Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

Chapter 14

We heard Zephyr asking for help a lot of times. We both ran as fast as we could and enter the room where they are.

"She can't move! Nabagsakan ang paa niya!" Cimmerian said.

Bumagsak na ang kaliwang bahagi ng kwarto na kinaroroonan namin. Agad akong lumapit sa babaeng nabagsakan ang kaliwang paa. She's screaming in pain.

"We're going to help you, please calm down!" I felt my hands shaking. Muli naming naramdaman ang paglindol dahilan kaya mas lalong lumala ang mga gitak sa natitirang pader. Malapit na itong bumagsak and its too dangerous.

"We need to leave this place as soon as possible. Ano mang oras ay may posibilidad na bumagsak na ang buong building na ito." Zephyr said.

Ibinalik ko ang tingin sa babaeng sumisigaw parin sa sakit. "Hold my hand, miss. Hihilahin kita in one.." napadaing lalo siya sa paghila ko.

"J-Just leave me here. Ako lang ang naiwan dito. U-Umalis na kayo please! Hangga't hindi pa gumuguho ang building na ito!"

"No! Its our responsibility to save lives. Just take my hands, miss. Lalabas tayo ng magkakasama." I tried to convince her. Tumulong na ang mga sundalong kasama ko sa paghila sa kanya ngunit mukhang hindi na talaga kaya ng katawan niya.

Nature can be the most unbeatable enemy in this world. No one notice that it will going to attack. Its much worst than terrorist. Ang terorista ay nauubusan ng armas at mga bala at ang kalikasan ay hindi. Earthquakes, typhoons, volcanic eruptions are the nature's weapon.


Unti-unti ng gumuguho ang mga pader sa kinaroroonan namin. Hindi parin namin maalis ang babae mula sa pagkakaipit sa bumagsak na pader.

"Damn! We need to go now." Cimmerian shouted. Kaagad naman itong sinang-ayunan ni Zephyr.

"Kailangan na nating makalabas hangga't may oras pa." pagsang-ayon rin ni Captain.

"You guys can go now if you want. I can't leave her here."

Hindi ko na maisipan ang gagawin ko sa babae. Naramdaman namin ang pagyanig sa kinaroroonan namin hindi na dahil sa lindol, kundi dahil sa gumuguho ng pader.

"Astrielle.." I heard Captain voice saying my name a lot of times. Hinalungkat ko na ang medical kit na dala ko. I need to do something hangga't may oras pa.

"Umalis na kayo! Hindi ko na kaya.." umiiyak na sambit ng babae. She's suffering in pain. Hanggang malapit sa tuhod niya ang naipit sa kaliwa niyang paa. At halos namumutla na rin siya sa takot.

"No....I won't leave you here." lumuhod na ako sa may harap niya habang hinahalungkat ang medical kit ko.

Kahit anong hila ay hindi namin maalis ang paa niya mula sa pagkakaipit at dahil sa sobrang laki rin ng pader na gumuho sa kanya ay hindi rin iyon maalis.

"Astrielle.." muling tawag sakin ni Captain. Napalingon na ako sa kanya. "Baby, go outside this building now. Kami na ang bahala sa kanya, please."

"No, Captain. Responsibilidad ko ring tumulong. Ayokong may buhay na namang mawala dahil lang sa pagiging duwag."

Wala na akong narinig na sagot muli sa kanya. Tulong-tulong ulit naming hinila ang babae. Tinurukan ko na siya ng pampakalma at pampamanhid para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

May ilang sundalo na sumunod sa amin at nagtulong-tulong sa pag-aangat ng pader na bumagsak sa paa niya. Nang maiangat nila ng kunti ang pader ay kaagad kong tinulungan ang babae para mahila. We successfully did it.

"Calm down, miss. It will be fine." I calmed her down. Halos nag kulay ube na at mangitim-ngitim na ang naipit niyang paa. Nilapatan ko siya ng paunang lunas para kahit papaano ay mabawasan ang sakit ng paa niya.

"Kailangan na nating makalabas before this building collapse." binuhat ni Zephyr ang babae.

We ran together on the exit of the building. Halos malapit na ring gumuho ang exit. I just felt Captain's arms on my shoulder. Mabilis kaming nagtungo sa may exit. At tatlong hakbang ng makalabas kami ng building ay unti-unti na itong gumuho.

Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa pagtakbo namin palabas. Walang hinto parin akong tumakbo patungo sa mga medical team na kasama namin para maasikaso ang babae. She's now unconscious.

"Kami na ang bahala sa kanya. Nurse Elle, kayo na ang bahala sa mga naiwan." pagkasabi ni Doc. Gazco non ay nagmamadali na akong lumapit sa mga naiwang residente.

Tumigil na ang lindol but I can see that peoples was still shocked about what happened. Marami paring naiwan dahil kulang ang mga saskyan para mailikas lahat ng mga tao rito. Hindi pa sila maaring bumalik sa bahay nila dahil maaring magkaroon pa ng aftershocks.

"Nurse!" sigaw ng isang teenager na may kalung na bata sa kandungan niya. Kaagad ko itong nilapitan. "H-Habol na ang hinga niya...N-Nahihirapan na siyang huminga.." kasunod niyon ay ang mga luhang nanalaytay sa mga mata niya.

Hinawakan ko ang mukha ng batang babae na sa tingin ko ay apat na taon palang. Malamig ang mga braso at balat niya. Halos habol nga nito ang hininga at parang hindi na rin maimulat ang mga mata.

"Where's your parents?" tanong ko sa teenager.

"K-Kami lang po ng kapatid ko na ito ang magkasama. Wala na kaming magulang."

I felt suddenly freezed at that moment. Hindi ko naisip na ganun ang kalagayan ng magkapatid na ito.

Halata ang pag-aalala niya para sa kapatid. At mas nagdoble ang kaba niya nang manginig ang bata. Panay ang alog niya dito habang umiiyak. Uttering the word 'Wag mong iiwan si ate please' that melts my heart.

"Nurse tulungan niyo siya.."

"We will." Pagkasabi ko non ay humila na ako ng isang stretcher para doon ihiga ang bata. Wala paring sasakyan na
maaring sakyan para madala ang batang ito sa ospital. Kulang ang gamit na dala namin!

Binuhat ko ang bata at inihiga sa stretcher. Nilagyan ko siya ng oxygen mask para kahit papaano ay makahinga siya ng maayos. But still she can't breathe. Sa tingin ko ay meron siyang asthma na sinabayan pa ang atake ng kalamidad.

Kinuha ko na ang inhaler na dala ng team at ginamit iyon sa bata. Kahit papaano ay umayos ang lagay niya.

"Are you alright?" naupo ako sa tabi ng teenager na hanggang ngayon ay umiiyak parin.

"S-Salamat po...kami na lang ng kapatid ko ang magkasama sa buhay. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya." humuhikbing wika niya.

She's a good sister. Sa unang kita ko palang sa kanya kanina habang nasa kandungan niya ang kapatid niya ay alam kung isa siyang mabuting kapatid. The way she caressed her sister, I know how important her sister is for her.

Somehow, life is unfair. In particular to those people who seems like they got forgotten not just by the society, but by the world.

She lost her parents, she has a sister who's now suffering from asthma. Napakabuti niyang tao pero siya parin ang nakakaranas ng ganito. Samantalang yung mga taong akala mo ay kampon ni satanas, sila pa ang marangyang namumuhay.

Maya-maya lang ay nakita naming nagising na ang kapatid niya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Lumapit agad siya sa kapatid niya at niyakap ito ng mahigpit.

Ang sarap siguro sa pakiramdam na magkaroon ng kapatid...Yung kapatid na aalagaan ka.

Naglakad-lakad ako sa mga kasama naming rescue team. May mga sasakyan na ulit na dumating kaya nailikas na ang mga naiwan. Masyadong delikado ang lugar na ito sa ngayon dahil may ilang building dito at pati ang mga bahay ay may chance na gumuho dahil sa mga bitak. Kaya mas mabuting doon muna sila sa evacuation center.

Nagpaiwan na kaming myembro ng LTFA para maunang ihatid ang mga residente sa evacuation. Lahat ng sundalo ay kalmado na at nagpapahinga na. Napabaling ang tingin ko kay Captain na kausap ni 2nd Lieutenant Shekinah Velasco.

I can't hear their conversation dahil may ilang dipa ang layo ko sa kanila. At wala akong pakialam sa pinag-uusapan nila..and am I staring at them?-- Nope. Hindi ko na kasalanan na nahagip ng inosente kong mga mata ang malalandi nilang tagpo.

Tinatapik ni Shekinah ang braso ni Captain habang natatawang nagsasalita. Habang si Captain naman ay ngiting-ngiti sa babae. Psh. No wonder kung may something sa dalawang yan.

"Astrielle" I heard someone calling me from behind. Nilingon ko iyon at kaagad bumungad sakin si Lukariah Mallari.

Ngiting-ngiti siya at sinipat rin ng tingin ang gawi ng tinitignan ko kanina.

"Captain Sarmiento!" walang ano-ano'y sigaw nito.

I looked at different direction. Ramdam ko na may naglalakad na papalapit samin.

"Why?" si Captain.

Walang emosyon kong ibinalik ang tingin kay Lukariah nang marinig itong suminghal. He's now smiling at me before looking at the man behind me.

"Ah, may hihingin sana akong advice." seems like for the first time. Hindi siya tumingin kay Captain na akala mo ay papatay. He's smiled at him.

"Anong advice?" tugon ng malamig na boses ni Captain. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit pa ba ako nakikinig sa usapan ng dalawang ito?

Tumalikod na ako sa kanila para lumayo nang maramdaman ko ang kamay ni Lukariah na nakahawak sa palapulsuhan ko. He pulled me closer to him sabay akbay.

"Advice kung paano manligaw."

Gusto kong ngumisi ng nakakaloko pero pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko. Yeah, naaalala kong tinanong niya ako tungkol don pero sumagot ba ako? G*go.

Napatingin ako sa harap ko at paningin agad namin ni Captain ang nagtama. He's raising his left brows on me. Hindi ko na lang iyon pinansin at umiwas na ng tingin. Inalis ko na ang kamay ni Lukariah na nasa balikat ko.

"Sinong nililigawan mo?" Shekinah asked.

Napatingin ako kay Lukariah. He's now genuinely smiling at me. Pero wala akong maramdaman kundi inis lalo na sa sinagot niya.

"The girl on her camouflage uniform, the girl who caught my heart the first time I saw her. The girl who's having a cold personality but literally burning. And yeah, her name is Astrielle Joy Ocampo." 

_______________________
_____________

✰✰✰✰✰✰
✍︎cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro