Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

AFTER SIX MONTHS

“HOW IS HE MOMMY?”

“I think he is fine now baby. Malaya na kasi sya.”

“And he is with papa god na?”

“Oo.” Sana. Gusto sana nyang isunod pero hindi na nya ito sinabi pa.

Umupo si Zena sa puntod at inilagay doon ang bulaklak. Hinawakan nito ang larawan ng ama na nakadisplay katabi ng dalawang kulay puting kandila na kanilang sinindihan kanina.

“Hi Daddy, nalulungkot ka po ba dyan? Wag ka po mag-alala nandyan naman po si lolo saka si lola. Aalagaan ka po nila.”

Habang pinag mamasdan si Zena na nakikipag usap sa ama ay parang kinukurot ang kanyang puso. Napakabata pa nito pero naranasan na nito ang pinakamasasakit na pangyayari sa buhay.

“Baby.”

“Yes mommy?”

“We need to go now. Paalam ka na sa kanya.”

“Ok po.” Muli nitong ibinaling ang atensyon sa larawan. “Daddy aalis na po kami. Wag ka pong malulungkot dito ah. Babye daddy Zoe.”

Hindi na nya napigilang ang pagpatak ng mga luha. Ayaw nya sana iyong pakawalan pero nang marinnig ulit ang pangalan ng lalaking dati nyang kinasusuklaman ay hindi nya mapigilang hindi maging emosyonal.
Ang dami dami nitong ginawang masasamang bagay, lalong lalo na kay Zena at Zyroh. Pero ang mga ito ay hindi man lang nagawang magtanim ng sama ng loob kay Zoe.

Nang magising si Zyroh mula sa tatlong buwang pagkacomatose ay agad nitong inalam ang nangyari sa kapatid. at sa kabila ng kasamaang ginawa ni Zoe kay Zyroh ay nagawa ng huli na patawarin ito. He said that there is no used hating the dead person. At isa pa, kahit pagbalibaliktarin man ang mundo, kapatid nya parin ito at totoong ama ni Zena.

Kaya pag kalabas ni Zyro nang ospital ay hiniling nito sa kanya na bigyan ng maayos na himlayan si Zoe. inalam nila kung saan ito inihimlay ng puneraryang nag ayos dito. kinuha nila doon ang katawan ng kapatid at inilipat sa mas maaliwas na lugar.

Hindi nya alam kung paano ba nagagawa ni Zyroh ang magpatawad ng ganun nalang. Pero gayun paman ay humahanga sya dito. ito rin ang nag desisyon na ipaunawa kay Zena kung sino talaga si Zoe sa buhay nito. At dahil narin siguro namana nito ang kabaitan ni Zyroh ay madali iyong naintindihan ng bata.

“Daddy!” masayang tumakbo si Zena palapit kay Zyroh at kumandong doon.

“How are you baby?”

“Zena, baka matamaan mo yung pilay ni daddy. Sabi ko wag ka na munang kakandong sa kanya.”

“oops sorry.” maingat itong bumaba sa hita ni Zyroh. ito naman ay natatawang inikot ang wheelchair paharap sa kanya.

“Si mommy talaga, over protective.” Natatawang kantiyaw nito sa kanya.

Humalik sya sa pisngi nito at mahina itong tinampal sa balikat. “Tigilan nyo kong dalawa ah. Wag nyo akong pagtulungan.”

“Hindi naman po mommy.” Magkasabay na sagot ng mga ito. Napangiti nalang sya dahil sa narinig.

Kinagabihan, nang makatulog na si Zena ay nag-aya si Zyroh na tumambay sa garden. Nakatira na ulit sila sa bahay na binili nito, habang inaayos kasi nila Aaron ang pagdakip kay Zoe ay hindi nila alam na isinasabay pala nito ang pagpapagawa sa kanilang bahay. Ipinayos iyon ni Aaron at sinigurong wala ng ni isang bakas na makikita mula sa pagpasok doon nila Zoe.

“Ang ganda ng langit no.”

“Yeah.” Simple nyang sagot. Yakap yakap nya ang sariling mga paa habang nakaupo sa upuan katabi ng wheelchair ni Zyroh.

“It looks cool and calm. But, who knows anytime soon, that clear sky will release all the heavy water he was holding. Sa sobrang bigat ng dala nya, hindi na nya kayang itago yon at bigla nalang nya tong bibitiwan. Alam mo ba, pagnangyari yun may tendency na maraming masalanta.”

“Because they are not ready?”

“Because the sky is not ready. Hindi nya alam na hindi na pala nya kaya, everyone even him thought he was ok holding those burden. Walang nakakita ng simtomas na hirap na hirap na sya. So when he let go of those waters, no one is prepared. Hindi nila inaasahang sa ganda ng kalangitan, sa aliwalas nito bigla nalang bubuhos ang napakalakas na ulan at babaha. Dahil doon malulunod sila. At pagnasaksihan yun ng langit mas lalo lang syang magdudusa.”

Bawat salitang binibitiwan ni Zyroh ay tumatagos sa kanyang puso. Alam nyang may nais itong iparating sa kanya.

“What should the sky do then?”

Humarap ito sa kanya. “He need to let it go, little by little he needs to let go of the things he’s holding. Yung sakit, yung galit, yung pangamba lahat lahat.  He need to free himself with all those burdens.”

“Paano kung natatakot sya na baka masaktan lahat ng nasa paligid nya? When he let go of those things, yung mga mahal naman nya ang anurin at malunod? He would rather keep everything inside than let someone suffer because of him.”

“Hindi mo naman kailangan solohin lahat Van.”

“Am I the sky?”

“Yes, you look cool and calm outside, but deep inside your heart alam kong nasasaktan ka. You are suffering from all the loss and you are stuck with your hatred towards Zoe.”

Mashinigpitan nya pa ang yakap sa sariling mga binti. Itinago nya doon ang mukha at mahinang umiyak.

“Umalis na tayo dito Zy. Bumalik na tayo sa amerika.”

“Aalis tayo dito?” mas lalong sumikip ang kanyang dibdib sa tanong nito. “Iiwan natin yung bansa kung saan ka sasaya?”

“Dahil yun yung dapat. I have Zena and her future is my main priority.”

“Pero nasasaktan ka. Masasaktan ka. Let’s just admit it Van, ayaw mong umalis dahil dito ka masaya. Your heart and half of your soul belong here. Pag umalis tayo, magdudusa ka nanaman ulit. You will be the old you.”

“I am just thinking about Zena, gusto kong maging maayos at payapa ang pag-laki nya. I don’t want to confuse her, She suffered enough and endure too much pain at a very young age, ayaw ko na yung dagdagan pa. Mas maganda nang ako yung masaktan at magdusa wag lang sya. If we leave, only half of my heart and soul will die. That would be tolerable for me. Basta maging maayos lang ang anak ko.”

“Pero Van, hindi lang naman ikaw yung may obligasyon sa kanya. I am too. Pareho tayong nangako kay Einah na aalagaan natin yung anak nya diba? Pareho nating sinabing bibigyan natin sya ng buo at masayang pamilya.”

“Kaya nga umalis na tayo dito. buohin natin yung pamilyang ipinangako natin kay einah-“

“Van, listen. Stop hurting yourself. Sa tingin mo ba, pag bumalik tayo sa amerika magiging masaya si Zena?”

“she will.”

“Hindi Van. We will never be happy knowing you are not.”

“Ano bang kailangan kong gawin?”

“Just like the sky, let it go Van. kahit ngayon lang, matuto ka namang maging makasarili. Piliin mo yung totoong mag papasaya sayo. Forget all the pain hon, move-on.”

“Paano? How can I move-on with the fact that my best friend was raped and killed by the man I loathe the most? The one who manipulated everything so he became my husband in papers instead of you. The one who tried to rape me and who want to kill Zena? Paano Zy? Punong puno na yung puso ko. I dont’ know how will I be able to mend this, sari-sari na yung nararamdaman ko.”

“Van, wala na yung taong kinamumuhian mo. Hindi mo na kailangang magtanim ng sama ng loob. Hindi mo na kailangang magdusa. Let it go Van.”

“Umalis na tayo dito Zy. Let us leave this country and start a new somewhere else. Ayoko nang mangyari yung dati, I don’t want to be stuck here.”

“Hindi tayo aalis, hindi natin tatakasan lahat ang mga ala-alang nananakit sayo. Haharapin natin lahat yan dito mismo sa bansa na to. We will replace all our bad memories with a better one.”

“Zy, I am scared.”

“I know. Kaya nga nandito ako, tutulungan kita. Sasamahan kita sa bawat gagawin mo kagaya ng dati. Sisikapin nating alisin lahat ng hindi magagandang bagay na bumabalot sa puso at isip mo. At sisimulan natin yun bukas na bukas.”

“What will I do?”

“Umpisahan natin sa simula. I want to tell you to start with Zoe pero alam kong hindi mo pa kaya. So instead, unahin natin yung isa pang nagpapahirap sa kalooban mo. Lets’s start with Josh. Kausapin mo sya, accept his apology so you will be at peace.”

“Anong sasabihin ko?”

“Let your heart talk hon. Hayaan mong ang puso mo ang kumausap sa kanya.”

---------------------------------------------------------

A/N: Malapit na malapit na malapit na po talaga syang matapos. nararamdaman ko malapit na. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro