18
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ng walang nakikita ay huminto na sila sa kung saan.
"Are we here now?" Halata sa boses nya ang excitement.
She heard him chuckled at naramdaman nya ang labi nito sa kanyang pisngi. "Too excited baby."
"Dali na nasan na ba tayo? Can you take my blindfold off please." Ngumuso sya upang mas maging effective ang pagpapacute nya dito. And luckily ay naramdaman nyang hinawakan na nito ang piring.
"Ok baby, I'll take it off na po." Dahandahan nitong tinangal ang kanyang piring.
"Wow! this is so beautiful" Sobrang pagkamangha ang kanyang nararamdaman ngayon ng makita ang lugar.
"You like it?"
"I love it Aaron, so much." Buong puso nyang sagot dito.
Sa kanyang harapan ay isang parang maliit na kubo na walang ding-ding. Tanging apat na haligi na kulay puti at bubong na punong puno ng maliliit na ibat ibang makulay na bombilya lamang ang pundasyon nito. Sa bawat haligi ay may nakadikit na mga maliliit na papel at mukang may sulat at bawat isa. Hindi gaanong mapapansin ang sulat sa mga papel hangat hindi mo ito lalapitan at isa-isang babasahin. Ayon sa lalaki ay mga munting masasayang memory ng kanilang pagsasama mula noon hangang ngayon ang mga nakasulat doon.
Makikita naman sa paligid ng kubo ang mga ibat-ibang kulay ng petals ng rosas na nakakalat sa sahig at nagsisilbing takip ng buhangin. Sa gitna ng nasabing bahay ay isang maliit na lamesa at may dalawang upuan. Bawat upuan ay may nakasulat.
"Baby, Love" Basa nya sa mga nakasulat dito.
Iginiya sya nito upang umupo sa isang upuan na may nakalagay na "Baby".
"Hmm?" nakangiting tanong nya dito ng umupo na ito sa kanyang harapan. Hindi kasi halos kumukurap ang mga mata ng binatang nakatitig sakanya.
"You're so beautiful baby. Ang swerte ko lang kasama kita ngayon."
"You are not bad yourself love." Natatawa nyang sagot sa binata.
Ilang sandali pa ay nagulat sya ng may lumapit sakanilang mga waiter at nag hain ng kanilang pagkain at inumin.
"Wow! Really? How'd you able to make this all without me knowing?"
He chuckled. "You're too fond of me baby, kaya hindi mo napansin." Sabay kindat pa nito sakanya.
Nang matapos ang romantiko nilang dinner ay niyaya sya ni Aaron na tumayo. Nakatingin sila sa dagat at nakayakap ito sa kanyang bewang mula sa likuran. Maya maya pa ay namangha siya sa napakagandang fireworks na mga hugis puso. Hangang sa nagsimula ng magkaroon ng mga letra ang nasabing palamuti sa langit.
"I" umpisang basa nya sa nakikita. "Heart?" hugis puso nanaman ang sumunod. "You."
Nilingon nya ang lalaking nasa kanyang likuran. "I love you." Masayang sabi nya dito.
Bumitiw ito sakanya at hinalikan ang likod ng kanyang palad. "More to come baby."
Nagsimula nanaman syang mamangha sa nakikita.
Halos sumabog ang kanyang puso sa sobrang emosyong kanyang nararamdaman ng mabasa ang mga sumunod na letra sa langit.
"Will...
"You..
"Marry" nang tignan nya si Aaron ay nakaluhod na ito sa kanyang gilid at may hawak hawak na sing-sing.
"Baby, I know I've caused you too much pain before when I left. And pained you again when I foolishly planned of using you for my revenge. I know I am no good for you baby. Not even closed to deserved your love. But, despite all of those, one thing is for sure. I love you so much and I am willing to do everything for you. You are my life now, you hold me and you bring back my heart who was once blinded with pure anger and hatred."
Hindi nya maiwasang maluha sa naririnig sa lalaki. "Baby, here I am kneeling in front of you and trying my luck." Tumikhim pa ito upang pigilan ang pangiginig ng boses.
"Kiara Lazaro, will you be my long lost heart forever? Will you marry me?"
Kahit umiiyak ay nagawa nya pang tumawa sa kasweetan nito. "Yes love! Yes!"
Agad na tumayo si Aaron at isinuot sakanya ang singsing. Sobrang saya nya. Sa wakas, maikakasal na sya sa lalaking mahal na mahal nya.
_______________________
A/N
Hindi po ako marunong gumawa ng proposal. Hahaha. Ang echoz ng mga scene ko, di ko sure kung effective pampakilig.Pero sana po magustuhan nyo.
Inaanyayahan ko rin po kayong basahin yung unang one shot story na ginawa ko. Sinubukan ko lang, sana po hindi palpak. Hehe. Naka publish na po sya entitled "One Day Love". Comment po kayo doon ah.
Godbless all.
-M
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro