Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19


Chapter 19

"Labis na naman ang pangamba ng mga residenteng naninirahan sa mindanao dahil sa umaaligad na namang mga terorista. Ang ilan daw sa mga ito'y namamataan ng mga residente sa labas ng kanilang bahay twing sasapit ang gabi para kumuha ng mga essential na pangangailangan. May ilang putukan na ring nangyayari sa oras na ito,"

Pinahina ko na ang volume ng tv at kinuha ang cellphone ko. I felt my blood pressure increased through I heard that news. Ano na namang kailangan ng mga teroristang ito?

"Hello, Elle. You already heard the news right? Made-depart tayo sa Mindanao, General already informed me that we need to be there ASAP!"

Pinutol ko na ang tawag ni Zin at isinuot na ang camouflage uniform ko. I tied my hair before leaving my unit and grab a taxi going to the headquarters. I look at my wrist watch, its almost 9:30 in the morning.

Ang ipinagtataka ko lang ay, bakit kung kailan magulo na ang paligid ay saka lang may information na lumabas? What will happen now? Some parts of Mindanao are damn worst because of the terrorist attacks, mahihirapan ng lumikas ang residente doon ngayon.

Other soldiers from LTFA are already there. May ilang naiwan na kasama namin ngayon sa biyahe papuntang mindanao. I played with my fingers while we're on the way to Mindanao.

Hindi ko maiwasang kabahan habang nasa biyahe papunta sa lugar kung saan namatay ang ama ko. At baka sumabog ang galit ko kapag nalamang ang grupo ng mga terotistang ito rin ang pumatay sa kanya at sa iba pang sundalo noon.

Its funny how peoples makes everything cruel and asked the world why is it cruel. Tao ang nagpapatakbo sa mundo, the world is just a place where we're living. Its for us if we will going to make it good or worst.

Sa ilang taong paghinga ko sa mundong ito ay marami na rin akong nakilalang mga taong may taliwas na paniniwala. Same as those terrorist who's fighting with their wrong beliefs.

Nasa Mindanao na kami ngayon, we're not on the exact location already pero bumaba na kami sa truck na sinasakyan namin at lumapit sa mga sundalo. Agad nagtama ang paningin namin ni Captain pero hagip rin ng paningin ko ang tingin ni Shekinah. Hindi ko na sila pinansin at nakinig na lang sa sinasabi ni General.

"Kailangan na nating bahay-bahayin ang mga residente para makalikas na agad sila. Once na natugunan ng mga teroristang may mga sundalo na dito ay mahihirapan na tayong palikasin ang mga residente." mahabang litanya niya. "I need your full cooperation LTFA. Keep going, thats an order."

"Yes sir," everyone salute him before walking on their own directions.

Tahimik ang paligid dito, parang ghost town pero alam naming may mga tao parin sa bahay-bahay. They're afraid to go outside lalo na at hindi kilala ang mga terorista. Baka mamaya ay kaharap mo na pala, hindi mo pa nalalaman na terorista na pala dahil kung umakto ang mga ito ay parang normal lang.

Hinila ni Captain ang braso ko papalapit sa kanya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Bitawan mo 'ko!" natatawa niyang binitawan ang braso ko pero nanatiling nasa tabi ko. "Doon ka, baka sa halip na mapalikas ko ang mga tao ay hindi dahil sa asungot na kasama ko,"

"Uhuh? Lets try kong sinong asungot dito," patulak niya akong dinala sa isang bahay. He knocked the door on the third time pero wala paring nagbubukas. "I'm Captain Caspien Sarmiento of Lofreho Task Force Army, can someone open the door for me?"

He knocked the door for the fifth time at doon lang may nagbukas. He bit his lower lips and winked on me.

"Kung pagpapalikas ho ang ipinunta niyo ay hindi ho kami aalis dito," isasara na sana ng ginang ang pinto nang harangan ko iyon.

"Kaligtasan niyo po ang nakasalalay dito,"

"Hindi madali sa amin na iwan ang lugar at mga bahay namin dito dahil sa terorista,"

"Kung ari-arian po ang iniisip niyo ay kaya pa pong bawiin yan pero kapag ang buhay niyo na ayaw niyong ialis sa lugar na ito ang nawala ay wala na pong makakabawi non."

I heard Captain sighed. "Maam, tumatakbo po ang oras. Nainform naman na po kayo about sa teroristang nakapaligid sa lugar na ito diba? Hindi niyo po ba naiisip na sa bawat oras na pumapatak ay padelikado ng padelikado ang buhay niyo at ng pamilya niyo dito. Hindi ko na po kayo masisisi kung nanghihinayang kayo sa maiiwan niyo dito. Pero sa oras po ng giyera ay buhay ang mahalaga, hindi ang ari-arian at pera." I can called that a speech of Captain psh.

Napabuntong hininga ang ginang bago tumango. "Anak, ihanda mo ang gamit natin. Magbabakwit na tayo. Sige ho."

Captain pointed the direction of our truck kung saan sila sasakay sa paglikas. Nauna na akong maglakad sa kanya papunta sa ibang bahay.

"Asungot huh?" sumabay na ulit siya sa paglalakad.

Hindi ko na siya pinansin at lumapit na lang sa bahay- bahay. Mabuti naman na napapayag namin ang ilan kahit ang iba ay medyo natagalan pa dahil hindi kayang iwan ang ari-arian nila dito.

We're now on our barracks preparing for a plans. Tahimik lang kaming mga army nurses and doctors na nakikinig sa kanila. They won't let us come with them dahil narito kami para mang gamot sa mga sugatan. We can held guns but only if needed.

"Ito ring grupo na ito ang umatake noon. Ang grupo ng teroristang may simbolong bulalakaw na kung tawagin nila ay Apoy na bato, yon ang napag-alamang tawag sa kanilang grupo." pagpapaliwanag ni Sergeant Santos. "Lahat ng nagiging miyembro nila ay may tattoo ng kanilang simbolo. We need to be more attentive, sharpened our eyes sa mga taong pinaghihinalain natin."

Nagplano sila ng mga hakbang na gagawin kung sakaling aatake ang mga terorista. Hindi kagaya ng nasa balita kaninang umaga, ngayon ay walang naririnig na putukan. Mukhang may plano na namang binubuo ang mga ito.

"General, Alyana Ramos is here."

I felt uncomfortable when I saw who's behind Cimmerian. She's also on her camouflage uniform, she salute General before looking at me. I looked away.

Nakinig na lang ako sa pagpaplano nila kahit pansin ang panay na sulyap sa akin ni Alyana Ramos. Hanggang matapos sila ay hindi ko siya pinansin.

"Baby, you look so pale," natatawang humarang sa harap ko si Captain. I unintentionally put my fingers on my lips, napatingin ako sa kanya at nang makitang nakatitig siya sa labi ko ay tumingin na ako sa ibang direksiyon.

"Stop calling me that way, Captain." ilang beses ko ba sasabihin na nakakairita ang 'baby' niya.

"I can't stop it," he chuckled.

Aksidenteng nagtama ang tingin namin ni Alyana. Naglalakad siya papalapit sa akin ngayon. Parang minamartilyo ang puso ko dahil sa presensya niya.

"Astrielle, pwede ba tayong mag-usap?" she's now standing in front of me with her awful face. Walang emosyon akong tumingin sa kanya.

"Kung hindi tungkol sa trabaho, hindi ako interesado."

Napatingin ako kay Captain na nakatitig sa akin. His eyes was melting me again. Hindi na pagkainis ngayon ang naramdaman ko sa pagtitig sa mga mata niya, kundi ang pagkalma ng kalooban ko. His smile with his eyes brought me out of my senses.

"Ramos, pinapatawag ka ni General." pagsasalita ng isang sundalo.

Muling napabalik ang tingin ko sa kanya. "I will find a way to have you, anak. Babawi ako."

She walked away after saying that. Napabuntong hininga ako at napahawak sa leeg ko. Sapat na sigurong makilala ko siya. Hindi na siya makakabawi dahil sobrang huli na.

Nasa liblib na lugar kami ngayon kung saan hindi madaling matunton ng mga terorista ang base namin. Maraming puno sa paligid at tahimik na aakalain mong walang gulong mangyayari. Maraming nakapaligid na sundalo ang iba ay nakapang-sibilyan ang kasuotan panlinlang sa mga makakakita sa kanila sa labas ng base.

"Nangingilabot ako sa katahimikan ng paligid," mahinang sabi ni Zin.

"Wag kang mangilabot master, nandito naman ako." Ethan gave her a winked. Hinampas siya ni Zin sa braso kaya kagaya ng literal na nangyayari, nauwi na naman sila sa asaran.

Panay ang ikot sa paligid ng mga sundalo, nagmamasid sa bawat parte ng base na kinaroroonan namin. Ang iba ay hawak ang kanilang mahahabang baril.

Everyone got alerted when we heard a lot of gun shots a meters away on our base. Naunang umalis ang mga nakasibilyang sundalo na kalmadong naglakad palayo, while others soldiers on their camouflage uniform hide in different direction.

May malakas na pagsabog na narinig ilang metro ang layo kasunod ng sunod-sunod na putukan. Maybe the terrorist noticed that the soldiers are already here, observing them.

Bomb explosions, gun shots, hearing those sounds...means the war began already..

___________________________
_______________

✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro