Last Chapter
3 years Later
"Hi Yoyo!"
Masayang bati ni Kurt Aaran sa kanyang ama. Inilapag nito ang bulaklak na bitbit sa puntod nito.
Napangiti nalang sya sa ginawa ng anak at ginulo ang buhok nito. Humarap ito sakanya ng naka labi habang nakakunot ang maliit na noo.
"Ma, Aaran hair!"
Nakalimutan nya na ayaw nga pala ng anak na ginugulo ang buhok.
"Sorry baby." Sabay halik nya dito.
Humalakhak naman ang huli at pinupog sya ng halik sa muka. Nang matapos itong pang gigioan sya ay iniabot nya ang anak sa yaya nito upang samahan na sa kanilang sasakyan.
"Baby, kay yaya ka muna ah. Kakausapin lang ni mommy si Lolo."
Tumango naman ang kanyang anak. Matalino itobat madaling makaintindi kahit pa dalawang taon palang ito.
"Bye Yoyo."
Nang mapag-isa ay umupo sya sa tapat ng lapida ng ama.
"Hi Pa, hindi ko po alam kung saan mag sisimula eh. All this time ang gusto ko lang maging proud kayo sakin, ang mahalin mo na feeling ko ang hirap hirap para sayo."
Nagsimula nang tumulo ang mga butil ng luha sa kanyang mata. Pero kung dati puro sakit ang kanyang nararamdaman ngayon ay hindi na. Mula nang mabasa nya ang sulat nito ay parang natabunan ang malaking puwang sa kanyang puso na nanganga ilangan ng pagmamahal nito.
Kiara,
Anak, alam kong napakalaki ng kasalanan ko sayo and honestly I don't know how to make everything right now.
Masyado na kong kinain ng galit at ingit na kahit sarili kong anak kinalimutan kona. Masyado din akong nadala ng takot na baka iwan ako ng mommy mo. Kaya lahat na ata ng kasamaan at pag sisinungaling ginawa ko.
Noong una kong makita si karina sinabi ko sa sarili ko na sya yung babaeng gusto kong makasama habang buhay. Kaya ginawa ko lahat para mapunta sya sakin
I blackmailed her parents para pumayag silang ipakasal sakin ang mommy mo. And when I finally have her feeling ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Unti-unti kong nararamdaman na minamahal nya na ko. Pakiramdam ko ang swerte swerte ko na kahit ilang beses akong nagkasala sa mommy mo nagagawa nya kong patawarin. Nadagdagan pa yon nung nalaman kong buntis sya.
From then I promise that I will do everything to make her happy no matter what. Pero ang unfair talaga eh. Dahil nung nanganak si Karina hindi humihinga yung bata.
Natakot ako, baka pag nalaman nyang patay yung anak namin iwanan nya ko. Baka hindi nya talaga ko mahal.Baka kamukamuhia nya ko dahil wala kong nagawa para isalba ang anak namin. Kaya naghanap ako ng paraan. I can't bear to loose Karina.
Nag kataon naman na nakita ko sa ospital yung babaeng naka niig ko ng isang gabing nagkamali ako sakanya.
Manganganak palang si Pricilla noon kaya sinamahan ko sya, nalaman ko na akin yung batang ipapanganak nya. Cause of that I came up with a plan. Pagkatapos nyang manganak kinuha ko yung bata.
Pinalabas ko na patay yung anak ni Pricilla at buhay yung anak namin ni Karina. Pinaniwala ko sila sa kasinungalingan ko.
Anak nagawa ko lang yon dahil sa pagmamahal ko sa mama mo.
Walang nakaka alam nung kasalanang ginawa ko maliban sa nag paanak kay karina, kaya ang ginawa po para wala talagang makaalam pinapatay ko lahat ng doktor at nurse. I know it was an evil act but, what can I do? Masyado ko syang mahal to the point that I'll do everything to make her stay.
Kala ko magiging ok na lahat dahil nalinis ko na. but, as times goes by pakiramdam ko kinakain ako ng konsensya ko. Every time I looked at you naaalala kong niloloko ko yung babaeng mahal ko. You remind me of my sin. My foolishness, my stupidity and you remind me that I am not man enough to face it. Pag nakikita kita nakakaramdam ako ng takot. Kaya gusto kitang mawala.
I became an evil father to you. Sinasaktan kita, pinagkakaitan ng isang ama.
Hangang makita ulit ni Karina si Zobelino. I used them and their past to justify my actions towards you. Pinalabas kong baka anak ka sa ibang lalaki para may rason akong kamuhian ka.
Pero sa ginagawa ko hindi ko namalayang nasira ko na pala yung pamilyang pinagngarap ko. Nawala na yung pagmamahal sakin ng babaeng gusto ko. At masyado ko na palang nasasaktan yung anak ko.
It was too late when I realized those things, masyado na kong maraming nagawa at nasaktan. At alam kong sa lahat ng taong nagawan ko ng kasalanan ikaw anak yung pinaka naapektuhan.
Dahil alam ko kahit minsan, I never able to show how much I love you. Dahil kala ko dati pag pinakita ko sayong mahal kita baka malaman ni Karina na hindi ka nya anak. Baka pag tinagap ko yung katotohanang anak kita baka mawala sya sakin. I am so stupid believing on those what ifs and maybe.
Kaya anak nanghihingi ako sayo ng tawad. Alam kong huli na pero sana, balang araw , kahit imposible makamit ko yung kapatawaran mo. At sana kahit ngayon lang sa pamamagitan ng sulat na to. Maipadama ko sayo na mahal kita.
Kiara anak, I am so proud that I have a daughter like you. Mahal na mahal ka ni daddy anak. Mahal kita.
And again, I am sorry.
- Your evil Dad
Ito na ata ang oang limang beses na binasa nya ang sulat ng ama bago ito nawala. And until now the feeling everytime she red it never change. Nararamdaman nya parin ang sakit sa lahat ng katotohanang ibinunyag nito. At saya dahil sa wakas nalaman nyang mahal sya ng ama.
"Pa alam mo po ang tagal kong pinangarap na marinig mula sayo na mahal mo ko. Kala ko hindi na mangyayari yon. Kahit pa hindi mul sa bibig mo alam ko naman na bukal sa puso mo yung sulat eh. Kaya pa I want to say mahal na mahal din kita. And don't worry pinapatawad na po kita sa lahat ng ginawa mo. Sana po maging masaya ka na kung nasan ka man. Sana po maging masaya na kayo ni mama."
________________________________
A/N
Epilouge na po ang next.
Enjoy reading loves.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro