Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XIV.

She gulped and moved backward while returning a glance to me.

Bumalik ako sa kinauupuan ko at komportableng umupo.

"Shirley, crush mo ba ako?"

She was obviously taken aback after hearing my question. Shock was drawn on her face. Tila ba hindi siya naging handa sa aking katanungan.

She released a sigh and calmed herself. "Hind—"

"Really?" I leaned forward and put my arms on the table. "Kahit nakalagay talaga sa slumbook mo?"

Namuti ang kaniyang mukha pagkasabi ko noon. Para bang nakakita siya ng multo. Tatlong sunod-sunod na paglunok ang ginawa niya sabay marahas na umiling.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Nilaro-laro ang stirrer na nasa tasang walang laman. I calmly looked at her. "Remember, nasa honesty store tayo."

Bahagya niyang iniawang ang kaniyang bibig, tila ba nais depensahan ang sarili. Sa huli ay itinikom rin niya iyon sabay sandal muli sa kaniyang upuan.

"Fine." She brushed her hands together while throwing a glance at her right side. "Crush kita. Slight lang."

Sinulyapan niya ako. Sinuklian ko naman 'yun ng nakalolokong ngirit.

"Oh?"

"Oh, ano?" ganting tanong ko sa kaniya.

"Won't you ask why?" She pressed her hands to her cheeks.

I nodded once. "Why?"

"Kasi ikaw ’yong pinakaguwapong member ng Westlife para sa akin. Siguro 'yun lang talaga 'yung pinaka-reason." She threw her head back. "Pero sorry, si Kian pa rin talaga, eh."

I laughed a little. "Kung buhay pa si Kian, siguro rinding-rindi na rin 'yun sa pagbubukambibig mo ng pangalan niya." I stood up and faced the door. "Tara na, baka hinahanap na 'yung bike. Kagabi pa dapat 'yan naisauli."

I only got a roll eyes from her as a response.

•••

Three weeks quickly passed by and we still remain stuck here in Batanes. Lalo kaming nagiging komportable ni Shirley sa isa't isa.

Most of the time, we always do things together like doing the laundry, cleaning the unit, and cooking.

Palagi rin kaming magkasama lumabas. Hindi ko rin naman siya hinahayaang umalis mag-isa. We cannot guarantee our safety here, hangga’t hindi pa tuluyang natatapos ang outbreak.

Kapag naman parehas kaming tinatamad lumabas e pumupunta kami sa mga katabi naming unit para makipagkuwentuhan o 'di kaya naman ay mag-movie marathon.

Alam na nga pala nila na hindi talaga kami engaged ni Shirley. We were busted when some refugees recognized me as a member of Westlife. Gayunman, hinayaan pa rin nila kami na magkasama sa isang unit. Wala namang isyu sa kanila iyon.

Sometimes, I would sing Westlife songs in front of our co-refugees. Mayroon kasing gathering every Saturday night kung kailan may munting programa pagkatapos naming kumain ng dinner nang sama-sama.

Habang tumatagal kami sa Batanes ay lalong napapalapit ang loob ko sa lugar na ito. It feels like a part of me would still remain here even though I leave this.

Patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap kina Mom and Dad. I may say that talking to them is really therapeutical for me. Nakatutulong sila na labanan ko ang lungkot at pangungulila ko sa mga kaibigan ko. I also feel relieved na okay lang sila sa Ireland, na hindi nakarating sa kanila ang zombie outbreak.

Patuloy rin ang pakikipag-usap ni Shirley kay Edward. Masaya akong makita na lalong napapalapit silang mag-ama sa isa't isa. Hindi lingid sa akin kung gaano kasabik si Shirley na makasama na ang kaniyang biological dad.

Nag-usap na kaming dalawa na matapos lang ang pandemiyang ito ay isasama ko siya pabalik sa Ireland para tuluyan na silang magkita. I cannot write into words how excited she is as I have seen through her eyes.

•••

It’s another normal day for Shirley and I. Plano sana naming mag-picnic sa Vayang Rolling Hills ngayon pero hindi nakisama ang panahon. We both woke up early to prepare our packed lunches. 'Yun nga lang,  umambon noong paalis na kami kaya wala kaming choice kundi ang magkulong na lang dito sa bahay.

We are watching the Armageddon movie that is being streamed in a local tv station. Inilatag pa rin namin 'yong picnic blanket pati na rin 'yong mga pagkain sa lapag para kahit papaano ay tuloy pa rin ang plano namin kahit nasa loob kami ng bahay.

We were almost at the middle of the movie when a flash report interrupted the program.

Sinulyapan namin ni Shirley ang isa’t isa bago tumutok sa ibinabalita.

"Maximum Alert Level 10 na ang idineklara ng Malacañang na status ng buong bansa. Kaugnay pa rin ito ng pangmalawakang zombie outbreak na nagsimula tatlong linggo na ang nakalilipas.

Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy ang pinagmulan ng virus. Nakipagsanib-puwersa na ang pamahalaan sa United Nations para humingi ng tulong militar at posibleng bakuna para matapos ang pandemiyang ito.

Samantala, nanatiling sarado ang Clark International Airport at Ninoy Aquino International Airport para i-isolate ang buong Luzon.

Pinapayuhan ang lahat na manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang paglabas ng bahay. Mayroon nang nakatalagang militar na responsable sa pagbabahagi ng mga rasyong pagkain sa bawat kabahayan.

Ang kooperasyon ng bawat isa ay inaasahan upang hindi na madagdagan ang kaso ng apektado."

Tumayo si Shirley at kinuha ang remote. Hindi na niya pinatapos ang pagbabalita. Inilipat niya ang channel sa Cartoon Network.

"Nakaka-stress naman 'yung mga napapanood natin!" Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

Hinayaan ko lang siya. Sa pagkakataong iyon ay bumalik ang isip ko noong ikatlong araw namin dito sa Batanes. Hindi ko rin malilimutan ang araw na 'yun.

Sa araw na iyon ay sinubukan din naming manood ng balita.

"Tatlong bangkay ng sikat na miyembro ng bandang Westlife ang natagpuang nakahandusay sa stage ng Araneta. Ang mga labi nina Shane Filan, Kian Egan, at Nicky Byrne ay tuluyan nang sinunog pagkatuklas sa kanilang mga katawan upang hindi na kumalat pa ang virus na pinag-aaralan kung air-borne din ba.

Samantala, nakatakas naman ang natitirang miyembro ng Westlife na si Mark Feehily. Kasalukuyan siyang nakakubli sa Batanes."

Wala nang mas sasakit pa na makumpirmang wala na nga ang mga kaibigan ko. Nasaksihan ko man kung paano sila namatay pero nandoon pa rin ang kakaunting pag-asa na sana, magkaroon ng milagro at mabuhay pa rin sila.

Pero lahat ng pag-asang iyon ay naglahong parang bula dahil kinumpirma na ng balita na wala na ang mga kabanda ko. Patay na talaga sila.

Ikinuyom ko ang mga palad ko at nakaramdam ako ng hirap sa paghinga. Lumingon ako sa paligid at naghanap ng bagay na puwedeng paglabasan ng sama ng loob.

Ang una kong nakita ay ang pader. Walang habas ko iyong sinuntok. Hindi ko ininda ang dugong lumalabas mula sa aking mga kamao. Hindi ko rin inalintana ang sakit na dulot ng ginagawa ko. 

"Napakawalang kuwenta mo, Mark! Wala kang silbi! Hinayaan mo lang na mamatay ang mga kaibigan mo! Inutil ka!"

Susuntukin ko sanang muli ang pader nang may pumigil sa akin. Si Shirley.

"Mark, tama na!" Niyakap niya ako nang mahigpit na sinundan ng kaniyang mahihinang paghikbi.

Sa puntong iyon ay huminahon na ako pero nandoon pa rin ang galit sa sarili ko.

Iniangat ni Shirley ang mukha niya. Tumambad sa akin ang mga mata niyang pugto na sa kaiiyak.

"Naiintindihan kita, Mark. Magalit ka, sumigaw ka pero huwag sa paraang sasaktan mo ang sarili mo. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Huwag mong ibunton sa sarili mo ang lahat."

Ang nakakuyom kong mga palad ay unti-unting lumuwag. Gumanti ako ng yakap kay Shirley. Alam kong parehas kami ng nararamdaman dahil pareho kaming nawalan ng mahal sa buhay.

Hinayaan kong lukubin kami ng katahimikan habang niyayakap namin ang isa't isa. At that moment, I found peace. A different kind of peace that I never thought Shirley can give me.

"Huy!"

Bumalik ako sa reyalidad nang ipitik ni Shirley ang daliri niya sa eye level ko.

"Ano?" I irritatedly asked her.

"Ang sabi ko, pumunta naman tayo sa Sabtang bukas. Nalibot na natin itong Batan, eh."

"Sabtang? Sab—Oo ba!" My eyes delighted with joy when I realized what she is talking about. I’ve heard so much about Sabtang from the locals. Matagal ko na ring ninanais pumunta roon. Iyon nga lang ay hindi gano'n kadaling marating ang lugar na ’yon kasi kailangan pa naming sumakay sa bangka.

"Yuhoo!" She happily jumped out of her bed and walked to her closet. "Mag-iimpake na ako."

I also packed my things. Tomorrow will be another adventure.

•••

Author's notes:

To those who are asking what is Sabtang, Batan, and in the future, ma-e-encounter n’yo rin 'yung Itbayat. Ito 'yung tatlong isla sa Batanes.

Batanes Province has ten islands pero 'yang tatlo lang 'yung inhabitable o natitirhan ng tao. 😁😉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro