Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

Pag katapos kausapin si Aaron ay dumeretso si Kiara sa bahay ng kanyang mga magulang. Walang mangyayari kung walang kikilos sakanilang lahat kaya’t minabuti na nyang sya ang mag-umpisa ng pagsisiyasat.

“Mom?”

“Kiara anak?” Agad syang sinalubong ng mahigpit na yakap ng ina.

“Sweetheart how are you? Nag alala ako sayo. Ayos kalang ba? Nagdaramdam ka parin ba anak? Anak patawarin mo si mommy, natakot lang ako. Pero anak mahal na mahal kita at hindi magbabago yon.” Nakahawak ito sakanyang muka.

Napaiyak nalang si Kiara. Sa mga lumipas na araw na wala sya sa bahay ay hindi pumalya ang kanyang inang suyuin sya, araw-araw itong nangangamusta at humihingi ng tawad sakanya sa pagkakamali nito. Pero wala syang ibang ginawa kundi hindi pansinin ang ina dahil sa naidulot nitong sakit sakanya sa pagkakamaling nagawa nito.

But, now she can think properly. At napagtanto nyang ang bilis nyang hinusgahan ang inang walang ibang ginawa sakanya kundi ang mahalin sya ng buong puso. Isa pa, hindi pa nito alam na maaring si Aaron ang batang tinutukoy nitong anak nila ng lalaking nag ngangalang Zobelino.

“Mom, I’m ok. Sorry po.”

“Hush baby! It should be mommy saying sorry to you. Ako yung nag kamali at hindi ikaw. Kaya ako dapat ang humingi ng pasensya, Kaya anak. Patawarin mo si mommy please.” At niyakap sya nito ng mas mahigpit.

Ilang sandali din tumagal ang yakapan nilang mag-ina.

Nang humupa na ang emosyong pareho nilang nararamdaman ay kina usap nya nang masinsinan ang ginang.

“Mommy, I hope you don’t mind pero gusto ko pong malaman yung buong kwento tungkol sa sinasabi ni daddy na anak mo?”

Nakita ni kiara ang pagamba sa mata ng kanyang ina ngunit hinawakan nya ang kamay nito upang ipabatid sa ginang na ayos lang sya.

“Ok! Gusto mo ba talaga?”

Tango ang naging sagot nya sa tanong nito.

Ikinwento ng kanyang ina ang lahat ng nangyari noon, buong detalye nitong isinalaysay kung paano nagkaroon ng relasyon ang kanyang ina at ang ama ni Aaron.

Dati palang mag kaibigan ang mga ito sa kolehiyo at duon namuo ang kanilang pag-iibigan. Tumagal ng ilang taon ang relasyon ng dalawa hangang sa nagbunga ito. Dahil doon ay nagpasya ang dalawa na magsama na upang mabigyan ng kompletong pamiya ang batang nasa sinapupunan palang ng kanyang ina.

Noong mga panahon na yon ay labis ang pagtutol ng mga lolo at lola ni Kiara sa relasyon ni Karina ang kanyang ina at ni zobelino dahil sa imahe ng huli. Isa kasi itong anak sa labas at tanging ina lamang ang kasama nito sa buhay. Bagaman may kaya ang binata mula sa suportang natatangap sa ama ay tutol parin ang mga magulang ni karina dito. Nais nilang ang mapapangasawa ng kanyang ina ay isang lalaking nanggaling sa disenteng pamilya.

Kaya ng makapanganak ang kanyang ina ay sapilitan syang inilayo ng mga magulang nito sa pangany nitong anak at kay zobelino. Dinala nila ito sa europe at duon pinaglagi, mula noon ay wala nang naging balita si Karina sa mag-ama nito. ilang taon pa ang lumipas ay sapilitan nila itong ipinakasal kay Roberto Lazaro na kanyang ama. At tatlong taon matapos ang kasal ay isinilang sya nang kanyang ina. Ito rin ang taon na muling nag krus ang landas nito at nang unang lalaking inibig. Pero sa kasamaang palad ay gaya nya may asawa narin ito. At nang kumustahin nya dito ang kanyang anak ay sinabi ng huli na maayos ang lagay nang bata. Ang alam din nito ay si Aurora ang kanyang tunay na ina, hiniling din ng lalaki na kung maaari ay wag nang ipaalan sa bata ang totoo.

At sa hindi malamang dahilan ay pumayag ang ginang para narin siguro sa ikatatahimik ng lahat. Kala ni karina at zobelino ay magiging maayos ang lahat dahil hindi nila sinabi sa mga tao ang totoong nagyari noon tanging si Aurora lamang ang iba oang nasabihan nila ngunit nagkamali sila.

Nalaman ni roberto ang tungkol sa bata at galit na galit ito sakanya. Inakusahan din sya nito na baka si Zobelino parin ang ama ng batang isinilang nito. Kahit anong paliwanag nya aya ayaw tangapin ng asawa, kaya naman nakiusap sya sa mag-asawang Halugua na tulungan syang magpaliwanag sa asawa. Ngunit sa gabi ng dapat sanay pagpunta ng mga ito sa kanilang bahay ay naaksidente ang mga ito. At ang masakit kasama nila ang batang unang anak ng kanyang ina na akala ng huli ay nadamay sa pagsabog ng sasakyan.

Umiiyak ang kanyang ina matapos nitong mag salaysay.

“Hindi ko naman gustong ilihim sayo anak, kaso naisip ko na wala namang mabuting maidudulot kungbsasabihin ko pa sayo.”

Nararamdaman nya ang sakit na nararamdaman ngayon ng ina. Alam nyang masyadong masakit para dito ang nangyari noon.

“Mom, pano kung may posibilidad na buhay pa yung una mong anak?”

“Sweetheart, masayang isipin. Pero masakit umasa.” Malungkot nitong sagot.

"Pero mom, pano kung totoo nga?"

Masaya itong ngumiti sakanya.

"Kung totoo man yon, Ako na siguro ang pinakamasayang ina sa buong mundo. Dahil alam ng dyos kung ganong pangungulila ang nararamdaman ko para sakanya. At ako narin ang magiging pinakamasayang inang nabubuhay kung matatangap tayo nang kuya mo. "




________________


Athors Note.

Mukang may bago ng misyon si Kiara.

Nakow!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro