Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

08

Masama ang tingin na ipinupukol ni Ravin sa dalawang taong masayang nag-uusap.

Kasalukuyan kasing kinukuhanan ng mga sukat ni Zea ang lahat ng magiging kasama sa kasal na inihanda ni Kien para sa nobya.

Sa ngayon nga ay kinukuhanan ng dalaga ng sukat si Josh para sa susuutin nito. Habang ginagawa yun ng dalaga ay masaya silang nag uusap ng binata. Nakikita pa ni Ravin ang sobrang paglalapit ng mga katawan ng mga ito na nagpapatindi ng kanyang nararamdamang inis.

“You ok daddy?” inosenteng tanong ng kanyang anak na babae.


Nakikita siguro nito ang madilim nyang aura, lalo na ng kuhanin na ni Zea ang sukat ng bewang ng kanyang pinsan.

“Yes cupcake daddy’s fine. Ikaw ba? Are you hungry?”

Umiling ito bilang tugon.”But, I want to go to tita Fewie.” She pouted.

Hindi nya naintindihan ang sinasabi nito.

“Tita who?”

“Tita fewie, there!” sabay turo nito sa direksyon nila Zea.


Dahil dito ay naka isip naman sya ng paraan upang mapaghiwalay ang masyado ng nag-eenjoy na dalawa.

“You mean tita Zea? You want to be with her?”


Mabilis itong tumango-tango. Parang sobrang excited nito ng buhatin nya ang anak at maglakad papunta sa dalaga.


“Tita Fewie! Tita Fewie!”


Napalingon si Zea ng marinig ang boses ng bata. Alam nyang sya ang tinutukoy nito dahil natatandaan nyang iyon ang tawag sakanya ng chikiting.




“Hi sweetie.” Agad nya itong sinalubong ng makalapit na ang mga ito sakanila. Masaya nyang kinuha ang bata na excited mag pabuhat sakanya.

Dahil sa excitement na nararamdaman na mabuhat ang bata ay hindi nya napansing ang ama nito ang may bitbit sa bata. Dahil sa pagmamadali ay hindi nya namalayang sobrang lapit na pala nila sa isa’t isa.

Hawak nito ang bewang ni Vien habang sya ay yakap ito. Dahil sa kanilang pwesto ay nararamdaman nya ang pag dadaiti ng kanilang balat na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Parang may kung anong kurywnteng dumadaloy sa kanyang katawan na halos umubos ng kanyang lakas.



Ilang sandali pa nagtagal ng posisyon nilang iyon bago sya nagsalita.

“Ahm. Can I carry her?”

Alangan nyang hining permiso dito.

Nakangiti naman ito sakanya. Ngiting nakakapag dulot ng kaba dahil parang may kung ano itong binabalak na gawin.


“Sure!” unti-unti nitong binitiwan ang bata upang masmabuhat nya ng maayos. Inalalayan nito ang anak hagang tuluyan na nyang makuha.


Ngunit bigla syang napasinghap ng maramdaman ang kamay ng lalaki na pasimpleng humaplos sa kanyang bewang.

Kung iba ang titingin ay marahil hindi ito mapansin dahil parang wala lang. Pero sakanya ay damang dama ng kanyang katawan ang kamay nito.

Pagkatapos bitiwan ang bata ay nagpaalam ang lalaki sa anak.

“Cupcake kay Tita Zea ka na muna?”


“Yes daddy. Kaya kiss na kita.”

Bigla syang kinabahan sa narinig. Nakayakap kasi ang bata sa kanyang batok kaya kung hahalikan nito ang ama ay tiyak na magdidikit ulit ang mga balat nila.

“Ok, give daddy kiss now.”


Ibinitaw ni Vien ang isang kamay na nakakapit sa kanya upang abutin si Ravin. Inalalayan naman ng binata ang anak sa likod. Ang isang kamay din nito ay humapit sa kanyang bewang upang mas mapalapit pa ang kanilang pwesto.

Kung kanina ay pagsinghap lang ang kanyang ginawa. Ngayon ay pigil na pigil ang kanyang paghinga sa unti unting paglalapit ng kanilang mga muka. Nakakadagdag pa sa kanyang kakaibang nararamdaman ang titig nito sakanyang hindi maalis alis.


Hinalikan nito ang bata sa pisngi. Ngunit dahil sa napakaliit na distansya ng kanyang muka sa muka ng bata ay dama din nya ang mainit na hininga nito habang nagsasalita.


“See you later cupcake.” Paos nitong sabi na sa pakiramdam nya ay para sa kanya.

Halos mapapikit na rin sya sa kakaibang sensasyong nararamdaman mula dito.


Lalo pang naghuramintado ang tibok ng kanyang puso ng maramdaman ang labi ng lalaki na mabilis na dumampi sa kanyang labi.

Did he just kissed me?

Parang natulala sya sa naramdaman. Hindi sya makapaniwalang nangyari talaga iyon.

“Tita Fewie, you ok?” nabalik lamang ang kanyang wisyo sa tanong ni vien.


Nang tignan nya ang lalaki ay nakatayo parin ito sa kanilang harapan ngunit may sapat ng distansya mula sa kanila.

“Ah, yeah sweetheart I’m fine.”

“Are you sick?” hinawakan nito ang kanyang muka na sa tingin nya ay pulang pula. “ I’ll kiss you din.” Sabay halik nito sakanyang magkabilang pisngi at labi ng paulit ulit.
Ayon dito ay makakatulong iyon sa pag pawala ng kanyang sickness.


Napangiti sya sa kasweetan ng batang kanyang bitbit. Kahit papaano ay nadivert ang kanyang isipan sa ka cute-an nito. Pero ganun nalang ulit ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso ng marinig ang huling sinabi ng bata.


“Daddy, tita Fewie sick. Kiss her daddy like this.” At idinemo pa nito ang ginagawa.



Ngumiti naman ang binata sa anak at malugod itong tumango.


“Sure baby." lumapit ito sakanila at hinawakan ang kanyang bewang. Mag poprotests pa sana sy ngunit siniil na nito ng halik ang kanyang labi.


Tumagal ng ilang sigundo ang halik na iyon. Napabitiw lamang sila sa isa't isa ng makarinig ng tikhim.

Pag kamulat nya ng mata ay hindi nya inaasahan ang nakita. Halos lahat ng tao sa kanyang shop ay parang tulalang nakatingin sa kanila lalo na Si Josh na nakalimutan nyang nasa gilid lang nila.

Nakakahiya

Naisubsub nya ang ulo sa dibdib ni Ravin dahil sa hiyang nararamdaman. Narinig nya naman humalakhak lang ang lalaki habang hawak ang kanyang bewang. Ang bata namang kanyang bitbit ay panay ang tanong sa ama kung ok lang ba sya na sinasagot ng nito ng tawa.









______________________________________



A/N:

Ewan ko kung ako lang ba, pero natatawa ko habang sinusulat ko to. Feeling ko lang may something. haha

Sana hindi sabaw ang update. Comment po kayo. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro