Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

Chapter 20

War is the greatest evil Satan has invented to corrupt our hearts and souls. War. One word that can take away thousands of life, and tear millions of heart.

Maraming inosenteng maaring madamay dahil sa taliwas nilang pag-iisip. I can't imagine if this world will be surrended by wars just to fight against different beliefs, the tree of liberty must be watered with blood.

We heard a lot of bomb explosions, gun shots, that makes everything worst. May residenteng hindi pa nakakalikas ang aksidenteng natamaan ng bala na kaagad na dinala ng mga sundalo sa base.

Natamaan siya ng bala sa kaliwang braso niya kaya kinailangan namin siyang operahan para matanggal ang bala. May ibang sundalo ring nasugat dahil sa pagsabog at nagulat na lang ako nang isa don si Captain.

"Elle.." he mouthed.

Wala pang gumagamot sa kanya. Nilagyan ko ng benda ang binti ng isang sundalong ginamot ko bago lumapit sa kanya.

May galos ang mukha niya at dumudugo. I cleaned it till I feel his stared on me. Mukha niya ang ginagamot ko kaya literal na malapit ako sa kanya. Its kinda weird kung nasa braso niya ang paningin ko kung mukha naman niya ang ginagamot ko.

"Nawala ang pagod ko nong makita kita," he softly said.

Hinawakan ko na ang panga niya at marahas na pinihit ang mukha niya. Panay ang harap niya sakin kaya panay rin ang pihit ko sa mukha niya para linisin ang sugat sa may pisngi niya.

"Humalik ba sayo ang kalsada?"

Natawa siya sa tanong ko. "Hindi. Sayo lang ako magpapahalik-'Aw" sinuntok ko ang braso niya at matalim siyang tiningnan. "May pinanghihinalaan kaming kotse na maaring pag-aari ng terorista kanina, out of curiousity ay nilapitan namin yon at ilang dipa pa ang layo namin ay sumabog na iyon, at aksidenteng sa kalsada pa ako napatalon kaya ayan gasgas," he laugh with his own words.

"Its better than gun shots,"

"Don't worry baby, hindi ko hahayaang masira ang gwapo kong mukha. Baka iwan mo ko.."

I freezed and stared at him. Seryoso ang boses niya nang sinabi ang huling linya. Naramdaman ko na lang ang paglunok ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako natigilan dahil sa sinabi niya.

We heard bomb explosion again that brought us into senses. Muling napabalik ang tingin ko sa kanya nang mabilis niyang isinuot ang bulletproof vest niya at inihanda ang armas.

"W-Wait.." mabilis ko nang nilagyan ng band aid ang sugat niya.

He smiled at me. "Penge ng lakas.." he held my face and he did kissed my forehead! I was shocked and muttered a curse..

"T-Tangina.."

Nakalabas na siya kasunod ng ilang sundalo. Maya-maya lang ay bumalik ang isang babaeng sundalo.

"Kailangan ng medics sa danger zone ngayon. May ilang sundalo ang critical ang lagay doon, can anyone volunteer to come with me?"

"I can come," I volunteered.

Sumama rin sina Zin, Ethan, Shaira at Nathan sa akin. Sakay kami sa truck patungo sa danger zone na sinasabi niya. Nababalot ng usok ang bawat madaanan namin.

Bumaba kami sa isang abandunadong building kung saan naroon daw ang mga critical ang lagay na sundalo. Ang iba ay may tama ng bala sa tagiliran na kailangang maoperahan. Iyon ang inasikaso ko ngayon, habang sina Shaira at Zin ay ginagamot ang ilan pang nasugatan.

Unang araw palang ng pagsabak sa giyera ay marami na agad ang nalalagay sa alanganin ang buhay. Ano pang mangyayari sa mga susunod pang araw?

I know that this war won't end in just two or three days, minsan nga ay umaabot ng isang taon ang giyera. Kung sa bawat takbo ng oras ay may sundalong masusugatan at matatamaan ng bala, sino pang lalaban?

Sa mga sundalo nakaatas ang paglaban sa mga ganitong gulo at bukod sa kanila, wala nang aasahan pang iba na maliligtas sa bansa. Kung patuloy silang mababawasan sa bawat madugong digmaan na sinasabak nila, papurol na rin ng papurol ang pag-asang maging payapa ang bansang ito kung ang mga taong matitira ay takot na ipaglaban ang kalayaan.

Freedom is not free. Kung hahayaan nating mas lumaganap ang mga taong may taliwas na paniniwala, walang mangyayari sa mundo kundi gulo. Walang kapayapaan na nakukuha sa pagiging duwag at pagtago sa laban. Everyone should now how to fight for the rights with right principles.

Palitan ng mga putok ng baril ang naririnig namin nang makalabas. Tumulong na ako sa pagtutulak ng stretcher ng isang sundalong may tama ng bala sa may binti at tagiliran. Hindi pa siya makakalaban dahil sa tama sa kanyang binti, hindi siya makakalakad.

"Hold your fire!" sigaw ni Captain kasunod ng muling pagpapaulan ng putok ng baril.

Ang ilang sundalo ay nakadapa habang nagpapaputok ng baril at ang ilan ay nakatago sa kanya-kanyang pwesto. Lumapit sa amin si Captain nang makalabas kami tulak parin ang stretcher pabalik sa truck.

Tumulong rin siya sa pagtutulak ng stretcher kaya mas napadali ang paglapit namin sa truck.

Sasakay na sana ako sa truck nang hawakan niya ang kamay ko. Pawisan ang mukha niya at halata ang pagkahingal pero nagawa niya paring ngumiti.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa gitna ng giyera pa mas lumalalim ang nararamdaman ko sayo.." he said out of the blue.

Parang biglang minartilyo na naman ang puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit kung kailang nasa giyera ko pa naramdaman ito.

Mabilis na kaming bumalik sa base namin para malagyan ng oxygen ang sundalong critical ang lagay. Nakaapekto sa kanya ang tama ng balang natamo niya sa kaniyang tagiliran kaya kailangan muna niya ng pahinga.

Lumabas ako ng tent na kinaroroonan ng mga nagpapagaling na sundalo. Hanggang mamataan ko ang mga sundalong pabalik na rin sa base namin.

Magkakaakbay pa sina Cimmerian, Zephyr at Captain habang nakangisi. Iniwas ko na ang tingin ko nang magtama ang paningin namin ni Captain.

Why can't I look at him? Dahil ba nasaksihan na niya kung sino talaga ako kaya hindi ko na magawang maging masungit sa kanya? Aissh..

"Astrielle" lumapit sakin si Zephyr at umakbay. Napansin ko naman sa sulok ng mata ko ang pag-angat ni Captain ng baril niya. "Woah! Chill Cap, umakbay lang ako, sayo parin 'to," nag-igting ang panga ko nang itulak niya ako palapit kay Captain. "May ibang nurse pa naman don sa loob," nagawa niya pang kumindat bago pumasok sa loob ng tent.

"Basta ako, my love for my country is enough." tinapik ni Cimmerian ang dibdib niya bago sumunod kay Zephyr.

Hindi mo aakalaing galing sa giyera ang itsura nila. Para silang nagtamo na ng kapayapaan kahit umpisa palang naman ng laban. Isa iyon sa kinabiliban kong abilidad ng mga sundalo. Nagagawa parin nilang ngumiti at maging kwela kahit alam nilang nasa alanganin ang buhay nila.

"Where's Patulot? Maayos na ba ang lagay niya?" pagsasalita ng nasa tabi ko.

I nod. "Nakaapekto sa kanya ang tama ng bala sa tagiliran niya, kaya kinailangan niyang maoperahan. He's stable now. Kailangan niya lang munang magpahinga."

Tumango rin siya sakin at pumasok na rin sa tent. Nangunot ang noo ko. Normal bang akto ni Captain yon?

I sighed with my sudden thought. Pumasok na rin ako sa loob ng tent at naupo sa tabi ni Zin. She leaned her head on my shoulder. Panay ang hikab niya dala na rin siguro ng pagod.

Nagdidilim na ang paligid. Kung hindi ako nagkakamali ay baka alas-singko na ng hapon ngayon.

"Iba 'yung ngiti ni Shekinah kay Cap oh," nanatiling nakapatong ang ulo ni Zin sa balikat ko nang magsalita siya. Tumingin ako sa dereksiyon na tinitingnan niya at nakita si Captain na kausap si Shekinah. She's smiling at him while Captain saying something I didn't know, siguro ay bumabanat na naman ang malanding sundalo kaya ang isa naman ay nagpabitag ulit.

I thought they were exes, bakit pa sila naghiwalay kung may something parin naman sila? Thats based on what Shekinah told me. Gusto niyang layuan ko si Captain at pigilan ang sarili kong magkaroon ng attachment dito, pero bakit kailangan niya pang sabihin yon kung obvious naman na sa kanya parin pumupunta si Captain?

Nakangiti silang pareho sa isa't isa. Parang may kakaiba akong naramdaman nang hawakan ni Shekinah ang pisngi ni Captain at inalis ang band aid na lagay ko doon para palitan ng bago. He accidentally look on my direction, and when our eyes meet, I felt my heart throbbing violently. I gulped and look away to let my heart beats back on its normal pace.

"Ethan, kunin mo 'yung stethoscope, dali! Iche-check ko ang puso ng nasa tabi ko. Rinig na rinig oh, baka atakihin 'to,"

Mabilis kong inalis ang ulo ni Zin sa balikat ko at tinignan siya ng masama. She heard it?

Naupo rin sa tabi ko si Ethan dala ang stethoscope at itatapat niya sana iyon sa dibdib ko pero matalim na titig ang ibinigay ko sa kanya.

"Wala naman 'tong puso. Anong iche-check ko dito? Ikaw talaga Zin," iiling-iling siyang lumipat ng upo sa gitna namin ni Zin. "Puso mo nalang ang iche-check ko, tingnan natin kung tumitibok kapag kaharap mo 'ko."

"Literal na titibok ang puso ko, ano ako? Patay para mawalan ng tibok ang puso?"

Lumayo na ako sa kanila dahil nagsimula na naman ang barahan. May upuan naman sa labas ng tent namin kaya doon muna ako nagmuni-muni.

Tahimik na ang paligid ngayon pero alam kong hindi pa tapos ang laban. Nagpaplano na naman ang mga terorista para sirain at paguluhin ang sitwasyon. Kagaya ng mga sundalo dito, alam kong may plano na ang mga ito at nag-aantay lang sila ng tyempo para isagawa iyon.

"Baby.." rinig kong may bumulong sa likod ng tenga ko at hindi na ako magtataka kung sino iyon. Naupo rin siya sa kahoy na inuupuan ko at inaro sakin ang isang tasa ng kape na hawak niya. "Coffee?"

Hindi ko iyon pinansin at binalik na lang ang sarili sa pagmumuni-muni. Kita ko sa sulok ng mata ko ang paghigop niya ng kape sa sariling tasa habang hawak parin ang inaalok sakin.

"Yung band aid, may dumi na kaya pinalitan niya."

"I'm not asking.."

"Are you jealous?"

"W-What?!" nakaramdam ako ng inis sa tanong niya.

"You're attracted on me," he added confidently. Hindi ko na naman mahinuha ang sinasabi niya.

"Walang nakaka-attract sa isang malagkit na kagaya mo, nakakaumay ka lang,"

"Uhuh? Like that. I met you as a person having a cold personality Astrielle. First time we've met, I thought no one can crushed the toughest ice inside you. Wala kang emosyong ipinapakita, kahit boses mo ay yelo sa lamig..But think the way you treating me before and now.." natigilan ako sa sinabi niya. "Its not you, Astrielle. You're now showing me that you're annoyed, irritated, and mad. Nagawa mong ipakita sakin ang mga emosyong hindi ko inaasahang magagawa mong ilabas. Kahit ang emosyong hinihintay kong makita sayo.." he smiled.

Para akong nawala sa huwisyo dahil sa sinabi niya. Bakit nga ba may pagbabago? Nagbago ang trato ko sa kanya simula nung nagdaang araw.

"I have an effect on you.." he chuckled before looking directly into my eyes. "Do you like me, Astrielle?"

My jaw dropped as his question reverberating on my ears. Seryoso ba 'to? Pero bakit hindi ko magawang barahin ang sinasabi niya? Wala akong nagawa kundi ang umiwas ng tingin.

Hinawakan niya ang baba ko para maibalik ang tingin ko sa kanya. Nilabanan ko ang titig niya kahit parang unti-unti na naman akong natutunaw.

"Hindi mo na kailangang sagutin. I can see the answer through your eyes."

Hinawi ko na ang kamay niya at umiwas muli ng tingin. Hindi ko na magawang magsalita.

"I love you, Astrielle."

________________________
_____________

✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro