Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28

Ipinaliwanag ni Kiara sa ina ang lahat lahat ng natuklasan sa pagkatao ni Aaron maliban sa parteng sangkot ang kanyang ama sa aksidenteng ikinasawi ng mga magulang ng binata.

She thought that maybe knowing the possibility of seeing your son again whom you believed was gone along time ago is already too much for her mom. Kaya’t ipinasya nyang sa ibang pagkakataon nalang o kaya naman ay si Aaron nalang ang magsabi ng mga nalalaman nito sakanyang ina tungkol sa aksidente.

“Sweetheart, is.. is it true?” naiiyak na tanong ng kanyang ina.

Nakikita nya sa mga mata nito ang pangungulila at pag-asa na muling makita ang unang anak.

Pero bakit ganon, kahit anong pilit nyang sabihin sa sarili na mag saya para sa ina ay hindi nya magawa? Ngayon nya lang lubusang napagtanto na sa sitwasyon nila. Maaaring ang labis na makapagpapasaya sa kanyang magulang ay sya namang dudurog nang husto sa kanya at sa lalaking mahal nya na alam nyang minamahal sya ng sobra.

“Yes ma, and I will help you find out kung si Aaron po ba ang nawawala nyong anak.”

Halos pumiyok na si Kiara sa mga salitang binigkas. Nais nyang pagaanin ang kalooban ng kaharap at bigyan ito ng pag-asa. Nais nyang makita ang saya sa muka ng ina. Ngunit kapalit ng pag-asa at sayang hatid nya ay isang malalim na sugat sa kanyang puso.

Sugat na alam nyang mas lalala pa at malabo ng gumaling lalo pa nga at damdamin ng kanyang ina ang prayoridad nya sa ngayon.

“Pero anak, diba Aaron is your fiancée?” nag aalalang tanong nito.

“Ex-fiancée ma.” Nakangiti nyang sagot dito. Pinipilit nyang itago sa ina ang kirot na sa kanyang puso.

“Anak.” Niyakap sya nito ngahigpit. “ You can tell mama everything. Hindi mo kailangang itago at solohin. Hayaan mong tulungan ka ni mamang pasanin ang nararamdaman mo. Nandito lang si mama anak ha. Nandito lang ako.”

Tahimik syang lumuluha sa balikat nito. Kahit papaano ay nakakabawas sa kanyang pasanin ang kaalamang may isang tao na nandyan lagi para sayo.

Mas hinigpitan nya pa ang yakap sa ina habang lumuluha, ito naman ay panay ang haplos sa kanyang likuran. Nang marinig ang hikbi ng ina ay agad nyang tinuyo ang mga mata at bumitiw saglit sa pagkakayakap nito upang matitigan ang muka ng kaharap.

“Shh. Ma, kaya ko to. Matapang si baby girl mo. Atsaka ayokong pati ikaw makikihalo sa munting sakit nito.” At itinuro nya ang kanyang dibdib. “ Sapat na mommy yung sakripisyong ginawa nyo para samin kaya po hindi mo na ako kailangang hatian.” Pagbibiro nya dito.


“Anak, mahal kita. At handa akong pasanin lahat para sayo. Kung kapalit nang pag alam natin nang katoto-

Agad nyang pinahinto sa pagsasalita ang ina.

“Ma, mas mahal po kita. Mahal na mahal kaya handa po akong masaktan. Kung totoo man po o hindi na anak nyo si Aaron tatangapin ko po.” Binigyan nya ng isang matamis na ngiti ang ina.

“Alam mo ma nung una hinihiling ko na sana hindi mo nga sya anak, pero po nung nakita ko yung saya sa muka mo kanina, narealized ko na mas kaya ko palang umiyak basta nakangiti ka. Kaya kong masaktan basta ok ka. At kakayanin kong madurog, basta nakikita ko na buong puso kang masaya. Kaya mommy wag mo na po akong alalahanin ok? Kasi walang kahit anong bagay ang mahirap. Kasi mahal na mahal kita.”

Sa kabila ng pag-uusap ng mag-ina ay hindi nila napansing nakikinig pala si Roberto. Nalaman nito ang kaugnayan ni Aaron at ng Ina.


“Mga walang hiya! Hindi pa ba sapat ang kahihiyang ipinaranas nyo sakin noon? Hangang sa ngayon ba gusto nyo parin akong gawing tanga?” Galit na sambit nito sa sarili.

“Pwes nagkakamali kayo, walang sasaya. Walang mabubuo. Sama sama tayong magdusa lahat sa impyerno!”

____________

A/N:

Belated happy mothers day po sa mga Ilaw ng tahanan.

Mabuhay po kayong lahat. :-*🌷🌻🌺🌸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro