14
"NICK, wake up!" tinatapik tapik ni Rean ang balikat ng binata na mahimbing na natutulog sa kanyang kama.
"Hmmm."
"Anong hmm. Wake up! Aalis na ko." Pag kasabi noon ay bigla itong nagmulat ng mata. Nangunot ang noo nito nang makitang naka gayak na sya at handa ng umalis.
"What time is it? Ang aga mo naman." He complained at hinila nito ang kanyang kamay dahilan para mapadapa sya sa dibdib ng binata. "Gusto pa kitang yakapin. Wag ka muna umalis."
"You were hugging me the whole night." Kunwariy protesta nya pero ang totoo ang gusto nya ang ginagawa nito. Kung hindi nya lang kailangang kunin ang mga regalo ni Vannesa sa kanyang pamilya sa probinsya ay hindi sya aalis. Ang tamad kasi ng kaibigan nya na pumunta sa kanyang condo at ihatid ang mga regalo palibhasa wala ng ibang ginawa ang bruha kundi humilata sa kama kasama si Josh.
"Cause I will miss you. Wait." Pinakawalan sya nito at sinapo ang kanyang mukha. "Don't you want me hugging you? Masyado na ba kong clingy? Shit I thought woman want their boyfriend to be sweet and caring they want to-"
Pinahinto na nya ito sa pagsasalita by giving him smack kiss. "Dami namang sinabi Nick." Natatawa nyang turan.
Pero kung sya ay natatawa ang mukha ni Nick ay parang nag aalala na naguguluhan na ewan.
"So hindi ka nasasakal? Is it ok if I am clingy? Cause Rean I cant help it baby, I want to hold you and kiss you always. Ok lang ba?"
Parang tumalon ang kanyang puso sa sobrang kaseryosohan nito at the same time kasweetan. He never thought that a man named Nicholas Lockheart is this sweet na halos araw araw nalang pinapalukso ang puso nya.
"Ahm-" iniwas nya ang tingin sa binata. Alam nya kasing namumula na ito ngayon. "Ok lang."
"Ok lang?" pilit nitong hinuli ang kanyang tingin. Sya naman ay panay iwas dito. "Baby look at me."
Iling lang ang sinagot nya dito.
"Rean, look at me please." He whispered to his ear using his husky voice. Nakakainis alam na alam talaga nito ang kanyang kahinaan. Lagi nalang sya nitong dinadaan sa pang aakit.
Hinawakan nito ang kanyang baba upang iharap ang mukha nya dito. "Ok lang talaga?" nakikita nyang sumisilay ang pilyong ngiti ni Nick.
Pilit naman nyang nilalabanan ang panunukso nito sa kanya. Bakit ba naman kasi ang bilis nyang bumigay dito. Lumalambot agad ang tuhod nya pag ngumingiti na ito sa kanya ng matamis.
"Oo." Tipid nyang sagot.
"Why are you hiding your face baby? Gusto kong makita yung mukha mo. And kiss every part of it." Halos pabulong na ang pagkakasabi nito sa huli.
Unconsciously, she licked her lips. Parang bigla itong nanuyot at gustong madampian ng labi ni Nick.
Inilapit nito unti unti ang ulo sa kanya habang nakatingin sa kanyang labi. Nang malapit nang maglapat ang kanilang mga bibig ay tumunog ang kanyang cellphone.
Dahil tuloy dito ay napabalikwas sya sabay tulak sa binata. Agad syang umalis ng kama at hinanap ang nag-iingay na gamit. Si Nick naman ay narinig nyang umangal pero hindi nalang nya ito pinansin. Sya man ay nabitin din pero kahit papano ay nakadama sya ng relief dahil baka saan pa matuloy ang simpleng halik na iyon pag nagkataon.
"Van-"
"Hoy babae ano na? Anong petsa na pero wala ka pa dito. Kanina ka pa nag text na paalis ka na pero hangang ngayon hindi ka pa rin nakakarating? Sa mindanao ka ba nangaling at sobrang tagal mo ha?" dirediretso nitong sermon. Hindi man lang nito pinatapos ang bati nya nagdaldal na. Ito na nga ang dahilan ng pagkabitin nila ni Nick ito pa ang may ganang manermon. Aba!
"Sorry na Van. May ano kasi-"
"Ano nag jugjugan muna kayo ni Nick kaya di ka makaalis agad?"
"Vannesa yang bibig mo! Hindi yun ganon."
"Hmmp. Oo na sorry na. Basta bilisan mong pumunta dito ngayon na. dito mo nalang ikwento lahat nang nangyari ok? Love you shoa!" pag kasabi noon ay pinatay na nito ang tawag.
"Aalis ka na? Anong oras ka babalik mamaya?" si Nick na hindi nya namalayang nakalapit na pala sa kanya. Bigla nalang sya nitong niyakap mula sa likod at isiniksik ang ulo sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.
She can feel his breath on her skin and it tickles her. At the same time, It kind a make her feel hot in an instant. Bakit ba kasi ang landi ni Nick?
"Hmm. Yeah." She was hoping na sana it was not a moan. Tamang tono sana ang lumabas sakanya kanikanina lang.
"Anong oras ka babalik?" ulit nito sa huling tanong.
"Di ko pa alam. It depends on Van. Kung may mga ibibilin pa ba sya."
"I see." Ibinitiw nito ang isang kamay na nakayakap sa kanyang bewang at ginamit iyon upang hawiin ang kanyang buhok na nakatabon sa kanyang batok. Pagkatapos ay naramdaman nya ang labi nito na naglakbay mula sa kanyang leeg papunta sa kanyang batok at dinadampian iyon ng munting halik. "Take care baby." Pinihit sya paharap nito at walang pasabing siniil ng mainit na halik ang kanyang labi.
"See you later." Sabi nito matapos putulin ang kanilang halik. "Tara na?" hinawakan nito ang kanyang kamay at iginiya na sya palabas ng kwarto. Ihinatid din sya ni Nick hangang makasakay na sya sa kanyang kotse saka nag bilin ng kung ano ano sakanya. Bago rin nya tuluyang maisara ang bintana ay hinalikan pa sya nito ng mabilis sa labi.
Kaya naman habang nag mamaneho ay hindi nya mapigilang mapangiti. Buti nalang talaga mag-isa lang sya sa sasakyan walang magsasabi sa kanya na mukha syang baliw pangitingiti mag-isa.
Pag kadating sa condo ni Vannesa ay agaf syang sinalubong nang sandamakmak na tanong. Walang katapusang follow up question ang ginawa nito habang iniisa isang ilabas mula sa kwarto ang mga regalo nito sa kanyang ina at dalawang kapatid na nasa pribisya.
"One week ma sa province tama?"
"Oo, why?"
"Naisip ko lang. Pag balik mo pala ilang araw nalang merger na ng company ng lola mo at nila Jung. Ano nang plano mo? Niyo ni Nick?"
"Ewan. Di pa namin napag-uusapan ulit."
Nakita nyang nanlaki ang mga mata ng kaibigan. "Anong ewan. Ilang lingo nalang yun. Si Junghwan ba nakausap mo na? nasabi mo na ba sakanya na hindi nyo na itutuloy ang engagement nyo?"
"Hindi padin."
"Rean Lor naman. Kala ko pa naman may plano na kayo ni Nick. Diba nga sinabi nya kayo na and you confirmed it. So I thought ok na. Aware ka naman siguro na kapag natuloy ang merger indication yun na matutuloy din ang engagement nyo and worst pati kasal nyo ni Ex mong payat baka matuloy din."
"I know." Nafrufrustrate nyang sagot dito. "Pero kasi anong gagawin ko? Wala namang sinasabi si Nick tungkol doon. Hindi ko rin naman masabi kay lola kasi kung sasabihin ko sa kanyang ayoko nang magpakasal kay Jung at nag tanong sya ng dahilan. Hindi ko alam kung meron ba kung maihaharap sa kanya. I don't know if Nick is willing to make a stand for me. Isa pa, nakasalalay sa pamilya nila Junghwan yung pag angat ulit nang kompanya ni lola. Kung kakausapin ko naman si Junghwan hindi ko rin alam yung sasabihin ko. Ang hirap!"
Gusto na nyang maiyak. Ngayon nya lang napagtanto na ang gulo pala nang napasukan nyang sitwasyon. She never expect it will be this complicated till Nick claimed her as his. At mula rin ng may maramdaman na syang kakaiba sa binata.
"Halika nga dito." Lumapit sya sa nakatayong si Vannesa. Niyakap sya nito ng mahigpit. "Kahit na medyo engot ka magdesisyon lately love parin kita. And no matter what happened nandito lang ako. If you need my help I'm always free for you."
"Thank you Van. Promise habang nasa probinsya mag-iisip ako ng magandang solusyon. I will also talked to Nick about it. Hindi ko alam kung pano sa ngayon but, definitely when I came back malalaman ko na."
Sana nga pagkabalik nya may lakas ng loob na syang tanungin si Nick kung ano ba ang plano nito sa kanilang dalawa. At sana rin makaisip sya ng solusyon tungkol sa kompanya ng kanyang lola, o kung mapapakiusapan sana pumayag ang pamilya ni Junghwan na ituloy ang merger pero hindi ang kasal nilang dalawa ng binata.
______________________________________
A/N: Happy happy happy new year po sa lahat. hoping that everyone had a great holidays and continue to have it for the whole 2017.
Maligayang pasko po at masaganang bagong taon! Cheers!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro