Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23

Hello sa mga admins ng NAUGHTY LOCKHEARTZ, lalo na kay Yer at Cris na todo effort sa pagames.

Hello Din sa mga magpaparticipate mamaya. Enjoy!

---------------------------------------------------------------------

NAGISING si Vanessa sa isang puting silid. Nang subukan nyang tumayo ay saka nya lang ininda ang sakit ng kanyang kamay. Halos hindi nya iyon maigalaw.

"Van, thank god your awake."

"Rean, nasan ako? Si Zena? Nasaan ang anak ko." Pinipilit parin nyang tumayo pero masyado talagang masakit ang kanyang kamay. Lumapit si Rean sa kanya at tinulungan syang makaupo.

"Nasa ospital ka. Zena is fine. Si mika at Zea yung nagbabantay sa kanya."

Medyo nakahinga sya ng maayos sa narinig.

"Sila Zoe, nasaan sila? Paano kami nakaligtas ni Zena? Kagabi may narinig akong sinabi nung tauhan ni Zoe na may lalaking namatay sino yun?"

"Van, keep calm. Kailangan mo yun para gumaling agad yang sugat mo. saka mo na alamin lahat. Don't stress yourself too much."

Pinilit nyang gawin ang sinabi ni Rean. Ipinikit nya ang mata upang pakalmahin ang sarili pero hindi nya magawa.

"Dok, glad you're here. Paki tignan na po ang kaibigan ko."

Nang tignan nya ang doktor na pumasok sa loob ay hinihiling nya na sana ang asawa nya ito pero hindi, kaya mas lalo syang kinabahan.

"Mrs. San Jinez, how do you feel now?"

"Nasaan si Zyroh?" imbes na sagutin ang tinatanong nito ay hinanap nya ang asawa. nangangamba sya na baka may masamang nangyari dito.

"Van, please."

"I want to know where is Zyroh? ayos lang ba sya?"

"Van, unahin mo muna yung sarili mo. kailangan mong mag pagaling."

"Rean, where is Zyroh? Please Ri answer me. Nag aalala ako sa asawa ko."

"He is fine!" nagulat sya nang marinig ang baritonong boses ni Josh. Hindi nya namalayan na nakapasok na pala ito sa kanyang silid. "Ayos lang sya." Nakatingin ito sa kanya.

Nakita nyang may benda ang kaliwang braso nito at namumula ang kabilang pisngi ng binata. Ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ay puno ng mga emosyon. Saya, sakit, pagmamahal? Hindi nya alam kung tama ba ang kanyang nababasa o posible bang magsama-sama ang mga emosyong iyon.

"Josh."

"Kami na ang bahala sa mga humahabol sa inyo. Magpagaling ka na Van, wag ka nang mag-alala para sa anak at- kay Zyro. Ako nang bahala. I will make sure your- y-your family is safe." Nakita nya ang pagbalatay ng sakit at lungkot sa mata ni Josh habang sinasabi sa kanya iyon.

"Josh." Gusto nyang takbuhinn ang binata at yakapin ito upang kahit papaano ay maibsan ang nakikita nyang kalungkutan sa mga mata nito. Gusto nyang magpasalamat sa binata at the same time to apologize for the trouble she and her family caused him. Na kahit hindi madali para dito ay ginagawa parin iyon ni Josh. He is protecting her together with her daughter and husband. At alam nya kung gaano iyon kabigat, ang tulungan ang pamilya ng taong mahal mo.

"Magpagaling ka. Gumaling ka lang ayos na ko." Mapait itong ngumiti sa kanya bago lumabas ng kanyang silid.

Hinayaan nya lang ang doktor na usisain ang kanyang sugat habang sya ay nakatingin sa pintong pinag labasan ni Josh. Alam nyang nasasaktan ito. At aaminin nya, kinakain sya ng kanyang konsensya dahil alam nyang sya ang dahilan ng nararamdaman nito.

Ilang oras matapos syang tignan ng doktor ay pumasok si Nick sa kanyang silid.

"Van, my cousin Aaron is here. He wants to know the details and all the information about that Zoe guy."

Inilahad ng nag ngangalang Aaron ang kamay sa kanya at agad nya iyong tinangap.

"Sino si Zoe?" ang una nitong tanong.

"Kapatid sya ni Zyroh."

"And? "

"Galit sya kay Zyro dahil ito ang paborito ng papa nila."

"Kaya gusto nya kayong patayin lahat?"

"Oo." Nakayuko nyang sagot.

Tumango lang si Aaron at nagpaalam ng lumabas kasama si Nick. Silang dalawa nalang ulit ni Rean ang naiwan sa loob ng ospital.

"Van, may gusto ka bang sabihin?"

Iniiwas nya ang tingin sa mata ng kaibigan. "Wala naman, magpapahinga na muna ako Ri. Tapos sana mamaya makapunta dito si Zena."

"Van, kilala kita. Alam kong may hindi ka pa sinasabi kila Aaron."

"Hindi naman na mahalaga yon Rean. Hindi yun makakatulong."

"Van, you know every single detail is important. Kahit ano pa yan, basta tungkol sa nagtatangka sa buhay nyo, kailangan yang malaman nila Aaron."

"No need Ri." Ipinikit nya na nang tuluyan ang kanyang mata uppang iwasan ang pagtatanong ng kaibigan. Sapat na ang mga impormasyong nasabi nya sa mga ito.

Hindi nya alam kung gaano sya katagal na nakatulog. Pagkamulat nya ng mata ay nabungaran nya ang anak na nakaupo sa kanyang gilid at nakatingin sa kanya. Nang makita nito ang pagbukas ng kanyang mata ay tuwang tuwa sya nitong niyakap.

"Mommy, gising ka na. akala ko kinuha na ka po ng mga bad guys."

"Yes baby, gising na si Mommy." Tinulungan sya ni Rean na maka-upo. Hinawakan nya ang anak at tinignan kung may galos ba ito o anumang tanda na nasaktan ito. "ikaw ba ayos ka lang? may masakit ba sayo?"

"Wala po. Buti nalang dumating sila tito Josh mommy, sinave nila tayo from those bad guys na friend ni daddy."

"Buti na nga lang baby." Niyakap nya ng mahigpit ang anak gamit ang kamay na walang sugat. Hindi nya alam kung anong gagawin nya sakaling hindi dumating sila Josh at nakuha ni Zoe si Zena. Hindi nya kakayanin pag may masamang nangyari sa anak.

Tama nga ang naging desisyon nilang mag-asawa na lumipat dito sa pilipinas upang lumayo sa kapahamakan. Kasi aminin man nya o hindi, hindi kaya ni Zyro ang kapatid. Hindi nito mapipigilan ang masamang binabalak ni Zoe sa kanila. Pero habang nandito sila ay alam nyang marami ang pwedeng tumulong sa kanila at isa na doon si Nick at Josh. Selfish na kung selfish pero gusto nya lang i-secure ang kaligtasan ng kanyang pamilya lalong lalo na si Zena. Kung kailngan nyang gamitin lahat ng koneksyon o lumuhod sa harap ng mga Lockheart ay gagawin nya wag lang mapahamak ang anak at asawa.

Nang makatulog na sa kanyang tabi ang anak ay muli syang tinanong ni Rean. Mukang gulong gulo talaga ito sa mga nangyayari.

"Vanessa, tell me everything about Zyroh and Zoe."

"Ri-"

"Don't you dare tell me it's nothing Van. Kilala mo ako."

Huminga sya ng malalim at nagmamakaawang tumingin sa kaibigan. Gusto nyang sabihin dito na wag nang magtanong pero matigas ito. Sinuklian nito ng nanlilisik na tingin ang kanyang mga mata.

"Fine, sasabihin ko na."

"Go ahead."

"Si Zoe- a-kapatid sya ni Zyroh. Matagal nya nang pinagtatangkaan ang buhay ng kapatid nya kasi gusto nyang sa kanya mapunta lahat ng mana nito mula sa papa nila. Sya rin yung dahilan kung bakit namatay si Eina."

"Sino sya?"

"Best friend ni Zyroh. Sya yung babaeng gustong gusto ni Zoe, pero ayaw sa kanya dahil sa paulit ulit nyang pagtatangka sa buhay ni Zyroh. Matalik na magkaibigan yung dalawa kaya hindi magawang makalapit dati ni Zoe kay Eina. Kaya mas nadagdagan yung galit ni Zoe sa kapatid. Kala nya lahat inaagaw sa kanya ni Zyroh."

"Kaya pati kayo nadadamay ni Zena?"

"Oo." Nakayuko syang sumagot. Ayaw nyang may mabasa pa si Rean sa kanyang mata.

"Ayun lang ba talaga lahat Van?"

"Oo yun lang. Kaya gustong patayin ni Zoe ang anak ko ay para mawalan na nang tagapag mana si Zyroh. inilagay kasi ng papa nila sa last will nito na mapupunta ang 75% ng yaman nila sa unang apo nya and that is Zena. While the remaining will be divided to Zyroh and Zoe."

Lumapit ito sa kanya at niyakap sya. "Alam kong meron ka pang hindi sinasabi pero sapat na ang mga impormasyong ito. Hihintayin ko nalang hangang sa maging handa ka. Just always remenber that I will always be here for you Van. Hindi nating hahayaan na may mangyaring masama sa inyo lalong lalo na kay Zena." Hinalikan pa nito ang ulo ng kangyang anak.

Tumango lang sya sa kaibigan at nag pasalamat. Mabuti nalang at maunawain ito.


----------------------------------------------------------------

A/N: Ako lang po ba? haha Kasi minsan iniisip ko, pag naguguluhan yung mga reader dahil sa sinusulat ng Author sinasabi talaga nila. haha. Hindi po ba pwedeng hintay nalang sa susunod na update kasi baka doon i-explain lahat? :P

Anyways, enjoy reading Naughty. 

https://www.facebook.com/micheil.lockheart

https://www.facebook.com/groups/201370200315755/

https://www.instagram.com/michaelalockheart/

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro