XV
We headed to Port of Ivana as early as six thirty in the morning. We rode on a jeep along with the other passengers who have the same reason of going to the port, which is going to Sabtang Island.
Nang dumating kami roon ay naabutan pa namin ang isang sasakyan na kaaalis lang. Wala kaming choice ni Shirley kundi ang hintayin ang kasunod na trip. Ayos lang naman dahil paniguradong hindi naman kami maiinip dahil nakalilibang pagmasdan ang paligid lalo na ang dagat na asul na asul ang kulay.
Mula roon ay natatanaw ko na ang isla ng Sabtang na may madidilim na ulap na unti-unting naghihiwalay para bigyang-daan ang sumisilip na araw.
Alas siyete y medya pa ang nakatakda naming pag-alis sakay ng susunod na faluwa, ang bangka na mas malaki sa tradisyonal na Ivana boat.
Umupo muna kami ni Shirley sa may seawall habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa baba ng sementadong seaside port.
"Tamang-tama lang itong pagpunta natin sa Sabtang. Hindi galit ang dagat. Hindi tayo mahihirapan sa pagbiyahe," saad ni Shirley.
I looked at the waves. I would have to agree with her. Nabigyan na rin kasi kami ng heads up ng locals na may pagkakataon talagang malalaki ang alon papuntang Sabtang. Kung hindi ka nga raw sanay e baka magulat ka pa.
"I want to experience the rough waves hitting the ferry boat. Sayang naman."
"Kung gusto mo ng rough waves na 'yan, try mo 'yong biyahe papuntang Itbayat. Para lang daw sa malalakas ang loob 'yon," she suggested.
Base sa nalalaman namin sa Itbayat, struggle daw kasi talaga ang pagsakay at pagbaba sa Chinapoliran Port, o Itbayat Port. We've seen videos of passengers landing on the port at talaga nga namang napakalaki at galit na galit ang mga alon. Para bang laging bumabagyo ang bawat paghampas noon kahit tirik naman ang araw.
Isa pa, magkamali ka lang ng tapak e malalaglag ka sa dagat. Kaya kakaunting turista lang ang nagtatangkang pumunta sa islang iyon.
"Anong mo? Natin," I corrected her.
Shirley violently shook her head. "Ayaw ko nga. Ayoko sa buwis-buhay na adventures. Baka mamatay ako nang hindi ko pa nakikita si daddy."
"Life-threatening adventure will always be a part of our lives, Shirley." Inayos ko ang pag-upo ko. "Remember, kaya nga nandito tayo sa Batanes e dahil ilang beses nating sinuong ang panganib makalayo lang sa zombies."
"Uy, ibang usapan naman na 'yun. Eh, mas gugustuhin ko pang bumalik sa Luzon at harapin ang zombies kaysa pumunta sa Itbayat."
"Talaga ba?" I gave her a challenging look.
"I'm just kidding," biglang bawi niya sa kaniyang sinabi. "Sige na nga, planuhin natin 'yang pagpunta sa Itbayat. Pero huwag na muna ngayon, ha? I'm not yet prepared!"
I chuckled. "Oo naman. Whenever you're ready, we can go there."
She gave me a soft smile.
•••
Parami na nang parami ang tao sa port. I wonder kung kakasya ba kami sa faluwa na parating. Siguro ay kaya naman.
"Nagugutom ako." Hinawakan ni Shirley ang kaniyang tiyan. Nagpalinga-linga siya, tila ba naghahanap ng mabibilhan ng pagkain.
"Sabi ko naman sa 'yo, kumain ka muna bago tayo umalis sa hometel, eh."
Tiningnan niya ako habang nakataas ang isang kilay. "Wow ha? Hindi ka pa nga rin kumakain, eh. It's a tie."
"Hindi naman ako nagugutom." Pagkasabi ko noon ay nag-alburuto ang sikmura ko.
Nagkatitigan kami ni Shirley sa loob ng dalawang segundo.
"Hindi pala gutom." We giggled when she said that.
Napatigil si Shirley at napaturo siya sa may likod ko. "Uy, sakto!"
Napatingin ako sa direksiyon ng kaniyang itinuturo. Si Aling Medina, ang kilalang maglalako ng almusal at meryenda rito sa Batan. Medyo ka-close na namin siya kasi lagi namin siyang nabibilhan. Masarap kasi siyang magluto. Hindi niya tinitipid ang mga sangkap.
Patakbo namin siyang nilapitan. "Aling Medina, may champorado po kayo?"
"Pasensiya na Mark, kauubos lang. May namakyaw na grupo ng nagba-basketball sa may plaza. Itong totong na lang 'yung natira at saka bibingka."
"Pabili po ng tatlong order ng totong," ani Shirley na panay ang buklat sa kalderong nasa basket ni Aling Medina.
Tatlo ang in-order niya. Isa sa akin at 'yung dalawa naman ay sa kaniya.
Shirley has her own money. Pinadalhan siya ng daddy niya at ipinadaan 'yun sa ATM ko. P50,000 din ang halaga kung iko-convert sa Philippine currency.
Ganito na talaga si Shirley. Matakaw pero sa pili lang na pagkain. Kapag nagustuhan niya e talagang magdadalawang order siya. Minsan tatlo pa. Kain lang siya nang kain pero hindi naman tumataba.
Napatigil siya sa pagsubo ng totong. "Oy, Mark! Tulala ka na naman sa 'kin!" Napamulat-pikit ako nang sabihin niya iyon. "Naku, kung nakabantay si Kian sa atin, nanlilisik na siguro ang mga mata no'n sa 'yo."
Umiling-iling lang ako. Sa tagal na naming magkasama ni Shirley, sanay na ako sa kaniya. Wala yatang araw na hindi niya nababanggit si Kian.
"Sus, ang lakas ng pananalig mo, ah? Magustuhan ka naman kaya ni Kian kung buhay pa siya?" Sumubo ako ng isang kutsara ng totong na medyo lumalamig na.
"Excuse me!" Kumain muna siya ng dalawang kutsarita ng totong bago itinuloy ang pagsasalita. "Gusto ni Kian ang brunette at blonde girls ayon sa special edition ng magazine na nabili ko. Brunette naman ako 'no? So there's a chance." She flipped her hair back n' forth to emphasize the color of her hair.
Tama nga naman. Kung tutuusin, baka kung nagkita sila ni Kian e baka ma-love at first sight 'yung kaibigan ko kay Shirley. Sa tagal na naming magkaibigan, alam ko na ang mga tipo ni Kian at pasok si Shirley sa standards nito.
"Ang lalim na naman ng takbo ng utak mo. Ano na naman ang iniisip mo?"
"Ikaw." Huli na nang mapagtanto kong nai-voice out ko pala iyon.
Napatigil si Shirley sa pagkain at halos mailuwa niya ang huling isinubo niya sa gulat. "A-Ano?"
"I mean, sabi ko, ikaw? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"
Mabagal na pinaglipat-lipat ni Shirley ang tingin sa mga mata ko. Mayamaya ay ipinukol niya ang mga mata niya sa dagat. "Hindi ko alam. Hindi naman ako mind reader."
Nanatili kaming tahimik sa mga susunod na pagkakataon. A little bit of awkwardness is there. I can feel that.
"Nandiyan na 'yong faluwa!" bulalas ng isang pasahero kaya napatingin na rin kami sa dagat.
Itinapon na namin ni Shirley 'yung paper cup ng totong na pinagkainan namin. 'Yung bibingka ay isinilid muna namin sa bag. Mamaya na namin kakainin.
Hinintay muna naming makababa ang mga pasaherong galing Sabtang pati ang maibaba ang cargoes sa bangka. Nang okay na ay binigyan naman kami ng life jacket na kulay orange for safety purposes.
Wala kaming kahirap-hirap na lumusong sa bangka. Pinaupo ko muna si Shirley then bumaba ulit ako para tumulong sa pagbubuhat ng ilang sako ng bigas at ng isang motorbike.
Nang mailagay na lahat ng cargo ay umalis na sa port ang bangka. Sinimulan na namin ang tatlumpung minutong biyahe papunta sa Sabtang Island.
Pagbaba namin ng Port of Sabtang ay tumambad sa amin ang hilera ng Tricy-cools. Ito 'yung tricycles na ang sidecar ay mayroong bubong na gawa sa cogon.
"Ang cute-cute!"
"Wait for me, Shirley!" Hinabol ko siya. Nauna na kasi siyang pumunta sa isa sa tricy-cools. Pumunta siya sa likod ng driver at umayos ng pag-upo roon nang patagilid.
I furrowed my eyebrows. "You can’t sit there. You’re wearing a dress." Pumunta ako sa harap niya pagkalagay ko ng mga gamit namin sa loob.
"Naks! Kalmahan mo lang, Mark. Baka ma-fall ako sa iyo niyan ha? Naku, sinasabi ko sa iyo," she teased me.
I was startled and seems like my tongue was disabled at that time. Kadalasan, sumasagot ako sa mga pambabara niya pero sa pagkakataong ito, para akong napipi.
I shook my head. "Hindi ka p'wede riyan." Without hesitation, I carried her like how a groom carries his newly-wedded wife.
"Uy, Mark!" She tapped my arms, trying to resist me. "Gusto ko sabi sa likod, eh. Ibalik mo ako roon."
I could hear laughter from the driver of our tricy-cool. Para bang aliw na aliw siya sa nakikita.
Agad akong sumakay sa tabi ni Shirley nang maiupo ko siya sa upuan kaya wala na siyang nagawa.
"Sa Savidug village po." I instructed the driver.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro