Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

33

Hello to Naughty Nana at Gracie. :*

“NERVOUS?” she teased Josh. kausap nya ito sa phone at natawa sya when she heard him groan.

“Naughty!” he hissed. Sya naman ay tawang tawa dito.

“I know right. Kaya nga mahal na mahal mo.”

“Yeah, so much. Mahal na mahal.” Kinagat nya ang kanyang ibabang labi upang pigilan ang mapangiti. Kinikilig sya kay Josh. Hindi nya itatangi iyon.

“Mahal din kita Josh.” It came almost a whisper but she made sure he will hear it.

“Naughty, nakakabakla yung sinabi mo. Fuck! Kinikilig ako.”

Kulang nalang ay lumabas ang kanyang puso sa lakas nang kabog nito. Si Josh naman kasi, Kung ano-anong pinag sasabi. Sigurado din sya na ngayon ay pulang pula na ang kanyang mukha. Pigil na pigil na din ang kanyang paghinga dahil baka bigla nalang syang tumili. “Van, you still there naughty?”

“Yeah! Nandito pa ko. Muntik  nga lang akong himatayin.”

“What the fuck? Why? Ayos ka lang ba?” narinig nya ang mahihinang mura ni Josh sa kabilang linya.

“Dahil sa kilig. Tsss. It supposed to be a pick-up line Josh.” she just rolled her eyes. Kahit kelan talaga napaka OA ni Josh.

“Ohh! Is that so?” he chuckled. “nakakahimatay pala ang kasweetan ko.”

“ewan ko sayo.” Nang marinig nya ang boses nang ina ni Josh sa kabilang linya ay nag paalam na sya dito. “Tawag ka na ni Tita. She must be ready. Ingat kayo sa byahe ah.”

“Yes Naughty, wait for me ok? Pag katapos ng pamamanhikan na to magiging akin ka na talaga. I can’t wait.”
“Me too. Kaya galingan mo mamaya. Convince mom and dad.” Biro nya dito. alam naman kasi nya na tangap na ng buong puso ng kanyang mga magulang si Josh. boto na nga ito sa kanila kaya wala na silang poproblemahin. Kahit nga si Zena ay napaliwanagan na din nila ni Zyroh. naguguluhan pa ang bata pero normal naman iyon. Ang mahalaga ay hindi naman ito tutol kay Josh. “Wag ka masyadong kabahan Josh ok? Baka mapaihi ka mahirap na.”

“Such a naughty.” Natatawa ito sa kanya. “Don’t worry I won’t pee. Kung maiihi man ako dahil sa kilig yon.”

Kinagat nya ang kanyang pang ibabang labi upang pigilan ang mapangiti at mapatili. Nararamdaman nyang muli nanamang namula ang kanyang mukha. yung mahal nya talaga, alam na alam kung ano ang sasabihin para pasiyahin ang kanyang puso. “Ang korny mo na mahal.” Nangingiti nyang sabi kay Josh. Hangang ngayon ay kagat nya parin ang kanyang labi. Mahirap na kasi baka bigla nalang syang mapahiyaw sa kilig. Ayaw naman nyang mabingi ito.

“Say it again please.”

“Yung alin? Ang korny mo na?”

“the last one. Yung tawag mo sakin.”

Nang marealized ang tinutukoy nito ay muli syang napangiti. Ang lakas lang makateenager ng pakiramdam na ganto. “Mahal!”

“Damn, sounds good. From now on yan na tawag mo sakin Naughty.”

“Sige...Mahal.”

“Ah. Heaven.” Dama nya ang pagngiti ni Josh sa kabilang linya. Alam nyang kagaya nya ay masaya at baka kinikilig din ito.

Ilang minuto pa silang nag-usap ni Josh ng marinig nya ulit ang pagtawag dito ng ina.  “Mahal tinatawag ka na ni tita. Baka mainis na hindi ka na papuntahin dito.”
“Crazy.” Natatawa nitong sabi.

“Ikaw yun, baliw na baliw sakin.”

“I will not deny that. Nakakabaliw ka naman kasi talaga.”

“Corny ka na talaga.” She laughed. “Sige na ibaba ko na to. Drive safely Josh ok? I love you!”

“I will Naughty. I love you too. Wait for me ok?”

“Oo naman.”

Nang matapos na ang tawag ay ipinag patuloy nya ang ginagawa. Naka bihis naman na sya at naka ayos narin. Ni re-touch nya nalang ang kanyang lipstick dahil baka nawala ito ng kagat kagatin nya ang labi para pigilan ang tumili.

“Mommy are you done?” nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang anak na pumasok sa kanyang silid. Kagaya nya ay nakasuot din ito ng light pink color dress and white doll shoes. Lagi nya talagang sinisiguro na pareha sila ng kanyang anak ng damit sa mga importanteng event kagaya ngayon. Natutuwa kasi sya sa itsura nila. Nakakadagdag din iyon ng bonding nila dahil laging sinasabi ni Zena na halos magkamukha na sila.
Huminto ito sa kanyang harap. Sya naman ay yumuko upang gawaran ito ng halik. “Wow.” Hinawakan nito ang kanyang mukha. “Mommy, you’re so beautiful” she said with an awe. “You almost look like me.”

“Just almost baby?” she fake s frown.

Umakyat ito sa kanyang kama at niyakap sya sa kanyang leeg mula sa likod. “Yes mommy almost lang. kasi I am still more beautiful than you.” Hinarap nya ang anak at kiniliti ito na ikinatawa ng huli. Ilang minuto din silang nag laro ng anak bago kumatok ang kanyang mama.

“Van, malapit ng dumating sila Josh. Bumaba ng kayong dalawa.”

“Yes Ma. Susunod na po.” Akmang bubuhatin nya si Zena pero tumangi ito.

“I’m a big girl now mommy, I can handle this.” Mag-isa na itong bumaba sa kama at isinuot ang hinubad na sapatos. Kakatatlong taon palang ng kanyang anak pero kung mag salita at umasta ito ay parang malaki na. Matalino ito at mabilis mag-isp. The quality she knew was from Einah.

“Don’t grow to fast baby.” Niyakap nya ito bago sila mag kahawak kamay na bumaba.

Sayang lang at wala ngayon dito si Zyroh. Bumalik na kasi ito ng amerika upang suyuin ang kasintahang iniwan nito upang pakasalan sya at protektahan sila ni Zena. Nag darasal sya na sana ay mag kabalikan na ang dalawa. alam naman nya kasi kung gaano kamahal ni Zyroh si James ganun din ang huli kay Zyroh. Nakita nya ang mga pinag daanan ng dalawa. noong una pa nga ay sang ayon si James sa pagpapakasal nila ni Zyroh. Hindi na sana kailangan pang mag-hiwalay ng dalawa. But, suddenly something bad happened that made Zy, broke the heart of the man he loves. Kahit ayaw nito. Kaya ngayon sa pagbabalik ni Zyroh sa amerika ay sana magkaayos na ang dalawa. sana maging masaya na ang mga ito kagaya nila ni Josh.

“They are here.” Bumitiw si Zena sa kanyang pagkakahawak at tumakbo sa pintuan upang salubingin si Josh. “Papa Josh!” she squealed. Binuhat ito ni Josh. Ang mama naman nito ay inasikaso ng kanyang ina. Matapos nyang bumati dito ay inakay na ito ng mama nya patungong kusina. Kakakilala palang ng dalawa pero mukhang magkakaroon na agad ng bonding. “Ang pogi mo papa.”

“Really?”

“Yes po. Pogi na pogi.” Malakas na tumawa ang kanyang kasintahan dahil sa sinabi ng kanyang anak.

Sa tingin nya hindi lang pagiging mayabang sa pagiging maganda ang namana ni zena mula sa kanya. Parang pati ang kapilyahan nya ay nakuha din ng kanyang anak. Ngayon palang ay marunong na itong kumilatis ng gwapo sa hindi.

“Baby bakit kay papa Josh nag pabuhat ka. Sa akin hindi? Mas love mo sya?” she fake being jealous. Biglang nanlaki ang mata ng kanyang anak.

“No mommy I love you. I am heavy na po kasi that’s why I did not let you carry me. Si papa Josh ok lang kasi big ang body nya.”  She explained. Pareha sila ni Josh na natawa sa reaksyon ni Zena. Lumapit sya sa dalawa at pareha nya itong hinalikan sa labi.

Sa hapag ay masaya silang nagsalo salo. Pina upo nya ang kanyang anak sa pagitan nila ni Josh na ikinatuwa nito. Lahat kasi ng gustuhin nya ay ibinibigay ni Josh. ngayon palang ay ini-spoiled na nito si Zena. Kaya nga hindi sya nagtataka kung bakit gustong gusto ng kanyang anak ang papa Josh nito.

Nang mapunta sa detalye ng kasal ang usapan ay naging aktibo lahat. Kanya kanya silang biagy ng mga opinyon. Ang kanyang Ama at si Josh ay nagkakasundo sa mga ideya pero nasasalungat iyon ng kanyang ina at ni tita Jenny na mama ni Josh. sya naman ay nasisiyahan sa nangyayaring palitan ng mga gusto. Kahit nga ang kanyang anak ay nag bigay din ng suhestiyon. Gusto daw nito na puting damit din ang susuotin nito sa kanyang kasal.

Noong nakaraang araw kasi ay may nakita syang mga wedding gowns sa binabasa nyang magazine. Nakita iyon ni Zena at nagtanong. Ipinaliwanag nya dito ang tawag sa damit at kung kailang ito sinusuot kaya nag karoon ng ideya ang kanyang anak tungkol sa wedding.

“You want to wear a wedding gown like your mom, Apo?”

“Yes po lola. Gusto o same po kami ni mommy ko.”

“Ok, same dress it is.” Josh affirmed.

Nagning ning naman ang mata ng kanyang anak. “Yehey, same kami ni mommy na magiging pretty on her wedding day.”

“Kami din ba ni lola Jenny pwedeng magsuot ng kagaya ng sainyo ni mommy?”

“Oo nga. Can we apo?” pag segunda ng mama ni Josh.

Parang gustong maiyak ng kanyang anak sa narinig. Sumimangot ito at humaba ang nguso. “But lola..” alam nyang nahihiya ito sa gustong sabihin. Matalino kasi ito at alam nito kung paano dapat rumespeto.

“Why?” pangungulit ng dalawang matanda. Ang kanyang ama ay natatawa sa sa reaksyon ng apo.

“You are old na po. Pag si mommy nag suot mukhang Queen. Pag po ako princess. Pag kayo po.. wala na.. di na po bagay...” sabay sabay na nagsitawa ng malakas ang lahat. Kahit sya ay hindi napigil ang sarili at napahagalpak din.

Kaya ang simpleng dinner nilang kahat ay naging mas masaya dahil sa ka cute-an ng kanyang anak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro