Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

05

Hello CristinaRaganas This chapter is for you. Salamat po sa patuloy na pag shashare ng gawa ko. ;)

Enjoy!

__________________________________

ALAS KWATRO na nang madaling araw pero umaasa parin si Van na uuwi si Josh. Alas ostso ang flight nya. She was hoping that he will come before she leave. Pero dumating nalang ang oras na kaialangan nya nang umalis ay wala pa ito. Umiling nalang sya at ngumiti ng mapakla. Di bale kapag naging maayos na ang kanyang mommy ay babalik nalang sya ulit dito sa pilipinas. Aakitin nya ulit si Josh at hindi sya titigil hangang mahalin din sya nito.

Nang makarating sa amerika ay dumiretso na sya sa ospital kung saan naka confine ang kanyang mommy. Pagpasok nya sa inookupa nitong silid ay nagulat pa ang mga ito kung bakit sya nandoon. Magkakasama pala ang kanyang dalawang lola at isang lolo pati ang kanyang daddy sa pagbabantay sa kanyang mommy. Mukang nagkakasiyahan ang mga ito dahil naririnig nya ang lakas ng kanilang mga tawanan na agad na nawala ng dumating sya.

“Vannesa?” gulat na tanong nang kanyang mommy. Iminuwestra nito ang kamay sa harap tanda na gusto sya nitong mayakap.

“Mommy!” walang ingat nyang inilapag ang bag na bitbit at tumakbo payakap sa ina. “I miss you!” she said sobbing. Natatandaan nyang bata pa sya nang huli syang yakapin ng ganito kahigpit ng ina. Yung yakap na damang dama mong mahal ka. Yung tumatagos yung init nang pagmamahal nito sa iyong puso. Mula kasi nang mag teen ager sya ay naging busy na ang mga ito sa kanilang negosyo at halos makalimutan na sya.

“I miss you more sweetheart.”

“Nagtatampo ako kasi hindi nyo sinabi sakin na naospital si Mommy.” Nakasimangot sya sa kanyang ama.

Nakaupo sya sa kama sa tabi nang ina habang hawak hawak ang kamay nito. Nagtawanan nalang ang kanyang mga lolo at lola pati ang kanyang ina sa kanyang turan. Habang ang daddy naman nya ay napakamot nalang sa ulo.

“Because we don’t want you to worry.” Lumapit ito sa kanya at hinalikan ang kanyang ulo.

“But it is mommy. I will be worried.”

“Sorry na. next time we will tell you right away. Kala kasi naman busy ka sa pilipinas at ayaw ka naming gambalain pa.”

“Hmm. I will not accept that excuse.” Nag tawanan ulit ang lahat sa kanyang sinabi.

Ilang lingo pa syang nanatili sa amerika, bawat araw na nadito sya ay siniguro nyang makakapag bonding sila ng kanyang mommy. Tatlong araw kasi mula nang makarating sya dito ay pinayagan na nang doktor na lumabas ang ina. Ibinilin lang na iwasan ang pagpapagod ng husto pati narin ang stress.

“Kompleto na ba yan lahat wala ka nang nakalimutan? Yung tubig mo nandyan na? Yung make-up kit na binili natin nung isang araw baka naiwan mo.”

“Nandito na po mommy. Nakaayos na po lahat.”

“Ok.” Malungkot itong tumitig sa kanya. “Mamimiss ko ang baby ko.”hinawakan nito ang kanyang pisngi at binigyan sya ng halik sa noo at ilong. “Take good care of yourself always. Don’t forget to call me when you need anything. Be a good girl in Philippines sweetheart ok? Mamimiss kita.”

“I will miss you too mom.” Mahigpit nya itong niyakap. Kung hindi nya lang talaga mahal si Josh ay mas gugustuhin na nyang manatili dito. Ngayon pa na naging maayos na ulit ang relasyon nilang mag-ina. Pero kailangan nya kasing mapasagot muna ang binata. Para naman pag bumalik sya ulit dito sa mga magulang ay hindi sya mangangamba na maagaw si Josh ng iba.

PAGKALAPAG sa pilipinas ay agad na tinawagan ni Van si Rean upang ipaalam dito na nakauwi na sya. Itinanong nya rin sa kaibigan kung alam ba nito kung nasaan si Josh pero hindi ang sagot nito. Kaya itinext nya nalang ang binata at tinanong kung nasaan ba ito pero wala itong sagot. Sinubukan nya rin itong tawagan pero puro ring lang ang nangyayari, hindi ito sumasagot sa kanya.

Umuwi muna sya saglit sa kanyang unit upang makapag bihis at napag pasyahang puntahan nalang ang binata sa condo nito. Iniisip nya kasi na baka natutulog pa ito ngayon dahil sabado at wala itong pasok. Wala rin naman syang natatandaan na shoot nito ngayon. Ang alam kasi nya ay may project sa kompanya ni Josh kaya naka focus ito doon. Hindi muna tumatangap ng anumang raket ang binata.

Nang nasa harap na sya ng building nito ay nasasabik sya at the same time ay kinakabahan. Baka kasi nag tatampo ito sa kanya dahil hindi man lang sya nag paalam na bibisita sya sa mga magulang. Ito siguro ang dahilan kung bakit kahit ni Isang text ay hindi nito nagawang ipadala sa kanya noong nasa amerika sya. Pero mag papaliwanag nalang sya dito at lalambingin nalang nya ito sabay bigay ng kanyang mga pasalubong.

Nakangiti nyang pinindot ang doorbell ng unit ni Josh. Nasasabik na syang makita ang binata dahil mis na mis na talaga nya ito. Pero ang kanyang malawak na ngiti ay agad na nawala ng bumukas ang pinto. Inaasahan nya kasi na si Josh ang magbubukas sa kanya ng pinto pero hindi pala. Isang babaeng naka suot ng T-shirt ng binata ang bumungad sa kanya mukha pa itong walang ibang suot maliban doon. Magulo din ang buhok nito na parang nangaling sa hindi nya nais na senaryo. Alam nyang t-shirt iyon ni Josh dahil sya ang nagbigay niyon sa binata.

“Yes?” mataray nitong tanong. Sa totoo lang ay gusto nyang hablutin ang buhok nito at kaladkarin ang babae palabas ng condo unit ni Josh. Gusto nyang hubarin dito ang t-shirt na ibinigay nya sa binata. Gusto nya itong sampalin dahil nasa lugar ito kung saan dapat sya ang nandoon. Pero hindi nya magawa, para kasing biglang nanghina ang kanyang tuhod. Nararamdaman nya rin ang paninikip ng dibdib at ang kagustuhang umiyak pero pinigil nya ang sarili. Nag pakatatag sya at hinarap ito.

“I’m looking for Josh Lockheart.” Itinulak nya ng bahagya ang pinto at diretsong pumasok. Wala syang pakialam sa babaeng bumungad sa kanya.
Agad na hinanap ng kanyang paningin ang binata. Pipi syang nagdarasal na sana hindi nya ito makita sa ayos na nasa kanyang utak ngayon. Dahil pag nangyari iyon  ay makukumpirma nya ang nasa utak. Kahit kasi may nabungaran syang ibang babae sa pinto ay pinapaniwala nya parin ang sarili na hindi ito fling ni Josh. Baka isa lang itong damsel in distress na naghingi ng tulong sa binata na sya namang ginawa ng isa. Wala itong dalawang relasyon. But she know she was just fooling herself. Kalakip kasi ng kagustuhan nyang paniwalain ang sarili na magkaibigan lang ang dalawa ay sumasagi sa bahagi ng kanyang utak na baka itong babae na ito ang dahilan kung bakit hindi sinasagot ni Josh ang kanyang text o tawag. Na baka ito ang pinag kakaabalahan ng binata, na baka sa sandaling panahon na nawala sya ay maeon na agad na pumalit sa kanyang pwesto sa buhay at kama nito. Pag nagkataon hindi lang si Zea ang kanyang magiging karibal sa atensyon ng binata. Pati narin ang babaeng ito o kung meron pang iba nung mga panahon na wala sya.

“Heart, whose that?” rinig nyang tanong ni Josh.

“Heart?” nag-iinit na ang sulok ng kanyang mata pero pinigil nya iyon. Ngayon nya kailangan ng tapang at kapal ng mukha.

Nang galing ang boses nito sa kusina kaya doon sya pumunta.

Nang makita ito ay medyo nakahinga sya ng maluwag, nakasuot kasi ito ng matinong pantalon at t-shirt. Hindi ito mukhang kagagaling lang sa sex.Pero gayun pa man, hindi parin nawawala sa kanyang dibdib ang bigat dahil sa iba’t-ibang senaryo na tumatakbo sa kanyang isip na gusto nyang iwaksi.

“Josh!”tumakbo sya dito aat niyakap ang binata. Ito naman ay parang gulat na gulat.

“Naughty?” inilayo nito bahagya ang katawan upang matitigan ang kanyang mukha. “Van?”

“Yes It’s me.” Natatawa nyang tugon. Nakita nya sa repleksyon ng kabinet na papalapit sa kanila ang babaeng bumungad sa kanya sa pinto kaya naman nakaisip sya ng gagawin. Hinatak nya ang batok ni Josh at agresibo itong hinalikan. Hindi naman sya nabigo nang maramdaman ang pagtugon nito. Natuwa pa nga sya ng ito mismo ang magpalalim ng halik na kanilang pinag sasaluhan.

Hindi na nya inisip pa kung nangaling ba sa ibang labi ang labing kanyang hinahalikan ngayon. Ang mahalaga, nasa kanya ang binata. Sya ang kayakap nito at pangalan nya ang binibigkas nito. Mamaya pag nakaalis ang babaeng ito sa unit ni Josh ay sisiguruhin nyang ipapatikim nya sa binata ang romansa na sya lang ang maaaring magbigay dito. Gagawin nya ang lahat ng alam nya para lang manatili ito sa kanya at kahit papano hindi na maghanap ng iba.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay parehas silang humihingal. Sumandal sya sa dibdib ni Josh at pasimpleng tinignan ang babae na parang nakatulalang nakatingin sa kanila. Nakita nyang medyo namumula ang mukha nito. Marahil sa inis, ingit o galit pero wala syang pakialam. At nang magtama ang kanilang paningin ay nakakaloko nya itong nginitian. Ipinahiwatig nya sa kanyang ngiti na kanya lang ang binatang kanyang kayakap at hindi sya makakapayag na merong aagaw nito sa kanya.

“Josh, who is she?” she asked him. Napatingin naman ito sa babae.

“Oh sorry I forgot.”Bahagya itong kumalas sa kanyang yakap pero hindi nya binitiwan ang kamay nito. Tumingin nalang si Josh sa kanya at ngumiti. “Naughty this is heart. My co-model. Heart this is Vanessa, my best friend.”

Double kill. Akala pa naman nya sasabihin nitong special someone or kaya naman ay girlfriend. Nag effort pa naman sya na ipamukha sa babaeng hitad na kanya si Josh. Tapos ito ipapakilala lang sya bilang isang best friend pagkatapos nilang maghalikan sa harap nito. Hindi lang tuloy sa bababe sya napahiya. Pati sa kanyang sarili ay napahiya din sya dahil kahit anong gawin nyang paglalambing at pang-aakit dito. Bumabagsak parin sya sa pagiging best friend ni Josh.

Mukhang matagal tagal pa ang kanyang gugugulin para lang mapaibig din ito.






____________________________________

A/N: Bakit ganun? Parang andami kong nakikitang nakakarelate kay Vanessa. Marami bang mga na friendzone dito? :P

But seriously, habang sinusulat ko to. Napapansin kong kakaiba nga ang ka martiran ni Van. and I know that she is not the only one who's experiencing this kind of life. Yung tipong bigay todo ka na. Lahat na ginawa mo. Tumambling at nag pa sirko-sirko ka na at lahat wala padin. Ang gagawin nya lang is ngingitian ka at sasabihing. "You know what I am so lucky to have you. I am so lucky to be your best friend."


Nyemas! Kainin mo yang bestfriend na sinasabi mo.

😂😂😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro