CHAPTER 27
Chapter 27
"Ano bang ginagawa mo dito?" I asked. Humiwalay na siya sa pagkakayakap at pinagtaasan ako ng kilay.
"What are you doing here?"
"Inenglish mo lang ang tanong ko. As usual, I'm doing what I needed to do. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tinaasan ko rin siya ng kilay.
He smirked. "I'm also doing what I needed to do. Visiting my beautiful opponents." he bit his lower lips and winked on me. "Tara sa labas, kakain na tayo, baka ikaw pa ang makain ko kapag nanatili tayo dito."
"Potangina mo!"
Siniko ko ang tagiliran niya nang iakbay niya ang braso sa akin. Tatawa-tawa pa siyang kinaladkad ako palabas. Pumasok kami sa tent na kinaroroonan nila at nang makita nila kami ay biglang nabuhay ang kantyawan. Tinignan ko na ng masama si Captain pero lalo niya akong hinila palapit sa kanya.
"Fuck off, Captain! Let go of me!" pabulong na singhal ko sa kanya.
"Why ba?" pabulong ring sagot niya habang nakangiti sa mga sundalo.
"Hindi ka makakahalik sakin. Subukan mo!" mabilis niyang inalis ang pagkaka-akbay sa akin kaya umayos na ako ng tayo. We both sat beside General who's seriously looking at Captain. Hindi ko alam kung bakit ganun siyang makatingin.
Ikukuha pa sana ako ni Captain ng pagkain nang agawin ko ang paper plate na hawak niya at ako ang naglagay ng sakin. Nakita ko ang potchero at wala na akong pakialam kung siya ang nagluto 'non.
Hindi ko naiwasang mapatingin kay Alyana Ramos na nasa harap ko na napalitan ang tingin samin ni Captain habang nakangiti. I gulped and just don't mind it. Kumain nalang ako.
"Sigurado ka ba Lieutenant Velasco na hindi aware ang mga terorista na alam na natin ang kuta nila?" General speaked on the middle of the conversation.
"I can't say it, General. But I'm sure that no one notice me there. Confirmed na si Senator Cruz nga ang pinuno nila ngayon." sagot ni Shekinah.
Natahimik na sila pagkatapos 'non na tila nag-iisip na ng sunod na hakbang.
"Okay ka lang, Cap?" tanong ko sa kanya. Lumabas na kami pagkatapos kumain at naglakad-lakad sa palibot lang ng kampo namin.
He sighed. Kunot na kunot ang noo niya na tila ang lalim ng iniisip. "Baby.."
"Huh?"
Ngumiti siya. Palagi siyang aliw na aliw t'wing sasagot ako sa kanya kapag tinatawag niya 'kong ganun. Nagcross arm siya at sumeryoso na ulit ang mukha.
"I'm just wondering..." seryoso ang mukha niya kaya napatitig ako sa kanya at hinihintay ang susunod na sasabihin niya. "Bakit kaya...ang gwapo ko?"
I gave him a death glare but he just making fun of it. "You're really impossible, Captain."
Aakbay pa sana siya sakin nang mabilis ko siyang itinulak papalayo. "May gagawin pa nga pala ako, isang yakap lang." he pouted before grabbing my arms and pulled me closer to him. He hugged me too tight, then he kissed my forehead. "Take a rest, baby. Amoy alcohol ka," tatawa-tawa siyang lumayo nang hahampasin ko sana siya.
"Okay na 'yon para hindi ako mahawa sa bacteria ng kalandian mo!" mas lalo siyang natawa dahil sa sigaw ko. Lumapit na siya kina Zephyr at magkakasamang nagtungo sa ibang kasamahang sundalo.
I couldn't help but to let out a slightly smile. This war really meant something for us. Totoo nga na love isn't always find in a romantic places, 'cause sometimes it's happen on the place that you never expect.
Sa giyera pa talaga. Sa giyera pa.
Kinabukasan ay nagkaroon na naman ng palitan ng putok ang mga terorista at mga sundalo. Bawat araw ay tila ulan ang pagpapaputok nila ng bala. Walang tigil. Ngayon ko nakikita kung ano ang pinapangamba ng mga residente. Ang bahay, mga ari-arian nila na maayos nilang naiwan, ngayon ay sira-sira na dahil sa tama ng mga bala at tama ng pagsabog.
"Captain.." tawag ko sa pansin niya habang naglalakad kami sa sementadong daan, nasa likod namin ang dalawang truck na mabagal na pinapatakbo kung saan nakasakay ang ilang sundalo. Si Doc. Gazco lang ang kasama ko sa area kung nasaan kami ngayon, ang iba ay nasa ibang parte kasama ng ibang sundalo.
"Yes, Astrielle?" we're both eyeing around.
"Anong tingin mo sa lagay ng mundo na natin ngayon?" I asked out of context.
"Full of cruelty and inhumanity... patuloy na tumataas ang bilang ng mga tao na walang pakiramdam sa kalagayan ng mundo. Peoples always blaming the world when there's something worst happen into their lives, kung tutuusin ay ang sarili nila ang dapat nilang sisihin. World is just a place where we're living, hindi mundo ang may kasalanan kung bakit mayroong ganitong gulo kundi ang mga taong gumawa ng gulo."
"I know your point. But how about those peoples who seems that they've got forgotten by this world? 'Yung mga taong parang palaging pinagkakaitan, 'yung mga taong hindi palagi sinasang-ayunan ng panahon. Dapat bang sarili pa nila ang sisihin nila kahit sila na nga ang nagdurusa sa masakit na klase ng buhay nila sa mundong ito?"
Tumingin siya sakin para ngumiti at ibinalik na ulit ang tingin sa daan. "You're pointing about yourself, right?" he snorted, I gulped. "You're really thinking that you've got forgotten by this world. You're not baby, kung totoong kinalimutan ka ng mundo, na hindi ka sinasang-ayunan ng panahon, na pinagkakaitan ka ng mundo, bakit nandito ako?...You are incomplete, you have a lot of missing piece, but it doesn't mean that this world forgot you, because I'm here, your one piece but can full all of those missing piece."
Nang mapasulyap ako sa kanya ay nakita ko siyang nakangiti. Sinubukan kong hindi mapangiti but his smile enchanting me, I couldn't help but to smile. Umiwas na ako ng tingin.
"Ewan ko sayo, Captain. Ang panget mong kabonding." we both chuckled and bring back ourselves on eyeing the place.
May puting kotseng nakaparada sa daan. Hindi ko alam kung anong meron doon dahil bumagal ang lakad ni Captain habang pinagmamasdan ang kotse.
"What's wrong?" hindi na ako nakapagtimping magtanong. Hindi siya sumagot. May ilang dipa ang layo nang tumigil siya sa paglalakad at hinarang ang isang kamay sa harap ko.
"May bomba" napaawang ang gilid ng labi ko sa sinabi niya. Nang tingnan ko ang tinititigan niya sa loob ng kotse ay may nakita nga akong bomba. May taklob na itim na tela pero kita ang gilid. Wala iyong time alarm, pero may pulang ilaw na panay ang kurap. Maaring ito ang bombang nasa may hawak ng bomb remote ang kontrol kung kailan pasasabugin. I eyed the place and there I saw something.
"I see a sniper moving 70 yards away, Captain."
"Get my gun, baby. Stay still." binigay niya sakin ang isa niyang hand gun.
Hinugot niya sa belt niya ang radio niya at nagsalita doon. Paurong na ang lakad namin habang siya ay nagsasalita parin sa radio ako ay pinagmamasdan ang galaw ng gunman gamit ang peripheral vision ko.
"Keep an eye on the bomb controller. Comia. Over."
"Comia, speaking. Captain, he knows that we're already aware. Over."
Ibinaba niya na ang radio at hinawakan ang isa kong kamay habang ang isa niyang kamay na may hawak na baril ay itinaas niya. Hindi ko na napansin ang mga sumunod na nangyari, basta namalayan ko nalang na may nagpaputok sa likuran at nasundan iyon ng pagpapaulan ng bala ng terorista at pagsabog ng kotseng pinagmamasdan namin kanina.
We let our body roll over the ground cause by the impact of bomb explosion. Hinila niya 'ko palapit sa kanya habang ang isang kamay ay nanatiling hawak ang baril at pinauulanan ng putok ang mga terorista. I still handed the gun he gave me, hinanap ng mga mata ko ang sniper at nang makita ko siya ay kaagad kong pinaputukan ang kamay niya. Sapol. I pulled the trigger of the gun once again to his left arms. Sapol ulit.
Hindi ko maiwasang humanga sa angking kakayahan ko sa paggamit ng armas. Yes, pinag-aralan ko ang paggamit nito, pero hindi iyon sapat para maging ganito ako ka husay. Siguro ay isa ito sa likas na abilidad ko.
Dalawang kamay ang nabaril ko sa kanya pero nagawa niya pang itutok muli ang baril sa akin. Kakalabitin ko na sana ulit ang gatilyo ng baril na hawak ko nang maunahan ako ni Captain. Napabagsak na ang katawan ng terorista dahil sa tama sa kanyang dibdib.
"Baby...we need to move." sabay kaming tumayo at tumakbo sa tagong lugar.
Pareho kaming sumandal sa isang malaking puno habang patagong pinapaputukan ang mga kalaban. We both smiled as we shot another two terrorist.
"You're skilled enough, huh." iiling-iling na sabi niya.
"Really, baby?"
Napaawang ang labi niya dahil sa unang pagkakataon ay ginamit ko ang pagtawag 'non. Pumunta siya sa harap ko na may hindi makapaniwalang tingin.
"Y-You call me bab-"
I put my gun up and pulled the trigger of it to the man behind my Captain. His eyes widened by shocked before he take his eyes to the man I shot.
"Asintado ang bata ko," iiling-iling niyang wika habang nasa nakabulagtang katawan ng terorista ang paningin. "Elle, paano mo nagawa 'yon?"
"That's my tactics, baby." I chuckled as I saw his surprised reaction. Inayos niya ang pagkakasabit ng baril sa leeg niya bago lumapit sakin.
"I'll bring you back on the camp. Delikado ang mga pagsabog. Kapag ang puso ko ang sumabog, mas lalong delikado, baka kung mapano ka pa."
Ngumisi pa siya bago nagsimulang maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya habang pinanliliitan siya ng mga mata.
"Is that a threat, Captain?"
He snorted with laughter. "Uhuh," he bent his head down on me to gave me a swift kiss on my lips. I pushed him and gave him a death glare.
Nakangisi siyang nagpatuloy sa paglalakad habang ako ay nakasunod lang sa kanya.
________________
_______
✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro