27
Natatawang binasa ni Zea ang mga mensahe sakanya ni Ravin. Nasa ibang bansa kasi ito upang um-attend ng business conference na tatagal ng dalawang lingo. Kasama nito ang pinsang si Nicholas na syang tumulong sa binata upang lusutan ang kasong isinampa ni britanny ilang lingo na ang nakakaraan.
"Eh, ano ba kasing ginagawa nya sayo?" she typed upang sagutin ang mensahe ni Ravin. Nag rereklamo kasi ito sa kanya na kung pwede na ba itong umuwi dahil ginugulo lang naman daw ito ng pinsan.
"He's always bringing woman anywhere we go. He even invited me to bring some when we were at casino club for dinner meeting."
Umangat ang kanyang kilay ng mabasa ang sagot nito. Agad nyang dinial ang numero ng lalaki.
"Hi Wifey, I miss you soo much!" ang bungad sakanya ng binata.
Dapat ay kiligin sya pero mas nangingibabaw ang kagustuhan nyang marinig ang sagot nito sa gusto nyang itanong.
"Nung sinabi yun ni Nick, nagdala ka nga?" she sounded like a nagger wife but she don't care. Basta kanya lang si Ravin period.
"No of course not!"
"Are you sure?"
"Zea, ikaw lang ang babae ko at ang babaeng gusto kong kasama sa lahat ng gagawin ko. Kaya wag kang magduda sakin. May tatak mo na nga ako diba?"
Para namang lumukso ang kanyang puso sa sinabi nito. Kahit kelan talaga ay alam na alam ni Ravin ang dapat na sabihin upang mapakalma sya.
"Siguraduhin mo lang."
She heard him chuckled. "Ang selosa ng wifey ko."
"Ewan ko sayo. Siguraduhin mong magtitino ka dyan kung hindi-"
"Ano?" nanunuksong tanong nito. Sya naman ay napatigil sa pagsasalita. Hindi nya maisip kung ano bang pwedeng panakot dito. Muka naman kasing wala syang pwedeng sabihing matatakot ito.
"Wala kang... wala kang halik at yakap sakin. I will also not let you touch me." Lakas loob nyang sabi. Makapal na kung makapal pero sana gumana.
"What the f.. Wifey that's unfair. Wala naman akong ginagawa dito maliban sa pag attend ng boring na conference."
"Kaya nga magpakatino ka." He just groaned.
"Sige na babye na. baka may meeting ka pa. And Ravin-"
"Yes?" malungkot nitong tono.
"Behave ok? I miss you."
She heard him tsssk. Alam nyang nakangiti na ito ngayon.
"I miss you too Zea."
Nakangiti nyang ibinaba ang telepono. Kahit papano ay naibsan na ang pag kamiss nya sa nobyo.
Nang magtatanghalian na ay may kumatok sa kanyang opisina.
"Come in."
Akala nya ay ang kanyang asistant designer ang papasok ngunit nagulat sya ng hindi ito ang nakita.
"Hi Zea!"
"Josh!" gulat nyang bati dito. "Ikaw nga. Long time no see." Nilapitan sya nang lalaki upang hagkan sa pisngi bilang pagbati.
"Upo ka. Anong gusto mo? Coffee, juice or water?"
"No I'm good." Nakita nyang parang may gusto itong sabihin ngunit parang nag aalangan.
"Is there anything you want?"
"Ah. No.. None. I just.. If its ok, can I invite you for lunch?" parang nahihiya pa nitong sabi.
Sa una ay nag dalawang isip pa sya kung pauunlakan ba ang lalaki dahil marami pa syang kailangang tapusin. Pero kalaunan ay pumayag na sya.
"Great! So lets go?" tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanyang harapan.
Dinala sya ni Josh sa isang malapit na restaurant. Pag katapos nilang mag-order ang nag kwento na ito ng mga nangyari sa binata sa nakalipas na buwan na dahilan din ng pagkawala nito. Nag kasakit pala ang mama nito na nasa ibang bansa kaya ito umalis.
"Kumusta na ang mommy mo? Ok na ba sya?"
"Yeah. Malakas na sya at nagagawa na ulit mangulit sakin para daw bigyan ko na sya ng apo."
Parang nailang naman sya sa pagkakasabi nito. Nakatingin kasi ang binata ng masinsinan sakanya na para bang may ipinararating.
"Ah. Ganun ba? Buti naman pala ok na ang mommy mo." She tried to lighten the atmosphere they have.
"Buti nalang talaga. Atleast ngayon nakabalik na ko. I can now pursue the woman I like."
Halos hindi makatingin si Zea sa lalaki. Pakiramdam nya ay sya ang sinasabi nito.
"Good for you then." Sa totoo lang ay hindi na nya alam kung ano pa ba ang sasabihin. Hindi na maganda ang pakiramdam nya sa usapan nila.
"Zea-"
Hindi natuloy ang dapat sanay sasabihin nito dahil sa pagdating ng pagkaing kanilang in-order.
"Kain na muna tayo."
Tumango nalang ito bilang tugon.
Kahit pa nawalan na nang gana ay pinilit parin nyang ubusin ang pagkaing nakahain sa kanila. Bukod kasi sa pagkailang sa titig sakanya ni Josh ay hinihintay nya rin ang tawag sakanya ni Ravin.
Dinarasal nya na sana tumawag na ang binata upang makaisip sya ng idadahilan upang makabalik sa opisina.
"So. Ah Zea."
Josh hold her hand on the table. Gustuhin man nyang huwag maging bastos pero hindi sya komportable sa paghawak nito kaya naman binawi nya ang kanyang kamay.
"Sorry!" nakikita nyang nalulungkot ito dahil sa kanyang ginawa.
"Ok lang." she smiled. "Pwede bang bumalik na tayo sa boutique? Sorry ah pero marami pa kasi akong gagawin."
Tumango naman ito ng malungkot sakanya. Pagkatapos bayaran ang kanilang kinain ay inalalayan sya nitong tumayo.
Kahit pa na iilang ay hinayaan na nya lang ang lalaki. Ngunit parang mali yata ang kanyang nging desisyon ng pagsiklopin ni Josh ang kanilang mga palad. Agad nya itong hinila ngunit ayaw iyong bitiwan ng binata.
Mag poprotesta pa sana sya ng bigla nyang maramdaman ang pagbangga sakanya ng isang bulto.
Nang tignan nya ito ay nakita nya ang nakangising mukha ni Brittany.
She mouthed "Bitch" to her bago nag lakad palayo habang winawagayway ang cellphone na hawak na syang nagbigay sa kanya ng kakaibang kaba.
____________________________________
Pasensya na po sa napakatagal na update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro