Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25


Chapter 25

Everyone do fallen in love with the most unexpected person at the most unexpected time.

And I fell in love with the soldier at the time of war.

Mabagal ang lakad niya papalapit sa akin at hindi parin naaalis ang gulat sa mukha. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng sitwasyon.

Ngayong nasa harap ko na siya, pakiramdam ko ay nagbubuhol-buhol ang mga bituka ko. Ano na bang nangyayari sayo, Astrielle?

He cupped my face and gave me a swift kiss on my forehead. Pinagdikit niya ang mga noo namin habang nakatingin ng direkta sa mga mata ko.

"That's not a lie?"

Mahina akong natawa. "We're not playing kiddie games, Captain."

"Malagkit parin ba ako para sayo?"

"Yes, malagkit with a twist. My favorite twist."

"Akala ko ako lang 'yung mabilis, ikaw rin pala hehe" I couldn't help but to smile. He already crashed me down, I drowned. Paano ko pang magagawang patagalin?


He tilted his head to gave me a soft and gently kiss on my lips. I closed my eyes and feel his warmth. His kissed, his touch, makes me forget my pain, I felt unconditional.

Nilapatan niya ulit ng mabilis na halik ang labi ko bago iyon pakawalan. Ngumiti kami sa isa't isa.

"Kumain ka na?" tanong niya.

"Hindi pa,"

Ngumiti siya sakin bago hinawakan ang kamay ko. "Tara," bumalik na kami sa base namin. Nagpaiwan muna ako sa labas at naupo sa duyan habang siya ay kumukuha ng pagkain.

Napaayos ako ng upo nang makita siyang papalapit na sa akin. Naupo siya sa tabi ko at inilapit ang platong hawak.

"Share na lang tayo," he smiled at me that makes my heart beating fast again. Hindi ko nalang iyon pinansin at sumalo na sa pagkain na kinuha niya.

Hindi ko inakalang isang sundalo ang titibag sa mga salita ko. Parang biglang nabasura ang mga sinasabi ko sa sarili ko noon. This flirty soldier caught me by his words, actions, presence that makes everything burned.

Nagising ako kinabukasan nang may narinig na nagsasalita sa labas ng tent. Nag-ayos na ako ng sarili bago lumabas. Naghahanda na ulit ang mga sundalo sa susunod na pag-atake. Parang may nangyaring iba dahil sa dismayadong mukha ni General. Hindi ko rinig ang pinag-uusapan nila dahil may ilang dipa ang layo ko sa kanila kaya gumawi nalang ako sa mga kasamahan ko.

"Maayos na ba ang lagay ng mga pasyente nating sundalo?"

"Yes, Doc. Ethan, nakakalakad na si Patulot at maayos ng naiigalaw ni Gomez ang kamay niya. Kasama na silang sumabak sa giyera kanina lang."

Sinilip ko ang kwartong tinutuluyan nila at nakitang wala na nga ang mga ito doon, kagaya ng sinabi ni Shaira.

Rinig na naman sa kinaroroonan namin ang mga putukan. Nagsimula na naman ang giyera. Kailan ba mapapagod ang mga teroristang ito na manira ng lungsod? Kung mapupuno ng mga ganitong klase ng tao ang bansang ito ay walang mangyayari kundi gulo.

Mga taong may taliwas na paniniwala, mga ganid sa pera, mga politikadong tao na tiwakil sa gobyerno. Kung patuloy ang pagdami ng ganitong klase ng tao ay hindi kaayusan ang uunlad kundi ang kasamaan at kasakiman. Sa patuloy na pagkitid ng utak ng mga tao ay mas lalong umaangat ang kasamaan. Hindi masusugpo ang mga kaguluhang nangyayari sa mundong ito kung ang mga tao mismong naninirahan dito ang mas pumapanig sa masama kaysa makakabuti.

Kung nakikita lang ng mga bayani ang bansang ito na pinaglaban nila noon, ano na lang ang magiging reaksyon nila? Na itong bansa na pinaglaban nila noon ay ganito na namang kagulo ngayon? They sacrifice their lives, they fight for this country's sake. Tapos lumipas ang panahon ay ganito na ulit ang kinalabasan. Gulo dito gulo doon. Our world is now full of cruelty and inhumanity.

We went on the critical area to give medication for the soldiers. Ganito ang nagiging trabaho namin t'wing nasa giyera kami. Para na rin kaming sumasabak sa laban kung tutuusin.

Pumasok ako sa kwarto kung saan nandoon si Ethan dahil ipinatawag ako nito. Nang matapos niya ang pag-aalis ng bala na tumama sa binti ng isang sundalo ay kaagad na niyang sinabi sa dalawang sundalo na kailangan na nitong ibalik sa kampo, hindi pa ito makakalaban dahil sa kondisyon ng katawan niya.

Inayos na namin ang mga ginamit sa operasyon para lumipat sa ibang kwarto nang pumasok rin sa kwarto namin sina Zin at Shaira kasunod ay sina Captain at ang troops nito.

"Potangina!" napamura nalang si Zephyr nang nabalot ng usok ang kinaroroonan namin. "Delikado na 'to. We need to move, now."

Mabilis ang naging kilos namin bago lumabas. Sobrang nabalot na ng usok ang hallway na dinadaanan namin palabas kaya hindi ko na makita ang mga kasama ko. Napatakip na lang ako sa ilong habang inaaninag sila. Nakita ko si Shaira na nasa tabi ni Zephyr at hindi ko maaninag kung nasaan na sina Ethan. Sobrang kalat na ang usok kasabay pa ng putukan sa labas ng building kung nasaan kami.

May humawak sa braso kaya agad akong napaharap sa nasa tabi ko. "Captain.." hinapit niya ako papalapit sa kanya at ipinatong ang kamay niya sa kamay ko na nakatakip rin sa aking ilong.

"Your Captain, baby."

"Self protection first Captain!" pilit kong inaalis ang kamay niyang itinakip niya sa bibig ko pero ayaw niya iyong alisin. Wala kaming mask, kung hindi niya tatakpan ang bibig at ilong niya ay mahihirapan siyang huminga. Hindi na ako magtataka kung ang terorista ang may kagagawan ng pausok na ito. "Alisin mo ang kamay mo! Caspien!"

"Baby, sayo nakasalalay ang paghinga ko. So please, 'wag kang makulit."

Ako pa talaga ang makulit? What a word..

Pahila niya akong dinala sa exit. Narinig ko rin ang boses ng mga kasama ko na tila nahihirapan ng huminga. Ibang usok ito, hindi iyong literal na usok dahil may halo itong chemical na maaring makasama sa amin kapag aming nalanghap.

Sa likod ng building kami napapunta at naroon din ang mga kasama namin. Nakayuko at tila mga hinihingal. Inalis ko na ang pagkakatakip sa ilong ko at inalis ang kamay ni Captain sa balikat ko. Hingal na hingal siya at ibinalik ang pagkaka-akbay sa akin.

"Akala ko ba ay sa akin nakasalalay ang paghinga mo? Ano ngayon ha? Bakit nahihirapan kang huminga?" singhal ko sa kanya.

"'Wag mo 'kong...asarin...Astrielle." hinihingal na saad niya bago ako kaladkarin papunta sa mga kasamahan namin.

"May naasinta akong terorista kanina, alam kung siya ang nagpakalat ng usok na may kemikal sa loob." sabi ni Zephyr.

"Sa labas lang ako may narinig na putok ng baril. Hindi ko narinig na nagpaputok ka sa loob." hindi naniniwalang sagot naman ni Cimmerian.

"I have silencers, buddy." nakangisi pa nitong itinaas ang baril. "Saan na tayo ngayon? Tutuntunin na ba natin kung nasaan ang kuta nila, Captain-'Captain? Naubusan ka ba ng dugo?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya bago sumilip sa mukha ng lalaking nakaakbay sa akin. Napaawang ang labi ko nang makita ang sobrang pamumutla niya na pati buong mukha niya ay parang naubusan ng dugo.

"Captain, sinabi ko na-" naputol ang sasabihin ko nang pumunta siya sa harap ko at ipinatong ang noo sa balikat ko. "Cap, ayos ka lang?" inalog ko ang balikat niya, ramdam ko ang bawat mabigat niyang paghinga.

"Baby...nahihilo ako.." napamaang ako nang maramdaman ang pagbagsak ng katawan niya dahil sa panghihina. Lumapit sa akin sina Cimmerian para alalayan siya.

"Nawalan ng malay ang pota pftt" parang gusto kong masapak si Cimmerian nang natawa pa ito.

Idagdag pa si Zephyr na natawa rin. "Chumansing pa bago nawalan ng malay pftt.."

"Pwede bang buhatin niyo na lang 'to bago kayo ang alisan ko ng malay diyan?" mahinahon ngunit iretadong sambit ko sa dalawa.

Nagawa kong patikumin ang bibig ng dalawang sundalo kahit halatang natatawa pa rin ang mga ito. Binuhat nila si Captain pasakay sa truck para mabilis na makabalik sa kampo.

Kinabitan ko na siya ng oxygen para umayos ang paghinga niya. I already checked him up to know the possible effect of that chemical on him. Na-lack of air siya dahil sa kemikal na usok at nagsikip rin ang dibdib niya kanina kaya siya nahirapan sa paghinga at namutla dahilan kaya siya nawalan ng malay.

Maayos na naman ang heart rate niya pati ang paghinga dahil sa oxygen na nakakabit. Hihintayin na lang siyang magkamalay.

Naupo ako sa tabi ng kama kung saan siya nakahiga habang pinagmamasdan ang mukha niya.

Masasapak ko talaga ang malagkit na 'to.

"Elle, 'wag katitig." rinig kong sabi ni Zin. Hindi na ako humarap sa kanila. Andito pa rin ang dalawang sundalo dahil hihintayin daw nilang magising ang kaibigan nila para gawin ang plano.

"Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit.." pagkanta pa ni Zephyr.

"Kapag naaalala ka, wala na nga akong magawa.." napangiwi nalang ako nang sundan iyon ni Cimmerian. Pinagpatuloy pa nila ang pagkanta.

"Gumising ka na baby, hindi na ako sanay na tulog ka, mahirap ang wala ka.."

"Sa'king tabi hinahanap-hanap kita... hanggang kaylan ako maghihintay na magising ka at damhin ang yakap mong puno ng-"

Sumeryoso ang mukha ng dalawa nang humarap ako sa kanila na walang emosyon na ipinapakita. Ano bang klaseng magkakaibigan ang mga 'to? Tatlong siraulo?

Napabalik ang tingin ko kay Captain nang ipatong nito ang kamay sa kamay ko. Pasandal na siyang naupo bago ibinaba ang oxygen mask niya.

"You guys can leave now!" parang may galit na sigaw nito sa mga nasa likod ko.

"Uy, nagising na ang matinik na kapitan,"

"Yes, Captain. Antayin ka na lang namin ni Zeph sa labas."

"Hoy Elle, tara na." pag-aya sa akin ni Zin.

"I'm her patients, so leave us here." napataas ang kilay ko nang siya ang sumagot.

"Okay, Cap." napabuntong hininga pa ito bago tuluyang lumabas.

Nanlilisik ang mga mata ko na ibinalik ang tingin kay Captain. Nakangiti siya sakin na mas lalong nagpainit ng dugo ko.

"Bwesit ka! Ano ha?! May napala ka ba sa kalandian mo?" malakas kong sinuntok ang magkabilang braso niya.

"Ano bang ginawa ko?-'Baby," umiwas na ako ng tingin nang magsink in sa akin ang inaasta ko. Masyado na yata akong nawawala sa sarili ngayon. Hindi naman ako ganito ah, kasalanan 'to ng malanding 'to!

Umayos na ako ng upo at napapisil sa sariling kamay dahil sa inis.

"I'm sorry for making you worry, gusto kong ikaw ang ligtas kaysa ako."

"Hindi sa lahat ng oras ay dapat mong isalalay sakin ang lahat. Paano kung nakakamatay ang pausok na ginawa ng mga terorista na 'yon? Edi namatay kana? Ako. Ako ang inisip mo kaysa sarili mo, e kung hindi kana nagising dahil sa nangyari na 'yon, naiisip mo ba ang mararamdaman ko?" napaawang ang labi niya sa sinabi ko.

Ano bang nangyayari sakin? This isn't me anymore.

Bumangon na siya sa kama at naupo sa tabi ko. Ipinatong niya ang kamay ko sa kamay niya kaya doon nalang ako napapisil.

"I'm sorry. Ayos lang naman ako, 'wag ka nang mag-alala, baby." hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa mukha niya. "Baby, I'm suffocating.." his eyes was on my lips. I couldn't help but to stare on his lips too. Damn you, Elle! "I need oxygen.."

Napalunok nalang ako nang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin. I closed my eyes as I feel his lips landing on mine. He kissed me passionately that brought me out of my senses.

Naramdaman kong umagwat ang labi niya sa akin pero hindi ko magawang magmulat ng mga mata. Alam kung aasarin niya ako dahil hindi ko matugunan ng maayos ang halik niya. Like duh, siya palang ang ano...basta. Wala akong alam sa ganito!

"Baby, open your eyes." awtomatiko akong napamulat at nakita ang kumikislap na kayumanggi niyang mga mata. Pero bago pa man ako makagalaw ay inilapat muli niya ang kanyang labi sa akin.

My heart throbbing fast as we stared at each other directly that I can saw his eyes vividly while his lips softly moving on mine.

Nang ilayo na niya ang labi sa akin ay para akong naistatwa. Hindi ako makagalaw nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Ngumiti siya sa akin bago hinalikan ang dulo ng ilong ko.

"Thanks for saving my breathe, my nurse."

"This is out of my r-responsibilities, Captain." napaiwas ako ng tingin. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.

"Am I not your responsibilities, Astrielle?"

Napabuntong hininga ako at ibinalik ang tingin sa kanya. "No, you are. I'm an army nurse who's giving medications to the soldiers. At isa ka sa sundalong prioridad naming bigyan ng pag-aalaga. You're my patients-"

"You're always thinking about your profession, but how about us? Pareho tayong may responsibilidad kaya tayo nandito, pero labas na 'yon sa kung anong meron tayo, Astrielle." nakatitig siya sa akin habang nagsasalita. " Oo isa akong sundalo, oo isa ako sa pasyente mo ngayon. Pero 'yon lang ba? Is that the only way you're considering me? As your patient and as a soldier? For goddamn sake, Elle. Boyfriend mo 'ko kaya hindi out of responsibilities kung halikan kita!"

I'm speechless..

____________________
_____

✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro