Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

Chapter 26


His last words still echoing on my ears. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Mabuti nalang at bumalik si Zephyr sa loob.

"Cap, we need to proceed to our plans as soon as possible." nagsusuot pa siya ng bulletproof vest bago lumabas.

Napatingin ako sa tabi ko at nakita siyang nag-aayos na rin ng mga baril at isinuot ang ibinigay ni Zephyr na bulletproof vest. Tumayo na siya at... napalunok nalang ako nang umukod siya sakin para dampian ng halik ang labi ko.

"I'm sorry.." he leave after saying that.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa inis na nararamdaman. Ano bang nangyayari sayo, Astrielle? Kahit yata ilang beses ko itong itanong sa sarili ko ay hindi ko parin makuha ang sagot.

Nag-aasist ulit ako sa operasyon na ginawa ni Doc. Gazco. Ilang sundalo ang ginamot namin dahil sa pagsabog daw na nangyari at ang ilan naman ay natamaan ng bala. Sa bawat oras ay may nalalagay sa alanganin na buhay, sigurado akong nagdiriwang na ang mga teroristang ito dahil sa mga nangyayari.

Kailan magiging payapa ang lungsod na ito, kung palaging dito gumagawa ng gulo ang mga teroristang ito. Isama mo pa 'yong Senador na mapanlinlang. Tupa sa harap ng presidente pero oras na tumalikod na ito ay nag-aanyong tigre.

Dilim na ang paligid nang bumalik sina Captain sa kampo. Pumasok sila sa tent na kinaroroonan ng mga pasyente para tingnan ang lagay ng mga ito. Tinapos ko na ang paglalagay ng benda sa braso ng isang sundalo bago ako tumayo.

"Nakita namin ang sasakyan ni Senator Cruz kanina." sambit ng isang sundalo na nakahiga sa patients bed dahil sa natamong tama ng bala sa may tagiliran. Nakapalibot sa kanya ang mga sundalong tila inuusisa ito. "Sinundan namin pero nasa kalagitnaan palang kami ng gubat kung saan sila nagtungo ay may nagpaulan na ng bala sa amin. At bawat daanan namin ay may nakatanim na bomba. Hindi ko na nalaman kung saan napapunta ang mga kasama ko doon, ang huling narinig ko lang nang mawalan ako ng malay ay pagmumura ng isang babae-'Teka nandito ba si Velasco?"

Inikot ng mga sundalo ang paningin sa mga pasyente. "Wala," sagot ni Cimmerian.

"Kasama namin siya at siya lang ang wala dito?" napamura ang sundalo.

Hinugot ni Lukariah ang radio niya at nagsalita doon. "Lieutenant Commander Mallari. Over."

"Sergeant Santos speaking. Over."

"Kasama niyo ba si Lieutenant Velasco ngayon? She's not here. Over."

"She's not here. Over."

Binaba niya na ang radio at napasapo sa noo. "I will find here location." mabilis na umalis si Lukariah. Narinig ko ang mura ni Captain at mabilis na ring umalis.

He didn't even notice that I'm here. Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa pagchecheck-up sa mga pasyente.

"Elle, kumain kana?" lumapit sakin si Zin nang matapos kami sa ginagawa.

"Hindi,"

"Icheck mo nga ang BP mo, halata sa mukha mong tumataas na naman ang dugo mo." she raised her brows on me.

"Tumigil ka, Zindaya." I snorted. Inagaw ko ang isang baso na tubig na hawak niya at ininom iyon.

Madaling araw na pero wala sa aming nakaramdam ng antok. Bawat marinig kong paparating ay umaasa akong si Captain 'yon. I can't deny that I'm waiting for him. Bagong bago diba? Dati ay gustong gusto ko siyang sipain palayo kapag palagi siyang nasa harap ko tapos ngayon ay ito, hinihintay ko siya.

"Velasco! Tell us the truth!" nakita ko ang bagong dating na sina Lukariah at Shekinah. Hinila niya ang braso ng babae paharap sa kanya at napaawang nalang ang labi ko nang lumapit si Captain para ilayo dito ang babae.

May dipa lang ang layo namin nina Zin sa kanila pero mukhang hindi nila kami napapansin.

"Why so harsh on me, Commander? Ako na nga ang gumawa sa plano tas ako pa ngayon ang pinapagalitan mo!"

"Just tell us what happen!"

"You can ask her without touching her!" matunog siyang ngumisi ng magsalita si Captain. "Bakit ba tinatanong mo pa kung anong nangyari? We already know it. She found out the base of those terrorist. What else?"

"Pinasok niyang mag-isa ang kuta ng mga terorista! Ano sa tingin mo ang pwedeng mangyari?!"

"Ligtas siyang nakalabas na may hawak na impormasyon tungkol sa mga teroristang iyon. At ano ang sa tingin ko ang pwedeng mangyayari? Magagamit natin iyon para sa pagpapabagsak sa mga terorista! Alam mo, Mallari. Hindi ko maintindihan kung anong gusto mong palabasin. Kung nawasak ang unang plano gagawa tayo ng bago. Walang mali sa ginawa niyang hakbang. Baka ikaw pa ang mali. Because you're her upper but she's more than skilled than you."

Kinuwelyuhan siya ni Lukariah at nag-iigting ang panga na tumitig sa kanya. "You don't know how I move, Sarmiento. Hindi ako gumagawa ng hakbang na basta-basta. Dahil hindi lang kaligtasan ko ang inaalala ko, kundi ang kaligtasan ng mga mahal ko. Alam mo kung anong pinupunto ko, Sarmiento. Alam mo 'yon!" may diin ang bawat salita niya.

"T-Tumigil nga kayong dalawa!" pag-ayat ni Shekinah. Marahas na binitawan ni Lukariah si Captain at walang salitang lumayo sa kanila. Napasulyap pa siya sa gawi ko kaya napaiwas ako ng tingin.

Bumalik ang tingin ko sa dalawang naiwan. They looking at each other concernedly. Captain was still holding her arms. I don't know what to feel about this.

Pumasok na ulit kami sa tent namin para magpahinga. Pinilig lang ni Zin ang ulo niya sa mesa at hindi nagtagal ay nakatulog na.

Mag-uumaga na pero hindi na ako natulog. Kinuha ko ang bag ko at kinuha doon ang isa kong camouflage uniform. Lumabas ako papunta sa banyo na gawa sa kahoy at sako na malapit lang sa tent naming mga babae para maligo. Wala naman sigurong potanginang bastos na maninilip pa sa kasagsagan ng giyera.

Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at bumalik na sa tent para doon magpatuyo ng buhok. Naupo ako sa monoblock chair at napabuntong hininga nalang nang bumalik sa isip ko ang senaryo kanina.

I don't know how to respond with this.

"Boyfriend mo 'ko kaya hindi out of responsibilities kung halikan kita!"

"Boyfriend" napangisi akong iiling-iling. "May boyfriend pala 'ko, nasaan? 'Yon, kasama ay iba." mapait akong napangiti.

Nakakalimutan mo na yata Astrielle na pareho silang sundalo. Normal na magkasama sila. Normal. Literal. Tipikal. Kaya kung ako sayo, scratch this, Elle. Focus on your responsibilities. Go back with your principles.

Nag-umaga na pero hindi man lang ako dinalaw ng antok. Kagaya kahapon ay nakasama ulit kami sa danger zone dahil sa pagsabog na nangyari, nagcheck ng mga patients, at may operasyon ring ginawa dahil sa mga natamaan ng bala.

Lumipas ang maghapon na hindi ko siya nakita. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero parang ganun na nga. Why not, diba? According to him, he's my boyfriend. So literally, I will look for him.

How could that soldier changed my attitude? Napangisi nalang ako.

"Anak...A-Astrielle." biglang sumeryoso ang mukha ko nang makita si Alyana Ramos.

"Yes?"

"May dala akong pagkain sa labas. Baka hindi ka pa kumakain." mas lalong sumeryoso ang titig ko sa kanya. Hindi ko maintindihan, basta ang alam ko ay bago itong pakiramdam ko sa kanya. Parang hinahaplos ang puso ko. "May dala rin akong potchero, alam kong gusto mo 'yon." ngumiti siya sakin bago umalis.

Sinundan ko ng tingin ang paglabas niya at napailing-iling nalang bago bumalik sa ginagawa.

Inaya rin ako ni Zin sa labas pero hindi na muna ako sumunod kahit sinabi kong susunod ako. May inayos lang ako sa mga gamit namin sa tent bago binisita ang mga pasyente namin. Lumapit ako kay Hernandez nang magising ito.

"Nakakagalaw kana ba ng maayos?"

Pahiga siyang naupo sa kama niya. "Kunti nalang, medyo maayos na. Parang kagat nalang ng langgam ang pagkirot nito." itinaas niya ng kunti ang damit niya para ipakit sakin ang tagiliran niya kung saan siya natamaan ng bala.

"Papalitan ko ng gasa," inilapag ko ang mga gamit bago pinalitan ang gasa niya.  "Hihilom na 'yan. Bawasan mo lang ang paggalaw para hindi na kumirot."

"Thanks, Nurse Astrielle." ngiti nito na tinanguan ko lang bago lumabas.

Bumalik ulit ako sa tent namin at nagulat nang makita si Captain na prenteng-prente na nakaupo sa kahoy na upuan at nakacross legs habang seryoso ang mukhang nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang ilang gamit na kinuha ko kanina.

I heard his footsteps approaching me. And my eyes widened as he locked me using his arms. Hindi ako makagalaw at natigilan nalang dahil sa higpit ng yakap niya sa akin. He rest his chin on my shoulder.

I thought naiinis siya sakin dahil sa nasabi ko kahapon. Kung naiinis nga siya, sino ako para hindi?

Sinilip ko ang mukha niya at nakitang nakangiti siya sa akin. "Amoy alcohol ka," I wanted to puched his face when he chuckled on me. But then, he uttered another words that drowned me. "I miss you, baby."

___________________
_______

✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro