Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXVI

Dalawampung minuto na rin mula nang makaalis 'yung faluwa boat na sinasakyan nina Shirley, heto at nandito pa rin kami sa pampang at nag-aabang ng ikalawa at huling bangka.

Nagtipon-tipon kaming mga lalaki, bawat isa ay umuusal ng dasal na sana ay dumating ang bangka sa lalong madaling panahon.

Nagkaroon ng tensiyon sa may likuran. Nang lingunin ko iyon ay kita ko ang pagsisimula ng ingay at pagtakbo ng kalalakihan.

Hindi kaya—

"Raaaaaaawr!"

Muntik na akong sagpangin ng isang zombie! Mabuti ay nakailag ako at nasipa ko siya palayo.

Pero hindi pa ako nakababawi nang muli ay dambahan ako ng isa pang zombie. Ngunit bago pa ako makagat noon ay naiharang ko ang mga kamay ko sa dibdib niya kaya hindi nito nailapit ang bibig sa katawan ko.

Feck. Medyo mabigat ang isang ito, ah. Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung palaging nagdyi-gym sa bayan.

Pinipilit nito na kagatin ako, para bang takam na takam sa laman ko. Kaya ko pa naman siyang pigilan pero baka bumigay na rin ako anytime.

Shirley...

I was about to give up when someone pulled the zombie away from me and hit that on the head using a paddle.

I saw that creature fainted and finally lay itself on the ground.

"Hindi ka man lang magpapasalamat?"

I turned to the direction where the voice came from. It was Nick's.

"Salama— Tabi!" Itinulak ko siya dahil may babaeng zombie na tangkang kakagatin siya. "Tumalon ka sa dagat!" I commanded him which he did.

Ako naman ang napagbalingan ng zombie pero naiwasan ko siya. Wala na akong oras para paluin siya kaya tumalon na lang din ako sa dagat. Bahala na kung ano ang mangyari basta ito lang ang tanging paraan para makalayo sa zombies.

Surprisingly, the zombies seem like afraid of the water because none of those bothered to dive in nor followed us in the water.

Nang makita ng ibang tao na hindi kami masundan ng zombies ay nagsipagtalunan na rin sila sa tubig hanggang sa zombies na lang ang natitira roon.

Bata, matanda, babae na naiwan ng bangka ay nandoon. Pati sanggol kaya awang-awa ako sa kalagayan ng mga kasama namin sa tubig. Ga-baywang ko pa naman ang taas ng tubig.

Ang iniisip ko ay ang mga hindi matantiyang alon ng dagat. 'Yun ang ikinatatakot ko. Halos lahat pa naman kami rito ay walang makapitan.

Ginawan naman ng paraan ng mga kalalakihan na kahit papaano ay makakuha ng pampalutang sa mga bata at sanggol.

•••

Kinse minutos na ang nakalipas ay saka namin natanaw ang ikalawang bangkang paparating. Prinayoridad namin ang mga bata, babae, at matatanda. Sinabihan na lang namin sila na humingi ng tulong sa mga taga-Sabtang at Itbayat nang sa gayon ay makapagpadala rin sila ng bangkang sasagip sa aming mga naiwan.

"Pasalamat ka, niligtas kita," sabi ni gago.

"Fair and square na tayo. Niligtas din kita."

Namumula na ang mukha niya at siguradong ganoon din ako dahil sa sinag ng araw. Medyo nananakit na rin ang balat ko pero kaya pa namang tiisin. Mas mabuti na ito kaysa ang malapa ng zombieng walang sinasanto.

Humigit-kumulang isandaan kaming nagpalutang-lutang sa dagat. Inabot ng isa, dalawa, tatlo, sampu. Sampung oras na kami sa dagat pero wala pa kaming nakikitang bangka ni isa.

Binalot na ng dilim ang paligid kaya hindi na kami halos magkaaninagan. May poste ng ilaw sa may tabing-dagat pero hindi nakabukas dahil walang taong nag-o-operate. Mukhang nakagat na rin.

All we could hear are the growling of the zombies and waves that softly dribble onto the sand. Nakararamdam na rin ako ng pangangaligkig.

Ramdam ko ang pag-init ng loob ng katawan ko na nakipaglalaban sa lamig ng temperatura ng tubig at ng hangin.

Hindi. Kaya ko pa ito, kaya ko pang tiisin.

I tried to stay calm. Mind over body.

Pero mas lalong lumalala ang pangangatog ng katawan ko.

"Iho, ayos ka lang ba?" Dinig ko ang isang boses sa likod ko. Lumingon ako at tumambad sa akin si Lolo Anselmo na binibilhan namin ng taho.

Hindi ako sumagot bagkus ay itinuon ko ang kanang kamay ko sa balikat niya.

"Iho, tulong sa pag-alalay."

Umingay ang tubig sa may bahaging kanan at naramdaman ko ang paghawak ng dalawang kamay sa balikat ko para umalalay.

"Hoy, Mark!" Ah, si gago pala.

Numbness slowly goes up from my feet to my entire body.

Hindi ko na kaya.

"Pota ka, Mark!" I heard a shout from gago before darkness enveloped my eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro