XXI.
"Don't."
"Bakit, Mark? Nagyayaya lang namang lumabas 'yung tao, oh. At dito lang din naman sa Batanes." She rubbed her face in exasperation.
"Ni hindi mo pa nga kilala 'yung t—"
She cut me off and looked me in the eyes that pierce my soul. "Mark, kilala ko siya, okay? Member siya ng BSB at siya 'yung bias ko kaya kilalang-kilala ko siya."
"Why is it easy for you to trust him? Kilala mo siya pero hindi kilalang-kilala. Hindi mo pa nga alam kung ano ang ugali niya sa likod ng camera, eh!"
She turned her face towards me. "Bakit, Mark? Di ba hindi ko pa alam noon kung ano ka sa likod ng camera? Pero nagtiwala pa rin ako sa 'yo. Kaya bakit naman hindi ko gagawin 'yun kay Nick? And hello, bias ko 'yun. It's my time to shine!"
I gulped but I'm not bothered. "Kahit pa." Pumunta ako sa may pinto para harangan 'yun. "Hindi mo ba nakita kahapon kung ano'ng reaksiyon niya nang marinig niya ang pangalan ng banda namin? Hindi ko gusto ang sagot niya. Nakakalalaki!"
Lumabi siya. "Ano ang magagawa natin e sa hindi nga kilala ang Westlife sa America, eh. Kasalanan ba ni Nick na hindi kayo naipo-promote doon!"
Parang natigil ang paghinga ko sa puntong iyon. Hindi na ako nakasagot.
"I-I'm sorry." Yumuko si Shirley na nahimigan kung ano ang nararamdaman ko. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "I didn't mean to say that. Humakbang siya papunta sa pinto. "Mag-usap tayo pag-uwi ko."
Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko siya nilingon nang buksan niya ang pinto ng unit namin.
Aba at talaga ngang aalis!
Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko.
Susundan ko na lang sila nang palihim para masigurong hindi siya gagaguhin ng lalaking 'yun. Ang angas, eh.
•••
Nandito ako ngayon sa Pension Ivatan. Um-order lang ako ng grilled chicken barbecue pero hindi ko naman nagagalaw 'yun dahil nakatutok ako kina Shirley.
Kanina pa sila nagtatawanan. Nakikita ko rin sa mga mata ni Shirley kung gaano siya natutuwa at hindi ko iyon nagugustuhan.
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara.
"Mark."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Stephen. "Maupo ka."
"I was looking for a table and I found you. Mag-isa ka lang kaya naisip kong samahan ka."
"Sige lang."
Tahimik naming pinagsasaluhan ang pagkain. Mayamaya ay binasag niya ang katahimikang iyon. "Bet mo ba si Shirley kaya binabantayan mo siya?"
I shook my head in disagreement.
"Oh, c'mon, Mark. You can fool me but not yourself." Itinusok niya 'yung tinidor sa chunk ng karne ng baka na order niya. "Wala namang masama kung magpapakalalaki ka ulit. Marami namang ganiyan, eh. 'Yun nga lang in my case, wala na talagang pag-asa. Lalaki talaga ang hanap ko."
Stephen has an idea about my sexual preference. Nai-share ko 'yun sa kaniya no'ng nakatabi ko siya sa upuan noong Smash Hits Poll Winners Party. Ilang tao lang ang pinagsabihan ko at isa na nga siya roon.
"Ano bang pinagsasabi mo? B-Bakla ako!"
He stopped eating and leaned towards me. Pinagmasdan niya ang features ng mukha ko. Matapos noon ay umiling-iling siya.
"Sorry, Mark pero iba ang sinasabi ng gay-dar ko, eh." Gay-dar ang tawag ng mga bakla sa self-instinct kung bakla ba ang isang lalaki o hindi. "Hindi ka na raw bakla kasi nagkakagusto ka na sa merlat."
I sighed in defeat. "Bahala ka. Ayoko nang makipagtalo." Marahan siyang tumawa pero inignora ko iyon. Sinimulan ko nang kainin 'yung in-order ko.
"Magki-kiss sila, oh." Itinuro ni Stephen 'yung dalawa.
Mabilis akong lumingon ngunit taliwas naman ang nakikita ko sa sinabi niya. Nag-uusap lang naman sina Shirley at 'yung asungot na 'yun.
I heard a chuckle from Stephen. I gave him a dagger look.
"Hindi pala bet. Okay." Tumango-tango siya na may kasamang pang-iinis.
Panakaw-nakaw lang akong sumusulyap kina Shirley habang nakikipag-usap kay Stephen. We stayed on our seats for thirty minutes at noong tumayo sina Shirley e saka lang din kami umalis.
•••
I secretly followed them. Mabuti naman at inihatid agad ng asungot si Shirley sa hometel namin.
Nagpalipas muna ako ng kinse minutos pagkapasok ni Shirley para hindi halatang sinundan ko sila.
Nang makapasok ako, naabutan ko si Shirley na nagtatanggal ng earrings niya. Sumulyap lang siya sa akin at muling nagbawi ng tingin.
"Niyayaya ako ni Nick na pumunta sa Mahatao bukas ng madaling-araw." I curled my lip then give her a glance.
"Bakit madaling-araw?"
"Nagyayaya si Nick, eh. Manonood daw kami ng Kapayvanuvanua."
"Oh, shoot." Napatampal ako sa noo ko. Ito nga pala 'yung pinag-uusapan ng mga tao kahapon sa tindahan sa may tapat. 'Yung Kapayvanuvanua 'yung ritual na ginagawa ng mga Ivatan kapag start na ng fishing season. "So sasama ka?"
Agad siyang tumango.
Iniharap ko ang mukha ko sa kaniya. "Then I'll join too."
Her face lit up. "That would be fun!"
"Hindi kita hahayaan na sumama nang mag-isa sa asungot na 'yun."
"Naks. Lakas maka-big brother ha?" Lumapit siya sa akin para sikuhin ako nang mahina.
"Kailangan kitang bantayan. Wala man kaming pinag-usapan ng daddy mo, I hold myself accountable to your safety kaya sa ayaw mo at sa gusto, hindi kita puwedeng layuan. Babantayan kita para siguraduhing ligtas ka."
Nahihiya niya akong tiningnan. Tiningnan ko ang pisngi niya. Namumula.
"Nilalagnat ka ba?" I gently put the back of my right hand on her forehead and neck. Okay naman.
"H-Hindi." Malumanay niyang iniiwas ang leeg niya.
"Eh, bakit namumula ka? Uminom ba kayo no'ng Nick?" tanong ko sa kaniya kahit alam kong hindi naman.
"Oy, hindi ah!"
I smirked. "Sige na, magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas." Dumiretso na ako sa banyo. Hindi ko na lang pinansin 'yung pamumula ng pisngi niya. Baka normal lang naman, eh.
-----
[Update: April 25]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro