Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

41

Naka private po yung ibang chapters dahil may something. haha alam na. :)




------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Dalawang lingo pa silang nanatili sa Davao bago nila napagdesisyonang umuwi sa manila.



Kung dati ay plano nilang ilihim pansamantala sa kanilang mga ina ang totoo. Ngayon ay nagbago na ang desisyon ni Aaron.



"We will tell them baby. I will tell your mom the truth."



Nag-aalala nyang tinignan ang asawa.



"Hindi ba makakasama yon kay mommy? Or maybe we should look for dad first. Ok lang naman sakin na itago muna to pansamantala."



Ikinulong ni Aaron ang kanyang muka gamit ang mga kamay nito.


"No baby, we will not keep it as secret. Sasabihin na natin sakanila lahat pati narin ang tungkol sa anak natin." Masayang inilipat ni Aaron ang kamay sa kanyang tiyan na ngayon ay halata na.



"And don't worry walang masamang mangyayari sa kahit na kanino. Maliban nalang sa tatay mo." Sumeryoso ito sa huling sinabi.





Nararamdaman nya ang tindi ng galit ni Aaron sa kanyang ama ngunit hindi nya ito masisisi. Matapos nyang malaman ang mga pinag gagagawa nito ay nakaramdam din sya ng matinding galit. But, she knew that despite of all the things he did Roberto Lazaro is still her father and she can't do nothing with that.




"Love, please promise me na wala kang gagawing makakasama sa inyo ni papa. Please!"



Lumambot ang ekspresyon ng muka ni Aaron.




"I don't know baby. But, I'll try."





Nang makarating sila ni Aaron sa manila ay nakadama sya ng kaba. They are now facing the reality. Totoo na ito at hindi na nila ito pwedeng takasan.




"Baby you ok?"



Ngiti lamang ang isinagot nya sa asawa.
Hinawakan naman nito ang kanyang kamay at hinalikan ang likod non.




Pag kapasok nila sa bahay ng mga Lockheart ay sinalubing sila ng ama ni Aaron.



"Son, Kiara." Bati nito sakanila. Nag yakap ang mag-ama. Pag katapos ay binigyan din sya ng ginoo ng yakap.



"I'm happy you two re here."



"Nasaan si mommy dad?"



"Nasa kusina kasama si Karina."



Sa narinig ay nakadama ng galak si Kiara. Matagal nyang hindi nakita ang ina kaya naman excited syang nagtungo sa kusina matapos mag paalam sa mag-ama.



"Mom?"




"Kiara!" isang mahigpit na yakap ang sumalubong sakanya.




"I miss you mom." Buong puso nyang ganting yakap dito.





"I miss you more baby." Tinitigan sya ng ina. Nang napadako ang tingin nito sakanyang tiyan ay bahagya itong natigilan.




She knew na hindi pa naman ganoon kalahata ang umbok nito but, she still felt nervous.



"Ma, I'm ahh"



Hindi nya alam kung paano ba ipag tatapat sa ina.




"Where is Aaron?" walang emosyong tanong ng kanyang ina.




Bigla namang pumasok ang asawa sa kusina. Yumakap ito sa ina at tumabi sa kanya.hinawakan nito ang kanyang bewang tanda na pinapakalma sya nito.




"Aaron what is the meaning of this?"




"Tita, kiara and I are-




"hindi kayo pwede!" sigaw nito na pumutol sa ipagtatapat sana ng asawa.



"Tita no! there is something you need to know."




"Ano? Na binuntis mo ang anak ko? Na binuntis mo ang sarili mong kapatid?"




Nilapitan ng ina ni Aaron si Karina upang pakalmahin ito. Gaya ng kanyang ina ay hindi rin alam ng ginang ang totoo sa pagitan nila.




"Tita hindi ko po kapatid si Kiara. Mali ang mga impormasyong nakita nyo at mali din ang ibang pinaniniwalaan nyo." May pag galang ngunit ma otoridad ang bawat bigkas ng asawa.




"What are you talking about?"




Nanginginog na ang kanyang ina. Marahil sa pinag halong galit at pagtitimpi samahan pa ng pag kadismaya sa kaniya.



"Your husband did a lot of stunt tita. And one of those was to make us believe that." Aaron looked at her before he continue his words. "Kiara is your daughter. Cause the truth is she is not!"





Hindi nya na napigilan ang luha na naglandas sa kanyang mga mata. Nadudurog ang puso nya sa mga sandaling ito lalo pa't nakikita nyabsa mga mata ng kanyang kinagisnang ina ang matinding sakit.




"I don't believe this. Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo? Kiara, what is this all about?" garagal na ang boses nito.




"Ma, tama po si Aaron. Ma." Patuloy nyang pag-iyak. Lumapit sya dito upang yakapin ito ngunit umiwas naman ito sakanya.




Nasasaktan sya at alam nyang ganon din ang nararamdaman nito but, they have to admit it.




"Ma, I am not your real daughter. I am just one of dad's props to make you stay on his side."





Tumingin ito sa kanya ng walang kahit ano mang emosyon sa muka.



"You know that I love you Kiara. But, I never thought na mas pipiliin mo pang paniwalain ang sarili mong hindi mo ako ina para lang makasama ang lalaking mahal mo."




Pag katapos nitong sabihin ang mga katagang yon ay mabilis itong lumabas ng kusina. Susundan nya sana ang ina ngunit pinigilan sya ng asawa. Inalo sya nito.


Agad namang sinundan ng ina ng binata si Karina upang damayan ito.






Sa mga panahong iyon ay isa lang ang nasaisip ng ginang. Kailangan nyang makausap ang asawa. Kailangan nyang alamin mula dito ang buong katotohanan sa pag katao ng kanyang anak.




Dali dali nya itong tinawagan upang makipagkita dito. Sana lang ay maging tapat ito sa kanya. at sana kayanin nya kung anoman ang mga bagay na maririnig mula dito.








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro