XVI.
Ibinaba kami ng driver sa tapat ng isang stonehouse na aming tutuluyan. It felt like my lower jaw dropped in an instant when I was able to look at it closely.
The wall of the house was made of cobblestone, enough to make the house withstand any bad weather conditions. The roof, on the other hand, was a combination of a thick cogon grass being protected by a green fishnet.
Habang nagpapalipas ng hilo dahil sa biyahe sa faluwa e prente lang kaming nakaupo habang sumisipsip ng tubho tea. Binigay iyon sa amin ni Manang Ika, isa sa Ivatan locals na nakatira sa kahanay naming stonehouse.
Nang mahimasmasan ay umalis din kami agad dahil sabik na si Shirley na puntahan namin 'yung Morong Beach.
Napagdesisyunan naming lakarin na lang iyon para tingnan na rin ang ibang stonehouses. Some walls of those houses were made of limestone and coral rocks but the roofs are also cogon grass.
Naparaan kami sa plaza kung saan naroon ang Saint Thomas Chapel, isang cottage, at basketball court. Naabutan pa namin ang ilang kabataang lalaki na nagba-basketball. They even requested for me to shoot the ball. I was too hesitant at first but Shirley is insistent so I have no choice but to accept the offer.
"Go, Mark!" Shirley cheered as I am bouncing the ball.
I have to shoot it. Hindi ako puwedeng mapahiya.
And then the moment of truth came. I was able to shoot it!
"Yes!" Shirley jumped out of joy.
Nagpaalam na rin kami sa mga kabataan. Muli kaming nagpatuloy ni Shirley sa paglalakad. Wala siyang ibang bukambibig kundi ang pagkaka-shoot ko ng bola. Na akala mo ay lumaban ako sa NBA sa sobrang proud niya sa akin.
Natigil lang siya sa kapupuri nang sa wakas e narating na namin ang destinasyon namin. Ang Mahayaw Arch.
"Dati, sa postcard ko lang ito nakikita. But look, I'm already here, looking at its majesty!" aniya habang pinagsasawa ang mga mata sa naturally-made stone arch sa aming harap.
Sa tagal na namin sa Batanes ay alam na rin namin 'yung karamihan sa tourist spots dito. Mas maganda pala talaga 'pag nasa lugar ka na mismo at na-e-experience mo.
"Mark, picture-an mo naman ako." Iniabot sa akin ni Shirley ang camera na hiniram namin kay Aling Jessica.
I decided to make fun of her. Izu-zoom ko 'yung lente sa mukha niya. I am pretty sure na katakot-takot na sermon na naman ang matatanggap ko sa kaniya kapag nakita niya 'yong mga larawan.
I let out a devious smile as I put the camera within my eye level.
Something peculiar happened when the camera focuses on her face. I thought there was a technical problem. Para kasing unti-unting lumabo ang paligid. Ewan ko! Basta gano'n 'yung feeling. Pinunasan ko pa ang lente ng camera na hawak ko pero gano'n pa rin talaga.
Ang tanging malinaw lang na nakikita ko sa camera ay si Shirley. Wala nang iba pa.
Para siyang diyosa na umahon mula sa karagatan. I would be a liar kung sasabihin kong hindi siya maganda. Pero ang ganda-ganda niya.
Ano ba ang pinagsasabi mo, Mark? Umayos ka. lihim kong saway sa aking sarili.
Isa pa itong puso ko na bigla na lang tumibok nang sunod-sunod. Tsk! Masyado pa akong bata para atakehin sa puso. Isa pa, walang ospital dito! Ewan. Magpapa-check up na talaga ako kapag nakauwi ako sa Ireland.
"Mark?" Napalingon ako kay Shirley nang tawagin niya ang pangalan ko.
Parang naging melodiya ng mga kinakanta namin ang boses niya. Dati, naiirita ako sa tinig niyang matinis pero ngayon, para bang may sinusunod itong ritmo na nakikisabay sa pagtibok ng puso ko.
"Huy!" She snapped her fingers. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya.
"Huh?" Napamulat-pikit ako nang ilang beses.
"Tinatanong kita kung may problema?" Puno ng pag-aalala ang mga mata niyang mapupungay. "Napapahawak ka kasi sa dibdib mo, eh."
She's worried. Para bang may mainit na humaplos sa dibdib ko na lalong nagpabilis ng pagsikdo ng puso. Hindi ko na hinawakan 'yung dibdib ko. I remained calm as possible.
I shook my head. "Wala lang ito. Sige, bumalik ka na roon. Pipicture-an na kita."
Ilang anggulo ang ginawa niya at pagkatapos e ako naman.
"Huh? Isa lang?" Nagtaka si Shirley nang pagkakuha niya sa akin ng isang picture e hindi na ako nagpakuha ng isa pa.
"Okay na 'yan."
Naglakad kami sa tabi ng beach. May nakausap kaming Scottish couple na sa tingin namin ay stranded din sa isla. They have a paddle board which they willingly lent to us.
"Shirley, dahan-dahan ka lang, ha? Medyo malayo tayo sa shore. Hindi ako tulad ni Kian na expert sa paglangoy."
Pero mas umiral ang pagkakulit niya dahil nagtitinalon pa siya kaya I have no choice but to jump into the water.
Kaya ayun, mag-isa na lang siya sa paddle board.
"Ang daya mo naman! Bakit ka umalis?" She let out a sullen look.
"Gusto mo bang matumba tayo parehas? Sige ka. Hindi kita ililigtas."
Inirapan lang niya ako at itinuloy ang pagpa-paddle. Ako naman ay nagpalutang-lutang lang sa tubig while enjoying the waves that were carelessly dribbling onto the sand.
Nang magsawa mag-paddle si Shirley ay isinauli na namin 'yung paddle board sa may-ari at pinuntahan naman namin 'yung Chavayan village kung saan napakarami rin ng mga bahay na bato.
The locals are also hospitable. They even lent us their traditional headgears. Kanayi for me and Vakul for Shirley.
"Ang cute natin! Tara, picture tayo?" I didn't even got a chance to say 'yes' dahil umanggulo na agad si Shirley.
We took three photos. Isa, naka-smile siya, isa naka-pout siya, at 'yung huli e naka-wacky naman.
Teka, bakit ba siya agad 'yung una kong pinansin sa picture e dalawa naman kami?
Never mind.
We decided to eat lunch together. Nang sa tingin namin ay natunawan na kami ng pagkain ay dumiretso naman kami sa Chamantad-Tinyan viewpoint. Talaga namang mapapa-wow ka sa sobrang ganda ng view. Breath-taking!
"Para tayong nasa New Zealand!"
"Nakapunta ka na roon?" may pagtatakang tanong ko.
Umiling-iling siya habang nakabuka ang kaniyang mga kamay. Ninanamnam ang hanging sumasalubong sa kaniya.
"Nakita ko lang 'yung pictures noon sa magazine." Umupo siya sabay lagay ng baba niya sa dalawa niyang palad. "Then ini-imagine ko na nando'n ako mismo sa lugar na 'yun by meditating. 'Yung tipong magko-concentrate ako nang napakalalim tapos pipikit ako. Then mayamaya mararamdaman ko na lang na parang nandoon na ako mismo sa lugar!" Pumikit pa siya habang dinarama ang sinasabi.
Humakbang ako palapit sa kaniya. I sat on the grass in a tuck position.
"So I believe you did the same with imagining things with Kian?" I joked.
Iminulat niya ang mga mata niya. "Aba'y oo naman!" Umupo na rin siya. "Madalas kong i-imagine na makikita niya ako. Then magiging magkaibigan kami. Then magugustuhan niya ako. Na bubuo kami ng pamilya at magkakaroon ng mga anak," she delightedly said that.
"Kaso..." Umismid siya. "Ayun, never nang mangyayari." I see disappointment on her face. Mas magaan na ang ekspresiyon niya ngayon kumpara sa mga unang araw mula nang malaman niyang wala na si Kian.
Isang mahabang patlang ang pumagitan sa aming dalawa.
"Shirley..."
"Oh?"
"Naisip ko lang. Kailan ka titigil sa pagbubukambibig sa kaibigan ko?"
She wiggled her feet on the grass. "Hmm, siguro 'pag nakilala ko na 'yung taong magpapalimot sa akin kay Kian. What I mean is, I will always remember him. I will and I can never forget him and I am sure of that. First love ko 'yun 'no!"
Humarap siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "Iba kasi 'pag dumating na 'yung true love mo. Parang malilimutan mo kasi 'yung mga tao sa paligid mo. 'Yung tipong parang siya lang ang taong gumagalaw sa mundo mo. Siya at siya lang."
Umalingawngaw sa akin ang mga sinabi niyang iyon.
"Kaya 'pag napansin mong hindi ko na binubukambibig si Kian, it means nakita ko na 'yung true love ko!" She smiled with her eyes and that gave me an uneasy feeling inside. Eto na naman. Para na naman akong aatakehin sa puso ko.
"Huy, Mark. May tumatawag sa atin oh!" Makikisuyo yata magpa-picture. Tara?"
"Ha? Paanong nagkatao roon? Hindi ko napansing dumating sila."
She shrugged her shoulders. "D'yan ka muna, pupuntahan ko sila!"
----
Updated: April 20
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro