Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21


Chapter 21

Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanya. Nilabanan niya ang titig ko habang taas baba ang kilay.


Hanggang ngayon ay nage-echo parin sa tenga ko ang huling sinabi niya. Naiinis ako dahil bakit gusto niya pa akong biktimahin sa kalandian niya, e kanina lang si Shekinah ang nilalandi niya, harapan pa. Tapos ngayon, sa akin naman niya ilalabas ang lagkit niya? Tanginang puta!

Mas lalong nakakainis ang makaramdam ng kakaiba sa salita niya. Naiinis, naiirita ako pero nahahaluan iyon ng kakaibang pakiramdam dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

He's the only one who makes me feel this way.

"Kinikilig ka ba?" natatawang tanong niya.

"Tigilan mo nga ako Captain," nanatiling nanlilisik ang mata ko sa kanya.

"At bakit naman kita titigilan?" mataray na tanong niya na may malanding pagtingin. "Give me an acceptable reason to do that."

"May Shekinah kana. At ayaw kong maging dahilan ng kahit na anong gulo na may kinalaman sa hanep na pag-ibig yan. I hate the word 'cheat', ayoko ng may niloloko at hindi ko gusto na ginagamit ako para manloko. Ayos na ba?"

Natawa siya ngunit kunot ang noo na tumitig sakin. "You sounds jealous baby, walang namamagitan samin ni Shekinah."

"Tangina mo"

"Yes she's part of my past, maayos kaming nagtapos kaya kung ano man ang nakikita mong trato namin sa isa't isa, normal na para samin 'yon. I am not a cheater and I am not using you to cheat. Wala akong lolokohin dahil wala akong karelasyon..magkakaroon palang." ngumisi siya sakin pero unti-unti iyong napalitan ng ngiti.

"Tigilan mo parin ako,"

"Ayoko"

Napakamot nalang ako sa batok dahil sa nakakainis na sagot niya. Pumasok nalang ulit ako sa tent na para sa aming mga nurse para magpahinga.

Tahimik na paligid na simbolo ng kapayapaan, pero sa oras na ito ay hindi. Ang katahimikan sa gitna ng giyera ay palatandaan na kailangang maghanda, dahil anumang oras ay maghahasik muli ng kaguluhan ang mga kalaban.

Ilang ilaw at lampara lang ang nagbibigay ng liwanag samin ngayon bukod sa maliwanag na buwan. Hindi na alintana sa amin kung kunting tulog lang ang makuha namin, ang mahalaga ay nakakuha kami kahit kunting lakas para sa paggawa ng responsibilidad namin.

"May nakuha na kaming impormasyon regarding sa mga terorista." anunsiyo ni Sergeant Santos. Lahat kami ay nasa kanya ang paningin at hinihintay ang sunod niyang sasabihin. Lumapit siya sa isang lamesa at itinuon doon ang parehong kamay. Sa pagbuntong hininga niya ay parang sobrang bigat ng impormasyong nakuha niya.

"Anong impormasyon ba 'yan?" tanong ni Alyana Ramos. I can't call her as mom. Just...I can't. Hindi ko parin siya pinapansin kahit minsan ay nakakasalubong ko siya sa dinaraanan.

"Ang ilan sa miyembro nila ay nakasagupa na natin noon. Nakipag-sanib pwersa sila sa Apoy na bato para maghiganti."

"Do you mean...ang iba sa kanila ay iyong nakaharap na natin dati?...S-Sila rin yung p-pumatay kay..." Alyana's gave me a look. Sa tingin niya sakin ay parang nakuha ko na ang isusunod niya.

Lumapit rin si General sa lamesa at tumabi kay Alyana bago tumingin sakin. "Yes. Miyembro sila ng nakalaban namin noon. Ang ilan sa inyo ay hindi pa miyembro ng task force na ito kaya maaring wala pa kayong ideya sa kanila. Sila ang nakasagupa namin noon na naging dahilan ng pagkasawi ng karamihang sundalo...kasama na ang dating heneral na si General Jackson Ocampo, your father Astrielle."

I felt my blood running up through my veins. My hands formed a fist as my jaw clenched by that information. Parang gusto ko nang sugurin ang mga teroristang iyon sa lungga nila.

For how many years, bakit hanggang ngayon ay may natira parin sa kanila? And what? They're back for avenge? Sila pa talaga ang may lakas na maghiganti matapos nilang pumatay ng mga taong walang ginawa kundi ang lumaban para sa kapayapaan ng bansang ito. Sila ang gumawa ng giyera noon, at kaya sila rin ang may kasalanan kung bakit sila nabawasan ng mga miyembro noon.

"Malakas ang puwersa nila ngayon. Magaling magtago, at mukhang maraming sandata base nalang sa bawat pagpapasabog nila ng Rocket propelled grenade (RPG), at sa mga iba't ibang klase ng baril na gamit nila." Sergeant Santos said.

"Tingin ko ay may tumutulong sa kanila." pagsasalita ni Shekinah habang nililinis ang sariling armas. "They can't have those weapons kung walang tumutulong sa kanila. Sa hinaba-haba ng panahon na ang lumipas matapos nung sinasabi niyong giyera ay nandito parin sila, at handa ng lumaban. Sa tingin ko ay maaring isa sa miyembro ng mga ito ang may nasabi na sa lipunan, may mataas na posisyon sa politika."

"At gingamit nila ang mataas na posisyon na iyon para mapalinis ang pagkilos nila."

"You got the point, Lukariah." ngisi pa nito pero tinaasan lang ng kilay ni Lukariah.

Nagplano muli sila dahil sa nalamang impormasyon tungkol sa mga terorista. Kagaya ni Shekinah, tingin ko ay politikadong tao nga ang sumusuporta sa mga teroristang ito.

Maaring paghihiganti talaga ang hangad nito pero mukhang mas higit na doon ang gusto niyang makuha, ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Palubog ng palubog ang bansang ito dahil sa mga taong tiwakil sa lipunan. Instead of lifting this country for a better one, sila pa mismo ang nagiging dahilan ng paglubog nito.

We're now on a danger zone with soldiers to give medication for those in critical condition. Mabuti nalang at hindi kami kinukulang sa mga materyales para sa operasyon. Habang lumalala ang giyera ay dumarami rin ang mga sundalong nalalagay sa alanganin ang buhay.

We had three consecutive operation today and we successfully did it all! Nakakaluwag sa pakiramdam iyon, lalo na dahil ang nailigtas naming buhay ay isa sa mga lumalaban para sa kaayusan ng bansang ito.

I removed my surgical mask and gloves before heading out of the operation room with Doc. Gazco. Pero hindi pa kami nakakalabas ay may humarang na samin sa may pinto. Tatlong lalaki na nakasuot ng damit sibilyan at balot na balot ang mukha, mata lang ang nakikita namin sa kanila.

Napatingin ako kay Doc. Gazco at nakita ang takot niyang reaksiyon. Nakasuot kami ng aming uniporme na katulad ng sa sundalo at dahil doon ay alam kung may binabalak na namang gawin ang mga teroristang ito. I know they are terrorist. Base sa tattoo na bulalakaw sa may likod ng palad nila.

"Get off our way," I said not showing any reaction.

"Miyembro kayo ng Lofreho task force.." sinuri ng isang nasa una ang kabuuan namin.

"Ano ngayon?"

"Stop talking, Astrielle." pabulong na sabi ni Doc. Gazco pero hindi ko inalis ang tingin sa teroristang nasa harap ko.

Kung may hawak lang akong baril ay baka deretso ko nang napaputukan ang ulo ng mga ito.

"Anong sabi mo?" tanong niya na nasa akin ang paningin.

"Ashikamashikatamashi" nanlisik ang tingin niya sakin. "That's from a japanese word which in tagalog means TANGINA MO!"

Ikinasa niya ang hawak niyang baril kaya napaharang sakin si Doc. Gazco. Nanlilisik ang mga mata niya sakin at handa ng umatake sakin nang magsalita ang isa niyang kasama.

"Gawin na natin ang misyon natin bago pa matuluyan si Espino!" marahas niya kaming itinulak paloob ng operating room.

Nagkatinginan kami ni Doc. ng kunin ng mga ito ang mga gamit pang operasyon.

"Isama na natin ang mga 'to, para package deal na," naningkit ang mata ng isa habang nasa akin ang tingin. "Baka mas mapapabilis ang pag-alis ng bala na tumama kay Espino, kung ang mga ito ang gagawa 'non."

"Bakit? May tama ng bala?" nagulat ako sa pagsasalita ni Doc. Gazco. "Sana matuluyan,"

Malakas na sapak ang sumalubong sa mukha niya galing sa isang terorista. My jaw clenched as I saw how his body slump on the floor because of this goddamn terrorist punches. Nag-iinit ang dugo ko at namalayan ko nalang ang mga paa ko na umuurong palapit sa isang box kung saan nandoon ang mga panturok na anesthesia. Kumuha ako doon at binalik ang tingin sa mga potanginang terorista nang mapansin na nasa akin rin ang tingin ng sumapak kay Doc. Gazco.

Lumapit siya sakin at tumingin sa hawak ko. "Anong plano mo?" palapit siya ng papalapit sa akin hanggang napasandal na lang ako sa pader. "Wag mo'kong subukan-"

Malakas at sunod-sunod na pagputok ng baril ang narinig namin na nagpatigil sa kanya.

"Araja, kailangan na nating umali-" hindi natapos ng isang terorista ang sasabihin nang bigla nalang itong humandusay sa sahig at mayamaya lang ay sumunod ang isang terorista.

Nataranta ang nasa harap ko at napadaing nalang nang may bumaril sa paa niya.

"Nice shots, baby?"

I felt relief when I saw Captain who's now walking towards me. Nanatiling nakatutok ang hawak niyang baril sa terorista. Hindi na ito nakatayo dahil sa tama ng bala sa paa. Nakakapagtakang hindi pa tinuluyan ni Captain 'to.

"What we gonna do with this dumbass now?" tanong ni Zephyr na kapapasok lang kasunod si Cimmerian at Lukariah. 

I saw how Lukariah avoiding to look at me. Mas mabuti na iyon.

"What's on your hand, Astrielle?"

Napaangat ang gilid ng labi ko dahil sa tanong ni Cimmerian. Itinaas ko iyon at napabuntong hininga. "Anesthesia.." I bit my lower lips when I heard Captain chuckling on me.

"Bakit hindi mo ininject sa gago?" he asked still chuckling.

"Pwede pa ba?"

Natawa ang tatlong sundalo maliban kay Lukariah na seryoso lang ang mukha. Narinig ko ang malutong na mura ng terorista at napaurong nang yumuko ako sa harap niya.

"Pampamanhid lang 'to, hindi mo pa ikakamatay. It can help you to ease the pain cause by that gun shot." pinasadahan ko ng tingin ang paa niya. Hindi naman na mali kung ituturok ko 'to sa kanya diba? He's too much bleeding and too much in pain cause by gun shot. Kahit terorista siya ay hindi ko siya pwedeng hayaang maubusan ng dugo dito. Alam kung may plano ang mga sundalong ito sa kanya. Kaya ininject ko na iyon sa kanya.

"Dalhin niyo na 'yan sa base. Let the nurses there give him a medication. Wag niyong hahayaan na makatakas 'yan." Captain said.

Inalis ni Cimmerian ang balot nito sa mukha at doon lang namin nakita ang mukha niya. Halos kaedaran lang namin siya, at nakaagaw ng pansin namin ay ang tattoo niya sa leeg. Bulalakaw iyon na mas malaki kaysa nasa likod ng palad niya.

Binuhat na siya ni Zephyr habang si Cimmerian naman ay inakay si Doc. Gazco na ngayon lang nagkamalay dahil sa pagkabagsak niya kanina na tumama pa sa matigas na bagay ang ulo. Si Lukariah naman ay inikot ang paligid bago nagsalita, hindi siya tumitingin sakin ngayon.

"Anong punterya nila dito?" sa sobrang seryoso ng boses niya ay parang nagsisisi akong inisip ko noon na isa siyang malanding sundalo. Nananatiling naglilibot ang paningin niya.

"They wanted to take those materials for operations. May isang miyembro ng grupo nila ang may tama ng bala na dapat sana ay gagamutin nila." I answered.

Hindi na siya nagsalita at tuluyan na ring lumabas.

"Sinaktan ka ba nila?" nagpunta sa harapan ko si Captain at hahawakan na sana ang pisngi ko nang iiwas ko iyon at naglakad ng palabas. "Astrielle, I'm asking you.."

"Hindi!" inis na sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sinabayan niya naman ako. Wala ng truck na naiwan dahil iyon ang sinakyan ng mga ginamot namin kanina para maibalik sa base at doon mas safe na magpagaling.

Malayo pa sa nilalakad namin ang base kaya siguro sinabayan na rin ako ni Captain. Iniwan na ako nila Zin at Ethan, pati si Doc. Gazco na kasama sa operations na ginawa ko kanina iniwan rin ako.

Hinatak niya ako papunta sa gilid at siya ay nanatiling nakahanda ang armas habang panay ang pakiramdam sa paligid, he's just using his peripheral vision for eyeing the place.

"You're the former General's daughter?" tanong niya. "Hindi ko siya nakilala pero kilala ko ang pangalan niya. He's one of the great warriors, right?"

"I'm his illegitimate child," sabay pa kaming napabuntong hininga bago nagkatinginan. "Ten years old palang ako nang mawala siya, siguro ay college ka palang 'non.."

Bumungisngis siya na humarap sakin. "Ilang years lang ang gap ko sayo. I'm just twenty six years old, Astrielle. Kaya pamagay tayo." he did winked on me.

"Hindi tayo pamagay...yelo ako, malagkit ka. Kape ang bagay sayo."

He pouted. "Mahal kita kahit ganyan ka," sinamaan ko lang siya ng tingin at bingga para maunang maglakad sa kanya.

_____________________
_____

✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro