CHAPTER 31
Chapter 31
Dumating ang ilang sundalo at dumeritso sa loob ng operating room kung nasaan ang katawan ni Gomez. Lumabas na ako nang bigla akong kaladkarin ni Captain.
"What the fuck are you doing?!" singhal ko pero hindi siya tumigil sa paghila sakin.
Dinala niya ko sa likod ng tent namin. Seryoso ang mukha niya nang humarap sa akin. He grabbed my waist closer to him and he hugged me too tight. Natagpuan ko nalang rin ang mga kamay kong naglalakbay sa likod niya. I lean my forehead on his chest.
"I'm sorry Cap, you lost another comrade again." parang hawak ko ang kapayapaan t'wing mararamdaman ko ang yakap niya sa akin. "Humingi nga pala siya ng tawad sayo bago siya.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Inangat niya ang mukha ko sa kanya habang hawak ang pareho kong pisngi.
"Napatawad ko na siya. Naiintindihan ko na ang lahat. Kahit ako, gano'n ang gagawin ko kapag mahal ko ang nasa peligro. I can take the risk just to save them." he slightly smiled. "We are lofreho warriors. Isa ang pag-ibig sa alam naming dapat na ipaglaban. Handa kaming isugal ang lahat, para sa kaligtasan ng mga mahal namin."
Umiwas ako ng tingin at humiwalay sa yakap niya. "May gagawin pa 'ko. Bakit mo ba ako dinala dito? Para yakapin? Seriously, Captain?" I rolled my eyes, he chuckled.
"Oo ata," napaawang ang labi ko nang nagawa niya pa akong itulak. Kung hindi malakas ang balanse ng katawan ko ay baka natumba na ako. Narinig ko pa ang pagtawa niya. He's now annoying me. "I'm just guilty about what happen to Gomez. May kasalanan rin kami, ako. Wala kaming nagawa para iligtas siya....At alam kong ikaw ang makapag-papagaan ng loob ko. Baby.." nakangisi ngunit may lambing na tawag niya.
"Magpapacheck-up kana ba sa akin, Cap?" lumapit na ako sa kanya at ipinatong ang palad ko sa dibdib niya. I stared on his brown eyes. The flirty soldier that I hate the most, pero kinilala ng puso ko.
"Astrielle, nagwawala ang puso ko baby... How could you make me feel this way in the middle of the war?" mas diniin niya ang kamay ko sa dibdib niya.
I smiled. "No, Captain. Ikaw. I drowned by your words, no matter how flirty you are, my heart always throbbing violently everytime I saw your brown eyes, everytime you showed up your beautiful smile. How could you took my words away in the middle of the war?" natigilan siya habang nakatitig sa akin. I tiptoed and kiss his lower lips. Mas lalo siyang nagulat at kita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya. "Hey, Cap"
Naglabas siya ng malalim na hininga at marahang napapikit. Nakapamaywang siyang tumalikod sakin habang may ibinubulong na hindi ko maintindihan.
"Hey, Sarmiento. May nasabi ba akong-"
"Damn you, Elle.... Mamamatay na ata ako...Aishh" panay ang buga niya ng malalim na hininga at humakbang pa palayo sa akin. Palihim akong napangisi.
I went near him to hugged his back. Sinilip ko ang mukha niya at nakita ko ang pagsilay ng magandang ngiti sa labi niya.
Humarap na siya sa akin para gantihan ako ng mas mahigpit na yakap.
"Captain" humiwalay na siya sa yakap at umayos ng tayo. "Hindi parin ba tapos ang giyera?"
"Hindi pa. Wala pang lead sa panibagong kuta na tinataguan ng ibang terorista. They are under Senator Cruz protection. Masyadong malakas ang pwersa nila ngayon."
"Wala parin bang alam ang presidente sa tunay na anyo ni Senator Cruz?" I asked out of curiousity.
"Wala pa. Baka oras na malaman niya ay gumawa siya ng hakbang laban kay Senator Cruz nang hindi naaayon sa plano. Mabuti na ang hindi niya pa alam, hangga't maaari."
I shooked my head. "Can I go now? We have hourly check-ups on our patients. I need to go."
He smiled. "Take your time, baby. You can go." hindi naalis ang ngiti sa labi niya nang umiwas siya ng tingin.
Bumalik na ako sa mga pasyente para icheck ang lagay nila. Hindi parin maayos ang lagay ng ilang natamaan ng bala dahil sa nangyaring pagsugod at ang ilan naman ay maayos na ang lagay, pero hindi pa makakaya ng katawan na muling lumaban.
"Assign someone to take care of Joemar Gomez body." narinig kong sabi ni Doc. Gazco sa ibang nurse. Lumapit na ako dito.
"Nasaan ang mag-ina?"
Iginawi niya ako palapit sa dalawang pasyente. "Nawalan ng malay si Mrs. Gomez at ang anak naman niya ay nahirapan sa paghinga kaya kinabitan na namin ng oxygen." lumapit kami sa mag-ina.
"Everything is fine?" Lumapit din samin sina Doc. Ethan at Zin. "Akala ko ay maaayos ang lahat, hindi parin pala." napailing-iling na sabi ni Ethan.
Lumapit ako sa bata at chineck ang heart beat nito. Medyo habol parin ang paghinga niya kahit may nakakabit ng oxygen sa kanya. She's suffering from asthma.
Habang nakatitig sa mukha niya ay bumalik sa alaala ko si Yurasa. A survivor from Myanmar.
Gaano ba kakomplikado ang buhay para sa mga kabataan ngayon? Instead of collecting a lot of happy memories while they're still a kid, their memories are filled with grief and darkness.
Nang magising ang mag-ina ay chineck ulit namin ang lagay nila. Parehong tulala, habang umaagos ang luha.
No one knows how painful losing someone is, unless you experience it. Kada oras na lumilipas ay sila ang tatakbo sa isip mo. Kahit pilitin mo ang sarili mong makalimot para mawala ang sakit, hindi parin tatalab. Mahirap kalimutan ang taong hindi naman natin kayang kalimutan.
Days had past. Pakiramdam ko ay nasanay na sa pagsabog at putok ng mga baril ang pandinig ko. Ilang buwan na ba kami dito? Hindi ko na alam. Hindi na rin mamamalayan ang takbo ng araw dahil paulit-ulit lang naman ang nangyayari. Nothing special--oh, really Elle?
Napahawak ako sa batok ko bago iiling-iling na lumabas. May ilang sundalo na nagtipon-tipon. Pasimple akong napangiti nang marinig ang tawa ng ilan sa kanila kahit may halong lungkot. But my smile immediately faded as I saw his hand on Shekinah's waist. Pareho silang nakatayo sa may gawi ng dilim, at hindi maalis ang tingin ko sa isang kamay niyang nasa bewang ng babae.
Nagtama ang tingin namin ni Shekinah at mas lalo niyang pinalawak ang ngiti niya.
"Peste." I uttered. Mas lalo niyang inaliw ang lalaki sa pakikipag-usap sa kanya. Panay ang pasimpleng sulyap niya sakin habang inaaliw ang lalaki. Hindi ko maiwasang mapatitig kay Captain.
His normal treat is such a bullshit.
Parang may kung ano akong nararamdaman habang pinagmamasdan ang pagngiti niya at pagdampi ng balat niya sa babae.
I looked away as I felt my heart skipped a beat with what my eyes see. Nagsikip ang dibdib ko, nagbara ang lalamunan ko. Bakit ko nararamdaman 'to?
Inabala ko nalang ulit ang sarili ko sa mga dapat gawin.
"Make sure to check him all the time." Doc. Gazco said after the successful operation.
"Yes, Doc."
I removed my gloves and surgical mask before I head out.
Ilang sundalo ulit ang ginamot namin ngayong araw. Kahit nabigo kami sa nakaraang operasyon kay Gomez, nakakaginhawa ng pakiramdam na maayos naming natapos ang operasyon ngayon.
Bumalik na ako sa tent namin para linisin ang mga ginamit namin. Naramdaman kong may humawi ng tela na nakaharang sa tent kaya napalingon ako doon.
"Hi" ngumiti siya sa akin pero seryoso lang ang mukha ko na umiwas ulit ng tingin. Hindi ko pa nalilimutan ang nakita ko 'nong nakaraan.
Ibinalik ko ang atensiyon sa pag-aayos ng scalpel na ginamit namin sa operasyon. Naramdaman ko ang paglapit niya at kaagad na akong umiwas nang yayakapin niya akong patalikod.
"May ginagawa ako, Captain Sarmiento." seryosong sabi ko. Mas lalong siyang lumapit sa akin kaya ako na ang umusod para lumayo. "May ginagawa ako Cap, hindi mo ba nakikita?"
Napabuntong hininga siyang umagwat sakin. "Fine." humila siya ng upuan para maupo doon habang nakatitig sakin. Binalik ko nalang ang tingin sa ginagawa. "Where's the others? Bakit ikaw lang ang nandito?"
Natapos na ang ginagawa ko pero hindi parin ako umiimik sa kanya. Masyado ba akong nagpaapekto sa nakita ko? Ano bang pake ko...
"Astrielle, ano pa bang tanong ang hindi mo sasagutin? I'm asking a lot of questions all of time pero ni isa ay wala kang pinansin." I look on him with my cold looks. "Baby, are we good?"
"What are we, Cap?" agarang dugtong ko.
Natigilan siya na may pagtataka. I gulped and take away my look on different direction. Tumayo siya at lumapit sakin ngunit nag-iwan ng distansya.
"What do you think, Elle? Gano'n na ba talagang kalabo sayo para itanong mo pa 'yan? Hindi ka ba sigurado o ayaw mo lang talaga ng sigurado?" iiling-iling siyang napangisi. "Are you really that numb?"
Aasta ba ako ng ganito kung manhid ako?
Now its my damn shits.
"What's the problem, Elle?"
"Ano sa tingin mo?" We both stared at each other. My heart beating loudly now.
"Hindi ko alam..." lumamlam ang mga mata niya.
"Who's numb again?" I lick my lower lips as I look away. I unintentionally look back on him as I heard him sighed.
Napabuntong hininga nalang rin ako at umayos ng tayo. Pareho na ulit kaming nakatitig sa isa't isa. "Let's scratch this, Cap. Wala lang 'to, walang problema, we're good. Don't mind it...Don't mind me." I bitterly smiled.
______________
_______
✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro