12
"NAUGHTY, baka gabihin ako nang uwi mamaya. Nag ka problema kasi dito sa set kaya late na kaming nakapag simula. Pero promise pipilitin ko paring umuwi."
"Josh it's ok. Kung late na late na talaga kayo wag ka na lang bumyahe. Ilang oras karing mag didrive diba mula dyan sa Subic? Delikado na."
"Pero wala kang kasama."
"I'm fine. Isang gabi lang naman. Mahigpit din naman yung security dito sa building kaya safe. Wag ka masyadong mag-alala ok? Ayos lang ako."
"Can't help it. Nag-aalala ako kapag hindi kita kasama. Lalo na maselan kayo ni baby. Pag katapos nalang ng shoot ko. Kahit hindi pa tapos yung iba mag papaalam na akong umuwi."
"Babe, ayos lang ako. Basta kapag late na wag ka nang bumyahe. Dyan ka nalang muna mag pahinga. Bukas nang umaga ka nalang lumuwas nang manila."
Narinig nya ang pagbumtong hininga ni Josh. "Sige. I'm sorry naughty. I am supposed to be there beside you but here I am, having photo shoot somewhere far from you and baby."
"Babe, wag ka nang masyadong madrama. Uuwi ka naman bukas kaya ayos lang. Isa pa diba last shoot mo na yan on your modeling career kaya enjoyin mo na."
"Yeah."
"Babe, cheer up. Ayos lang talaga kami ni baby. Tatawag nalang ako sayo pag may nangyari."
Mukang hindi parin talaga kumbinsido ang kanyang kasintahan. Nag-aalala parin ito sa kanya at sa kanyang anak.
Kaninang madaling araw kasi ay bumyahe si Josh patungong Subic, Zambales para sa photo shoot nang isang brand nang damit. Hilig talaga nito ang mag modelo kahit pa may sarili naman itong kompanya na mapagkukunan ng kabuhayan.
Pero bago tangapin ni Josh ang proyekto na ito ay nag paalam muna ang binata. Pinayagan nya ito agad pero nagbigay parin ito sa kanya nang kondisyon. Nangako ang kasintahan na ito na ang huling beses na magmomodelo ito. Gusto daw kasi nitong ibuhos nalang sa kanya at sa magiging anak nila ang buong atensyon ng binata.
Sa una ay tumangi sya sa sinabi ni Josh. Alam nya kung gaano nito kamahal ang ginagawa at ayaw nyang huminto ito dahil lang sa kanya. Pero mapilit talaga ang binata, sinabi nitong mas mahalaga sila at mas mahal sila ni Josh kompara sa trabaho.
"tomorrow morning, promise I'll be there when you wake up. I love you Naughty."
"Ang tamis." She giggled. "I love you too babe. Ingat kayo dyan."
"Yes, we will. Anyway, nasaan ka pala ngayon?"
Insinubo nya muna ang blue berry cheese cake na nasa kutsara bago sumagot. "Nandito sa mall nag shoshoping. But right at this moment I am here at Starbucks eating some yummy blue berry cheesecake and white chocolate."
"Sounds fun. Are you enjoying? Wag ka masyadong mag pagod ah. Wag ka ring masyadong bumili para wala kang bibitbitin. Next time ka nalang mag shopping nang husto para ako ang mag buhat. But if you really want to buy things I can call Aaron to send someone who could accompany and guard you. How was that?"
"Josh, ano ka ba ayos lang ako. Nakakahiya naman sa pinsan mo. Saka may book lang ako na gustong bilhin kaya ako lumabas. Maya maya uuwi nadin ako."
"if that what's my Naughty want." Narinig nya ang boses ng assistant ni Josh na tumawag dito. "Naughty, pano I have to end this call."
"Sure Babe, bye!"
"Bye Naughty, I love you and I miss you already."
Bahagya syang napangiti at namula sa sinabi nito.
"Josh, ikaw talaga. Focus on your work. I love you!"
Matapos ang ilang oras na pag lilibot ni Vanessa sa mall ay saka lang sya nakaramdam nang pagod. Mas yado syang nalibang sa pag-gagala kaya naman hindi nya namalayang ilang oras na pala syang nandito sa lugar. Inilibot nya ang paningin kung nasaan ba banda ang CR. Bukod kasi sa medyo pagod na sya ay naiihi din sya ulit. Siguro ay lampas limang beses na syang nag pabalik balik sa banyo kanina. Maya't maya kasi ay nararamdaman nyang naiihi sya. Marahil ay dala nang pag bubuntis.
Nang makakita ng banyo ay agad sya doong pumasok. Buti nalang at walang pila hindi katulad ng mga napuntahan nya kanina.
Habang nasa loob ng cubicle ay may narinig syang grupo ng mga babaeng nag-uusap.
"Girl, ang gwapo gwapo nya talaga ano?"
"Oo nga." At sabay sabay itong nagtiliian. Napailing nalang sya sa mga ito.
"Ang pogi talaga ni Josh Lockheart, mukha pang masarap."
Sa narinig ay bigla syang na curios. Ang kayang kasintahan pala ang pinag uusapan ng mga ito, kaya naman pala kung makatili ang mga babae ay ganun nalang.
"oo nga. Tignan mo dito sa post nya na to. Ang pogi pogi nya." At sabay sabay ulit nagtiliian ang mga ito.
Gusto sana nyang makita ang larawan ni Josh na pinag papantasyahan ng mga ito pero hindi pa sya tapos umihi.
"Shet, ang pogi talaga. Kaso sayang no. kasi ang sabi ikakasal na daw yan."
"Talaga kanino naman? Kay Zea?"
Medyo sumama ang kanyang timpla sa narinig. Na idawit nanaman ang pangalan ni Zea kay Josh. Hindi lang pala sya ang nakakalam ng naudlot nitong love story sa babae. Marami pa palang iba at mukhang may fans club pa ang mga ito.
"Shonga hindi. Diba kasal na yon?"
"ay oo nga pala. Sayang bagay na bagay pa naman sila ni Josh. Saka ang alam ko may gusto talaga si Josh kay Zea kaso kinasal na pala."
"Yun din ang alam ko." Sabat ng isa. "Pero yun nga kinasal na si Zea at sa pinsan pa ni Josh. Ang sakit non no?"
"Sinabi mo pa." ang kaninang masiglang awra nang mga ito ay parang naging matamlay.
"Eh girl, sino pala yung babaeng sinasabi mo na pakakasalan ni Josh? Kilala ba sya model din?"
"Nako yun ang hindi ko alam. Pero mukang hindi naman model kasi hindi sikat." At nag tawanan ang mga ito.
"Bakit mag papakasal na?"
"Oo nga ang bilis naman maka move on ni baby Josh ko." Malanding turan ng isa. Gustong gusto na nyang lumabas ng cubicle at sabihin sa mga mukha nito na sya ang pakakasalan ni Josh. Kaso nga lang ay hindi padin sya tapos umihi.
"Baka naman hindi pa nakaka move-on si Josh." Sabat nnanaman ng isa.
Seriously, wala talagang balak ang mga batang to na tantanan ang buhay ni Josh at ang love life nito?
"True! Baka naman buntis si Girl kaya pakakasalan ni Josh. Kasi if I know I know. Si Zea padin naman talaga ang mahal nya." Malandi nitong pagkakasabi na sinang ayunan ng iba pa nitong kasama.
"Mukha pa naman ang bait bait ni Josh. Baka pinikot sya nung girl. Nag pabuntis sa kanya para pakasalan sya."
Sa narinig ay bigla syang nakadama ng lungkot at takot. Paano nga kung tama ang mga ito? Buntis lang sya kaya pakakasalan sya ni Josh?
Nang makauwi sya sa bahay ay naging matamlay na si Vanessa. Hindi parin mawala sa kanyang isip yung usapan nang mga babae na narinig nya sa loob ng banyo sa mall. Ngangamba parin sya na baka tama ang mga ito. Baka nga hindi naman talaga intensyon ni Josh na pakasalan sya. Pero dahil nabuntis na sya nito ay wala nang pagpipilian ang binata kundi ang panagutan ang kanyang dinadala. Sa sobrang pag-iisip ay hindi na nya napigilan ang makatulog.
ALAS ONSE na nang gabi nang matapos sila Josh sa kanyang huling piktotyal. Talagang ibinuhos na nya ang kanyang galing sa pag pose sa harapan ng kamera dahil huling beses na nya itong gagawin.
Nang makapasok sa kanyang dressing room ay pagod na pagod nyang ibinagsak ang katawan sa upuan. Kinuha nya agad ang cellphone upang tawagan si Van. Pero natapos nalang mag ring ang cellphone nito ay hindi iyon sumagot. Siguro tulog na ang dalaga, napagod din ata ito sa pamamasyal sa mall kaya tulog na.
"Josh tara sa labas." Tawag sa kanya ng isa nyang kasamahang modelo.
"Bakit anong meron?"
"May konting salo salo sa labas. Ihinanda yon ni direk para sayo."
Napapa-iling nalang syang sumunod dito. Nang makarating sila sa sinasabi nitong lugar ay nakita nya ang lahat ng kanilang kasamahan sa set. Ang mga kameraman na ilang taon nya nang nakatrabaho, ang mga make-up artist, mga modelo at ang mismong direktor nila.
Tinawag sya nito at pinaupo sa upuan malapit dito. Nagbigay ito sa kanya ng munting mensahe at pasasalamat. Binigyan din sya nitong nag ilang payo tungkol sa kanyang pag-aasawa na kanyang pinasalamatan.
Matapos ang kanilang direktor ay isa-isa ring nag paabot nang pasasalamat at pag suporta sa kanya ang kanilang mga katrabaho. Pag katapos ay sabay sabay silang kumain. Ang iba ay nag order nang brandy at beer at sinumulan ang pag-inom.
Makalipas ang isang oras ay nag paalam na ang direktor at ibang crew na mag papahinga na sila. Susunod na sana sya sa mga ito nang pigilan sya ng kanyang dalawang katrabahong modelo.
"Wag ka na munang umalis. Huling araw na to na mag kakasama tayo oh." Pangungulit ng mga ito sa kanya. Pati ang tatlo pang nakaupo ay nakisali narin na pumigil sa kanya. Kaya naman wala na syang nagawa kundi ang manatili pa ng konti. Sabay sabay pa ngang nag sihiyawan ang mga ito nang umupo sya.
Lumapit sa kanya si Yer isa sa mga kasamahan nilang modelo at inabutan sya nang inumin. Tinangap nya ito pero sinabi nya sa mga kasama na hindi sya pwedeng uminom ng madami dahil kailangan nyang umuwi nang maaga kinabukasan. Pumayag naman ang mga ito at itinuloy nalang nila ang kasiyahan.
Kanyan kanyang kwento ang mga ito ng kanilang mga ibat't-ibang moment kasama sya. May ibang nakakahiya, nakakatawa at nakakalungkot pero lahat iyon ay masaya nilang pinag usapan. Nang maubos nya ang laman ng baso na unang inabot sa kaya ni Yer ay inabutan sya nito ulit. Tatangi na sana sya pero sinabi nang babae na huli na iyon. Ngumiti pa ito ng matamis sa kanya. Nag patuloy pa ang kwentuhan. Pero sya napapansin nyang iba na ang tingin sa kanyang ng dalaga. Napailing nalang sya dahil doon. Siguro ay marami na itong nainom kaya naman parang kakaiba na ang ikinikilos.
Nang maubos nya ang pangalawang baso ng beer ay para syang nadamana ng hilo. Alam nya ang kapasidad nya pag dating sa alak kaya naman alam nyang hindi pa sya lasing. Pero siguro sa sobrang pagod kaya nya iyon nararamdaman.
Ilang minuto muna syang nagpahinga sa upuan. Nang tignan nya ang kanilang mga kasama ay halos tulog na ang mga ito. Tanging sya at si Yer nalang ang gising.
"Yer, una na ko sa kwarto."
Tumango nalang ito sa kanya.
Pagkatayo nya ay nakaramdam sya ulit nang hilo dahilan para mapa hawak sya sa lamesa. Ang babae naman ay agad na pumunta sa kanyang tabi.
"Josh ayos ka lang? Konti lang naman nainom mo ah."
"Yeah ayos lang. itutulog ko nalang to." Sinubukan nya ulit maglakad pero nahihilo natalaga sya. Kaya nang sabihin nag babae na sasamahan nalang sya nito ay hindi na sya nakatangin. Iniakbay ni Yer ang kanyang kamay sa balikat ng babae at inalalayan syang mag lakad.
Pag karating na pagkarating nila sa kanyang kwarto ay agad na syang humiga sa kama at natulog. Ni hindi na nya nga nagawang pasalamatan ang babae.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro