Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22

Dinala ni Aaron si Kiara sa kanyang condo. Nangagamba sya dahil mula pa kanina ay panay ang iyak nito.


"Baby, tahan na. Wag kang maniwala sa kanila. Niloloko lang nila tayo ok? Gusto lang nila tayong paghiwalayin kaya nila yon sinasabi." Pag-aalo nya dito dahil patuloy parin ang agos ng luha ng dalaga habang nakaupo sa sofa.


"Aaron, what if-


"Shhhh, hindi yon totoo. Si Aurora ang tunay kong ina."


"Pero narinig mo yung sinabi ni mommy. Sya ang totoong ina ng bata." Nahihirapan nang paliwanag ni kiara. "Aaron hindi tayo pwede."


"Baby, don't say that please. Mahal kita at mahal mo ko. Kahit ano pa yung marinig ko hindi magbabago yung pagmamahal ko sayo. Kaya baby wag kang bumitaw. Mahal na mahal kita." Namumula na ang mata ng binata sa pagpipigil ng emosyon.


Sa totoo lang gusto nyang alamin ang buong katotohanan pero natatakot sya sa magiging resulta. Ayaw nyang isipin na baka tama ang konklusyon ni Kiara. Hindi sila pwede dahil maaaring magkapatid sila.


"Pero Aaron mali to. Maling mali" itinulak sya nito palayo.


"Pucha naman Kiara, so ganun na lang yon? Dahil sinabi nilang may anak yung nanay mo at tatay ko hindi na tayo pwede? Ta**-*** nila. Wala kong pakialam kong totoo ba o hindi yung pinagsasabi nila. Wala kong pakialam kung ako ba yong batang tinutukoy nila o hindi. Basta Kiara mahal kita." Hinawakan ni Aaron amg muka ng dalaga. "Mahal na mahal kita. Kung gusto mo umalis tayo dito. Lumayo tayo, kalimutan natin lahat ng bagay tungkol sa pamilya mo at pamilya ko. Please baby!"


Umiiyak itong nakikiusap sa kanya. Gustong gusto nyang umoo sa suhestyon nito. Gusto nya ring lumayo at ituloy ang kasal nila. Pero kahit anong takas ang gawin nilang dalawa hindi parin maitatago ang katotohanang baka magkapatid nga sila. Baka iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang ugat At kahit ano pang mangyari hindi nila maitatago ang katotohanang maaaring hindi nila pwedeng mahalin ang isat-isa kagaya ng pagmamahal nila ngayon.


"Aaron I think we need to cancel the wedding."


"No! Hindi ako papayag. Kiara naman wag kang bumitaw."


"Aaron hindi tayo pwede!" Sumigaw na sya upang ipaintindi dito ang kanilang sitwasyon.


"Hindi natin pwedeng ituloy ang kasal natin hangat hindi natin napapatunayang hindi nga ikaw ang anak ni mommy kay tito zobelino. Hindi tayo pwedeng ikasal hangat may posibilidad na baka mag kapatid tayo."


"Tapos kiara ano? Pag nalaman nating ako nga yong bata anong gagawin mo? Anong gagawin natin? That wouldn't changed your mind right? Hindi mo parin ako papakasalan."


"Dahil yun yong tama!" nanghihinang sagot nya.


"Then I don't want to be right. I am willing to do all the wrong things with you. I am willing to commit sins with you. Kasi mahal na mahal kita."


"No, hindi pwede." tumayo ang dalaga. "I think we should have space for a moment. We need to distance our selves with each other while waiting for the truth."


Akmang aalis na sya ng yakapin sya ni Aaron ng magipit at pigilan syang umalis.


"Hindi ko kaya, baby please don't do this. Mahal mo ko diba? Please don't let go of me. Hindi ko kaya. Hindi!" Umiiyak ito habang sinasabi ang mga katagang iyon.


Hinarap nya ang binata at hinawakan ang muka nito.


"Aaron, hindi lang ikaw yung nasasaktan. Nasasaktan din ako. Pero this is the best thing we can do now. Hindi natin pwedeng ipilit ang sarili natin sa isa't isa dahil baka mas lalo lang tayong masaktan."


Tinuyo ni Kiara ang luha sa muka ng binata.


"I promised whatever happens ikaw parin at ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit pwede man o hindi. Tama man o mali. Mahal na mahal kita. Always remember that." Pagkatapos sabihin iyon ay binigyan sya nito ng isang halik, halik na nagpapadama ng totoong nararamdaman nila para sa isat't isa.


Nang matapos iyo ang walang lingon lingon na umalis ang dalaga sa kanyang condo.





________________

A/N

Mas lalo ata akong nagkasakit sa update ko. Haiy!

Let me hear your thoughts mga loves. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro