Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03

ABALANG nag aayos ng sarili si Van. Tinawagan kasi sya ni Josh kaninang umaga na dadaanan sya nito sa restaurant na kanyang minamange. Sabay na daw silang uuwi sa kanyang condo at doon makikitulog ang binata. Dalawang araw narin kasi nang huli silang magkita dahil out of town ang shoot ni Josh. Isa pa bukod sa pagiging model ay presedente din ito nang sariling kompanya. Ang alam nya ay sa isang araw may flight ito papuntang amerika upang makipag meet sa mga potential investors. Kaya naman kapag nag rerequest si Josh na magkita sila ay umo-oo na sya agad.

Nang matapos syang mag ayos nang sarili ay niligpit na nya ang kanyang mga gamit. Tinupi nya nang maayos ang chef uniform na sinuot nya kanina. Kapag nandito sya sa restaurant ay gusto nyang kasama rin syang nag luluto ng mga specialty na kanilang inoofer. Sayang naman kasi ang talent na itinuro sa kanya ng kanyang mommy kung hindi nya gagamitin.

Lampas trenta minutos na syang tapos mag-ayos at lampas sampung minuto narin sa oras na dapat ay nandito na si Josh pero wala parin ang binata. Iniisip nya na baka na ipit lang ito sa traffic pero wala naman itong text o missed calls sa kanya.

"Ano ba naman Josh, don't tell me iindyanin mo ko." Dahil sa pag kainip ay nag pasya sya na sya na ang tatawag dito. Pero nakakailang dial na sya ay hindi parin ito sumasagot. Hindi nya tuloy maiwasan ang mag alala dahil sa hindi nito pagsagot.

Tatlong oras na syang naghihintay dito sa restaurant. Medyo nahihiya na nga sya sa security nila dahil sya nalang ang hinihintay upang magsara. Kanina pa kasi nakaalis ang kanyang mga tauhan, nag paiwan nalang sya dito dahil umaasa sya na susunduin parin sya ni Josh.

"Ma'am, hindi pa po ba tayo mag sasara?" nahihiyang tanong ng security sa kanya. Kumakamot pa ito sa ulo at nakayukong nag tatanong. "Pasensya na po ma'am ah. Birthday kasi nang bunso ko ngayon. Baka po kasi mag tampo yun sakin kapag hindi ko nabili yung ice cream na gusto nya."

"Ganon ba manong? Sige po mauna na kayo. Ako nalang po ang mag sasara nito."

"Naku ma'am hindi ko naman po yun pwedeng gawin. Marami po kasing masasamang loob dito. Baka kung ano pa po ang mangyari sa inyo." Kumamot ulit ito sa ulo. "Sige po, hihintayin ko nalang po kayo ma'am." Magalang itong yumuko at umalis na sa kanyang harapan.

Sya naman ay biglang naguilty. Kaarawan pala ng anak ni Manong pero ito sya at inaabala pa ang matanda.

Kinuha na nya ang kanyang bag at isinukbit iyon sa kanyang balikat. Kinuha nya narin ang mga susi sa kanyang lamesa bago inilock ang kanyang opisina. Hindi na nya hihintayin si Josh. Itetext nalang nya ito na uuwi na sya para makauwi narin si manong.

Nang maikandado na nila ang pinto ng restaurant ay masayang nag paalam sa kanya ang matanda. Pero dahil sa naabala nya ito ay nag presinta nalang sya na ihatid ito. Sa una ay nahihiya pa itong tumangi pero dahil sa mapilit sya ay napapayag nya narin ito. Dumaan muna sila sa convenient store upang bilhan ng ice cream at chocolate ang anak nitong may kaarawan. Nahihiya pa nga ito nang sya ang mag bayad nang lahat nang kanilang pinamili pero sinabi nyang para naman iyon sa bata. Nang may madaanan silang bake shop ay bumili din sila ng cake.

Nang makarating sila sa bahay nang matanda ay sinalubong sila ng mga anak at asawa nito. Doon ay kitang kita nya kung gaano kasaya ang mga bata nang makita ang kanilang bitbit. Kahit simple lang ang pamumuhay nang mga ito ay masasabing nyang masaya naman at mukhang kuntento na sila. Hindi kagaya ng kanilang pamilya, mayaman nga ang kanyang mga magulang pero hindi naman sya nabibigyan ng oras nang mga ito. Nang mag paalam nga sya na sa pilipinas nalang sya mamamalagi ay pumayag agad. Hindi na sya kinontra. Binilhan agad sya ng condo sa pilipinas at ipinag patayo ng isang restaurant. Alam kasi nang mommy nya na nakahiligan na nya ang pagluluto matapos sya nitong turuan.

Habang nasa byahe papunta sa kanyang condo ay patuloy nya paring tinatawagan si Josh. Pero nakarating na sya at lahat sa unit ay hindi parin ito sumasagot. Tinawagan nya narin si Rean upang tanungin si Nick kung alam ba nito kung nasaan ang pinsan pero wala din itong alam.

Kaya naman itinigil na nya ang pag tawag dito. Pumunta nalang sya sa kanyang bar counter at nag-inom. Ang dami dami na nang tumatakbo sa kanyang isip na posibleng pinuntahan o nangyari kay Josh kaya gusto nyang pakalmahin ang sarili.

Matapos nyang maubos ang pangalawang bote ng wine ay tinignan nya ang oras. It is already 4am. Natawa nalang sya sa sarili. Madaling araw na pero hinihintay nya parin ang binata.

Inilapag na nya sa lamesa ang basong hawak at pinatay ang T.V na hindi naman nya naiintindihan ang palabas. Gustong gusto na nyang umiyak sa sama nang loob na nararamdaman pero pinigilan nya ang sarili. Ginusto nya ito kaya hindi sya pwedeng umalma.

Ilang minuto pa syang nanatili sa sala bago nya napag pasyahang pumunta sa kwarto. Pero pagkatayong pagkatayo nya ay saka naman bumukas ang pinto ng kanyang unit at iniluwa noon ang kanina nya pa hinihintay na binata.

Kung dati ay sinasalubong nya ito ng yakap at halik kada darating. Ngayon ay hindi nya iyon ginawa. Nanatili lang syang nakatayo. Pinasadahan nya ito ng tingin mula ulo hangang paa upang malaman kung meron bang masamang nangyari dito pero mukang wala naman. Mukha naman itong maayos. Nakasuot panga ito ng polo at naka ayos pa ang neck tie nito. Nakangiti din ito na nakatingin sa kanya.

"Naughty, sorry hindi ako nakapag text-"

"San ka galing?" she said on a serious tone. Wala syang pakialam kung mag mukha man syang nagger na asawa.

"Sa ospital. Sinamahan ko si Zea kasi sinugod doon si baby Vien." Sa narinig ay parang nag panting ang kanyang tenga.

Mukha syang tanga kakahintay dito, ayun pala kasama lang nito ang asawa ng sariling pinsan. Ni hindi man lang nito nagawang mag text sa kanya.

"Kaya pala." All she said bago ito talikuran. Masyado na syang nasasaktan sa ginagawa ni Josh. Alam naman nya na sa simula palang ay hindi na seryosohan ang kung ano mang meron sila pero hindi nya inaasahang ganito ito hindi kaseryoso. Pag si zea ang pinag uusapan nawawala na sya sa eksena. Ni hindi na sya nito naalala.

Tinakbo sya ni Josh at ihinarap sa binata. "Galit ka? Sorry."

"T*ng-*n* naman Josh. Sorry? yung lang? pag katapos mokong pag mukhaing tanga kakahintay sayo. Matapos kong mag alala para sayo sorry lang? Josh naman, alam ko naman na wala lang ako para sayo pero isipin mo naman na may pakiramdam din ako. Marunong din akong masaktan sa tuwing kinakalimutan mo ko dahil kasama mo si Zea."

Niyakap sya nito nang mahigpit. "I'm sorry. alam ko kasalanann ko and I am sorry for that. Nawala lang talaga sa isip ko. Nag alala kasi ako nung malaman ko na kailangan dalhin si baby Vien sa ospital. Wala kasi ngayon sa pilipinas si Ravin kaya walang makakasama si Zea."

Itinulak nya ito at mabilis syang pumasok nang kanyang kwarto at inilock iyon. Puro nalang ito Zea. Wala nang bukang bibig si Josh kundi Zea at sobra na syang nasasaktan.

"Umalis ka na muna Josh. Ayaw na muna kitang makita." She is trying her best not to cry. Ayaw nyang isipin nito na iniiyakan nya ito.

"Naughty, buksan mo muna yung pinto mag-usap tayo."

"Josh, pucha naman. Kahit ngayon lang makinig ka. Ayaw kitang makausap kaya umalis ka na."

"kung yan ang gusto mo." narinig nya ang yabag nito palayo sa pintuan. Alam nyang umalis na ito.

Dumapa nalang sya sa kama at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Nakakainis, sa dami dami naman kasi ng lalaki kay Josh pa sya nainlove. Sa lalaking malabong maging kanya dahil may gusto na itong iba.

KINABUKASAN kahit wala masyadong tulog ay pinilit parin nyang pumunta sa restaurant. Hindi kasi nya nabilin sa emplyeyado nya ang susi dahil nga sya ang huling lumabas kagabi.

Habang nakapikit syang nakasandal sa kanyang upuan ay nakarinig sya ng mahihinang katok.

"Who's that?" naiirita nyang tanong. Kanina sinabihan nya ang lahat ng kanyang emplyeyado na wag syang gambalain. Masyadong masakit ang kanyang ulo pati narin ang kanyang puso kaya wala sya sa mood. Kung hindi nya lang talaga kailangang pumunta dito ay hindi sya pupunta. "I said who's that?" Hindi nya mapigilang mag taas ng boses nang hindi marinig ang sagot nito. Lalo na ng paulit ulit pa itong kumatok at hindi nag salita.

Dahil sa sobrang inis ay napilitan syang tumayo, binuksan nya ang pinto upang malaman kung sino ang gumagambala sa kanya.

Pero nang buksan nya iyon ay puro mga pulang rosas ang bumungad sa kanya. Nang hawiin nya ang mga ito ay bumungad sa kanya ang malungkot na mukha ni Josh. Hinawakan nito ang kanyang kamay at lumuhod ito sa kanyang harapan.

"Naughty, I'm sorry." he said kneeling. Hindi nya mapigilang mapaluha dahil dito. Nakakainis, kagabi nakapag pasya na sya na ihihinto na kung ano mang meron sila ng binata dahil nasasaktan lang sya. But how can she do that when the man she loves was kneeling in front of her asking for her forgiveness? Paano nga ba nya ito iiwasan kung kada maiinis sya ay tinatadtad sya nito ng kasweetan? Paano nya ba puputulin ang kanilang ugnayan kung alam nyang ito lang naman talaga ang rason nya kung bakit nya piniling manatili dito sa pilipinas? Paano nga ba nya pananatilihin ang inis nya sa binata kung mas nangingibabaw lagi ang pagmamahal nya para kay Josh? Paano ba?

Tumayo ito mula sa pag kakaluhod at pinunasan ang kanyang luha. "Shhhh. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang hindi makapag text. I was too dumb last night to forget to inform you where I was. I am sorry for making you feel your nothing to me. Pero alam mo naman yun diba? Mahalaga ka sakin kaya wag mong iisiping wala akong pakialam sayo."

Hinila nya ito papasok sa opisina upang hindi na sila pag tinginan ng kanyang empleyado. Nang nasa loob na sila ay hinarap nya ito ulit.

"Hindi ko nararamdamang importante ako sayo Josh. Pakiramdam ko balewala lang ako."

"Naughty naman." He cupped her face and looked at her in her eyes. "Importante ka sakin. You are my best friend Van. You are the only friend I trust."

Lahat ng kilig na nararamdaman nya kanina ay bigla nalang napawi. Hopless na talaga, kaibigan lang talaga ang turing ni Josh sa kanya kahit anong effort nya para sa binata.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kahit tinangihan sya ni Josh sa una nilang pagkikita ay hindi sya sumuko. Lagi nyang inaalam kung nasaan ito at sinasadya nyang pumunta doon. Mapa bar, restaurant, resort or kahit out of town cities. Minsan ay nag papakita sya sa binata pero kadalasan ay hindi. Para syang isang stalker ni Josh. Magandang stalker sa lalaking mahal nya.

Isang gabi nang mag bar hopping sila ni Rean ay nakita nya si Josh na naglalasing sa sulok kasama ang pinsan nito. Gusto nya sanang lapitan ang binata pero nanatili nalang sya na pinag mamasdan ito sa malayo. Pero ng makita nya na may lumait ditong babae ay doon na sya tumayo. Lumapit sya sa lamesa nito at umupo sa tabi ni Josh.

"Van? is that you? wow!" it was Aaron one of Josh cousin na naging kaclose nya rin noong teen ager sya.

"Hi A. He's drunk?" pinalis nya ang kamay ng babaeng humawak kay Josh at itinaboy ito.

"Still a brat huh." Aaron chuckled. "Kanina pa yan nag iinom kaya bagsak na."

"May problema ba to?"

"Bukod sa puso nya wala na akong alam na iba." Tatawa tawa nitong sagot. "Kasi naman ang torpe, mas nauna nyang nakilala si Zea pero mas naunahan sya ni Ravin na dumiskarte yan tuloy broken hearted ang loko."

Hinaplos nya ang mukha ni Josh. Nakapikit ito na nakasandal sa couch. "Ang sama mo sa mahal ko." She kidded.

Tumatawang tumayo si Aaron at ginulo ang kanyang buhok. "Tara na hatid na natin pauwi tong mahal mo para maalagaan mo. Ikaw nalang bumuo ng puso nyang sabog."

This is what she like about this guy, pati narin ang iba pang pinsan ni Josh. suportado ng mga ito ang kanyang paghanga sa binata.

Magkatulong nilang inilagay si Josh sa likod ng kanyang sasakyan. Si Rean naman ay sinundo na ni Nick.

"Ihahatid ba muna kita sa condo mo?"

"Nope. Diba nga aalagaan ko tong mokong na to." She pinched Josh nose. Bahagya itong umungol pero muling sumandal sa kanya.

"Seryoso ka Van? Ok lang naman kung sa bahay ko na dalhin si Josh. Hindi naman magagalit yung asawa ko."

"I'm serious. Wag ka nang mag alala sakin. Tulungan mo nalang akong ipasok to sa unit nya then I'll be fine."

"Ok."

Gaya ng ipinangako nya, noong gabi na iyon ay magdamag nyang inalagaan ang binata. At nang gabi din na iyon ang naging pinaka hindi malilimutang gabi na kasama nya ito. That night, she did not just take good care of him. But she also gave him the most precious things she has. Her whole heart and body.

Kalakip ng kanyang pagsukong ginawa ang kasiyahan at pag-asa na baka sakaling ito na ang maging simula ng kanilang muling pagkakalapit kahit pa mag-simula sila sa pagiging magkaibigan lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro