
05
Dahil sa diterminasyon ng ginang ay hindi nya na ito natangihan.
Sa katunayan nga ay pagkalipas ng ilang araw, nasa harap na sya ngayon ng bahay ng anak nito. Ang binatang kinaiinisan nyang makita.
"Ano po yon?" tanong sakanya ng matandang naka uniporme matapos nyang pindutin ang doorbell. Sa itsuran nito ay masasabi nyang isa ito sa mga kasambahay ng binata.
"Ako si Zea, pinapunta po ako ni Mrs. Lockheart."
"Ikaw pala yan iha, nako napakagandang bata mo naman." Pinag buksan sya nito ng gate. " kanina ka pa hinihintay ni senyora at ng mga bata."
Nginitian nya nalang ito bilang tugon.
Iginiya sya nang matanda sa loob ng bahay. Ng makapasok na sila ay namangha sya sa nakitang interior.
She is an artist, at masasabi nyang napakagaling ng pag kakadisenyo ng loob ng bahay. You could tell na talagang pinag isipang mabuti at masuring pinili ang bawat materyales na gagamitin dito.
Naputol lamang ang kanyang pagkamangha ng marinig ang ginang. "Iha, finally you're here." Sinalubong sya nito ng yakap.
"Hello po." Yumakap din sya dito.
Nakita nya sa likuran ng nito ang dalawang cute na bata. Isang babae at isang lalaki. Ito siguro ang mga apo ng ginang.
"Hi!" bati nya sa mga ito pag katapos kumalas mula sa yakap nito.
"Hewlo!" cute na pagkakasabi ng batang babae. Ang lalaki naman ay tipid na ngiti lang ang sinagot sakanya.
"Ganma, who she?" ang batang babae parin.
"She is tita Zea, she'll be the one to make your dress on granma's birthday."
"Princess dless?"
"Uhuh." Halos mag ningning ang mga mata ng bata.
"Lily? Yehey!"
Sa sobrang saya nito ay tumakbo ito sakanya. Inangat pa ng bata ang kamay senyales na nais nitong mag pabuhat. Malugod naman nya itong pinag bigyan.
Nang mabuhat nya ang bata ay niyakap sya nito ng mahigpit. Pagkatapos ay hinalik halikan sa magkabilang pisngi na nakapag pangiti sakanya.
Such a sweet baby.
Nang matapos ito sa kakulitan ay hinawakan nito ang magkabila nyang pisngi gamit ang malilit na kamay.
"Hmm. Ale you feiwie?"
Fairy? "No sweetie, why?" masaya nyang tugon.
"Cause you look like fawie po. Gaya ni tintbell." Ang tinutukoy nito ay si tinkerbell.
"Really am I?"
"Opo, you look like er. Pleety."
Tila namula naman ang kanyang muka sa papuri nito.
"You are pretty too sweetie."
Sa sobrang ka kyutan nito ay hindi nya napigilang pangigilan ang pisngi ng bata.
Hinalikhalikan nya ito at bahagyang kiniliti na sobrang ikinatawa ng huli.
Nakikita nya ring natataw ang ginang at ang batang lalaking kasama nito.
"Nako iha, pag pasensyahan mo na yang apo ko. Ganyan talaga yan kakulit."
"Wala po yon. Nakakaaliw nga po sya." Binalingan nya ulit ang batang karga.
"What is your name baby girl?"
Bibo naman itong sumagot. "My name it Viena Renei Lock-art, 3 yealt old." Ipinakita pa nito sakanya ang tatlong daliri.
"Very good naman." Ibinaling nya ang tingin sa batang lalaki. "Hi kuya." Nakita nyang nag liwanag ang muka nito. "May I know your name young man?"
Ngumiti ito sakanya at nag pakilala. " I am Arzen Ryke po." Inilahad pa nito ang kamay sa kanya.
She was amazed, ang bata pa nito pero kung umasta ay para ng binata. Inabot nya ang nakalahad nitong kamay to shook their hands.
"I am Azalea Montes, nice to meet you young man."
Matapos makilala ang mga bata ay inaya sya ng ginang sa kusina. Pinasabay sya nitong mag meryenda sakanila na hindi na nya natanggihan.
Habang nag lalakad ay hindi parin nag papababa sakanya si viena, kahit kinukuha na ito ng yaya ay ayaw nitong umalis sa pagkakayakap sa kanyang leeg. Kaya ang resulta, kahit sa hapag ay nakakapit ito sa kanya.
Nakakandong ito at nag lalambing na mag pasubo.
Nuong una ay pinigilan ng lola ang gusto ng bata. But, she insist. Gusto nya rin naman itong subuan kaya pinayagan na sila.
Humiwalay lang ito sakanya ng magsimula na syang kunin ang sukat ng mga ito.
Nang matapos ay balik nanaman sa pagkakayakap sakanya ang bata.
Kaya ang ending ang dapat na saglit nya lang na pamamalagi sa mansyon ay naging buong araw dahil kahit sa hapunan ay nag lambing ito sakanya. Buti nalang wala roon ang ama ng mga ito. May importanteng meeting daw ang lalaki kaya't umalis.
"Time to sleep now apo."
Pagkakita nya sa orasan ay alas siete na pala. Masyado silang nalibang ng ginang sa pagkukwentuhan at pakikipag laro sa mga bata kaya hindi nya namalayan ang oras.
"Sweetheart, bed time na."
Malungkot itong tumingin sakanya.
"Can you bath me pliit?" maiiyak na nitong pakiusap.
Inalo naman nya ito upang wag tuluyang umiyak. Sya narin ang nag paligo, nag bihis at nag patulog dito.
"Goodnight sweety."
"Night, tita fewie." Sagot ng bata bago tuluyang makatulog.
Parang hinaplos naman ang kanyang puso sa kasweetan nito.
Pag kalabas nya ng kwarto ay sinalubong sya ng ginang.
"Naku iha, pasensya ka na sa kakulitan ni viena, sabik na sabik na kasi yong mag ka mommy."
"Wala pong anuman tita, nag enjoy naman po ako." Its true sobra nyang na enjoy ang pakikipag kulitan at paglalambing sakanya ng mga ito, lalo na ni viena. "Pano po tita una na po ako, medyo gumagabi na kasi."
"Sure iha, gusto mo ba ipahatid nalang kita sa driver?"
"Nako wag na po, mag cocomute nalang po ako. Hindi naman po ganun kalayo." Nakalimutan nyang wala nga pala syang dakang sasakyan. Nag pahatid lang kasi sya kay Larry kanina. Hindi naman sya pwedeng mag pasundo dito dahil out of town na ang binata.
"No iha I insist, delikado na sa daan baka mapano ka pa."
Tatangi pa sana sya ngunit pinigilang nito.
Nang tatawagin na sana ng ginang ang driver ay may lalaking nag salita sa kanilang likod.
"Ako nalang mag hahatid sakanya ma."
"Iho!" lumapit ang binata sa ina at yumakap. Pag katapos ay humarap ito sakanya.
"Hi miss I am ravin, you are?" tanong nito na nakalahad ang kamay.
Hindi nya sana ito sasagutin ngunit nakatingin ang ginang.
"Zea, sir. Azalea Montes."
Pagkaabot nya sa kanay ng binata ay parangay kakaiba syang naramdaman. Para bang may kung anong kuryente na dumaloy sa kanyang kamay galing dito.
"Nice name, it fits with beautiful lady like you."
He says as he wink at her.
Anak ng kabayo naman oh.
____________________________________
A/N:
See you next weekend folks. Enjoy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro