Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XI

Nang makabalik kami sa hometel ay doon iniyak nang iniyak ni Shirley ang lahat.

"S-Sorry, Mark, ha? S-Sinubukan ko namang tanggapin, eh. Pero ang hirap-hirap pala." Isinandal niya ang ulo sa dingding na sinasandigan ng kama niya.

"Never kong inisip na darating sa puntong maagang kukuhanin ang buhay ni Kian. Ni hindi ko pa siya nakikita nang malapitan. Ni hindi ko man lang nasabi sa kaniya harap-harapan kung gaano ko siya iniidolo. Na kung gaano kalaki ang impact niya sa buhay ko."

Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak. Sa totoo lang hirap din akong mag-isip ng comforting words sa kaniya. Anumang sandali ay pakiramdam ko e malapit na rin akong mag-breakdown.

Nang medyo kumalma na siya ay tinatagan ko ang loob ko. "Alam mo, Shirley, kung buhay lang si Kian, sobrang tuwang-tuwa 'yon sa iyo."

Napatigil siya sandali sa pag-iyak. Napatingin siya sa akin.

Umisog ako palapit sa kaniya. Kinuha ko ang mga kamay niya. "Close your eyes, Shirley."

Nagtataka man e sinunod na lang niya ako.

"Isipin mo, ako si Kian." Inihanda ko ang sarili ko at nagpakawala muna ng ilang malalim na paghinga. Ipinikit ko rin ang mga mata ko at inilagay ko ang sarili ko sa katayuan ni Kian.

"Shirley, you don't have an idea how it flutters our hearts everytime we found out that someone is supporting our passion and career. If we only have an opportunity, we could give a hug to each of the fans like who support us just to show our appreciation. We want you to know that we will be forever grateful, and you will always be a part of where we are today. Thank you for being a fan."

May gusto pa sana akong sabihin pero nagkaroon ng bara sa lalamunan ko kaya hindi ko na itinuloy.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Medyo napapitlag ako kasi nakanguso si Shirley, para bang naghihintay ng halik.

"Shirley?"

Napamulat siya agad nang tawagin ko ang pangalan niya. Tila ba nakaramdam ng hiya ay umiwas siya ng tingin.

"Bakit nakagano'n ka?" I pouted my lips to show her how she looks like earlier.

Kumuha siya ng kaunting buhok at nilaro-laro ang dulo no'n. "Eh, kasi sabi mo imagine-in kong si Kian ka."

"You're making me laugh, Shirley." I chuckled. Ang cute niya kasi.

Umusbong ang pamumula sa pisngi niya. I tried my best to control myself on teasing her. Sa loob-loob ko ay natatawa ako.

Akala ko e medyo napakalma ko na siya pero nagsisimula na namang bumalong ang kaniyang mga luha. She covered her face with her hands so that I couldn't see her tears rushing down her cheeks. She just kept on repeating Kian’s name.

•••

Kinumutan ko si Shirley nang makatulog siya dahil sa pag-iyak. Matagal din bago ko siya napatahan hanggang sa mapagod na siya.

Lumapit ako sa bedside table kung saan niya inilagay ang picture ni Kian na nasa frame. May nakasabit doong ilang pirasong kuwintas na may nakakabit na sariwang sampaguita. Mayroon ding nakasinding kandila sa dalawang tea light candle holders. Pag-alaala raw sa kaluluwa ni Kian.

Ilang segundo kong tinitigan ang larawan ng aking kaibigan. Para bang buhay na buhay siya roon.
"Bro, kung nasaan man kayo nina Nicky at Shane, sana masaya na kayo. Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para makabalik sa Ireland. Hindi ko hahayaang malimutan ng mga tao ang bandang binuo natin na minahal ninyo hanggang sa huling hininga n'yo."

Ilang minuto pa akong nanatili sa munting altar na ginawa ni Shirley. Mayamaya ay napagpasyahan ko ring matulog na.

•••

"Aw. Offline." Gano'n na lamang ang panghihinayang ko nang makitang may nakasulat na offline sa screen ng ATM.

Nandito kasi kami sa Landbank. Magwi-withdraw sana ako ng cash.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Shirley habang nakapamaywang. Mayamaya ay lumiwanag ang mukha niya. "Subukan natin sa PNB!"

We didn't waste any second. Nilakad na namin ang kinaroroonan ng machine.

Sabi kasi ni Aling Jessica e dalawa lang daw ang ATM dito sa Batanes. Malas na lang namin kung pati itong ikalawa ay offline din.

Isinalang ko ang card ko at in-enter ko ang PIN. Pigil ang aking hininga habang iniintay ko ang lalabas sa screen.

Enter the amount:

Inilagay ko ay P10,000.00

Lumawig ang pagngiti ko nang tumunog ang makina. Ibig sabihin ay successful ang pagdi-dispense ng pera.

Napapalatak kami parehas ni Shirley nang iniluwa ng ATM ang ilang lilibuhin. Binilang ko iyon at nang masigurong sakto ay isinuksok ko na iyon sa aking wallet.

"Ano ba ang gagawin mo sa pera?" Shirley curiously asked. "Sagot na ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan natin, hindi ba?"

"It would be best if I have a cash on hand. I've seen several souvenir shops here. I'll buy some stuff and bring it to Ireland."

Nang naliwanagan ay tumango-tango ang dalaga. "Sana all, may pera."

Kinuha niya mula sa kanang bulsa ng kaniyang jeans ang wallet niyang may design na panda. Inilabas niya ro'n ang apat na dadaanin.

•••

Pumunta kami sa isang shop kung saan puwedeng umarkila ng bike. Nang makapili ay tinahak na namin ang daan papuntang Vayang Rolling Hills.

Pagdating namin doon, halos sumayad ang panga ko sa lupa nang makita ang napakagandang tanawin.

Ang mga burol na natatakpan ng kulay berdeng damo na nagsisilbing pagkain ng mga pinapastol na baka at kalabaw ay nagpapaganda sa paligid.

Ang hangin na hindi mo alam kung kaibigan o kaaway na kung ako lang ay hindi kabigatan ay baka nadala na ako ng hangin. Sa dako roon ay nandoon ang Chadpidan Beach na mayroong asul na tubig na nag-aanyayang languyin namin.

"Uy, may beach. Gusto kong maligo!" parang bata si Shirley na nagpatalon-talon.

"Huwag muna ngayon. Marami pa namang araw para makapag-swimming tayo. At saka, wala tayong dalang pamalit. Hindi mo naman kasi sinabing papunta tayo sa may dagat."

"Kung sabagay." Hilaw na ngumiti si Shirley at noo'y umupo sa damuhan na katabi lang ng pinag-iwanan namin ng bisikleta. Ginaya ko rin ang ginawa niya. "Basta ba, babalik tayo rito, ha?"

I smiled a little. "Oo naman." I throw my glance at the waters on a distance. "Parang ang sarap maligo roon, eh."

"Sinabi mo pa," she answered.

Tahimik lang naming pinagmamasdan ang kaasulan ng karagatan. Tanging huni ng baka sa 'di kalayuan ang maririnig namin.

Hindi sinasadya'y napalingon ako kay Shirley. Para bang may magneto ang mga mata ko dahil hindi ko na iyon naialis doon.

Noon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng mukha niya.

Her dazzling hazel green eyes matches her well-trimmed pair of eyebrows. She also has a bumpy nose and pinkish natural lips that look perfect for her face.

"Alam kong maganda ako. 'Wag mo akong titigan." Napapikit ako nang takpan ng kamay niya ang mga mata ko. "Ma-inlove ka pa sa akin, eh."

"Assuming naman," pagtanggi ko. "Inoobserbahan lang kita. Para kasing hindi ka pure blooded na Pinay, eh. May lahi ka ba?"

"Well." Ini-extend niya ang dalawa niyang binti sa pababang slope ng burol. Itinukod naman niya ang dalawa niyang siko sa damuhan sa likod niya. "Briton daw kasi 'yung tunay kong tatay. Nakilala ni nanay sa trabaho noong nag-caregiver siya sa London twenty six years ago. Iniwan siya ng totoo kong tatay no'ng nalamang buntis siya. Ayun, walang nagawa si nanay kung hindi umuwi sa Pilipinas para palakihin akong mag-isa. Buti na nga lang nakilala niya si tatay na tinanggap siya nang buo at itinuring akong parang tunay na anak. Ni minsan hindi ko naramdamang hindi ko siya kadugo. Mahal na mahal ako noon."

"I see." Yun lang ang tangi kong nasabi. Hinihintay ko kung may sasabihin pa si Shirley kaya nagtanong ulit ako. "So there's still a chance na buhay pa ang tunay mong tatay?"

"Maybe yes. Maybe not." Huminga siya nang malalim. "Kung makikilala ko pa siya, thank you. Kung hindi na, wala na akong magagawa. Ipagpapasa-Diyos ko na lang."

"Alam mo ba ang pangalan niya?"

Isang tango ang nakuha kong tugon mula sa kaniya. "Actually, may picture niya ako." Kinuha niya ang wallet niyang panda mula sa bulsa at may dinukot mula roon. "Here."

Napataas ang dalawang kilay ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang larawan.

"Si Edward Riley Albert ito."

Napaawang ang bibig ni Shirley. Gulat ang rumehistro sa mukha niya. "P-Paano mo nalaman ang pangalan niya?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro