“HI! “ alanganin nyang bati kay Josh nang pumasok ito sa loob ng silid. Nakita nyang namamaga ang mata nito tanda na kagagaling lang ng binata sa pag-iyak.
Kanina nang magising sya ay tanging si Rean lang ang nabungaran nya. At nang maalala nya ang huling nangyari ay bigla syang nakadama ng takot kaya nawala sa isip nya si Josh. Pero nang sabihin sa kanya ng doktor na ayos lang ang kanyang anak ay doon lang sya kumalma.
“Naughty.” Nakita nya ang pamumuo ng tubig sa gilid ng mata ng binata. Mabilis itong lumapit sa kanya at yumakap. “I’m sorry! “ he said and hugged her even tighter.
Gumanti sya nang yakap dito. Nang halikan sya ni Josh sa noo ay naramdaman nya na parang may tubig na pumatak sa kanyang mukha.
He’s crying!
Bahagya nyang inilayo ang katawan kay Josh upang titigan ang mukha nito.
“Why? “ she asked confused. Alam nyang natakot ito sa nangyari sa kanila ng kanyang anak. Kahit naman sya ay natakot din pero iba, mas mataas ang lebel na nakikita nya sa mata ni Josh.
“I’m so sorry! “ he keep on blabbing on a very low voice habang nakatitig ito sa kanya.
Sa totoo lang ay nadudurog ang puso nya sa Itsura nito.
“Ok na Josh. Me and baby are ok, so please stop crying.” Pinunasan nya ang luha nito pero hinawakan ni Josh ang kanyang kamay at hinalikan.
“Alis na muna kami.” Paalam sa kanila ni Rean. Kasama nitong lumabas sa silid ang asawang si Nick. Tumango lang sya sa mga ito. Nang makaalis na ang dalawa ay ibinalik nya ang tingin sa kasintahan.
“when I saw you bleeding, I was so afraid. I thought I will lose you and baby. I-“ tumikhim ito upang pigilan ang pag piyok. “I thought you’ll be gone. Takot na takot ako.” Pumikit ito at dinama ang kanyang kamay na nasa mukha ng binata. “Sorry-“
“Shhhhh.” She cut his words. “Maayos na ako. Maayos na kami ng anak natin.”
“Kasalanan ko lahat.”
“Josh, please stop blaming your self.”
“Naughty.” Huminga ito nang malalim. “I am sorry for everything, Sorry for always hurting you. For being too weak. Fo-for being unworthy of your love.” Tuluyan na itong pumiyok sa huling sinabi.
“Josh, ano ba! Stop saying that. You are worth the pain.”
“No Van. I am not. Hindi ka dapat na nasasaktan. You don’t deserve to be lied and cheated on. You don’t deserve this pain. You don’t deserve this kind of love. I don’t deserve your pure love too.” Tuloy tuloy ang pag agos nang luha sa mga mata nito.
Sa totoo lang ay gulong gulo na sya sa mga sinasabi ni Josh. Ano ba talaga ang ipinapahiwatig nito? Bibitiw na ba ito sa relasyon nila? Akala ba ng binata hindi na nya kayang mag tiis? O ginagawa lang nitong dahilan ang kanyang nararamdaman para makawala ito sa kanya? Baka naman sa simula palang ayaw na talaga ni Josh, napipilitan lang ito dahil nabuntis sya nang hindi sinasadya. Na baka ngayon napagtanto na nito na hindi talaga sya ang mahal nito. O baka kahit kailan ay hindi naman talaga sya?
“Ano bang gusto mong sab-bihin?” she tried so hard to be strong pero tinraydor sya ng sariling bibig ng hindi nya mapigilang mautal.
“You are better off without me. Kasi pakiramdam ko puro sakit nalang yung naibibigay ko sayo. Hindi man lang kita mapasaya-“
“Shut-up Josh!” galit nyang bulyaw dito. “How dare you used my pain? Why can’t you just say it straight to my face?”
“Naughty-“
“Ayaw mo na diba? Nag sasawa ka na?” her own words was like a knife that cutting her flesh. Ang kaninang alinlangan ay parang nagiging totoo na.
“Van hindi ganon. Ikaw ang inaalala ko-“
“Stop lying!” iwinaksi nya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. “stop making an excuses! Stop using me! stop saying as if I was really hurt! Sabihin mo nalang ang totoo.” Nanghihina nyang bulyaw dito. “Just admit it.”
“Van.”
“Hindi mo naman talaga ako mahal diba? Hindi mo ako minahal or maybe you realized that you can’t love me.”
“Vanessa that’s not true!”
Gusto nitong hawakan ang kanyang kamay pero ipinipiksi nya iyon.
“That’s true! Ginagamit mo lang na panakip butas yung nararamdan ko to disposed me. Pero ang totoo matagal mo na talaga tong gustong gawin diba? Tell me!”
Pinilit syang yakapin ni Josh pero patuloy nya itong itinutulak. Magkahalong sakit, awa sa sarili at pag kamuhi ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.
Ang sakit ang sakit sakit.
“Van please listen to me.” Pag susumamo nito pero hindi sya nakinig. Ipinag patuloy nya ang pagwawala upang bitiwan sya ng binata. Dahil tuloy doon ay hindI nya namalayang nahugot Ang swero na nakatusok sa kanyang kamay.
“Vanessa!” rinig nya ang nag aalalang boses ni Rean. Mabilis itong nag lakad sa kanyang tabi at diniinan ng panyo ang kanyang kamay na nagdudugo. Itinulak nito si Josh at sinigawang tumawag ng doktor. Habang sya ay tulalang lumuluha.
Matapos malinis nang nurse ang kanyang sugat at maibalik ang nahugot na swero ay nilapitan sya ni Rean at niyakap. Inutusan nito ang asawa na huwag papapasukin si Josh. Noong una ay nag dalawang isip pa si Nick. Pero nang sumigaw si Rean ay sumunod din ito.Narinig din kasi nya ang doktor na sinabing huwag munang ipakita sa kanya ang anumang bagay na makakapag bigay sa kanya ng sama ng loob. Napagalitan pa nga sila ng doktor dahil ayon dito ay maselan na maselan daw ang kanyang lagay. Na anumang oras ay maaring mawala sa kanyang sinapupunan ang bata.
“Shhhh. Van tahan na.”
Gumanti sya nang yakap dito.
“Ano bang kulang? Mahirap ba talaga akong mahalin? Hindi ba talaga ako karapat dapat?”
“Van don’t say that. Isa ka sa pinaka mabait na taong nakilala ko. Your selflessness and genuine love is more than enough.”
“Bakit hindi nya ko magawang mahalin?”
Hindi na sumagot ang kaibigan. Niyakap nalang sya nito nang mahigpit.
GALIT syang sinuntok ng pinsan. Nasa parking lot sila ngayon ng ospital kung saan naroon ang kanyang mag-ina. Pag katapak na pagkatapak nila doon ay dalawang malakas na bigwas ang ibinigay sa kanya ni Nick.
“Tarantado ka Josh. Gago ka!”
Pinunasan nya ang dugo na nag mumula sa kanyang pumutok na labi at lumapit ulit sa pinsan. “Punch me more.” He told him.
Ginawa naman nito ang kanyang sinabi. Ilang malalakas na suntok pa ang ibinigay nito sa kanya. Malugod nyang tinangap ang mga iyon at hindi lumaban.
He deserve those punches. Sa sobrang daming luha na ibinigay nya kay Van. Sa daming sakit na tiniis nito dahil sa kanya, alam nyang kulang na kulang pa ang mga natamong suntok mula sa pinsan.
“Punch me more Nick. Punch me!”
Nanggigigil sya nitong sinuntok at sinipa. Sa sobrang lakas nito ay nawalan sya nang balanse at napatihaya sa sahig.
Siguro sa sobrang pagod, physically and emotionally ay hindi na sya tumayo. Hinayaan nya nalang ang kanyang katawan na nakahiga sa maruming semento habang inaalala ang mukha ni Vanessa kanina na galit na galit sa kanya. Dahil doon ay hindi nya napigilan ang butil na pumatak mula sa kanyang mata.
Buong akala ni Van ay hindi nya ito mahal pero nag kakamali ito. Masyado nyang mahal ang dalaga. Pero kalakip nang pagmamahal nya ay ang katotohanang masyado rin syang tanga dahil paulit ulit nya itong nasasaktan.
Kaya kanina habang nasa loob ito ng emergency room ay nagpunta sya sa chapel sa loob ng ospital. Hindi sya ang taong marunong magdasal pero para sa kaligtasan ng kanyang mag-ina ay ginawa nya iyon.
Nang bumalik sya sa ER ay nakita nyang kausap ni Rean at Nick ang doktor ni Vanessa. Narinig nyang sinabi nito na maselan ang pagbubuntis ni Van. Kailangan nitong umiwas sa anumang bagay na makapagpapasama ng loob ng dalaga dahil kung hindi ay maaaring malaglag ang bata na nasa sinapupunan nito. At dinig nya rin na sinabi ng doktor na may nakita silang komplikasyon sa pagbubuntis ng kasintahan. Na maaaring ang ipinag bubuntis nito ngayon ay maging una at huli na.
Nang marinig iyon ay natakot sya. Sari saring masasamang bagay ang tumakbo sa kanyang utak. Iniisip nya na wala namang ibang bagay na nakapag papasama ng loob ni Van maliban sa kanya. Na baka kung mananatili sya sa piling ng dalaga ay makagawa nanaman sya ng bagay na ikasasama ng loob nito. Na baka makunan ito at sya ang maging dahilan. Na baka mawala sa kanila ang kanilang anak at ang pagkakataon na mag karoon pa nito.
Kaya naman naisip nya, baka mas makakabuti na pansamantala muna syang hindi magpakita dito. Na mas makakabuti kay Van na wala sya. Na kahit masakit ay babantayan nya nalang ito sa malayo. But he was wrong. and for the ninth time he fucking made it again. He hurt her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro