CHAPTER 18
Chapter 18
Nagpunta ako sa bathroom niya para maghilamos. Pinasadahan ko pa ng tingin ang mukha sa salamin at nakita ang namumula kong pisngi at mata dahil sa pag-iyak.
Ang tagal na rin noong huling tumulo ang luha ko. Siya lang pala ang muling makakapag-patulo nito. Hindi ko kayang maging masaya, somehow there's a part of me na parang gumaan nang makilala siya. Pero mas nanguna ang galit at hinanakit ko sa kanya.
For how many years had past, ngayon lang niya naisipan na magpakilala.
I shooked my head and brought my mind into senses. Lumabas na ko ng bathroom at naupo ulit sa couch. I felt embarrased dahil sa inasta ko kanina. Sa harap pa ni Captain!
Bakit kailangang siya pa ang makasaksi sa kung sino talaga ako?...
Nakaupo siya ngayon sa kama niya habang may nilalarong games sa cellphone niya. May aircon naman sa unit niya pero ang banas ng pakiramdam ko kaya hinubad ko na ang leather jacket na suot ko.
"You want to eat something, Elle? I can order you a food," tinigil na niya ang paglalaro sa cellphone at naupo sa dulo ng kama kaharap ko.
"Busog ako," halatang galing sa iyak ang boses ko. Ipinilig ko na ang ulo ko sa couch niya at nahiga. "Matutulog na ko,"
"Sleep here," pinagpag niya ang tabi niya. "Wala naman akong gagawin. Wag kang mag-imagine, Astrielle." he chuckled.
He's scratching everything that happened kanina lang. Pero ayos na yon, para makalimutan ko kahit sandali lang ang sakit na nararamdaman ko.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang magsalita ulit siya.
"May gagamba diyan.."
He just wants me to gave him attention. Hindi ko na imunulat ang mga mata ko at ibinalot sa katawan ko ang jacket ko.
"Gumagapang na papunta sa balikat mo boss!"
Hindi ko na sana siya papansinin nang maramdaman na may gumagapang sa may leeg ko papunta sa mukha ko. I freezed. I'm kinda scared of spiders lalo na itong gumagapang sakin. Yung malaking gagamba!
"C-Captain.." tawag ko sa kanya. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.
"Uhuh? I told you to sleep here but you stubborn woman didn't." parang tuwang-tuwa pa siya. Lumapit na siya sakin at napapikit nalang ulit ako nang pitikan niya palayo ang gagamba. "Now, go there o bubuhatin pa kita?"
Pumihit na ako patalikod sa kanya at pumikit na ulit.
"Ah ah, gustong magpabuhat," panay pa ang kalwit niya sa tenga ko. He's trying to annoy me.
"Tigilan mo ako Captain. Masasapak kita,"
Kanina ay panay ang kalwit niya sa tenga ko, ngayon naman ay panay ang kiliti sa bewang ko. Humarap na ako sa kanya at hinampas ang mukha niya ng jacket ko.
Bakit pa ba ako sumama sa malanding ito. Its almost 11: 30 na kaya baka wala na akong masakyan kapag umuwi pa ako. Naupo na ako sa couch at busangot ang mukha na tumingin sa kanya.
"Tulog na tayo.."
Nauna siyang mahiga sa kama niya. I caressed my neck while walking near to him. Naupo na ako sa kama niya.
Mukhang hindi naman siya yong tipo na mamamaslang. And aside from that, nasa paniniwala kong nakadepende sa babae ang ikikilos na kabastos-bastos ng lalaki. I mean-' Yeah, may mga lalaking manyakis talaga, ang iba ay dahil adik lang talaga kaya nagagawang mambastos ng kahit na sinong babae.
Its depend on girls, if they wore seductive clothes while with mens, there's a possibility na mabastos talaga sila. And if you spread out your legs and lay down on bed, sino nga bang lalaki ang hindi maaakit don?
Babae ako pero naiintindihan ko ang side ng mga lalaki.
Kinuha ko na ang isang kumot at iniusod ang unan sa dulo ng kama bago nahiga patalikod sa kanya.
"Astrielle..."
I didn't bothered myself to look at him. "Hmm?"
"Goodnight,"
I embrace myself and feel the cold night. Falling asleep is my medicine to ease my pain, I want to take a high dosage of it para naman mas tumalab sakin at makalimutan ko ang lahat ng nangyari ngayon.
I wish this night won't ends that fast, I don't know how I can face those coming days. Alam kong magtatagpo muli ang landas namin at hindi ko alam ang gagawin ko. Galit ako sa kanya, hindi ko siya kayang tanggapin.
Alas-syete ng umaga na akong nagising. Wala na si Captain sa tabi ko. Inalis ko na ang kumot ko bago dumeritso sa bathroom niya at naghilamos. Hanggang ngayon ay halata paring galing sa iyak ang mga mata ko. Reminding me of everything that happens yesterday. Nakakainis.
Lumabas na ako at namataan si Captain sa kusina na nagluluto. He's now on his white shirt and black adidas pants. Nakatalikod siya sa gawi ko at hinahalo ang niluluto niyang nakasalang sa gasul.
Naupo na ako sa harap ng lamesa malapit sa kanya nang makita ang mga ingredients na nakapatong doon.
"Good morning baby, you want coffee?" humila siya ng upuan at naupo sa tabi ko paharap sa akin.
"Ayoko," kinuha ko ang kutsilyo at chopping board para gayatin ang carrots at patatas na nasa lamesa. "Marunong ka palang magluto?"
"Of course, for my future babies," kinindatan niya pa ako bago tumayo at lumapit sa niluluto niya. Nacurious ako sa niluluto niya kaya sinilip ko iyon at nakita ang pinapakulo niyang karne.
"Caldereta ba to? Bakit pinapakulo mo pa ang karne?"
"Para lumambot ang karne. Kagaya mo, pakukuluin muna kita sa galit sakin para mamalayan mo na lang malambot kana. Mas malambot mas masarap." ngumisi pa siya pero natikom rin ang bibig nang tingnan ko siya ng masama. "Y-Yong karne ang tinutukoy ko.."
We ate our breakfast together. Hindi ko naimagine na nagawa kong pakisamahan ang isang to.
Parang may nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa days past. I let myself to sleep over on his condo, I let myself to have breakfast with him. But I still feel irritated with his words, still flirty as literal.
Days had past since that fucking night, hindi ko pa naman nakakaharap muli ang babaeng kinaiinisan ko. We're always on the headquarters pero hindi ko pa siya nakikita.
"Nurse Astrielle, right?" Nasa harap ko ngayon si Shekinah na may nakakairitang tingin sakin.
"Yeah," I know that she knows me already kaya hindi ko kailangang magpakilala. "Why?"
"Seems like your too close with my Captain huh?" she smirked.
'My captain huh?'
"I'm not. Literal na magkausap kami at magkasama dahil nasa iisang Task force kami." I coldly stared at her. "Problems with that?"
"Never let your feelings attach with Captain, Astrielle. He's just flirting you.."
Napangisi ako sa sinabi niya. Pakialam ba nito?
"I'm his ex-girlfriend Astrielle, and till now we have attachment with each other." Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin sakin yon. Mukha ba akong may pakialam?.. "Sana naman ay naiintindihan mo ang pinupunto ko, don't cheat like your mother did." lumayo na siya pagkasabi non.
Nag-iinit ang ulo ko sa sinabi niya. Cheat? Ako? Potangina! Bakit ko pa gagayahin ang kasalanang ginawa ng magulang ko? At, kung si Captain ang pinoproblema niya, hindi ko na kasalanan na siya ang lumalapit sakin. Bakit hindi si 'my captain' niya ang kausapin niya at hindi ako na wala namang pakialam sa kung anong meron sila.
"Kung gusto mo si Captain, sayo na. Tanginang idadamay pa ko," mukhang hindi na niya narinig ang sinabi ko dahil hindi na niya nagawang lumingon.
Naupo ako sa tabi ni Zin at tumulong sa pag-aayos ng mga medical kits. She never asked me about that embarrasing night. Kahit ang lahat ng nandito sa LTFA ay hindi na pinakialaman ang nangyaring iyon.
"Hi," bati ni Lukariah na nakatuon ang dalawang kamay sa lamesa na nasa harap namin.
"H-Hi,"
"Bakit nauutal?" natatawang sabat ni Shaira kaya nahampas siya sa braso ni Zin. Kung nandito si Ethan ay baka umusok ang ilong non. There's something between them.
"Astrielle.."
Napaangat ang tingin ko sa kanya at binigyan siya ng nangunguwestiyon na tingin. He just smiled at me. Rinig ko ang buntong hininga ng nasa tabi ko.
"Date tayo.."
Shaira faked her cough. Kahit ako ay muntik ng masamid kahit hindi naman umiinom ng tubig dahil sa sinabi niya. Napatingin ako kay Zin, she' now pouting on me while her left brows raised.
I looked back to him and let out a deep sighed before I speak.
"I don't do dates,"
He bit his lower lips and chuckled. "How can I have you then?" he bent down on me to have our eyes on same level.
"How can I make you stop then?" pang gagaya ko sa tono ng boses niya.
Inagaw na ni Shaira ang hawak kong stethoscope at hinila si Zin palayo sa akin. They left me with this irritating man in front of me. What a nice girls...
"Tell me whats going on between you and Caspien," naupo siya sa lamesa at nakataas ang kilay na humarap sakin.
Wala na ba talagang matinong maiitanong to? Mas mahirap pang sagutin sa statistics problem ang tanong niya e. Bakit masyadong big deal sa kanila ang makitang nagkakausap kami ni Captain? They're malicious thinking is a damn shits.
"I have nothing to say, excuse me." tumayo na ako pero mabilis niyang hinila ang braso ko paharap sa kanya.
"You told me you don't like him. Now, I want to show you may moves to have you but you didn't let me. Why Astrielle? Do you like him already?" I tried to retrieve my arms on him but he didn't let me. "I won't stop pursuing you if you didn't answer me.."
My jaw clenched on irritations. His eyes was darkened staring directly on me. He's too fast to pursued his shits feelings on me. Hindi pa naman niya ako kilala ng lubos pero may pa-pursuing pursuing na siya. Like freaking hell! Wala siyang mapapala sakin!
"Do you like him?"
"Yes,"
Its a scam!
Lumuwag na ang hawak niya sa braso ko kaya nabawi ko na ito. He shrugged his shoulder and slightly smiled at me.
"I won't deprive you to like him, but once he hurt you..You know what a soldiers can. If we can fight to have freedom then imagine what can we can do just to fight for someone we love."
Love..
Love??
I freezed and just saw him walking away from me. I'm not going to be hurt on him, because I didn't even like him. I'm just scamming you dude!
__________________________
______________
✰✰✰✰✰✰
✍︎ cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro