Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXIV

I tried my best to avoid her starting the next day after that scenario. Sobrang sising-sisi ako. Kung bakit kasi hinintay ko pang pumasok sa eksena 'yung asungot na 'yun bago ko ma-realize na mahal ko na pala si Shirley. Ngayon pa kung kailan huli na ang lahat.

Halos isang linggo na rin mula ng araw na 'yun. Isang linggo na rin na araw-araw kong inaagahan ang gising para lumabas. Hindi ko na kaya pang maabutan 'yung Nick na 'yun na sinusundo si Shirley. I cannot afford to see her smile because of another person. It hurts me a lot.

Kaya naman tumatambay lang ako kasama si Stephen. Tutal alam na rin niya ang tunay kong feelings kay Shirley kaya sa kaniya na rin ako nag-o-open up. Sinasamahan niya akong magpakalasing habang inuubos ang ilang bote ng beer.

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may marinig akong tinig.

"Mark."

I bit my lower lip. Tsk. I was not early as I expected. Naabutan niya ako.

I composed myself and turned to her. "Oh, Shirley? Gising ka na pala."

Bumangon siya sabay upo sa kama. She combed her hair upwards. Dang it, her simplicity makes me fall in love with her deeper.

Isinuot niya ang tsinelas niya sabay tayo. Iminulat-pikit ang mga matang halatang inaantok pa. "Lalabas ka?"

Alanganin akong tumango.

"Ang daya mo. Hindi mo na ako isinasama." The crack in her voice makes me feel guilty.

"Samahan mo akong mag-breakfast." She pouted her cherry lips. How could I say no?

•••

Matapos naming mag-breakfast ng pizza at milkshake sa Harbour Cafe ay nag-bike kami papuntang Valugan Boulder Beach.

The wind here is whistling. The sea is slapping the shore and the sharp cliffs break the tides. Sa paligid namin ay nagkalat ang libo-libong mga bato na iniluwa ng Mt. Iraya nang pumutok ito noong unang panahon.

"Oh, dahan-dahan." Kinakapitan ko ang kamay ni Shirley habang inaapakan namin ang mga nakakalat na bato.

Hindi rin naman kami masyadong lumayo kasi mahirap din talagang magpalipat-lipat ng aapakang bato. Maaari pa kaming masugatan kung mapasala 'yung mga paa namin.

Tahimik lang kaming dalawa habang pinakikinggan ang pagtunog ng mga bato sa tuwing natatamaan ng tubig-dagat.

"Saan ka madalas dinadala ni Nick? Pinapakain ka ba niya ng hipon? Bawal 'yun sa 'yo, 'di ba?"

Inalis muna niya 'yung mga hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya bago sumagot.

"Nick? Naku, hindi na kami nagkikita."

Confusion was drawn on my face.

"He stopped seeing me after..."

"After?" Please Shirley, sana mali ang naiisip ko. Please.

"After I rejected his offer to give him his need."

I gritted my teeth upon hearing that. Sinasabi na nga ba tama ang hinala ko sa gagong 'yun! Matitikman niya ang kamao ko!

I clenched my fists and was about to stand up when Shirley restrained me. Dahilan 'yun para kumalma ako kahit papaano.

"Kalma lang, Mark. Hayaan mo na si Nick. At saka I already told him that I don't want to see him anymore." She gave me a reassuring smile. "Kaya ayun, mag-isa lang ako lagi sa unit natin. Wala akong makausap kasi umaalis ka naman."

"I-If I only knew it, Shirley. Hindi na sana ako umalis."

She elbowed me. "Wala 'yun 'no? Saka tapos na. Hindi ko rin naman kasi nasasabi sa 'yo e kasi 'pag gigising na ako, wala ka na. Kapag darating ka, tulog na ako."

I bowed my head in shame, unable to respond.

She continued. "Eh ikaw, bakit ka ba laging umaalis? Nagkikita na kayo nu'ng Jenyssa 'no?"

Kung may kinakain lang ako e kanina ko pa siguro nailuwa 'yun. Bigla akong napatawa sa sinabi niya.

"Jenyssa? The girl I met in Diura?" She moved her head up and down.

"Hindi pa kami ulit nagkikita."

Gumaan ang ekspresiyon niya sa mukha. "Ahh... akala ko pa naman."

Muli na naman kaming nilukob ng katahimikan. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtatapon ng pebbles papunta sa dagat.

"Mark." Kinulbit ako ni Shirley.

"Oh?"

"Tingnan mo 'yun." She pointed to a direction not too far from us. We saw a small boat and there was a man who dismounted from that vessel.

Ang mas ikinagulat namin ay kung ano o sino ang sunod na bumaba sa bangka.

"M-Mark." Marahas na niyugyog ni Shirley ang braso ko.

"Let's go!"

I held her hand tight para makaalis na sa mga bato. Nang makarating kami sa mga bisikleta ay pinaandar namin iyon palayo roon sa pinakamabilis na aming magagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro