupo doon. Nakapangwatro pa ang paa niya habang magkakrus ang braso na nakaharap sa akin.

"Ano Doc. Ethan? May problema?" walang emosyong tanong ko.

"Ahm.." pinasingkit niya pa ang singkit niyang mga mata. "I'm just wondering if some engkanto's bite your neck. You have a mark, bampira ba?" humagalpak siya ng tawa kaya kaagad kong sinipa ang binti niya.

"Silly." pinagtaasan ko siya ng kilay. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa lamesang kaharap ko at ipinilig ang ulo doon.

"Wow, isang sipa lang sapat na ah. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, may nababago. Naniniwala na talaga ako sa kasabihang...ang pag-ibig ay parang ulan, hindi tatakbo ang dagat 'pag walang susi ang motor. Nice.." narinig ko na naman ang tawa niya.

Kailan kaya 'to titigilan ng masamang espiritu?


Naramdaman ko ang paglapit niya at pagtapik sa balikat ko. "Sige, take your time to rest. Have a nice sleep, sweetie." narinig ko nalang ang yabag niyang palabas ng tent.

I finally feel at peace. Medyo malayo ngayon ang naririnig naming pagsabog at putukan kaya hindi masyadong maingay sa paligid.

Hinayaan ko munang lamunin ako ng antok para mas maayos kong magawa ang dapat gawin mamaya.

I woke up in time. Pinatawag na nga ako ni Doc. Gazco para sa operasyon. We put on our surgical mask and wore a foliodress gown. Ako lang ang mag-aassist sa kanya.

Si Tj Mendez ay isa sa sundalong sumugod noong nakaraan sa kuta ng mga terorista at isa siya sa natamaan ng bala na nakapagpalala ng lagay niya. He's unconcious now dahil sa pampatulog na itinurok sa kanya.

It took an hour before we got successfully done the operation. Nakahinga kami ng maluwag. He's now stable.

"How's the operation of Mendez?" pagkalabas namin ni Doc. ay si Alyana Ramos agad ang bumungad samin.

"He's stable now." ngumiti si Doc. Gazco sa kanya.

"Oh, that's good. Thank you for the both of you." ngumiti ito sa amin.

Deretso ulit ako sa hourly check-up sa mga pasyenteng unti-unti ng umaayos ang lagay. Medyo nakakalungkot isiping sa bawat pasyenteng umaalis sa kama nila ay mabilis naman na nagkakaroon ng kapalit. Parang paulit-ulit lang, may gagaling may papalit.

Nakita ko si Captain na nakaupo sa ugat ng malaking puno habang umiinom ng kape at may hawak na tinapay. Namalayan ko nalang na dinala ako ng mga paa ko palapit sa kanya.

"Oh, hi madame. Miss mo 'ko?" ngisi pa niya. "Sit here," umusod siya kaya naupo na rin ako sa tabi niya.

He took a sip from his coffee. Napalunok nalang ako at tumingin sa harap nang mapansin na nakatitig pala ako sa kanya.

"Gusto mo?" alok niya sakin ng tinapay at kape niya. Umiling ako.

"Mas kailangan mo niyan. You need to gain more strenght and energy para sa paglaban niyo." I intently look on him.

"I already gained my strength and energy since I got you, fully loaded." he smiled, I look away.

Tumama ang paningin ko sa papalapit na sina Zephyr at Cimmerian. Nakangisi ang mga ito sa amin.

"Hi, Nurse Astrielle. How are you, babe?" naupo pa si Zephyr sa tabi ko na may nanunuksong tingin.

Napatingin kami kay Captain nang ihagis nito ang hawak na paper cup na ininuman niya ng kape at itinaas ang baril habang matalim ang titig sa nasa tabi ko. Napabuntong hininga nalang ako.

"Matuto kang dumistansya, kung ayaw mong madisgrasya." madiing sabi niya. Tinawanan pa ng dalawa.

I sighed with disbelief. Tumayo na ako. "Excuse me," naglakad na akong palayo. Narinig ko pa ang ilang litanya ng magkakaibigan bago ko naramdaman ang pagsunod ni Captain.

Humarap na ako sa kanya para ngiwian siya. Pansin ko ang paglakad ng tingin niya sa leeg ko habang nakangisi.

"Okay na ba?" his voice sounds irritating.

"Fuck you!"

Nakangiti siyang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko. "You're so sweet, baby. No matter how harsh your words are, it's sounds sweet for me." he lean both of his hands on my shoulder.

"Oh, the sundalong pinaglihi sa malagkit with his flirty line again." iiling -iling siyang napangisi.

"At least, I caught you with that." we both stared at each other after that.

Parang sinasaulo namin ang bawat parte ng mukha ng bawat isa. Ilang minuto kaming nakatitig lamang sa isa't isa at natapos lang nang lumapit si Cimmerian.

"Captain Sarmiento, sa kabilang barangay nakikipag-sagupaan sina Mallari ngayon, they need our back-up."

Pagkasabi niya ay nauna siyang umalis at lumapit sa ibang sundalo. Habang ang nasa harap ko ay nagsuot ng bulletproof vest at inayos ang armas.

"Mag-iingat ka," I uttered. He kiss my forehead, then he smiled.

"I will-'oh, you should will. Sayo nakasalalay ang paghinga ko."

Sumakay na sila sa truck paalis ng kampo. Maririnig dito ang putukan ang pagsabog.

It's been a month since we departed here. It's pretty scary to be on a war, at sa pagpasok sa ganitong klaseng sitwasyon isang bagay ang napatunayan ko. Walang magagawa ang pagiging duwag.

No matter how dangerous the situation may get, I won't never forget why I become an army nurse. I don't need honors, fame or to be on the spotlight. I take an oath, at isa sa sinumpaan kong tungkulin ang pagiging handa at walang takot na humarap sa gulo. I shall appear fearless in the presence of danger.

Halos yumanig ang lupa sa kinaroroonan namin dahil sa pagsabog ng malakas na bomba. Sa kabilang barangay daw iyon, ipinapangamba kong baka matunton ng mga terorista ang kampo namin.

Maya-maya ay humupa ang putukan. Ilang oras ay may dumating na truck at bumaba doon ang ilang sundalo na may mga sugat ang iba. We give them medication, ang iba ay may galos lang sa mukha mabuti at walang natamaan ng bala ngayon.

"Thanks, Nurse." sabi ng isang sundalo na nilinisan ko ng sugat. Tipid lang akong tumango sa kanya.

Tumayo na ako na hawak ang isang metal tray na nilalagyan ng mga pang linis ng sugat. At natigilan nang makita si Captain na paupong nakahiga sa bed patient habang nasa harap nito nakaupo si Shekinah.

Why do I need to see this? Again and again?

Pareho silang nakangiting nag-uusap. Nakatalikod sa gawi ko ang babae kaya di niya ako makikita. Siya ang naglilinis at gumamot sa sugat ni Captain sa noo at pisngi.

That's part of our responsibility, how come's?

Parang may kung ano na naman sa dibdib ko na nagwawala, hanggang sa unti-unti ng nagsisikip nang sa ngiti niya tumama ang paningin ko. He smile. Damnshit!

Panandaliang tumayo ang babae para ibalik sa mga nurse ang ginamit niyang panglinis ng sugat. I can't take away my eyes on him. I saw how his smile immediately faded as he notice me, staring at him.

"Nurse Astrielle," parang gusto kong pumalakpak nang mabilis niyang ibinalik ang ngiti niya. Walang emosyon akong ipinakita at humakbang ng ilan palapit sa kanya. "May sugat din ako na kailangan mong gamutin, baby."

"May nag-assist na sayo, Captain Sarmiento. I need to give others attention and care. And I think, she already gave you that." I formally said and just look away.

________________
_______

✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro