
25
“I’m fine here Nick. Dito mo nalang ako ibaba.”
“Huh? No! I’ll take you inside.”
“No Nick. Hindi pwede.” Nagpapanic nyang sagot. Hindi sya pwedeng makita ng kahit sino na papasok sa venue na may kasamang ibang lalaki lalo na ng kanyang lola.
“Rean, why not? I’ll take you inside!” Nick look and sounds determined na mas ikinababahala nya.
“Nick please hindi pwede.” Halos maluha luha na sya na kaba sa maaring kahinatnan pag nagpilit pa itong ihatid sya sa loob. Kahit pa gustong gusto nyang sa bisig nito nakakapit papasok ay hindi talaga pwede.
Nick heave. “Ok if that’s what you want.” hinawakan nito ang kanyang mukha. “Relax baby. Everything will be fine. I’m not going to do things you wouldn’t like ok? Trust me.” At hinalikan nito ang kanyang noo.
Hindi na nya pinababa si Nick sa sasakyan. Sya nalang ang bumaba at dumiretso sa loob. Pag kapasok ay sinalubong sya ni Junghwan.
“Hi hon.” Akmang hahalikan sya nito sa labi pero umiwas sya kayat sa pisngi na lamang sya hinaliian ng binata. “Tara na.”
Iginiya sya ni Jung papunta sa lamesa kung saan naroon ang mga magulang nito at kanyang lola. Nandoon din sa lamesang iyon ang kanyang tiyahin na ina ni Jahrina na kung tumingin sa kanya ay parang nang aakusa at nang iinsulto.
Mula nang una nya itong makita ay alam nya na hindi na sya nito gusto. Kaya naman hangat maaari ay umiiwas sya sa ginang.
“You’re just in time Iha. Have a sit.” Medyo naninibago sya na bakit hindi man lang sya nginitian ng pamilya ni Junghwan. Parang hindi sya nakita ng mga ito kung umasta.
Matapos ianunsyo ang merging ng dalawang kompanya ay nagtaka sya kung bakit bumaba na ang kanyang lola at mga Kim mula sa entablado. She was expecting them to announce Junghwan and her engagement pero hindi iyon nangyari. And somehow it makes her feel relieved.
Nang bumalik na ang mga ito sa kanilang lamesa ay tinawag sya ng kanyang lola.
“Follow me Iha.” Ang tanging sinabi nito saka tumalikod. Magalang naman syang nagpaalam sa iba pang nasa lamesa at sumunod na sa matanda.
“La?”
Nasa may garden sila sa bandang likuran ng resort. Doon ay hindi masyadong umaabot ang tugtog na nanggagaling sa event kaya naman hindi maingay.
“Iha, I know you are expecting something tonight. But unfortunately hindi iyon nangyari.” Seryoso itong nakatingin sa kanya. “Dapat ay iaananounce din ngayong gabi ang engagement nyo ni Junghwan pero dahil sa mga nalaman ng mga Kim at pati narin ako we decided to cancel your engagement.”
Hindi sya makapagsalita sa narinig. Masaya sya dahil hindi na matutuloy ang engagent pero sa kabilang banda ay nalukungkot dahil parang wala syang karapatang mag decide para sa sarili nya. The two families decided everything without her kahit pa isa sya sa pinaka maaapektuhan.
“Jahrina showed us some pictures and coverage that shown you with other guy. According to her yan ang dahilan kung bakit kayo nag hiwalay ni Junghwan. She said you cheated.” Diretso itong nakatingin sa kanyang mata. Pakiramdam nya ay ineeksamina ng kanyang lola ang kanyang buong pagkatao sa pamamagitan ng kanyang mata. Marahil gusto nitong malaman kung anong magiging reaksyon nya.
“And everyone believed her?” puno nang hinanakit ang kanyang boses.
“The Kim Family did. As a matter of fact they don’t want you to attend this party. Kung hindi lang nakiusap si Junghwan ay hindi ka nila papayagang makapunta dito.”
Hindi na nya napigilang mapaluha sa narinig.
“What about you La. Naniniwala po ba kayo?”
“I didn’t.” nananatiling seryoso ang mukha nito. “I know you’re a decent woman. Alam kong maayos kang pinalaki ng iyong ama and I’m holding on to that. But unfortunately it wasn’t just me who would decide about the engagement. Kasama din doon ang mga Kim. At hindi naman lingid sa kaalaman mo na mas kailangan natin sila kumpara sa pangangailangan nila satin. In short they are more powerful than us. For now. Kaya dahil gusto nilang wag ituloy ang engagent nyo ni Junghwan, hindi na tuloy.”
“I don’t care about the engagement La. Neither with their opinion. Yung tingin mo po sakin yung mahalaga.”
Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Tipid itong ngumiti at lumapit sa kanya. Pinunasan nito ang kanyang pisngi.
“You are really like your father. Wala kayong pakialam sa sasabihin ng iba. What I say is only that matters.” Tinapik tapik sya nito. “And I appreciate that Apo.”
Mas nagsibagsakan pa ang kanyang luha dahil sa sinabi nito. Sa ilang taon nyang pananatili sa poder ng matanda ay ngayon nya lang naramdaman ang pagiging lola nito sa kanya. Kahit pa alam nyang magal sya nito ay kadalasan hindi iyon pinapadama ng kanyang lola.
“Thank you La.” Niyakap sya ng kanyang lola at hinagod nito ang kanyang likod upang pakalmahin sya.
Matapos iyon ay inayos nya ang sarili at humarap ulit dito.
“But, besides cancelling the engagement there is one more thing the Kim’s family wanted you to do. Gusto nilang bitiwan mo ang pamamahala sa mga resorts. They want you to be not involved in the company.”
“Pero La?”
Hinawakan nito ang kanyang kamay. “That’s what they want apo. But I objected. I told them we will get your side first.”
“Thank you La. Pero pumayag po ba sila?”
“They didn’t. Pero dahil isa sa kondisyon ng bago nilang major investor napilitan silang I pursue ang merger. Pag-uusapan nalang daw ulit yan after this event.
“What condition La? And who is the investor?”
“He want the Kim group of Companies be merged with RLN chain of resorts before placing his money. Sya pag nagkataon ang magiging major investors ng dalawang kumpanya. He is going to buy the 35% shares of megred company.”
“Who is he La? May I know?”
“A Certain Attorney Nicholas Lockheart iha. I haven’t met him personally. Not even the Kims. Taging representative lang kasi ang nagpupunta sa mga meetings. But, tonight he will probably appear in the party.”
Nagulat sya sa sinabi ng matanda. Ngayon nya lang narealized. Ito ba ang sinasabi ni Nick? Naguguluhan na talaga sya sa mga aksyon nito.
“Senyora ipinapatawag na po kayo sa loob. Ipapakilaka na po si Mr. Lockheart.” Pagputol sa pag-uusap nila ng isa sa mga organizers. Tumango naman ang kanyang lola sa mga ito. Niyakap muna sya ng mahigpit ng matanda bago bumalik sa loob.
Sya naman ay mas minabuti nang umalis doon. Masyado na syang maraming narinig at ayaw na nya iyong dagdagan. Gusto na nyang magpahinga mula sa stress na dulot nang event na to. Bukas nalang nya haharapin ang lahat ng issue pati narin ang pakikipag usap kay Nick.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro